Alab Ng Puso (Chapter 8)

BINALOT NG TAKOT. Hindi ako makahinga matapos marinig ang sinabi ng aking kapatid.

“Ah… anong sinabi mo?”

“Natural sasabihin ko hindi. Wala ka namang sinasabi sakin. At tsaka ano yung sinasabi ni Kuya na may dadalin ka daw na package sakin na inorder ko daw at sayo ko ipinadala?”

“Wala yun. Sige ako ng bahala. Salamat. Huwag mo na intindihin.”

“Ate ano bang…”

Ibinaba ko na kaagad ang telepono. Ayoko ng madinig ang mga susunod na sasabihin pa ni Joyce. Para akong nalulunod sa sarili kong laway. Habang patuloy ang pag andar ng sasakyan ay tila lumulubog ako sa aking kinauupuan.

Hindi ko na alam kung anung dahilan ang sasabihin ko ngayon kay Anthony. Gulong gulo na ang aking isip.

Umamin na lang kaya ako?

Hindi pwede!

Jade mag-isip ka!

Makalipas lamang ang ilang sandali ay huminto ang kotse sa tapat ng aming bahay. Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Tumayo ako sa harapan ng gate. Sinisilip ang bahay. Patay ang lahat ng ilaw.

Dahan dahan kong binuksan ang gate. Naglikha ito ng kaunting ingay. Napangiwi ako sa tunog nito. Parang bumabaon ang aking paa sa semento sa bawat kong hakbang.

Unti unti kong pinihit ang seradura ng pinto. Pagpasok ko ng bahay ay biglang bumukas ang ilaw. Laking gulat ko ng tumambad sa aking harapan si Anthony na nakaupo sa sofa sa gilid ng pinto.

“Maupo ka Jade!”

Nanginginig akong sumunod sa utos ng aking asawa. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

“Saan ka nanggaling?”

Matatalim ang bawat bigkas ng salita ni Anthony. Tila nagpipigil ng galit. Na isang maling sagot ko lamang ay sasabog ito.

“Diyan lang.”

“Anong diyan lang!”

“Basta diyan lang. Nagisip isip!”

Pataas ng pataas ang tensyon ng aming usapan. Sinubukan kong pantayan ang kanyang boses. Nagpanggap na tila wala akong ginagawang masama.

“Sinabi sa akin ng kapatid mo na wala siyang inoorder na package. At lalong wala siyang kaalam alam na magkikita kayo. Tatanungin ulit kita Jade, saan ka nanggaling?!”

“Pagod ako Anthony. Pwede ba bukas na lang natin to pagusapan.”

Tumayo ako at naglakad patungo sa hagdan. Ngunit sa isang iglap ay biglang hinila ni Anthony ang aking braso at iniharap sa kanya.

“Magsabi ka sakin ng totoo Jade! May lalaki ka ano! Sagot!”

“Aray Anthony nasasaktan ako! Bitawan mo ako!”

“Putangina mo Jade magsabi ka! Nagpapakantot ka ba sa ibang lalaki? Sumagot ka!”

“Wala akong alam sa sinasabi mo! Nababaliw ka na!”

Nag-iinit na ang buo kong katawan sa takot. Ngunit kailangan kong panindigan ang mga sinasabi ko. Hindi kailangang malaman ni Anthony ang kasalanang ginawa ko. Hindi ko kakayaning masira ang aking pamilya.

“Patingin ng cellphone mo.”

“Bakit?”

“Akin na sabi!”

“Pwede ba Anthony. Tigil tigilan mo ako! Wala akong ginagawa! Sinabi ng nagpunta lang ako sa tabi tabi para makapag isip! Dahil naboboring na ako dito sa bahay! Wala ka ng panahon sa akin! Puro ka na lang trabaho!”

Nagpumiglas ako mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Anthony sa akin. Nabalot ako ng galit. Naisip kong may dahilan pala talaga ako kung bakit ko nagawa ko ito sa aking asawa. Siya ang lahat ng may kasalanan.

Nakipag hilahan si Anthony sa akin. Pinipilit na kunin ang dala kong bag. Hanggang sa makuha niya ang cellphone ko sa loob nito.

Hingal na hingal kaming dalawa. Habang hawak niya ito ay biglang tumunog ang cellphone. May text message na dumating. Tinignan ni Anthony ang telepono. Mabuti na lang at may lock ang screen nito.

“Sino tong nagtext sayo na number lang?”

“Malay ko. Akin na yan Anthony!”

“Anung malay mo? Tinatanong ka kung nakauwi ka na, tapos malay mo? Huwag mo akong gaguhin Jade!”

“Ewan ko! Baka na wrong send lang yan. Akin na yang cellphone ko!”

Mistulang bata ako na pilit inaagaw ang cellphone sa kamay ng aking asawa. Patuloy naman si Anthony sa pag wasiwas ng kanyang braso upang ilayo sa akin ang telepono.

“Sino to Jade! Umamin ka ng putangina mo ka! Dahil malalaman ko din ang totoo kahit hindi ka magsalita!”

“Ayun naman pala eh. Malalaman mo din naman pala eh. Bakit mo pa ako tatanungin! Eh di alamin mo kung meron! Akin na yan!”

“Ah ganun! Hindi ka talaga aamin?”

Blag!

Tila huminto ang aking mundo matapos ibato ni Anthony ang aking cellphone sa sahig gamit ang buo nitong lakas. Nagtilamsikan ang nabasag na salamin sa harapan ng aking cellphone. Hindi pa ito nakuntento at tinapakan pa nito ang aking telepono.

Tuluyan na akong umiyak. Napaupo na lamang ako sa sahig habang pinagmamasdan ang pagdurog ni Anthony sa aking cellphone. Dinukot pa nito ang sim ko sa sirang cellphone at binali sa aking harapan.

Walang ibang pumasok sa isip kundi si Miguel. Iniisip ko kung paano ko makokontak ito.

“Magmula ngayon hindi ka lalabas ng bahay na ito kung hindi mo kasama ang anak natin o ako! Maliwanag?!”

Hindi ko pinansin si Anthony. Tumalikod ako at umakyat patungo sa aming silid ng humahagulgol. Napakasama ng loob ko sa aking asawa. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

***

LUMIPAS ANG DALAWANG LINGGO. Masama pa din ang loob ko kay Anthony. Hindi pa din kami masyadong nag-uusap mag-asawa. Balik na naman ako sa miserable kong buhay. Araw araw ay iniisip ko si Miguel. Hindi ko maiwasang mag-alala kung anong tumatakbo sa kanyang isip ngayong bigla na lang akong hindi nagpaparamdam.

Kung alam lang niya.

Bumaba si Anthony. Tinignan ako habang naghahain ng almusal. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

“I miss you honey.”

“Kumain ka na. Baka ma-late ka.”

Biglang kinuha ni Anthony ang aking kamay. Tinitigan ang aking mga mata. At hinaplos ang aking pisngi. Umiwas naman ako ng tingin.

“Sorry na hon. Kalimutan na natin ang nangyari. Magsimula tayong muli.”

Hindi ako kumikibo. Pinakikinggan lang ang aking asawa habang patuloy sa pagsasalita.

“Na-realize ko na masyado akong naging abala sa work ko hon. Gustong gusto ko kasing ma-promote para mas lumaki ang kita ko. Para mas mabigyan ko kayo ng maginhawang buhay. Dahil deserve mo yun hon.”

“Hindi ko naman kailangan ng maginhawang buhay hon. Kaya kong magdildil ng asin kung kinakailangan. Ang kailangan ko eh ikaw!”

“Oo alam ko hon. Kaya nga babawi ako sayo. Uuwi ako ng maaga mamaya. Magpaganda ka ha!”

Bigla naman akong kinilig sa sinabi ng aking asawa. Nalimutan ko ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Miguel. Bumalik na muli ang dating Anthony na minahal ko. Masaya kaming nag-agahang pamilya. Hanggang sa umalis ng bahay at naiwan ng muli akong mag-isa.

***

ABALA SA GAWAING BAHAY. Nilinis ko ang buong bahay. Inayos ang kwarto naming mag-asawa. Pinaghahandaan ang espesyal na gabi namin. Ngunit ang lahat ng aking pagka abala ay naputol ng biglang may kumatok sa pinto.

Nagtaka ako kung paanong nakapasok ng gate ang taong kumakatok. Patuloy ang pagkatok nito habang papalapit ako sa pinto. Pagbukas ko nito ay tumambad sa akin si Miguel.

“Anung ginagawa mo dito?”

“Anung nangyari sayo Jade? Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? Alalang alala ako sayo!”

“Umalis…