All Is Fair 7


Disclaimer:

The story, all names and incidents portrayed in this series are fictitious. No identifications with actual persons (living or deceased), places, buildings, and products is intended or should be inferred.

Ang istorya, lahat ng pangalan at mga pangyayari na nilalarawan sa seryeng ito ay kathang-isip lamang. Walang pagkakakilanlan sa aktwal na mga tao (buhay o namayapa), mga lugar, mga gusali at mga produkto and sinadya o mahihinuha.

Personal note from the Author: (08/30/22)

Sorry! The story has been sitting in my drafts for almost a year (11 months to be exact). Sa mga naguguluhan kung bakit chapter 7 na ‘to hahaha medyo matagal na kasi. Pwede niyo naman balikan ‘yung mga naunang chapters to refresh your mind or catch up sa mga new readers. Also, don’t forget to read my “For Formality”. Thank you! Sorry sa matagal na paghihintay. Enjoy!

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

…CONTINUATION

Binaba ko na agad ang tawag. I’m already confused and calling me doesn’t change anything.

Humiga na ako at sinubukang matulog.

RIIINNNGG! RIIINNNGGG!

8AM, Sunday. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Si Aiden, si Ivan, ako at ang mga taong nakapaligid sa’min. Mga sanga-sangang tanong at kung ano-ano pang scenario. Hindi ako nasasabik sa dadaluhan namin mamayang gabi pero kailangan ko pa rin pumunta.

Hinawakan ko ang cellphone ko, tiningnan kong muli ang gallery ko. Mga pictures namin ni Aiden, mga lugar na magkasama kami. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya sa piling ko, ako man ay masaya rin. Pero hindi ko maamin sa sarili ko na may hinahanap akong iba na hindi ko makita sa nobyo ko. Kahit alam na alam kong sobra-sobra si Aiden pagdating sa’kin, hindi ko maipaliwanag pero hindi siya ang makakapuno ng pagkukulang na hinahanap ko.

Lagi kong inaalala ang mga unang araw namin ni Aiden. Hindi siya outgoing, hindi siya masyadong nagsasalita. He blended with the general crowd, but to me he stood out. Lalo ‘nung ngumiti siya sa’kin.

I brought him out of his shell [no APO hiking reference here], I pulled him out of his cave, I lured him out of his comfort zone… And he loved me in return, mas higit pa sa inaakala ko. Now here I am about to kick him off a cliff without him even knowing it.

With so much in mind, bumangon na ako. Tumayo ako, nagkukuskos ako ng mga mata ko habang naglalakad palapit sa pinto ng silid ko. Lumabas akong kwarto at bumaba na, naabutan ko sina Mama at Papa na nag-aayos ng hapag. Nag-mano ako sa kanila at tinulungan sila mag-ayos.

Papa Jess: “‘Nak, kumusta?”

Ako: “Okay naman po ‘Pa…”

Papa Jess: “Wala naman ‘Nak, kinukumusta lang kita… Sabi kasi ni Aiden baka pagkatapos ng kasal niyo dun ka na tumira sa kanya.”

Natigalgal ako saglit sa narinig ko.

Ako: “A-Ah… O-opo, ‘Pa. Pero baka matagal pa ‘yun… Hehe, hindi pa po kami sigurado eh.”

Mama Hilda: “Hah? Ang tagal niyo na, hindi ka pa sigurado?”

Papa Jess: “Oo nga ‘Nak, kung nagdadalawang-isip ka agahan mo nang pagsasabi para alam ni Aiden.”

Ako: “Mama, Papa… Hindi ako nagdadalawang-isip. Medyo naguguluhan lang ako sa schedule ng kasal.”

Mama Hilda: “Mas maaga, mas maganda…”

Papa Jess: “‘Nak, hindi naman sa kinakampihan namin si Aiden. Pero sa dami ng nanligaw sa’yo, siya lang naman ang desidido at matino na umaligid sa’yo.”

Ako: “Ano ba kayo? Kaming dalawa na bahala dun… Halina’t kumain na tayo…”

Umupo kaming tatlo sa hapag at nag-umpisa nang kumain.

Hindi ko lang masabi sa kanila na hindi lang problema sa schedule ang iniisip ko.

Hindi na rin ako sigurado kung mahal ko ba si Aiden.

Nagpatuloy kami sa pagkain, habang nalipad ng malayo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Aiden, aamin na ba ako o itatago ko pa rin? Either way, malakas ang kutob ko hindi ako tutuloy sa kasal.

Natapos kami sa pagkain, lutang pa rin ako habang nakaupo sa hapag. Kinuha ni mama ang plato sa harap ko habang nakatulala ako sa kawalan. Hindi ko napansin na kinuha niya na pala at nagliligpit na sila. Nagulat na lang ako nang malaglag ang kutsara sa sahig. Tumingin ako kay Papa, nagkatitigan kami…

Papa Jess: “Gumayak ka na at may lakad yata kayo ni Aiden mamaya…”

Ako: “Ahh oo nga po pala… Sige po.”

Tumayo ako at pumunta sa banyo, sinara ko ang pinto ang nag-lock sa loob. Binuksan ko ang shower at umupo sa saradong toilet bowl. Sinalo ng mga palad ko ang mukha ko, pumikit ako at umiyak lang sa banyo. Hindi ko kayang sabihin kay Aiden, hindi ko kayang saktan siya…

Matapos ang ilang minuto ay tumayo na ako at naghubad, pumasok ako sa shower area at naligo. Humalo sa maligamgam na tubig ang mga luha ko sa pisngi. Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na tubig sa aking balat, parang yakap ni Aiden. Pumikit lang ako habang nakatapat ang mukha ko sa shower.

Matapos kong maligo ay lumabas ako na nakatapis, umakyat ako sa silid ko. Sinarado ko ang pinto, naglakad ako papuntang drawer. Kumuha ako ng panty at strapless na bra. Katamtaman lang naman ang laki ng aking dibdib kaya ayos lang na strapless ang isuot ko, sinuot ko ang panty at sinunod ko ang bra. Lumingon ako sa sulok at nakita ko ang nakabalot pang damit na binili namin ni Aiden.

Inalis ko ang puting balot ng bagong bili na damit. Tumambad sa’kin ang isang navy blue, knee-high Sunday dress. Hinawakan ko ang manggas ng damit at dinikit sa harapan ko, humarap ako sa salamin at tiningnang maigi ang repleksyon ko. Bagay na bagay sa’kin ang piniling damit ni Aiden.

Agad kong sinuot ang damit at dali-daling bumalik sa harap ng salamin. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang sarili ko. Nagmadali akong humarap sa dresser ko, naglagay lang ako ng manipis na kolorete sa mukha ko. Eyeliners, pang-kilay at pulang lipstick. I’m all done. I got up and got out of the room. Nang makababa ako ay narinig ko na ang sasakyan ni Aiden sa labas ng gate namin, dali-dali akong lumabas para salubungin siya.

Lumabas siya sa driver’s side na nakangiti. Nalunod na naman akong muli sa ngiti ni Aiden, it was so pure.

Sumunod na lumabas mula sa likod ng sasakyan ay si Steven. Medyo nasurpresa pa ako.

Ako: “Wh-what?! Bakit nandito ka?”

Nagtaas lang siya ng dalawang kamay at nagkibit-balikat. Si Aiden naman ay tumawa lang.

Aiden: “Sinama ko na dito, kinakabahan sa proposal plan niya mamaya eh.”

Ako: “Wow… Ang swerte naman ni Finn!”

Steven: “Para akong ikakasal… Eh magpopropose pa lang naman ako.”

Ako: “‘Wag kang kabahan… Yes or No lang naman isasagot ni Finn, 50-50 ang chances of winning mo.”

Steven: “That is not helping. Lalo akong kinakabahan.”

Nagtawanan kaming tatlo. Ilang saglit pa’y pinapasok ko na sila sa loob.

The three of us ended up talking about the proposal. Binigyan namin ng pep talk si Steven. Pinakita niya ‘yung singsing na balak niya ibigay kay Finn, it was a minimalistic-type of engagement ring. White gold with 4-7 medium sized diamond studs. Napangiti ako nang makita ko ang singsing, it felt like I was getting proposed to kahit dahil friend ko si Finn.

Ako: “Wow! Hindi ka nagtipid ah.”

Steven: “Hahaha, actually medyo mura ‘to kumpara sa singsing na binigay ni Aiden. Gusto ko sanang yabangan ‘to eh…”

Sabay turo kay Aiden na nakangiti. Si Aiden naman ay parang nasamid pa habang umiinom ng juice nang ituro ni Steven.

Aiden: “Ah-ehem-ehem… Bunga ng bonuses natin ‘yun, yearend bonus, incentive bonus at kung ano-ano pa… “

Steven: “Ah shit, kinakabahan ako.”

Ako: “Bakit ka ba kinakabahan? Hahaha, “yes” isasagot nun.”

Aiden: “Eh pare, what if–if ever lang ha… What if lumuhod ka na–“

Steven: “–Ahh hahaha, putang ina mo hahaha lalo mo akong pinapakaba!”

Aiden: “–Hindi pre! Hahaha, just listen. If ever she says no… ililigtas ka namin sa kahihiyan.”

Steven: “Ano’ng gagawin niyo?”

Aiden: “Hahatakin na kita agad tapos alis na tayo hahaha!”

Ako: “Oo nga, tapos later that night kidnappin namin si Finn hahahaha iwan namin sa damuhan.”

Steven: “Mga siraulo! Think positive nga!”

Aiden: “Masyadong kang kabado, she’ll say yes. Ipupusta ko sasakyan ko if she says no.”

Steven: “Talaga?”

Ako: “Aba, gusto pa yata mag-No si Finn, i-chat ko na ba?”

Steven: “Hindi ah! Siraulo talaga kayong mag-syota.”

Tumayo si Steven para kumuha ng juice sa kusina, nagtinginan kami ni Aiden at nagtawanan.

Nararamdaman kong napupuno ng pagmamahal ang puso tuwing nakikita kong nakangiti si Aiden. His smile was all I ever wanted. Lumapit siya at tumabi sa’kin sa sofa. Marahan siyang humalik sa pisngi ko, inayos niya ang buhok ko at sinukbit sa likod ng aking tenga.

Aiden: “You look gorgeous.”

Ako: “… thanks, Moi.”

Aiden: “I love you.”

Bago pa man ako magsalita ay bumalik na si Steven.

Steven: “Hoy hoy hoy! Ang lalandi niyo ah! Hindi kayo ang star of the night ngayon. Tulungan niyo muna ako mag-propose.”

Nag-usap pa ulit kaming tatlo. Kumain kami ng konti for lunch, then around 2:30PM naghanda na kaming umalis. Nauna na lumabas si Steven para maghintay sa sasakyan. Kami naman ni Aiden ay pumunta sa kusina para magpaalam kay mama at papa. Naramdaman kong kinapa ni Aiden ang kamay ko para hawakan, tumingin lang ako sa kanya na sinuklian niya ng ngiti.

Aiden: “Ma! Pa! Thank you po. Alis na po kami, ihatid ko na lang po si Quincy pauwi mamayang gabi.”

Papa Jess: “Ah! Sige anak. Mag-iingat kayo.”

Nagmano kami at umalis na. Paglabas namin sa gate ay naabutan namin si Steven na nakakunot ang noo at natutok ang cellphone sa mukha. Lumingon siya samin at ngumiti.

Steven: “Bilisan natin, papunta na raw sila.”

So we all hopped inside the car, pinaandar na ni Aiden ang sasakyan. Hindi pa man kami nakakalayo ay tumunog ang speakers ng sasakyan, nag-connect ang bluetooth sa cellphone ng nobyo ko. Agad na tumugtog ang mga paborito naming kanta. Paminsan-minsan sinasabayan naming dalawa. Si Steven naman ay parang naiilang o naninibago sa’ming dalawa. Hanggang sa umabot kami sa paborito kong kanta… Mahinang Lo-Fi Chill songs ni Khalid.

Love to see you shine in the night like a diamond you are…
I’m good on the side, it’s alright… Just hold me in the dark…

Sinuot ko ang shades na nasa glove box ng sasakyan, napaka-chill ng biyahe namin. Mabilis lang kaming nakarating sa venue makalipas ang ilan pang kanta, sa isang events place along Tomas Morato ang venue. Binaba namin sa harap ng venue si Steven habang naiwan ako sa sasakyan kasama si Aiden. Dahil sa dami ng guests ay nahirapan kami maghanap ng parking space. Sa medyo malayong spot kami nakapaghanap ng parking, bumaba kami ng sasakyan at tumawid ng kalsada. Nakahawak pa rin si Aiden sa kamay ko.

Pagdating namin sa loob ay lumapit agad kami sa receptionist at tiningnan ang aming mga pangalan. Nakapasok agad kami sa loob pag-abot ni Aiden ng kanyang company ID. Pagbukas ng pinto ay bumulaga agad sa’min ang malaking bulwagan na puno ng mga nakaayos na upuan at mesa. Mga waiters na pabalik-balik sa mga panauhin at mga taong nag-uusap sa kani-kanilang mga mesa. Humana kami ng mauupuan ni Aiden, sa bandang kanan na bahagi kami ng bulwagan nakakita ng bakanteng mesa na para sa apat na tao. Pag-upo pa lang namin ay may lumapt agad na waiter sa’min para ayusin ang mga utensils sa mesa. Nalagay ng kubyertos at tubig at hiningi na agad ang aming gustong kainin. Tumanggi muna kami ni Aiden dahil maaga pa at hindi pa rin nagsisimula ang program.

Ilang saglit pa ay dumating na si Steven at umupo sa mesa namin, kasama niya si Finn. Naka-black, mid-length sundress. Litaw ang likod ni Finn sa suot niya, halata ang kurba ng kanyang katawan at ang katamtamang tambok ng kanyang pwet. Nakaupo na kaming apat sa mesa at tila ba nag-uusap ang mga mata ng dalawang lalaki. Alam kong nag-aasaran sila sa tingin. Kaya umepal na ako…

Ako: “Wow, Finn… Ang ganda mo naman, ang swerte naman ni Steven.”

Finn: “Thank you, Quincy… See, Steven? Swerte ka talaga sa’kin eh.”

Steven: “Oo na lang.”

Finn: “Pogi ka? Hahaha joke lang. Baka mapikon ka.”

Ilang saglit pa ay biglang tumugtog ang mga speakers at may kumatok sa microphone na tila ba tinetesting ito.

Emcee: “Alriiiggghhhttt! Maganda hapon sa inyong lahat. Welcome sa victory party ng company! Hintayin lang po natin ang ating mga boss noh, so we can start the program. You can eat habang naghihintay, pwede po kayong tumambay sa ating mini-bar sa left side ng hall and remember… drink responsibly!”

Nag-usap kaming apat tungkol sa buhay-buhay namin. Lumipas pa ang ilang minuto, nagdatingan ang mga boss ng kompanya ni Aiden at Steven. Nagtayuan kami at saglit na pumalakpak. Muling tumunog ang speakers…

Emcee: “Guys, guys. Start na tayo ng program natin. Before that, I want all your undivided attention, let us pray…”

And pray, we did. Nagdasal kami.

Humawak si Aiden sa kamay ko habang nagdadasal kami. I felt a sharp pain run through my body. Humigpit nang bahagya ang kapit niya sa kamay ko, ramdam ko na parang pumipilipit ang puso ko. Natapos ang maikling dasal para umpisahan ang programa, pakiramdam ko sorbrang tagal ng bawat sandali na ‘yun.

Naupo kami matapos ang dasal, nahuli kong nakatingin sa’kin si Aiden. Nakahawak pa rin sa kamay ko, nakangiti siya na parang gandang-ganda sa’kin.

Ako: “Bakit?”

Aiden: “Wala lang.”

Naiwan sa isip ko ang imahe ni Aiden na nakatitig sa’kin at nakangiti buong program.

Nagkaroon ng mini-games. Bring your jowa, nakasali kami. Binuhat ako ni Aiden at sinubukan niyang magbalanse sa lumiliit na apakan (Manila paper), natalo kami ni Aiden kung kailan dalawang couples na lang. Meron ding laro na guess your partner, naka-blind fold kaming mga babae habang isa-isa naming hinahawakan ang mga kamay ng guys para alamin kung sino ang boyfriend namin. Dito, panalo kami ni Aiden. Kahit ilang round pa ang tinagal ng laro… Kabisado ko ang haplos ng nobyo ko. Ilang mga mini-games pa ang kinagiliwan ng panauhin bago tumuloy sa kainan at sayawan ang party.

Kumain kami at muling nagkwentuhan sa aming mesa. Lumipas ang ilang saglit pa’y inumpisahan na namin ang plano namin. Tumayo ako at inabot ni Aiden sa’kin ang isang panyo para lagyan ng piring ang mga mata ni Finn.

Finn: “… Oh bakit?”

Aiden: “Uhhmm, Finn… May surprise lang si Steven.”

Ako: “You need to wear this bago mo malaman kung ano ‘yun.”

Marahan kong nilapat sa mga mata ni Finn ang piring at tinali, pinatayo namin siya. Nagtitinginan ang mga tao sa’min habang hawak namin ni Aiden ang magkabila niyang kamay. Wala kaming balak na sirain ang party nila kaya napag-isipan namin na sa underground parking gawin ang pagpo-propose ni Steven. Marahan naming ginabayan ang bawat hakbang ni Finn papunta sa elevator hanggang sa makababa kami sa UG parking lot kung saan kabadong naghihintay si Steven. Natanaw niya na kami habang dahan-dahan naming nilalapit ang kanyang nobya sa kanya… Nang makalapit kami sa kanya ay bumitaw kami, nagsalita si Steven na para bang nabubulol pa. Tinanggal naman ni Finn ang piring sa kanyang mata at tumambad sa harapan niya ang kabado, nanginginig at nakaluhod niyang nobyo.

Steven: “H-Hi, Finn. Errhhmm… I love you, alam mo naman kung gaano kita kamahal. Uhhmm… Ikaw ang bestfriend ko, ikaw ang one happy brain cell na pilit akong pinapasaya. And for that, I thank you from the bottom of my heart… Tingin ko–tingin ko talaga tinadhana ako para sa’yo… Sa dami ng manliligaw mo, ako lang ang nakapikot sa’yo…”

Bahagya kaming nagtawanan sa speech ni Steven… Pero nagpatuloy siya sa pagsasalita habang nakangiti at kinakabahan.

Steven: “… Please ‘wag mo su-subukang tumanggi, hindi maganda ang sasapitin mo…”

Muli kaming nagsitawanan sa banta ni Steven.

Steven: “… Kidding aside… Hindi ko maisip ang bukas nang wala ka, sa totoo lang hindi ko nga alam ang gagawin ko kung hindi kita nakilala. You make me the happiest man in the world. Will you marry me?”

Saglit na pumaling ang titig namin kay Finn na nangingilid ang luha habang nakatakip ang mga kamay sa bibig, tila hindi pa rin siya makapaniwala na magpo-propose sa kanya si Steven. Dahan-dahang tumango si Finn habang nakatakip sa bibig niya ang kanyang mga kamay. Binaba niya ang kaliwa niyang kamay at binigay kay Steven, inabot naman ng nobyo niya ang kamay niya at dahan-dahang sinuot sa palasingsingan ang engagement ring. Nang masuot na ito ng maayos ni Steven, nagtagpo ang kanilang mga mata. Pareho silang ngumiti, lumapit sa bawat isa at marahang naghalikan.

Habang kami naman ni Aiden ay tuwang-tuwa sa nasaksihan namin, sumagi sa isip ko na ganito din kami ‘nung nag-propose siya sa’kin. Nag-uumapaw na kaligayahan. Halos buong buhay ko na kasama si Aiden ay nag-flash back sa’kin. Ngayon problemado na ako kung ano’ng meron kami, parang kailan lang.

Ako: “Congrats, guys.”

Steven: “Yeah, salamat sa inyong dalawa.”

Aiden: “Wala ‘yun. Maliit na bagay pre.”

Ako: “Soo.. Kailan ang kasal?”

Steven: “Ah wala pa… Pag-iisipan pa siguro namin. Pero most probably–“

Finn: “–a year from now.”

Steven: “Gusto mo ‘yun? One year from now?”

Finn: “Why not? Okay naman na lahat. Isa pa, these two are getting married na rn ‘di ba?”

Aiden: “Kami ni Quincy? Ahh hahaha, we’ve been thinking about it.”

Ako: “Ye-yeah, it’s in the works already,”

Sumang-ayon na lang ako kahit medyo labag sa kalooban ko na pag-usapa kung kailan ba kami ikakasal ni Aiden. What I trully wanted was to call it off, I wanted to think about it. Dahil hindi na ako sigurado sa sarili ko. Hindi ako sigurado kung mahal ko pa ba sa Aiden. Hindi na ako sigurado kung karapat-dapat pa ba ako para sa kanya. It’s either I push through with the wedding and go about the fake life I have or wait until this whole thing blows up at malaman ng lahat kung ano’ng ginagawa ko.

Steven’s proposal went smoothly, after that umakyat na ulit kami sa event. Nauna kaming umakyat ni Aiden sa event floor, sumunod sa’min sina Steven and Finn. On-going pa rin ang program, malamang tapos na ‘yung speech ng mga boss at side games. Humawak si Aiden sa kamay ko at marahan akong hinila papunta mini-bar.

Aiden: “Gusto mo ng drinks?”

Ako: “Yeah. Hmmm… Ano’ng sa’yo?”

Aiden: “Something with no alcohol. Magmamaneho ako mamaya eh, ihahatid kita. Ikaw? Kahit alak ‘yung sa’yo, okay lang.”

Ako: “Hmm, maybe tequillas. Four.”

Aiden: “Apat? Sigurado ka?”

Ako: “Yeah, you’re the driver ‘di ba?”

Aiden: “Yep… And I will drive you home. Control your liquor ha.”

Ako: “Yes, Moi.”

I ordered four shots of tequilla. Nagulat siguro si Aiden dahil tequilla agad ang inorder ko. To be frank, gusto ko lang malasing. I just want my problems to go away kahit saglit lang.

Tumalikod si Aiden sa’kin para kunin ang inorder ko sa mini-bar, he handed me the first two shots tapos naglakad na kami pabalik sa table naming apat nila Steven, Aiden at Finn. Nilapag namin ang drinks sa table, nanlaki ang mga mata ni Steven at Finn sa mga alak.

Steven: “Quincy, the night is young. Tequila agad titirahin mo.”

Finn: “You can set those aside, we ordered a large pitcher of soft, alcoholic punchers.”

Ako: “Nahh… I can handle it, sabayan ko kayo while drinking this…”

Nagkatingin si Steven at Aiden, tumaas ng bahagya ang kilay ni Steven. Kibit-balikat lamang ang sinagot ng nobyo ko sa kanya.

Aiden: “I don’t know…”

I downed the first tequila I touched, gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na alak. Dumampi ang kamay ni Aiden sa hita ko at marahan itong pinisil, senyales na magdahan-dahan ako sa pag-inom. Hindi ko siya inintindi, humawak ulit ako sa isa pang shot glass ng tequila. Inangat ko ito at nilagok. Nagkakatinginan silang tatlo sa ginagawa ko, medyo awkward ang atmosphere pero why should I care? For now, wala akong pakialam sa paligid ko.

Ilang saglit pa’y dumating ang inorder ng newly-engaged couple, naglapag ng apat na baso ang waiter sa mesa namin. Kasunod nito ang paglapag ng malaking bariles na may dispenser. Kulay juice, amoy juice pero hindi juice. Wala pang ilang segundo ay hinawakan ko agad ang baso sa harap ko at nilapit sa dispenser. Habang busy sila sa pagkilatis sa alak na nasa harapan namin, pinupuno ko naman ang baso ko. Malapit na umabot sa hangganan ang alak sa loob ng aking baso kaya tinigil ko na, agad kong dinikit ang labi ng baso sa mukha ko. Lumapat ang gilid ng baso sa mga labi ko, dumaloy ang malamig na inumin sa bibig ko.

Nalalasahan ko ang alak at iba’t ibang juice sa bibig ko. Definitely a mix of soju, gin and other liquors heavily masked with juice para hindi malasahan ang alcohol. I downed a tall glass of liquor. Kakalapag ko pa lang ng baso, dumako agad ang kamay ko sa isa pang shot ng tequila… Here comes another shot!

PAKK!

Malakas kong ibinaba ang shot glass ng tequila sa mesa namin.

Ako: “Shhh… Ahh! God! It feels soooo good! Ang tagal ko nang walang inom.”

Humawak si Finn sa kaliwang balikat ko, she had this concerned face pero nakangiti. Nakita ko ang labi niyang pabukas at may sasabihin…

Ako: “I’m fine… Nothing to worry about.”

Finn: “… Okay, sabi mo eh.”

Aiden: “Moi… hinay-hinay sa alak.”

Ako: “Bakit ako? Ikaw ang driver ‘di ba?”

Nakita kong umikot ang mata ni Finn habang kumukuha ng alak sa tower dispenser. Tumingin naman ako kay Aiden, hinawakan niya ang kamay ko.

Ako: “I’m fine, Moi. Ngayon lang kasi ulit nakainom.”

Aiden: “Alright.”

Dahan-dahang lumalim ang gabi. The party got wilder. From 8PM to 11:30PM, dumami ang alak. May mga umalis at may mga dumating na grupo. Almost everyone had liquor in their system, may mga malalakas ang usapan, nagtatawanan sa ibang table at at mga sumasayaw sa dance floor. It was a fun night. Kahit ako, medyo pinagpapawisan na ako. Nakarami na ng alak ang table namin, si Steven at Finn ay magkatabi na ang upuan at panay ang selfies habang nagtatawanan.

Humawak ako sa kamay ng nobyo ko, tumayo ako at hinatak siya papuntang mini-bar.

Ako: “Uhhhmmm… two shots of gin? Rum with no ice and three tequilas.”

Aiden: “Ano’ng ginagawa mo? Ang dami nang inorder mo?”

Ako: “Tsk… ‘wag ka muna makulit, Moi. I’m enjoying the night.”

Aiden: “Okay, no more.”

Humarap siya sa mini-bar para sabihin sa bartender na i-cancel na ang mga inorder ko. Hinawakan niya ang mahigpit sa braso at hinatak ako palayo sa mini-bar… Pabalik na kami sa mesa namin. Habang hatak-hatak ako ni Aiden, may nadaanan kaming waiter na magse-serve sana ng beer. Hinablot ko ang beer mug mula sa tray ng waiter at nilaklak ko agad habang kinakaladkad ako ng nobyo ko. Nilingon ako ni Aiden habang naglalakad kami, tumigil siya at hinawakan ang beer mug na iniinom ko. Nagpwersahan kami sa mug, malapit ko na maubos eh. Halos bula na lang ang nasa mug nang ibigay ko na sa kanya.

Natapon ang kakaunting beer na natitira sa lalagyan. Kasunod nito ang paglagapak ng beer mug sa sahig na dahilan ng pagkakabasag nito.

Ako: “Oh… Ayan tuloy.”

Nagtinginan sa’min ang mga tao. Lumapit agad sa’min ang isang waiter para linisin ang kalat ng nabasag na mug.

Aiden: “Tara na!”

Ako: “Boooo! Ang panget mo kasama sa mga events.”

Binaba niya ang pagkakahawak niya sa’kin, humawak siya sa kamay ko. Ramdam ko ang pagkainis niya sa nangyari, mahigpit ang kapit niya sa kamay ko habang hinihila ako pabalik sa mesa namin.

Nang makarating kami ay hindi na niya ako pinaupo. Binitbit niya ang clutch bag ko at muli akong hinawakan sa kamay.

Steven: “Oh? Uwi na kayo?”

Aiden: “Oo, pre. See you next time. May tama na si Quincy eh.”

Finn: “Huy, ihatid mo ‘yan ha. Lasing na ‘yan, kanina pa ‘yan eh.”

Ako: “Hindi ako lasing noh, kaya ko pa.”

Aiden: “Oh, paano? Mauna na kami. Bawi na lang ako sa inyo next time.”

Ako: “What? Uuwi na tayo agad?”

Wala nang paliwanag ang nanggaling kay Aiden, humawak na agad siya sa kamay ko at patuloy na hinila ako palabas ng venue. Hila-hila niya ako hanggang sa makalabas kami sa venue at makarating sa kalsada, tumawid kami papunta sa kabilang side. Narinig ko ang pag-unlock ng sasakyan niya, dumako kami sa passenger side ng kotse sabay bukas niya sa pinto nito. Kusa naman akong pumasok at umupo, umikot siya sa gilid ng sasakyan at pumasok na rin sa driver’s side. Pinaandar niya ang makina.

Clakk! Bloog!

Dinig ko ang pag-lock niya sa mga pinto ng sasakyan at ang pagkabig niya ng kambyo sa Drive. Pero hindi pa man umaatras ang sasakyan ay lumingon ako sa kanya, humawak ako sa batok niya ang hinila siya palapit sa’kin. Nagtagpo ang aming mga labi, ramdam ko na napipilitan siya sa paghalik sa’kin, was it the alcohol? Or my demeanor? Mabilis na gumapang ang kamay ko sa hita niya at dumako sa pagitan nito. Agad niyang binawi ang sarili niya, hinawakan niya ang kamay kong nagbabalak na buksan ang zipper niya at hinawi ito pabalik sa’kin. Humawak siya sa balikat ko at itinulak ako pabalik sa upuan ko. Nagtagpo ang aming mga mata, walang emosyon sa mukha niya but I can feel the sheer amount of disappointment.

Aiden: “Ano’ng ginagawa mo?”

Ako: “Ayaw mo ba? Akala ko ba eto gusto mo?”

Aiden: “Get your act right. Lasing ka na eh.”

Ako: “So what if I am? You’re my fiance so I can do pretty much whatever I want to do with you.”

Aiden: “Hindi ‘yun ganun. Tsk… “

Ako: “What the fuck is wrong with you? You look sooo offended.”

Aiden: “It’s because I am!”

Ako: “….”

Ilang saglit pa’y umandar na kami at dahan-dahan na kaming lumalayo sa venue. Walang salita ang maririnig sa’ming dalawa, tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Aminado akong nakainom ako pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Humawak ako sa seat lever sa ilalim at hiniga ang upuan, dahan-dahan kong nilapat ang likod ko at pumikit habang patuloy sa pagmamaneho si Aiden. Umiikot na ang paningin ko nang lumapat ang likod ko sa upuan ng sasakyan, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Aiden: “Okay ka lang? Nahihilo ka ba?”

Ako: “…”

Aiden: “Sorry…”

Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kasalanan ko naman talaga.

Aiden: “Magsalita ka naman, Moi… Galit ka ba?”

Ako: “…”

Gusto kong sumagot na hindi ako galit. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako ngayon.

Aiden: “Okay, you don’t wanna talk right now. Sorry. I’ll get you home.”

Natulog na lang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kung bakit may attitude ako. It might be the alcohol but deep down I know dahil ‘to sa kalokohan ko. The alcohol was just amplifying whatever attitude I had left para itago ang kalokohan ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakahiga at nakikiramdam sa paligid ko, ramdam ko ang banayad na pagmamaneho ni Aiden. Ang bawat kabig sa pagliko at marahan na pagpreno niya. Inurong ko pababa ang braso ko at sumilip sa bintana ng sasakyan, paisa-isa naming nilalagpasan ang bawat poste ng ilaw sa daanan, panandalian akong nasisilaw sa sinag na mga ‘to habang binabaybay namin ang pamilyar na kalsada pauwi samin.

Lumabo ang paningin ko. Ilang saglit pa’y dumaloy ang mainit na luha sa gilid ng aking mata. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa kasinungalingan ko. Pagod na ako sa panloloko ko.

Hindi ko namalayan na ilang metro na lang kami sa bahay, biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng gate namin. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko kasabay ng paghatak ko pataas sa upuan ng sasakyan.

Aiden: “Hmm okay ka lang, Moi?”

Ako: “Hindi”

I unbuckled the seatbelt and was about to get out of the car nang marinig ko rin ang pagtanggal ni Aiden ng seatbelt niya… Lumingon ako sa kanya. He had this puzzled look…

Ako: “‘Wag mo na ‘ko ihatid sa loob, ako na bahala.”

Aiden: “Hatid na kita, baka magalit parents mo eh. Hiniram kita tapos hindi man lang kita maihatid sa kanila ng ligtas.”

Ako: “Ligtas naman ako… Ako na, ‘wag ka na bumaba.”

Aiden: “Kahit sa gate na lang…”

Dumako ang kamay niya sa bukasan ng sasakyan, nainis na ako kaya kumapit ako sa isa pa niyang kamay at sumigaw.

Ako: “Ano ba?! Ang kulit mo naman! Sabi ko na ngang ‘wag na eh! Ako na nga bahala! Nandito na tayo sa harap ng bahay eh.”

Aiden: “Ihahatid na kita! Lasing ka na nga! Tara na”

Ako: “Putang ina naman, Aiden. Kailan mo ba ako papakinggan! Napakaku–“

Hindi na siya naghintay na tapusin ang sasabihin ko, bumaba na agad siya ng sasakyan. Mabilis akong bumaba at naglakad papuntang driver’s side, nagtagpo kami sa harap ng sasakyan niya.

Aiden: “Ano ba’ng problema mo? Ihahatid ka lang eh… Tara na, ayan na lang gate niyo oh!”

Ako: “Stay there! Tang ina naman, Aiden… Just this time, pakinggan mo naman ako!”

Tinaas niya ang isang kamay niya tinuro ang gate namin, nagkibit-balikat na lang din siya. Tila ba sumuko na lang siya at hindi na gusto pang makipag-away. He stood there for a good second bago ako umikot at lumakad papunta sa gate ng bahay. Hindi ko naramdaman na may balak siyang sumunod, wala akong yabag na narinig. Maging ang anino niya’y hindi gumalaw. Naiwan siyang nakatayo sa harap ng sasakyan habang papalapit na ako sa gate namin.

Umangat na ang kamay ko para hawakan ang gate namin… Bumaling akong muli sa aking nobyo, nagtagpo ang aming mga mata…

Ako: “… Let’s breakup.”

Aiden: “Hah?”

Ako: “Tapusin na natin ‘to…”

Aiden: “Tapusin ang alin?”

Ako: “Lahat ‘to, all this bullshit. This–this relationship we have, let’s end it all tonight.”

Nakita kong kumunot ang noo ni Aiden, bahagya siyang napailing at sumimangot.

Aiden: “Lasing ka ba? Lasing ka na nga. Hindi mo na alam mga sinasabi mo.”

Ako: “We both know damn well na hindi ako mabilis malasing, I might’ve had a few drinks but I am very well within my faculties to know what the fuck I am doing.”

Saglit siyang yumuko at tumingin sa baba, tumalikod siya at akmang sasakay na sa sasakyan niya pero hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay nagsalita ako…

Ako: “You walk away now sinasabi ko sa’yo hindi na ulit tayo mag-uusap!”

Aiden: “You’re probably tired and drunk. Magpahinga ka na, Moi. Bukas na lang tayo mag-usap.”

Pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa driver’s side, binuksan niya ang pinto at sumakay sa loob. Pagbukas na pagbukas pa lang ng makina ay pinasok niya agad ito sa kambyo at umalis na. Naiwan akong nakatayo sa harap ng gate namin habang pinapanood ko siyang papalayo na sa’kin.

Pumasok na ako sa’min. Inalis ko ang sapatos ko at nilapag sa gilid ng pinto. Madilim na rin, tulog na sina mama at papa. Mabuti na lang at may sarili akong susi. Nilapag ko ang clutch bag ko sa sofa at dumiretso sa banyo. Naghilamos lang ako para maalis ang kakaunting kolorete sa mukha ko at nagsipilyo. Lumabas ako ng banyo at dinampot ang bag ko, dahan-dahan akong humikbi habang paisa-isa akong humahakbang paakyat sa kwarto ko. Pagdating ko sa silid ko’y sumabog ako. Nanghina ang mga tuhod ko at nabuwal ako sa sahig, yakap ang clutch bag ko. Malambing ang bawat paghinga at putol-putol ang bawat buga. Sunod-sunod na dumaloy ang luha sa gilid ng mga mata ko. Ramdam ko ang maligamgam na luha ko sa aking pisngi, sa baba at ilong.

Pinilit kong tumayo pero nanginginig ang mga tuhod ko, kaya gumapang ako hanggang sa makarating ako sa gilid ng kama. Binaon ko ang mukha ko sa malambot kong higaan. Tanging hikbi at marahang pag-iyak lang ang narinig ko sa sarili ko nang mga oras na ‘yun. Kumapit akong mahigpit sa kubrekama ko [wait lang ha, some literatures say it’s sobre-kama… sooo hindi ko alam kung ano’ng tama?], pinilit kong umakyat sa ibabaw ng kama ko. Nang makarating ako sa ibabaw ay dumapa ako at muling binaon ang mukha ko sa unan. Ilang minuto na akong umiiyak nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko… si Aiden. Hindi ko sinagot. Hinayaan ko lang mag-ring. Nilapag ko na lang sa nightstand ang cellphone ko. Saglit itong nag-vibrate pa, malamang chat or text naman.

Hinayaan ko na lang na dalawin ako ng antok habang umiiyak hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko, it’s 5AM in the morning. Ilang oras lang tulog ko pero kailangan pumasok sa office. Ramdam ko ang bigat at pamamaga ng mata ko, dinampot ko ang cellphone ko na na patuloy pa rin sa pag-alarm.

39 missed calls, 27 text messages and 43 messenger chats, all from Aiden. Nag-seen lang ako sa messenger pero napansin kong active siya. Hindi ko na binasa lahat ng mga sinend niya.

Bumangon na ako at umupo sa gilid ng higaan, ayaw ko pa talaga umalis sa pagkakahiga ko. Ilang saglit pa akong nagmuni-muni bago ako bumaba para maghanda sa pagpasok. Pumunta ako ng banyo at humarap sa salamin, mapula at maga ang mata. Hindi ko rin napansin na suot ko pa rin ang dress na binili niya para sa’kin. Tuloy-tuloy ang pag-iisip ko, ang dami kong scenarios na binubuo sa isip ko para lang ma-justify ang ginawa ko. I just told myself…“This is it, this is my chance…”

Naghubad ako at sinampay ang dress sa hook na nakadikit sa pader, pumasok ako sa mainit na buhos ng shower. Marahan kong dinampot ang sabon, napansin kong hindi ko pala nahubad ang engagement ring… Nalagyan ng sabon ang singsing kaya binitawan ko ang hawak ko, tinutok ko ang palad ko sa bukana ng shower para maalis ang sabon. I really don’t know what to do pero alam kong kailangan may gawin ako. Bakit ba kasi sobrang hirap sabihin kay Aiden??

Natapos akong maligo. Nakabalot ang buong katawan ko sa towel, lumabas ako ng banyo. Dali-dali akong pumasok…