Alab Ng Puso (Chapter 20)

NASINDAK. Hindi malaman kung paanong sagot ang aking sasabihin matapos magpakilala ang lalaki sa pinto. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Kaagad pumasok sa isip ko si Joyce.

Hindi pwedeng mangyari ito.

“Ba… bakit po?”

“Gusto lang po namin kayong imbitahin sa opisina. May ilang katanungan lang po kami tungkol sa pagkamatay ni Mr. Rogelio Madrigal.”

Si papa. Bakit ako tatanungin? Wala naman akong kinalaman dun.

Biglang nagsalita si Anthony. Nagtataka sa mga nangyayari.

“Teka sir, bakit biglang napasama ang asawa ko sa kailangan niyong tanungin? Are you saying na suspect ang asawa ko sa pagkamatay ng papa ko?”

Napangiti lamang ang lalaki sa sinabi ni Anthony.

“Hindi naman po. Although may record po ang ospital na dumalaw po ang misis niyo noong araw na namatay ang biktima.”

Napatingin bigla sa akin si Anthony. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata. Para akong matutuyuan ng laway habang unti unting sinasakal. Walang boses na lumalabas sa aking bibig.

“Totoo ba? Andun ka ng mamatay si papa?”

Umiling lamang ako. Nakaramdam ako bigla ng pananakit ng tiyan. Napatingin ako sa mga bisita. Lahat ng mga mata ay pinagmamasdan ako. Lalong lalo na ang ina ni Anthony. Nanlilisik ang mga mata.

“Mabuti pa po ay sumama na lang kayong mag-asawa sa opisina.”

“Sandali! Teka! Wala akong kasalanan!”

Nakipaghilahan ako sa mga lalaki. Kaagad tumulo ang aking luha. Unti unti akong binabalot ng hiya.

“Misis may mga itatanong lang naman kami sa’yo.”

“Sige na hon. Halika na. Pwede ba akong sumama sir?”

“Mas maigi nga sir na sumama na din kayo.”

***

ISANG LAMESA, ISANG UPUAN, AT APAT NA SULOK NG DINGDING. Nanatili akong nakaupo sa ilalim ng isang maliit na ilaw. Naghihintay ng mga susunod na mangyayari.

Nanginginig ang buo kong katawan. Pinagpapawisan ng malamig ang aking palad. Mas dumoble ang kaba ng pumihit ang seradura ng pinto at pumasok ang lalaking nagpakilala kanina sa aming bahay.

May dala itong isang maliit na monitor. Ipinatong kaagad nito ang hawak sa lamesa. Isinaksak sa pader at inilapag ang folder sa lamesa. Napapalunok ako ng malalim habang pinagmamasdan ang imbestigador sa bawat kilos nito.

“Misis, maari mo bang ikwento kung bakit ka nasa ospital ng araw na mamatay si Mr. Madrigal?”

“Dumalaw lang po. Tinignan ang lagay ni papa.”

“Bakit hindi mo ipinaalam sa asawa mo na dumalaw ka?”

“Ma… marami pong naganap ng araw na ‘yon. Nakalimutan ko na pong sabihin sa asawa ko.”

“Kahit ng malaman mong patay na ang byenan mo, hindi mo naalala na galing ka sa ospital para dumalaw?”

Tumingin lamang ako sa lalaki. Umiling at tumungo.

“Ano ang relasyon mo kay Miguel Alcantara at Rodrigo Briones?”

Napatingin akong bigla sa lalaki. Litong lito ang isip. Hindi maintindihan kung bakit nasama sa usapan sina Miguel at Rigor.

“Wala. Kaibigan. Ipinakilala lang sa akin sila ni Anthony.”

“Kaibigan lang ba talaga?”

“Oo nga kaibigan lang! Bakit ba ang kulit mo? Tsaka anong kaugnayan nito sa pagkamatay ni papa?”

Tumahimik ang lalaki. Pinagmasdan ako na tila sinusukat ang buo kong pagkatao. Nangininig ang buo kong kalamnan. Nagtindigan ang lahat ng balahibo. Ilang sandali pa ay nagsalitang muli ang lalaki.

“July 16, 2021. Natatandaan mo ba ang date na’to?”

Tumingin lamang ako sa lalaki at umiling. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata ng imbestigador.

“Araw iyan ng magpunta ang asawa mo sa HongKong. Kinabukasan ay nagpunta ka sa isang private resort sa Quezon kasama nina Miguel at Rigor. Tama o mali?”

Nagulat ako sa narinig sa lalaki. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig. Kaagad umikot ang aking paningin. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa aking kinauupuan.

Paanong nalaman nito ang pagpunta ko doon. Wala namang nakakaalam nun?

“Hindi ko alam ang sinasabi mo!”

“Hindi mo alam na dito sa resort inatake ang byenan mo? Hindi ba’t sina Miguel at Rigor ang nagdala sa kanya sa ospital ng Quezon bago siya inilipat dito sa Manila?”

“Hindi ko nga alam! Wala akong alam!”

“Ah talaga? Hindi mo alam?”

Tumaas ang boses ng lalaki sabay sindi sa monitor na nakapatong sa lamesa.

“Eh sino yan?”

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang footage ng cctv sa resort. Kitang kita ang pagpasok naming tatlo sa lobby. Nakaakbay pa sa akin si Miguel habang pasimpleng nilalamas ang kanan kong suso.

Nagsimulang pumatak ang aking luha. Nagpatuloy lamang ang video hanggang sa makita dito ang pagpasok naming tatlo sa iisang kwarto. Hinampas pa ni Rigor ang aking puwet habang papasok ng pinto.

Hindi ko na napigilang humagulgol ng lumabas sa video habang pinapagitnaan ako ng dalawang lalaki sa pool. Hubo’t hubad at magkasabay na kinakantot sa aking puke at puwet.

Hanggang sa makita sa footage ang pagdating ni papa. Sinalubong ito nina Miguel at Rigor kasama ang negrong kaibigan nito at dinala sa kwarto kung saan naghihintay ako sa loob ng isang malaking kahon.

Hanggang sa makita sa footage na buhat buhat nina Miguel at Rigor si papa habang inaatake sa puso. Nagmamadaling isinakay sa kotse at tuluyang lumabas ng resort.

Pinatay ng lalaki muli ang monitor matapos ipalabas ang footage ng cctv.

“Alam mo kung anong nasa isip ko? Pinatay mo ang byenan mo dahil nagising na ito sa kanyang coma at alam mong mabubuko ka na sa mga kalokohan mo. Hindi ba! Hindi ba!”

Ramdam ko ang bawat hangin na lumalabas sa ilong na lalaki sa lapit ng mukha nito sa akin habang tinatanong. Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Kaagad umakyat ang aking dugo sa utak. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magsalita.

“Oo inaamin ko! May relasyon kami ni Miguel! May nangyayari sa amin ni Miguel at Rigor! Pero hindi ko magagawang patayin si papa!”

Bumuhos ang luha mula sa aking mga mata. Para akong hinuhubaran sa harap ng maraming tao habang umaamin sa mga kasalanan sa isang taong hindi ko kilala. Tila lumulubog ako…