May isang lalaki na nasa late 40s na ang ngayo’y naglalakad sa buhangin at kinokolekta ang mga pwede pang mapakinabangang mga bagay na inanod sa kaniyang isla. Dala dala ang kaniyang sako ay pinagpupulot niya ang mga nakikita niyang damit at kung ano-ano pa.
Habang siya’s nangongolekta ay may napansin siya sa di kalayuan. Agad niya itong pinuntahan at nagulat nang makita ang isang tao na nakahandusay sa tabi lamang ng tubig habang hinahampas ng alon. Agad itong dinaluhan ng lalaki at napagalamang humihinga pa ito. Marami din itong sugat ngunit pinakamalala ang sugat sa ulo nito. Agad binuhat ng lalaki ang walang malay na tao at dinala sa kaniyang tinitirhan.
Maliit lamang ang bahay niya na siya rin lang nagtayo mag-isa. Gamit ang kaniyang kaalaman sa mga pagtayo ng mga istruktura ay nakagawa siya ng matibay at maayos na bahay. Yari sa kahoy ang bahay. Ang bubong nito ay pinagsamang kung ano anong bagay tulad ng damo, yero at kung ano ano pang pinagtagpi-tagpi niya para sa bubong.
Ginamot ng taga-isla ang inanod na lalaki. Nang nakasigurado na siyang nasa maayos na itong kalagayan ay iniwan niya muna ito para balikan ang mga gamit na kaniyang kinuha. Lumipas ang ilang oras ay nagkaroon na ng malay ang lalaki.
Pagmulat ng mata ni Ronan ay sumakit ang ulo niya sa pagtama ng liwanag. Nang nakapag-adjust na ang paningin niya’y sinuri niya ang paligid. Makalat ang paligid na tila ba hindi pinakialaman ng may-ari ang kalinisan. Nang sinubukan niyang bumangon ay nahirapan siya dahil sumipa ang sakit ng kaniyang katawam mula sa nangyari kagabi. Sa totoo lang ay di niya akalaing makakasurvive pa siya sa tindi ng bagyo. Sa awa ng Diyos ay binigyan pa niya ito ng pangalawang pagkakataon sa mundo.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit niyang bumangon. Lumabas siya ng dahan-dahan sa munting bahay na iyon. Pagkalabas niya ay sinalubong siya ng sariwang hangin at payapang paligid. Napakasarap nito sa pakiramdam at sa ilang sandaling iyon ay nakalimutan niya ang sitwasyong kinaroroonan niya ngayon na bigla rin namang sumagi sa kaniyang isipan. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Puro kahoy at halaman ang nakikita niya.
“Nasaan kaya ako?” tanong niya sa kaniyang sarili. Nakaramdam siya ng kaba at takot sa kung bakit siya nandito ngunit agad iyong nawala nang narealize niyang ginamot ang kaniyang sugat at hindi siya kinulong.
“Kung gayon ay kailangan kong makita kung sino ang tumulong sakin,” sabi niya sa sarili. Maya-maya pa ay may narinig siyang tunog. Hinanap niya ang pinanggagalingan nun hanggang sa nakarating siya sa likod ng kubo. Doon ay nakita niya ang isang lalaki na mas matanda ng di hamak sa kaniya ngunit hindi mo mapaghahalataan dahil sa ganda at tikas ng katawan nito.
Walang pang-itaas ang lalaki. Tanging maong na pantalon at tsinelas lamang ang suot nito kaya naman litaw na litaw ang ganda ng katawan nito. Moreno ang lalaki. Brusko at lalaking-lalaki ang itsura nito. Sinuyod ng mga mata ni Ronan ang kabuuan ng lalaki at napalunok. Sinundan ng kaniyang mga mata ang mga tumutulong pawis sa bawat guhit ng katawan nito ay maging siyang nagpapapwis na din sa init na nararamdaman. Kahanga-hanga naman kasi ang katawan nito. Bukod dun ay gwapo din ito at siguradong kung gugustuhin niya’y mapapasakanya ang kung sinumang babaeng nais niya.
Dahil nakatuon ang atensiyon ni Ronan sa katawan ng lalaki ay di niya naririnig o napapansin ang pagtawag nito sa kaniya. Natigil lamang ang pagpapantasya nito nang nakalapit na ang lalaki sa kaniya. Nagulat siya at tila nanumbalik ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan.
“Ahh…eh..” hindi alam ni Ronan ang sasabihin.
“Bakit ka bumangon? Hindi pa magaling ang mga sugat mo..” sabi sa kaniya ng lalaki.
Muli siyang nahipnotismo sa ganda ng maga mata nito na kulay kayumanggi. Isama mo na din ang buo at malalim na boses nito na yumayanig sa kaniyang kaibuturan.
“Ano..A-ayos na po ako..hehe” kinakabahang sagot ni Ronan. Napabuntong hininga lamang ang lalaki bago sinabihan si Ronan na umupo muna sa isang bloke ng kahoy sa gilid dahil tatapusin niya lang ang sinisibak na kahoy ay kakain na sila. Dahil sa pagkataranta pa rin ay tumango tango lang si Ronan at sinunod ang utos ng nakakatandang lalaki sa kaniya.
Mahigit trenta minutos ding pinanood ni Ronan ang lalaki habang nagsisibak ito. Bawat parte ng katawan nito ay halos masaulo na ni Ronan. Anlakas ng dating nito sa kaniya kahit halos kalahit na ng kaniyang edad ang agwat nila sa isa’t isa. Ngunit kapag katawan ang nagdesisyon, wala na siyang pakialam sa agwat ng edad nila.
Naglakad papalapit ang nakatatandang lalaki papalapit sa kinaroroonan ni Ronan. Napalunok ito sa kaba at sobrang bilis ng tibok ng puso at tila matutupok siya sa init na nararamdaman. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya ngunit ewan niya kung tagumpay ba siya.
“Tara na’t mainit dito sa labas..” sabi ng lalaki, “Ano nga palang pangalan mo bata?” tanong nito habang nagpupunas ng pawis.
“R-ronan po.” nauutal na sagot ni Ronan.
“Nice to meet you Ronan, ako naman si Gardo,” pagpapakilala ni Gardo sa sarili.
“Masaya rin po akong makilala kayo Mang Gardo,” sagot naman ni Ronan.
“Salamat nga po pala sa pagsagip niyo sa akin,” sabi ni Ronan.
“Walang anuman, maswerte ka at konting galos at sugat lang ang natamo mo.” sagot naman ni Gardo. Napangiti na lang si Ronan at sumunod kay Gardo papasok sa bahay nito. Pagkapasok nila’y doon lamang napansin ni Gardo na sobrang gulo at kalat ng kaniyang bahay.
“Pasensya na at makalat dito,” sabi nito saka napakamot sa batok dahil nakaramdam siya ng konting hiya. Napahagikgik lamang si Ronan dahil sa naging reaksiyon ng lalaki. Ewan ba niya pero nakyutan siya rito.
“Ayos lang po Mang Gardo,” sagot naman ni Ronan na ikinangiti ni Mang Gardo.
“O siya, saluhan mo ako sa pagkain. Bagong huli ko lamang ang mga ito kaya preskong presko,” masayang sambit ni Mang Gardo habang hinahanda ang hapag. Nang makita ni Ronan ito’y natakam siya sa amoy ng sinabawang hipon. Bigla niyang naramdaman ang gutom dahil dito.
“O siya, kain na at alam kong gutom na gutom ka na,” sabi ni Mang Gardo kaya naman dali-dali si Ronan sa paglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Agad niyang nilantakan ang pagkain na ikinatawa naman ni Mang Gardo.
“Dahan-dahan at baka mabilaukan ka,” tawa nito. Hindi na maalala ni Gardo kung kailan ba siya huling tumawa at ngumiti. Sa tinagal-tagal niya dito sa isla ay ngayon lang siya nagkaroon ng kasamang tao.
Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang nakahandang pagkain. Nang natapos sila ay pinagpahinga na agad ni Gardo si Ronan dahil kailangan pa nitong lumakas at magpagaling. Nang sumapit ang dilim ay inayos ni Gardo ang sahig upang doon matulog. Nang makita ito ni Ronan ay nahiya siya bigla kaya minungkahi niyang kahit siya na ang matulog sa sahig.
“Ano ka ba, ayos lang ako saka kailangan mong magpagaling bata ka..” sagot nito sa binata. Di na sumagot si Ronan at tumango na lamang bilang tugon.
“Matulog na tayo..”
“Opo..”
Ngunit hindi makatulog si Ronan. Nagsisimula na kasing pumasok sa isip niya ang sitwasyon niya ngayon. Stranded siya sa isang isla. Hindi niya alam kung paano siya makakauwi. Makakayanan ba niyang mamuhay dito na kung saan walng kuryente, internet at walang nakakasalamuhang tao. Puro gubat at tubig ang paligid.
‘Kakayanin ko ba to?’ tanong ni Ronan sa sarili. Nakatulala lamang siya buong gabi hanggang sa dalawi na siya sa wakas ng antok.
Lumipas ang mga araw ay unti-unting natututunan ni Ronan ang pamumuhay ni Gardo dito sa isla. Nangako din si Gardo na tutulungan itong humingi ng tulong at makaalis dito sa isla upang umuwi. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unting nagiging malapit ang dalawa. Naikwento na rin ni Gardo na gaya ni Ronan ay nagkaroon din ng isang malaking delubyo kaya siya napadpad dito sa isla. Nalungkot naman si Ronan sa kalagayan ni Gardo dahil namuhay itong mag-isa ng mahigit 18 taon!
“Buti po kinaya niyo..” nahahabag na sabi ni Ronan habang sila’y nasa harapan ng apoy sa labas. Dahil maganda ang panahon ay minungkahi ni Ronan na matulog sila sa labas at pagmasdan ang mga bituin sa langit na siya namang hindi na tinanggihan ni Gardo. Kapwa sila ngayon nasa tabing-dagat upang doon gawin ang nais ni Ronan. Pumayag si Gardo dito dahil hindi masyadong malapit ang tubig. Kumbaga malawak ang beach dito kaya siguradong ligtas sila.
“Oo, kinaya ko naman. Sa totoo nga’y masaya ako sa buhay ko ngayon.” sagot ni Gardo habang nag-iihaw ng isda. Natahimik si Ronan dahil nagtataka siya kung paano naging masayang mag-isa? Napansin naman ito ni Gardo.
“Natahimik ka..”
“Paano po kayo naging masayang mabuhay ditong mag-isa?” tanong ni Ronan.
“Hindi naging masaya ang buhay ko sa Maynila. Dati akong sundalo. Nakapag-asawa ako at nagpaplano kaming magkaanak. Lumaki akong magulo ang aking pamilya. Hiwalay kasi ang mga magulang ko at may kaniya-kaniya silang pamilya. Lagi nilang pinag-aawayan ang sustento at kung ano-ano pa. Lumaki akong ganun ang laging naki…