Ako Si Michaela (12)

The next day, I decided not to attend class. Ayoko munang makihalubilo sa mga tao. Inubos ko na lamang ang oras sa paghiga at pagtingin sa kisame.

Mag-aalas dos na nang bumaba ako sa dining area para kumain. Naabutan kong naglilinis si manang ngunit hindi ko na muna ito pinansin at dumiretso na.

Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng fresh milk at chips.

“Hindi ka ba kakain ng kanin? Mangangayayat ka niyan, anak,” wika ni manang habang pinupunasan ang kanyang mga kamay gamit ang towel.

“Busog pa po ako, manang.” Matipid na sagot ko.

Wala sa gana kong inubos ang buong bag ng chips at ininom nang daglian ang gatas. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay manang para bumalik na sa taas.

“Magsabi ka lang ‘pag may kailangan ka ha?”

Tumango na lamang ako at marahang ngumiti. Umakyat na nga ako nang tuluyan at dumiretso na sa aking kwarto.

Ibinagsak ko ang sariling katawan sa kama. Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga at sinubukang umidlip muna panandalian.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay madilim na ang kalangitan. Binuksan ko ang phone ko at nakitang nag-missed call pala si Mary. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito at sunod na binuksan ang account ko sa messenger.

Nangunguna sa listahan si Mario.

7 new messages.

In-open ko ito at binasa isa-isa ang kanyang mga mensahe.

Babe, sorry.

Ang tanga-tanga ko.

Tayo pa rin naman diba?

Babe reply ka naman oh.

Akin ka pa rin ba? Sa akin pa rin ba yang hiyas mo?

Babe sorry na.

Hihintayin kita sa liga sa sabado ha? I love you. Sorry na talaga babe.

Bakit siya nagso-sorry? Totoo bang mahal niya ako? Na hindi lang ako parausan sa tingin niya?

Nakaramdam ako ng awa kay Mario. Nabaling ko sa kanya masyado lahat ng frustrations ko.

Ngayon wala na akong masabihan ng mga problema. Si tito, miss na miss ko na rin siya.

Miss ko na rin yung pag-aalaga niya sa akin. Kailan ba siya babalik?

Hanggang kailan ako makakaramdam ng pangungulila?

Nagulat ako sa lakas ng sigaw na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Ang boses na iyon ay nagmumula kay dad.

Tinignan ko kung ano ang oras sa phone. 10:37pm.

Patuloy niyang hinahampas ng kamay ang aking pinto.

Bumangon na ako mula sa kama at naglakad na patungo sa pinto. Nang buksan ko ito ay isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa aking ama-amahan.

“Walang hiya ka, Michaela!”

Hinaplos ko ang namumula kong pisngi. Napatingin ako sa aking ama habang namumugto ang aking mga mata.

Ano’ng nangyayari?

Inaawat siya ng aming mga kasambahay. Bakas ang galit sa mga mata ni dad.

“Pagkatapos kitang patirahin at palamunin, maglalandi ka lang?!”

Napalunok ako sa narinig.

“D-Dad…”

Ipinakita niya sa akin ang kanyang cellphone.

Ito’y mga litrato ko… nang nakahubad. Teka…

Natatandaan ko ito.

Ito yung araw na hinayaan kong kuha…