May isang lalaki na nasa late 40s na ang ngayo’y naglalakad sa buhangin at kinokolekta ang mga pwede pang mapakinabangang mga bagay na inanod sa kaniyang isla. Dala dala ang kaniyang sako ay pinagpupulot niya ang mga nakikita niyang damit at kung ano-ano pa.
Habang siya’s nangongolekta ay may napansin siya sa di kalayuan. Agad niya itong pinuntahan at nagulat nang makita ang isang tao na nakahandusay sa tabi lamang ng tubig habang hinahampas ng alon. Agad itong dinaluhan ng lalaki at napagalamang humihinga pa ito. Marami din itong sugat ngunit pinakamalala ang sugat sa ulo nito. Agad binuhat ng lalaki ang walang malay na tao at dinala sa kaniyang tinitirhan.
Maliit lamang ang bahay niya na siya rin lang nagtayo mag-isa. Gamit ang kaniyang kaalaman sa mga pagtayo ng mga istruktura ay nakagawa siya ng matibay at maayos na bahay. Yari sa kahoy ang bahay. Ang bubong nito ay pinagsamang kung ano anong bagay tulad ng damo, yero at kung ano ano pang pinagtagpi-tagpi niya para sa bubong.
Ginamot ng taga-isla ang inanod na lalaki. Nang nakasigurado na siyang nasa maayos na itong kalagayan ay iniwan niya muna ito para balikan ang mga gamit na kaniyang kinuha. Lumipas ang ilang oras ay nagkaroon na ng malay ang lalaki.
Pagmulat ng mata ni Ronan ay sumakit ang ulo niya sa pagtama ng liwanag. Nang nakapag-adjust na ang paningin niya’y sinuri niya ang paligid. Makalat ang paligid na tila ba hindi pinakialaman ng may-ari ang kalinisan. Nang sinubukan niyang bumangon ay nahirapan siya dahil sumipa ang sakit ng kaniyang katawam mula sa nangyari kagabi. Sa totoo lang ay di niya akalaing makakasurvive pa siya sa tindi ng bagyo. Sa awa ng Diyos ay binigyan pa niya ito ng pangalawang pagkakataon sa mundo.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit niyang bumangon. Lumabas siya ng dahan-dahan sa munting bahay na iyon. Pagkalabas niya ay sinalubong siya ng sariwang hangin at payapang paligid. Napakasarap nito sa pakiramdam at sa ilang sandaling iyon ay nakalimutan niya ang sitwasyong kinaroroonan niya ngayon na bigla rin namang sumagi sa kaniyang isipan. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Puro kahoy at halaman ang nakikita niya.
“Nasaan kaya ako?” tanong niya sa kaniyang sarili. Nakaramdam siya ng kaba at takot sa kung bakit siya nandito ngunit agad iyong nawala nang narealize niyang ginamot ang kaniyang sugat at hindi siya kinulong.
“Kung gayon ay kailangan kong makita kung sino ang tumulong sakin,” sabi niya sa sarili. Maya-maya pa ay may narinig siyang tunog. Hinanap niya ang pinanggagalingan nun hanggang sa nakarating siya sa likod ng kubo. Doon ay nakita niya ang isang lalaki na mas matanda ng di hamak sa kaniya ngunit hindi mo mapaghahalataan dahil sa ganda at tikas ng katawan nito.
Walang pang-itaas ang lalaki. Tanging maong na pantalon at tsinelas lamang ang suot nito kaya naman litaw na litaw ang ganda ng katawan nito. Moreno ang lalaki. Brusko at lalaking-lalaki ang itsura nito. Sinuyod ng mga mata ni Ronan ang kabuuan ng lalaki at napalunok. Sinundan ng kaniyang mga mata ang mga tumutulong pawis sa bawat guhit ng katawan nito ay maging siyang nagpapapwis na din sa init na nararamdaman. Kahanga-hanga naman kasi ang katawan nito. Bukod dun ay gwapo din ito at siguradong kung gugustuhin niya’y mapapasakanya ang kung sinumang babaeng nais niya.
Dahil nakatuon ang atensiyon ni Ronan sa katawan ng lalaki ay di niya naririnig o napapansin ang pagtawag nito sa kaniya. Natigil lamang ang pagpapantasya nito nang nakalapit na ang lalaki sa kaniya. Nagulat siya at tila nanumbalik ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan.
“Ahh…eh..” hindi alam ni Ronan ang sasabihin.
“Bakit ka bumangon? Hindi pa magaling ang mga sugat mo..” sabi sa kaniya ng lalaki.
Muli siyang nahipnotismo sa ganda ng maga mata nito na kulay kayumanggi. Isama mo na din ang buo at malalim na boses nito na yumayanig sa kaniyang kaibuturan.
“Ano..A-ayos na po ako..hehe” kinakabahang sagot ni Ronan. Napabuntong hininga lamang ang lalaki bago sinabihan si Ronan na umupo muna sa isang bloke ng kahoy sa gilid dahil tatapusin niya lang ang sinisibak na kahoy ay kakain na sila. Dahil sa pagkataranta pa rin ay tumango tango lang si Ronan at sinunod ang utos ng nakakatandang lalaki sa kaniya.
Mahigit trenta minutos ding pinanood ni Ronan ang lalaki habang nagsisibak ito. Bawat parte ng katawan nito ay halos masaulo na ni Ronan. Anlakas ng dating nito sa kaniya kahit halos kalahit na ng kaniyang edad ang agwat nila sa isa’t isa. Ngunit kapag katawan ang nagdesisyon, wala na siyang pakialam sa agwat ng edad nila.
Naglakad papalapit ang nakatatandang lalaki papalapit sa kinaroroonan ni Ronan. Napalunok ito sa kaba at sobrang bilis ng tibok ng puso at tila matutupok siya sa init na nararamdaman. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya ngunit ewan niya kung tagumpay ba siya.
“Tara na’t mainit dito sa labas..” sabi ng lalaki, “Ano nga palang pangalan mo bata?” tanong nito habang nagpupunas ng pawis.
“R-ronan po.” nauutal na sagot ni Ronan.
“Nice to meet you Ronan, ako naman si Gardo,” pagpapakilala ni Gardo sa sarili.
“Masaya rin po akong makilala kayo Mang Gardo,” sagot naman ni Ronan.
“Salamat nga po pala sa pagsagip niyo sa akin,” sabi ni Ronan.
“Walang anuman, maswerte ka at konting galos at sugat lang ang natamo mo.” sagot naman ni Gardo. Napangiti na lang si Ronan at sumunod kay Gardo papasok sa bahay nito. Pagkapasok nila’y doon lamang napansin ni Gardo na sobrang gulo at kalat ng kaniyang bahay.
“Pasensya na at makalat dito,” sabi nito saka napakamot sa batok dahil nakaramdam siya ng konting hiya. Napahagikgik lamang si Ronan dahil sa naging reaksiyon ng lalaki. Ewan ba niya pero nakyutan siya rito.
“Ayos lang po Mang Gardo,” sagot naman ni Ronan na ikinangiti ni Mang Gardo.
“O siya, saluhan mo ako sa pagkain. Bagong huli ko lamang ang mga ito kaya preskong presko,” masayang sambit ni Mang Gardo habang hinahanda ang hapag. Nang makita ni Ronan ito’y natakam siya sa amoy ng sinabawang hipon. Bigla niyang naramdaman ang gutom dahil dito.
“O siya, kain na at alam kong gutom na gutom ka na,” sabi ni Mang Gardo kaya naman dali-dali si Ronan sa paglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Agad niyang nilantakan ang pagkain na ikinatawa naman ni Mang Gardo.
“Dahan-dahan at baka mabilaukan ka,” tawa nito. Hindi na maalala ni Gardo kung kailan ba siya huling tumawa at ngumiti. Sa tinagal-tagal niya dito sa isla ay ngayon lang siya nagkaroon ng kasamang tao.
Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang nakahandang pagkain. Nang natapos sila ay pinagpahinga na agad ni Gardo si Ronan dahil kailangan pa nitong lumakas at magpagaling. Nang sumapit ang dilim ay inayos ni Gardo ang sahig upang doon matulog. Nang makita ito ni Ronan ay nahiya siya bigla kaya minungkahi niyang kahit siya na ang matulog sa sahig.
“Ano ka ba, ayos lang ako saka kailangan mong magpagaling bata ka..” sagot nito sa binata. Di na sumagot si Ronan at tumango na lamang bilang tugon.
“Matulog na tayo..”
“Opo..”
Ngunit hindi makatulog si Ronan. Nagsisimula na kasing pumasok sa isip niya ang sitwasyon niya ngayon. Stranded siya sa isang isla. Hindi niya alam kung paano siya makakauwi. Makakayanan ba niyang mamuhay dito na kung saan walng kuryente, internet at walang nakakasalamuhang tao. Puro gubat at tubig ang paligid.
‘Kakayanin ko ba to?’ tanong ni Ronan sa sarili. Nakatulala lamang siya buong gabi hanggang sa dalawi na siya sa wakas ng antok.
Lumipas ang mga araw ay unti-unting natututunan ni Ronan ang pamumuhay ni Gardo dito sa isla. Nangako din si Gardo na tutulungan itong humingi ng tulong at makaalis dito sa isla upang umuwi. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unting nagiging malapit ang dalawa. Naikwento na rin ni Gardo na gaya ni Ronan ay nagkaroon din ng isang malaking delubyo kaya siya napadpad dito sa isla. Nalungkot naman si Ronan sa kalagayan ni Gardo dahil namuhay itong mag-isa ng mahigit 18 taon!
“Buti po kinaya niyo..” nahahabag na sabi ni Ronan habang sila’y nasa harapan ng apoy sa labas. Dahil maganda ang panahon ay minungkahi ni Ronan na matulog sila sa labas at pagmasdan ang mga bituin sa langit na siya namang hindi na tinanggihan ni Gardo. Kapwa sila ngayon nasa tabing-dagat upang doon gawin ang nais ni Ronan. Pumayag si Gardo dito dahil hindi masyadong malapit ang tubig. Kumbaga malawak ang beach dito kaya siguradong ligtas sila.
“Oo, kinaya ko naman. Sa totoo nga’y masaya ako sa buhay ko ngayon.” sagot ni Gardo habang nag-iihaw ng isda. Natahimik si Ronan dahil nagtataka siya kung paano naging masayang mag-isa? Napansin naman ito ni Gardo.
“Natahimik ka..”
“Paano po kayo naging masayang mabuhay ditong mag-isa?” tanong ni Ronan.
“Hindi naging masaya ang buhay ko sa Maynila. Dati akong sundalo. Nakapag-asawa ako at nagpaplano kaming magkaanak. Lumaki akong magulo ang aking pamilya. Hiwalay kasi ang mga magulang ko at may kaniya-kaniya silang pamilya. Lagi nilang pinag-aawayan ang sustento at kung ano-ano pa. Lumaki akong ganun ang laging nakikita.” panimula ni Gardo sa kaniyang kwento habang si Ronan ay nakatingin lamang sa kaniya at nakikinig.
“Kaya pinangako ko sa sarili ko na kung ako’y magkakapamilya ay pananatilihin kong buo kami. Nung college na ako ay nakilala ko ang asawa ko,” napangiti si Gardo nang mabanggit iyon.
“Nahulog agad ang loob ko sa kaniya. Napakabait at napakaganda ng asawa kong iyon kaya andaming naiinggit sakin noong araw. Naging magkasintahan kami noong second year na ako. Doon ko napagdesisyunan na gusto kong magsundalo. Kahit masakit mawalay sa nobya ko ay ginawa ko para sa pangarap ko. ” biglang nalungkot si Gardo habang kinukwento iyon.
“Pero bago ako umalis para mag-aral ay ikinasal muna kami…” biglang tumigil si Gardo sa pagkukwento.
“Tapos ano pong nangyari?” tanong ni Ronan.
“Limang taon akong nawala. Noong mga unang dalawang taon ay madalas ang sulatan namin. Hanggang sa dumadalang na ang mga sulat niya sa akin. Kinutuban na ako sa mga oras na yon na baka kung ano na ang nangyari. Malakas ang kutob ko na baka may nangyaring masama sa asawa ko. Sa ikalimang taon ko sa akademya ay matagumpay kong nakamit ang aking pangarap. Ilang beses akong nadelay at kung ano ano pa ngunit sobrang saya ko nang grumadweyt ako. “
“Pagkatapos mismo ng graduation ko ay agad akong lumuwas ng Maynila. Sabik na sabik na akong makauwi sa asawa ko baon ang diploma ko. Pero iba na pala ang nadatnan ko…” muling naging malungkot ang boses ni Gardo.
“Niloko ako ng babaeng mahal ko. Pagkadating ko sa bahay namin ay nakita ko sila ng bago niyang mahal kasama ang kanilang anak. Malaki na ang bata nang makita ko kaya mas masakit sa akin dahil marahil matagal na itong may karelasyong iba. Para akong nawalan ng pag-asang mabuhay noong mga oras na iyon. Punong puno ako ng galit. Galit sa kanila at galit sa mundo. Ngunit mas galit ako sa sarili ko dahil nagtiwala ako ng husto. Lagi kong tinatanong ang sarili ko na paano kaya kung mas pinili kong manatili sa tabi niya at naging guro tulad niya’y baka hindi ako miserable ngayon. Naging pariwara ako ng ilang buwan hanggang sa tumwag ang kaibigan ko sa military. Inalok niya ako kung gusto ko daw bang madestino sa malayo. Hindi na ako nagdalawang isip at pumayag ako.” tumigil muna si Gardo sa pagkwento. Huminga ito ng malalim at saka tinuloy.
“Naging sundalo ako at nanilbihan sa probinsya. Tatlong taon ko doon hanggang sa sinabihan akong malilipat ako sa ibang kampo. Pumayag muli ako. Nang nasa barko ako ay nagkaroon ng bagyo. Kaya ako napadpad sa islang ito.”
“Hindi naging mahirap sa akin ang mag-adjust sa buhay rito dahil sanay na sanay na ako sa gubat. Hindi ko na rin inasam na makabalik pang muli dahil wala na rin naman akong babalikan. Kaya eto ako ngayon. Masaya naman ako dito at napamahal na sa akin ang islang ito,” pagtapos ni Gardo sa kaniyang kwento.
Nakaramdam ng awa si Ronan sa dami ng pinagdaanan ni Gardo.
“Huwag kang maawa sa akin Ronan. Marahil ay ito talaga ang tadhana ko. Saka masakit din ang pinagdaanan mo. Sa totoo lang ay masaya akong meron akong napagkwentuhan ng lahat ng ito eh. Salamat at dinamayan mo ako Ronan…” sinserong sabi ni Gardo.
“Walang anuman po Mang Gardo…” nakangiting tugon naman ni Ronan. Nakwento rin ni Ronan ang naging buhay niya at kung paano siya napunta rito.
“Ang sakit na po kasi eh. Kaya kinailngan ko munang umalis. Tapos eto pa ang nangyari,” natatawang naluluhang sabi ni Ronan.
“Ewan ko ba kung anong nagawa kong kasalanan at para akong pinaparusahan ng mundo. Naging bakla lang naman ako, anong bang masama dun? Saka bakit ang hirap sa kanila na mahalin kami? Tao rin naman kami eh, may pakiramdam at marunong din kaming magmahal…” naiiyak na sabi ni Ronan.
Niyakap naman ni Gardo si Ronan. Dahil dito ay humagulgol na ang binata.
“Shhhhhh…..Ayos lang yan Ronan..Walang mali sayo at balang araw matatagpuan mo rin ang taong para sa yo…” masuyong sabi ni Gardo.
“Tumingin ka sakin…” sabi ni Gardo at ikinulong ang mukha ni Ronan sa kaniyang mga palad. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Natigil sa pag-iyak ang binata at nakatuon na ang kaniyang atensyon sa mga mata ni Gardo.
“Walang mali sa yo ha? Saka kaya mong maging masaya na wala sila. Mahalin mo muna ang sarili mo. Wag kang gagaya sa akin bata..” seryosong sabi ni Gardo.
Tumahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng nalulutong isda at ng natutupok na kahoy ang maririnig. Sumasabay din ang tunog ng mga alon na mahinang humahampas sa dalampasigan.
Nagkatitigan ang dalawa. Tila ba nahihipnotismo sila sa isa’t isa. Parang may enerhiyang pilit silang pinaglalapit. Unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha. Bumibilis ang tibok ng puso ni Ronan habang nakatitig sa mga mata ni Gardo. Gayun din si Gardo na nakatitig ng taimtim sa mga nagliliwanag na mata ni Ronan dahil na rin sa basa pa rin ito sa luha. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng puso niya at kasabay nun ay tila ba nakaramdam siya ng kaginhawaan sa piling nito. Sa mga nagdaan na araw ay parang mas sumaya siya lalo dahil sa presensiya ni Ronan. Kuntento na siya sa kaniyang buhay dito sa isla pero nang dumating si Ronan ay para bang nakumpleto siya. Hindi niya alam kung pagmamahal na ba itong nararamdaman niya o nangungulila lang siya sa mga panahon na may karamay pa siyang nakikinig at nakakausap niya. Pero isa lang ang sigurado niya, malulungkot siya kapag tuluyan nang aalis si Ronan.
Samantalang si Ronan naman ay iba na talaga ang nararamdman. Sa ilang araw nilang magkasama ay naramdaman niya kay Gardo ang kalinga ng isang kaibigan, kasintahan, ina at ama na kailanaman ay hindi niya naramdaman ng lubusan. Kay Gardo niya naramdaman ang tunay na pagkalinga. Inaamin niyang sa mga araw na nagdaan ay napanatag ang puso’t isip niya. Wala siyang ibang iniisip maliban sa kung anong kakainin nila ng buong araw, ano kayang gagawin nila sa araw na ito at kung saan na naman sila mapapadpad ngayon. Para bang pakiramdam niya’y nakamit at naramdaman na niya ang tunay na ligaya. Dito sa isla may nag-aalala at nagmamalasakit sa kaniya. Naalala niya kahapon nang siya’y inipit ng isang alimango, todo tawa si Gardo habang ginagamot ang kaniyang sugat. Noong isang araw ay parang gusto niyang kumain nang niyog at agad namang hinanap ni Gardo ang pinakamalaki at hinog na niyog at kanilang pinagsaluhan. Sa mga simpleng bagay na ito ay punong puno ng tuwa ang kaniyang puso.
Para bang kumpleto na siya. Buong buo na siya sa mga lumipas na araw na iyon. Iyon ang tumatakbo sa isipan niya habang nakatingin sa mga malamlam na mata ni Gardo.
At hindi na nga niya napigilan ang sarili at agad niyang inilapat ang kaniyang labi sa mga labi ni Gardo.
Napamulagat si Gardo sa gulat. Nanigas siya at di nakagalaw dahil sa gulat. Ngayon lamang ulit siya nakaramdam ng halik. Unti-unting pumapasok sa kaniyang isipan ang pangyayari at tinugon ang halik ni Ronan. Ang mga nakakubling nararamdaman ni Gardo ay nagsilabasan na. Hindi alam ni Gardo na pwede palang maging ganito katamis ang isang halik. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa buong buhay niya
Naging mapusok ang halikan ng dalawa. Tila ba dinala sila sa ibang dimensyon ng kanilang mga puso. Ang bilis ng kabog ng kanilang mga dibdib. Nakalapat na ang kamay ni Gardo na sa mukha ni Ronan at halos sakupin na nito ang buong mukha ng binata. Samantalang si Ronan ay nakakapit sa batang inuupan para sa suporta dahil pakiramdam niya’y nauubusan siya nang lakas. Agad namang kinabig ng kanang kamay ni Gardo si Ronan papalapit sa kaniya kaya mas naglapit ang kanilang mga katawan. Ngayon ay nakahawak na si Ronan sa naglalakihang mga braso ni Gardo bilang suporta. Nakasando lamang at shorts si Gardo kaya naman litaw na litaw ang mga masel nito sa mga kamay at binti niya.
“Ha ha….” hingal nilang dalawa nang sandali nilang pinaghiwalay ang kanilang mga labi upang huminga. Pulang pula na si Ronan dahil sa init na nadarama. Kitang kita na sa mga mata ni Gardo ang nag-aapoy na pagnanasa. Alam sa sarili ni Gardo na hindi siya bakla. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki. Siguro ang pinagkaiba lang kay Ronan ay nakilala niya ang pagkato nito kaya naman madali lang sa kaniyang gawin ang lahat ng ito na tanging sa dating asawa niya lang nagagawa noon. Pero iba ngayon, mas matindi pa ang nararamdman niya ngayon.
“Ito na ang huling pagkakataon mo para pigilan ako,” mahinang sabi ni Gardo kay Ronan habang hinihingal pa rin. Hindi nakasagot si Ronan, sa halip ay humahangis itong nakatitig sa kaniya. Tila nademonyo si Gardo nang makita ang ekspresyon ni Ronan na ganun na nakaawang ng bahagya ang kaniyang mga labi. Parang gusto niya ulit itong lantakan pero todo pigil siya.
“Pigilan mo ako Ronan,” muling sabi ni Gardo,” dahil kapag tinuloy natin to, wala nang atrasan..” sabi nito sa malalim na boses.
Tumayo ang mga balahibo ni Ronan nang marinig iyon. Muling nabuhay ang kaniyang dugo. Tumindi pa ang kaniyang pagnanasa hanggang sa puntong nais niyang saluhan si Gardo buong gabi.
“Matagal ko na tong gustong mangyari Mang Gardo,” panimula ni Ronan,”Matagal ko nang ninais na makulong sa mga yakap niyo…” mahinang bulong ni Ronan sa tainga ni Gardo. Dahil dito ay nabuhay ang dugo ni Gardo at alam niyang sa puntong iyon, wala nang makakapigil sa kaniyang ibuhos ang pagmamahal para sa taong ngayo’y nakayakap sa kaniya..
Ayan na po…heheheh..Sana abangan niyo po ang kasunod. (o_^)