Ako At Si Sir Raffy Part I

Tahimik ang buhay dito sa probinsya. Malayo sa gulo at ingay ng Maynila. Malayo rin sa mga tukso at mga damdamin na hindi inaasahan.

Ako si Maribel. Mabel sa aking pamilya at mga kaibigan. Mabel din sa aking dating mga amo na sina sir Raffy at ma’am Krissy.

Hay, si sir Raffy.

Naka-dalawang taon akong nagtrabaho kila sir at ma’am. Nakatira sila sa isang condo sa Taguig. Mababait silang mga tao. Hindi ako napagod maglingkod sa kanila. Wala kaming issue pagdating sa trabaho at sa sahod. Masaya ako doon at sa tingin ko rin ay masaya sila sa serbisyong binigay ko sa loob ng dalawang taon. Kung hindi lang siguro nangyari ang mga nangyari ay sana’y nandoon pa ako.

Bago ako magsimula sa aking kwento, magpapakilala ulit ako. Mabel, 27 years old. Galing Marinduque. Maliit lang ako, mga 5’0 siguro ang height. Medyo may pagka-chubby ang katawan. Medyo malaki ang hinaharap. Lumuwas ako papuntang Maynila noong ako’y 21 pa lamang. Nakitira muna sa pinsan ng mama ko bago nakuha ako bilang kasambahay nila sir Raffy at ma’am Krissy.

Malamig ang simoy ng hangin dito sa may dalampasigan. Pinikit ko ang aking mata at hinayaang malunod ang sarili sa iba’t ibang bagay na nagpaparamdam sa aking mga pandama.

Ang tunog ng mga alon na humahampas sa mga bato’t buhangin.

Ang amoy ng kaalatan ng dagat.

Ang yakap ng hangin na bumabalot sa katawan ko.

Nag-umpisa ako sa kanila bilang all-around na kasambahay. Taga-linis, taga-luto, taga-laba at plantsa. Walang anak sila sir at ma’am. Hindi kalakihan ang unit nila kaya madali ang trabaho. Mahilig magluto ang mag-asawa kaya hindi rin ako lagi nasa kusina. Hinuhugasan ko na lang ang mga ginamit sa pagluto at mga kinainan.

Tulad ng sinulat ko kanina, mabait silang dalawa. Nag-aaway din paminsan-minsan pero bihira lang. Si ma’am ay nagtratrabaho sa banko habang si sir ay may business kasama ang mga kaibigan niya. Nagbebenta sila ng mga plaka at mga CD, brand new at mga gamit na. Narinig ko minsa’y sabi ni sir kay ma’am na hilig talaga niya ang music kaya masaya siya na ito ang business niya.

3 bedroom ang unit nila at dahil wala naman silang anak, ang isang kwarto ay para sa akin at ang isa naman ay naging parang maliit ng warehouse ng mga plaka at CD. Dito din naka set up ang turntable at sound system ni sir. Halos gabi-gabi ay nandoon siya para magtesting ng mga nakukuhang stock at nagpapatugtog. Maganda ang taste ni sir sa music. Madami akong natututunan na mga kanta dahil sa kanya. Masaya ako kapag naririnig ko ang mga paborito kong kanta.

Naramdaman kong lumalakas ang hangin. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa langit. Kulay abo na ang mga ulap. Sabi sa balita ay may bagyong parating. Napangiti ako at sumandal lang sa kinauupuan ko. Pumikit muli ako.

“Hon, may grand launch ng credit card namin sa Marriott this Saturday. You want to drop by? I have a plus one naman.”

“Wait, this Saturday? As in on the 18th? I can’t. Dadating 3 balikbayan boxes delivery from Japan. Will need to sort them out para madala na sa store by Monday.”

“Awww. No problem, Hon. If you finish by Sunday morning, dinner na lang tayo sa BGC on Sunday evening.”

“Good idea. Bilisan ko na lang.”

Hindi ko sinasadya pero naririnig ako palagi ang usapan nila sir at ma’am. Tulad ng sabi ko, maliit lang ang unit nila. Habang naguusap sila sa kainan, nasa may kusina lang ako, nahuhugas o nagliligpit ng mga pinaglutuan.

Dumating ang sabado. Maaga umalis si ma’am papunta sa Marriott. Si sir naman, buong umaga nasa telepono, fina-follow up ang delivery ng mga plaka. Male-late yata ang dating kaya medyo mainit ang ulo ni sir Raffy. Pagkatapos makipag-usap, lumabas siya sa balcony at nagyosi. Dahil tapos na siya mag-agahan at nahugasan ko na ang mga pinagkainan, nagpasya akong maligo.

Pumasok ako sa banyo at nagtanggal ng damit. Isa lang ang banyo sa unit kaya hinihintay kong matapos sila ma’am bago ko gamitin ito. Tinanggal ko ang ponytail ko at tumingin sa salamin saglit bago pumasok ng liguan. Binuksan ko ang shower at sinimulang maligo. Hindi ko naisara ang shower nang inumpisahan ko nang lagyan ng shampoo ang buhok ko. Wala pang ilang sandali nang marinig ko ang boses ni sir Raffy.

“Ay, sorry, Mabel! Di ko alam nandito ka. Sorry, sorry.”

Hindi na ako nakasagot sa gulat at narinig ko na lang sumara ang pintuan ng banyo. Imbes na mahiya ako, tila ay parang nakaramdam ako ng kakaiba. Di ko namalayan na dahan dahan ko nang hinahaplos ang puke ko. Di ko din namalayan na iniisip ko na kamay ni sir Raffy ang humahaplos sa akin.

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa mukha ko. Hindi pa ito malakas. Parang ulan lang na nadadala ng hangin. Tumaas ang balahibo ko sa lamig ng simoy na galing sa dagat. Napangiti ulit ako sa mga alaala ng nakaraan.

Sinara ko ang shower at piniga ang buhok ko. Sa labas ay naririnig ko si sir Raffy na may kausap. Naglagay ako ng lotion sa aking katawan at sinuot ang panty, shorts, bra at tshirt. Paglabas ko ay nakaupo si sir sa dining table. May kausap parin sya. Nakita niya ako at tinaas ang hintuturo, senyalis na maghintay muna ako.

“George, akala ko maaga darating yung boxes kasi yun ang nakalagay sa request ko… Eh ano pa magagawa ko? Sige, sige…. Thanks.”

Tumingin siya sa akin at nagkamot ng ulo. Namumula ang mukha.

“Mabel, sorry kanina. Akala ko kasi umakyat ka sa roofdeck para kunin mga nakasampay. Pasensya na.”

Hindi ko masasabing kagwapuhan si sir Raffy pero di naman din siya artistahin. Moreno. May konting balbas. May pagka chubby ng konti. Katamtaman ang tangkad. Pero ang mga mata niya. Oh, Diyos ko, ang mga mata niya. Kapag siya’y nakatingin sayo, akala mo matutunaw ka.

“Okay lang po, sir. Mali din naman ako kasi hindi ko na-lock.”

“Well, sa bagay, pero kahit na. Hehe. Anyway, papa-deliver na lang ako ng lunch mamaya kaya gawin mo na lang mga kailangan mo.”

“Okay po, sir. Akyat lang ako sa roofdeck po.”

Ngumiti si sir Raffy at naglakad papunta sa mga plaka niya. Wala pang ilang saglit, nakarinig ako ng tugtugin mula sa kwarto. Napangiti ako kasi pinatugtog ni sir ang paborito niyang plaka. Kabisado ko na ang mga lyrics sa dalas niyang patugtugin ito.

“The many sounds that meet our ears,
The sights our eyes behold
Will open up our merging hearts
And feed our empty souls.”

Tuloy tuloy na ang pagpatak ng ulan. Tumayo ako at nagpasya na pumunta sa kubo na ginawa ni papa ilang hakbang lang mula sa pwesto ko. Umupo ako sa banko at sumandal sa posteng kahoy. Pumikit muli ako at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin.

Hay, si sir Raffy.

ITUTULOY.