Max : Oh mahal salamat sa pag handa ng pagkain natin, pasensya kana dahil di ako nakapag asikaso
MC : Okay lang alam ko naman na napalaban ka, siya nga pala anong balak mo ngayon bakasyon?
Max : hindi ko pa alam mahal pero ikaw kung ano gusto mo baka may gusto ka puntahan?
“May pumasok nanaman sa isip ko na kalokohan”
MC : Nag text pala sakin si mama na baka kung pwede daw ay umuwi muna daw ako sa davao para asikasuhin yung lupa na bibilhin nila mga 1 week siguro ako mawawala non, alam ko naman na di ka pwede sumama dahil On-call ka kahit naka vacation leave ka.
Max : Okay lang naman kahit sumama ako sayo tsaka may iba naman akong katrabaho na kayang i-handle kung may problema na mangyari sa production.
MC : nako wag na uuwi naman ako agad kung sakali baka di din naman talaga 1 week ang itagal ko don
Max : sige ikaw bahala, kailan ba ang alis mo?
MC : Sa tuesday para sakto sa pag aani nila doon ang dating ko
“Nag hanap ako ng spycam na pwede i-access kahit wala ako sa bahay, may nakita akong alarm clock na may maliit na camera sa loob at iba pa na pwede kong i-install kahit saan man sulok ng bahay.”
Dumating ang araw ng aking pag alis.
Max : mahal mag iingat ka doon haa? Ikamusta mo nalang ako kila mama at papa
MC : Oo mahal balitaan mo din ako sa mga lakad mo haa? Hehe alam mo na yon
Max : nako parang wala akong gana sa mga ganon kapag alam kong nasa malayo ka pero sige kapag nasa mood ako
MC : osha paalam na akoy mauuna na
“Mabilis lang naman ang biyahe di ako masyado napagod, nag text na din ako kay max na nakarating na ako sa bahay.”
2 oras ang lumapas simula nung nag text ako ngunit wala padin siyang reply, baka nakatulog lang ito. Naalala ko yung ininstall ko na spycam sa bahay tiningnan ko siya sa lahat ng sulok ng bahay sa CR, kwarto namin sa sala at sa kusina ngunit wala ito. Halatang walang tao sa bahay siguro baka may pinuntahan ito ngunit wala naman siya nabanggit sakin na aalis siya.
8 PM nag text siya sa akin at tinanong kung kumain na ako at ang sagot ko naman ay oo.
MC : Anong ginagawa mo mahal?
Max : Nanonood lang ng T.V dto sa bahay medyo boring nga dahil wala ka. Miss na kita agad
Habang ka text ko siya ay nakatingin ako sa live video feed mula sa spycam.
Nakita ko na nag luluto siya ng pagkain ngunit ang ipinagtaka ko ay hindi lamang pang isang tao yung pagkain na inihanda niya. May dalawang plato sa lamesa namin at dun ko na siya itinext kung may gagawin ba siya ngayong gabi.
MC : Anong balak mo ngayong gabi mahal? Wala ka bang lakad
Max : Wala naman nag text sakin na gusto nila lumabas baka matulog na ako ng diretso pag tapos ko manood o pagtapos natin mag usap. Parang gusto ko lang kasi matulog buong linggo dahil parang pagod na pagod padin ako sa mga events na nangyari nung nakaraan linggo
“Nakakapagtaka lang na bakit inililihim niya sa akin na may bisita siya ngayon gabi. Sinabi ko nalang kunyari na matutulog na ako para makita ko na yung mga susunod na mangyayari sa bahay namin.”
MC : osha mahal kailangan ko na matulog dahil maaga pa kami aalis bukas, text nalang kita ulit.
Max : ha? Bakit na…