Ako si Maribel. Mabel sa aking pamilya at mga kaibigan. Mabel din sa aking dating mga amo na sina sir Raffy at ma’am Krissy.
Hay, si sir Raffy.
Naka-dalawang taon akong nagtrabaho kila sir at ma’am. Nakatira sila sa isang condo sa Taguig. Mababait silang mga tao. Hindi ako napagod maglingkod sa kanila. Wala kaming issue pagdating sa trabaho at sa sahod. Masaya ako doon at sa tingin ko rin ay masaya sila sa serbisyong binigay ko sa loob ng dalawang taon. Kung hindi lang siguro nangyari ang mga nangyari ay sana’y nandoon pa ako.
Bago ako magsimula sa aking kwento, magpapakilala ulit ako. Mabel, 27 years old. Galing Marinduque. Maliit lang ako, mga 5’0 siguro ang height. Medyo may pagka-chubby ang katawan. Medyo malaki ang hinaharap. Lumuwas ako papuntang Maynila noong ako’y 21 pa lamang. Nakitira muna sa pinsan ng mama ko bago nakuha ako bilang kasambahay nila sir Raffy at ma’am Krissy.
Malamig ang simoy ng hangin dito sa may dalampasigan. Pinikit ko ang aking mata at hinayaang malunod ang sarili sa iba’t ibang bagay na nagpaparamdam sa aking mga pandama.
Ang tunog ng mga alon na humahampas sa mga bato’t buhangin.
Ang amoy ng kaalatan ng dagat.
Ang yakap ng hangin na bumabalot sa katawan ko.
Nag-umpisa ako sa kanila bilang all-around na kasambahay. Taga-linis, taga-luto, taga-laba at plantsa. Walang anak sila sir at ma’am. Hindi kalakihan ang unit nila kaya madali ang trabaho. Mahilig magluto ang mag-asawa kaya hindi rin ako lagi nasa kusina. Hinuhugasan ko na lang ang mga ginamit sa pagluto at mga kinainan.
Tulad ng sinulat ko kanina, mabait silang dalawa. Nag-aaway din paminsan-minsan pero bihira lang. Si ma’am ay nagtratrabaho sa banko habang si sir ay may business kasama ang mga kaibigan niya. Nagbebenta sila ng mga plaka at mga CD, brand new at mga gamit na. Narinig ko minsa’y sabi ni sir kay ma’am na hilig talaga niya ang music kaya masaya siya na ito ang business niya.
3 bedroom ang unit nila at dahil wala naman silang anak, ang isang kwarto ay para sa akin at ang isa naman ay naging parang maliit ng warehouse ng mga plaka at CD. Dito din naka set up ang turntable at sound system ni sir. Halos gabi-gabi ay nandoon siya para magtesting ng mga nakukuhang stock at nagpapatugtog. Maganda ang taste ni sir sa music. Madami akong natututunan na mga kanta dahil sa kanya. Masaya ako kapag naririnig ko ang mga paborito kong kanta.
Naramdaman kong lumalakas ang hangin. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa langit. Kulay abo na ang mga ulap. Sabi sa balita ay may bagyong parating. Napangiti ako at sumandal lang sa kinauupuan ko. Pumikit muli ako.
“Hon, may grand launch ng credit card namin sa Marriott this Saturday. You want to drop by? I have a plus one naman.”
“Wait, this Saturday? As in on the 18th? I can’t. Dadating 3 balikbayan boxes delivery from Japan. Will need to sort them out para madala na sa store by Monday.”
“Awww. No problem, Hon. If you finish by Sunday morning, dinner na lang tayo sa BGC on Sunday evening.”
“Good idea. Bilisan ko na lang.”
Hindi ko sinasadya pero naririnig ako palagi ang usapan nila sir at ma’am. Tulad ng sabi ko, maliit lang ang unit nila. Habang naguus…