Alpha .25 ( Ang Alamat )

PAALALA: ANG KWETONG INYONG MATUTUNGHAYAN AY KATHANG ISIP LAMANG. ANO MANG PAGKAKAPAREHO NG PANGALAN , LUGAR AT PANGYAYARI AY GAWA GAWA LANG NG MAPAGLARO KONG IMAHINASYUN

ALPHA .25 ( ANG ALAMAT )

BY: RAZEL22

————————–

BUNDOK SA TIMOG KANLURAN

Nakatingala sa papasikat na araw si tandang yulisis hawak hawak sa kanang kamay ang kapares ng tatlong asul na kristal na pinasuot sa mga estudyante. Di niya maintindihan ang nararamdaman sapagkat nagkalamat sa gitna ang kapares ng kwentas ni sting. Kinakabahan at di mapakali ang matanda sa nararamdaman.
Samantalang kakagising lang ni Ana at biglang napaluha. Napakapangit ng napanaginipan niya. Namatay raw si Sting sa isang digmaan at hindi na nakabalik pa. Agad tumayo sa kama at mabilis na pumunta sa kusina para uminom ng maligamgam na tubig. Pabalik na sana siya sa kwarto ng namataan si tandang yulisis sa labas na nakatayo at nakatingin sa pagsikat ng araw.

“Manung. May masama akong pangitain sa panaginip ko. Di ko maintindihan pero kinakabahan ako sa aking nararamdaman”
saad ni Ana at tumabi sa nakatayong matanda.

“Ana. Kung ano man ang napanaginipan mo ay sana hindi totoo. Masama rin ang kutob ko sa nangyayari ngayun. Nag aalala ako kay Sting”
saad niya at pinakita ang kapares ng kwentas ng binata na nagkalamat sa gitna.

Napatakip si Ana sa bibig at napaluha.

“Sana hindi totoo ang iniisip natin manung.”

“Sana nga Ana. Sana nga”

Inakbayan ng matanda si Ana at pumasok na ang dalawa ng bahay. Dumiretso si tandang yulisis sa kanyang duyan at bumalik sa pagtulog samantalang si Ana ay kinuha si baby Lilith na nagising na at henele. Iwinaksi sa isip ang masamang pangitain at nagtimpla ng kape para simulan ang araw.

——–

SA FSS BUILDING

Walang pahinga ang mga tao sa nagaganap na patayan na inaatake ng mga bampira sa lugar . May mga nakapasok na sa kabahayan at marami na rin ang natagpuang patay mapa bata man o matanda. Nagkalat na rin ang mga pulis at militar sa bayan para sagupain ang mga nagkalat na bampira. Inumaga na sa kakaresponde ang mga bombero at helicopter sa mga na trap na sibilyan.

“BAMPIRAAAA!!!!”
Malakas na sigaw ng isang empleyado ng nakapasok sa bintana sa ikalawang palapag ng building ang isang bampira at inatake ang mga nasa loob ng opisina hanggang sa lahat ay mamatay.

“BBOOOGGGSSSHHH!!!”
Biglang tumilpon ang pintun ng sipain ito at lumabas ng opisina. Nakaharap na ngayun ang bampira sa pintuan ng isa pang opisina na may pangalang Balderic. Biglang nakadama ng pag alangan ito na pumasok ngunit natakam siya sa mga tao sa loob nito hanggang sa hinawakan ang doorknob ng pinto at binuksan ito.

BLLLLLAAAAMMMM!!!
Di na nakareact pa ang bampira ng dumikit ang dulo ng kalibre kwarente y singko sa kanyang noo at biglang pumutok ang baril.

BLLAAG!
Parang kawayan na natumba ang katawan ng patay na bampira at bumagsak sa harap ng pintuan ni balderic na agad umagos ang maraming dugo.

“Goodjob Ben! Sige na lumakad ka na. Maraming nag hihintay ng tulong mo”
Saad ni Bal kay Ben at lumabas na ito sa opisina at nakarinig agad sila ng putukan ng baril ng binata sa labas.

Samantalang sa ika pitong palapag ng building sa rooftop ay nakatayo si Cloud hawak hawak ang cellphone na may tinatawagan. Antok na antok na ang binata pero hindi pwedeng matulog sapagkat madami pang ipapasang reports. Sa bandang likuran niya ay may nakaakyat na bampira at nagmamasid sa lalaki.

“Gehehhee may mabibiktima na naman ako nyahahahah”
bulong nito na may tawang demonyo at parang tigre na dahan dahang gumalaw palapit sa nakatalikod na lalaki.

Nang sampung metro na lang ang layo ay biglang tumalon papunta sa dereksyon ng kanyang bibiktimahin at handa na itong kumagat sa leeg ng lalaki ng. ..

DDDUUUGGGGSSSSHHHHH!!!!
Sa isang kisapmata ay natagpuan ang katawan ng bampira na nahati sa dalawa at nagkawasak ang laman loob na nakadikit sa tangke ng tubig sa rooftop ng building.

“Salamat Jasmine. Buti nakarating ka kaagad!”
Saad ni Cloud sa napakagandang babae na naka duster pa. Probinsyanang probinsyana ang dating.

THUGGGG!!
Tunog ng bumagsak ang dalawa pang lalaki na bagong dating sa rooftop ng building

“Beb ok ka lang ba? Nasaktan ka ba? San na ang kalaban? San na? Saan naaa?”
Saad ni Romeo at biglang niyakap ang kasintahan.

“Bagal mo kasi bhhhhoooyyyy!”
Si Richard na nasa likod nila at biglang nagliyab ang mga kamay at sinunog ang katawan ng bampira.

“Salamat at nakarating kayo agad. Pakitulungan muna mga tao dito sa bayan. Maya na kayo balik sa probinsiya kung tapos na ang problema.
Saad ni Cloud sa kanila at napatango ang tatlo.
Agad ding bumaba ang lalaki sa 2nd floor at pumasok na sa kanyang opisina.

SAMANTALANG sa baba ng FSS building ay may pumarang police car at agad pumasok para e clear ang area. Marami rami na rin empleyado ang napatay ng bampira hanggang sa makarating sila sa 3rd floor ng building. Merong nakitang gargoyle na nakapasok dito at agad pinaputukan ng mga long barrel fire arms.

BRATATATATATATTATATATA!!
Nanginging ang halimaw sa dami ng balang tumama sa katawan nito ngunit sa tigas ng katawan ng gargoyle ay parang nakikiliti lang siya hanggang sa dahan dahang umabante at lakad palapit sa limang pulis.

ATRAS! ATRAS BILIS!
Sigaw ng pinuno ng biglang lumusot sa likuran niya ang halimaw at sa isang bigwas ng malaking kamay ay napatapon sa pader ang nabaling katawan nito na wala ng buhay.

Natakot ang apat na natira at nagtakbuhan pababa ng building. Nang sa hagdan na sila ay nabangga nila ang isang lalaki na paakyat sa itaas.

“Umalis ka na dito bata! Bilis alis na!”
Sigaw ng pulis hanggang sa narinig nila ang lagabog ng malaking nilalang na pababa sa hagdan at naabutan sila.

Nakatayo lang ang nakabangga nilang lalaki na parang hindi natatakot at ng talunan ito ng gargoyle ay biglang nawala sa kinatatayuan at lumusot sa likod ng halimaw. Hinakwakan ng braso nito ang leeg ng gargoyle at sinakal. Tinutok ang kalibre kwarente y singko na baril sa ulo hanggang sa

BLAM! BLAM! BLAM!
tatlong sunod sunod na putok at biglang natumba ang patay na halimaw na umuusok pa ang butas sa ulo nito. Tulala ang mga pulis sa nasaksihan hanggang sa tumakbo na paitaas ang lalaki para e clear ang bawat palapag ng building.

————–

SA ILALIM NG PALASYO NG BAMPIRA

Sugatan ang reyna na inalalayan ni berto para umalis sa lugar ngunit biglang tumigil ito sa paglalakad at tumingala sa itaas.

“Berto! Magsabi ka nga saakin ng totoo. May nakita ka bang hari na may tatak ng ahas sa pinuntahan niyo ni haring melham?”
Derektang saad ng reyna dahil base sa nakita niyang memorya ng alpha ay kinuha ni melham ang kanyang ama at lahat ng tauhan sa timog kanlurang palasyo at dinala sa isang portal. Ito ang isa sa mga rason na pinagbabawalan siya ng haring bampira na makapasok sa portal na yun.

“Oo mahal na reyna. Andun ang hari ng kanluran sa krystal na palasyo sa loob ng portal at nakakulong pa rin sa krystal. Sabi sa akin e mahigit isan daang taon na dw nandun ang hari ng kanluran. Bakit po mahal na reyna?”
Saad ni berto at hinawakan ang isang mata niya na natanggal sa laban nila ni Marcus dahil kumikirot sa sobrang sakit.

“Yun ang ama ko. Kailangan kong mabawi ang ama ko at mga mamamayan sa timog kanlurang palasyo na kinulong ng hari sa mahabang panahon. Pero bago yun may kailangan akong tapusin sa itaas. Alam kung hindi ako tatantanan ni maria hanggat walang may namamatay saamin.”
Galit na saad ng reyna at tumakbo pabalik sa itaas ng lugar.

—–

Samantala sa sirang palasyo ng bampira ay nakahimlay ang patay na katawan ni Sting at nakayakap dito si maria na walang tigil sa pag iyak.
Nakatayo lang sina Russ at Marcus sa gilid ng bangkay ng kaibigan.
Lingid sa kaalaman ng tatlo ay nakaakyat na ang reyna at si berto pabalik sa sirang palasyo at pinagmamasdan sila.
Di na nakatiis ang reyna sa pagtatago at lumabas sa sirang poste at mabilis tumakbo papunta sa dereksyon ng tatlo at nakahanda ng umatake.
Sa bilis ng galaw nito ay nagulat si marcus na palapit na sa kanila ang reyna at huli na para makadepensa pa ng makatanggap siya ng isang straight punch mula dito na derektang tumama sa kanyang dibdib.
Kusang lumabas ang mga bato para protektahan siya ngunit lumagpas doon ang kamay ng reyna at tumilapon sa malayo si marcus at ilang beses tumalbog talbog ang katawan na tumama sa mga sirang poste hanggang sa bumangga sa pader ng gate ng palasyo.

UUGGGGHHHKKK!!!
Napasuka ng dugo ang nakahigang binata at parang mawawalan ng malay. Kung hindi siya na protektahan ng kapangyarihan niya ay siguradong butas na ang katawan niya sa atakeng yun.

Si maria sana ang susunod na aatakehin ng reyna ng biglang bumuga ang katawan nito ng napakalakas na hangin at napaatras ang reyna ng ilang hakbang kay maria.

“Binata. Dalhin mo ang katawan ni master palayo dito. Kunin mo na rin ang kasama mo na tinamaan ng atake niya”
saad ng galit na galit na si maria na tumayo at hinarap ang reyna.

Hinawakan ni russ ang katawan ni Sting at tumakbo palayo sa palasyo ng biglang habulin sila ng reyna ng bampira na umatake ng isang nakamamatay na suntok . Napapikit si Russ ng makalapit ang reyna sa kanya ngunit nakarinig lang na malakas na pagsabog

KKKAAABBBOOOOMMMM!!!!
Malakas na tunog ng madakip ni Maria ang kamay ng reyna at hinampas ang katawan nito sa sirang pader. Nanginig pa ang lugar at natumbahan ng sirang poste ang nakadapang katawan ng reyna.

“PAKIALAMEERAAAA!!!”
Sigaw nito sa galit at inatake si maria ngunit sa bawat sipa at suntok niya ay nakakaiwas ang babae at nakakacounter ng mabibilis at matatalim na suntok hanggang sa biglang nanginig ang tuhod ng reyna at napaluhod sa harap ni maria.

“Mata sa mata. Ipin sa ipin. Paalam na mahal na reyna”
mahinang saad ni maria at hahampasin na sana ang ulo ng reyna ng bigla itong yumoko at inilabas ang matatalim na kuko at derektang sinaksak at tiyan ni maria.

AAUUUGGGHHH!
Bigla sinipa ni maria ang nakaluhod na reyna at natumba itong napahiga sa sementadong sahig. Agad napaatras si maria at hinawakan ang pinsala sa kanyang tiyan dulot ng saksak ng mga kuko ng reyna.

“Patas na tayo ngayun maria hahaha”
Nakangiting saad ng reyna at biglang tumayo ang nakahigang katawan.
Lumutang sa ere at inatake si maria ngunit bago pa ito makaabot sa babae ay binagsakan agad ito napakalaking bato.

BOOOGGGSSSSSHHHHH!!!
Mula sa itaas niya ay may sumonod pang tatlong bato at sunod sunod na bumagsak sa katawan ng reyna .

Napangisi lang si maria at tumayo ng tuwid. Lumutang sa ere at pinalibutan ng matatalim ng hangin ang katawan. Dahan dahang itinaas ang mga kamay at. .
.
.
.
.

KRRAAAKKKOOOMMMMM!!!!!
malakas na kulog at kidlat ang luminya sa kalangitan at bumagsak na naman ang malakas na ulan.

Nanginig ang mga bato at inalis ng reyna ang nakadagan sa kanya. Hahakbang pa sana siya ng biglang tamaan ng napakalakas na kidlat

KRAAAKKOOOMMM!!! GHRRAAAAHHHH!!!
nangitim ang katawan nito sa tama ng kidlat at dumadaloy pa sa katawan ang malakas na bultahe. Bigla na namang tinamaan ng sunod sunod na kidlat na derektang tumama sa kanyang katawan hanggang sa malibing ito pababa sa ilalim ng palasyo.
.
.
.
.
.

Sa pader ng palasyo malapit sa gate inalalayan ni Russ si Marcus na makatayo habang binabantayan ang bangkay ni Sting.
Kitang kita ng dalawa sa malakas na buhos ng ulan ang malakas na kidlat na sunod sunod tumama sa iisang dereksyon.
Nabilib ang dalawa sa lakas ng medalyon ni maria at nasiguradong anak talaga yun ng kanilang master na si boss yul.

Sa kalagitnaan ng malakas na kidlat ay may biglang tumalon paalis sa lugar na yun at lumipad sa ere.

Hindi inaasahan ng dalawa na makikita nila ulit na buo pa ang katawan ng reyna ng mga bampira mapatos matamaan ng mga atakeng yun ng biglang napalibotan ito ng itim ng aura hanggang sa may bilog na itim na liwanag at sumakop sa boung katawan nito.

Maging si maria ay napatigil sa pag atake sapagkat nawalan ng epekto ang mga atake niya sa loob ng itim na bola ng enerhiya na sumakop sa katawan ng reyna.

Nakaramdam ng lindol sa boung sirang palasyo hanggang sa sumabog ang itim na liwanag . Ang umaga ay naging gabi at nahintakutan sila ng makita ang anyo ng reyna. Tinubuan ng malaking itim na pakpak at lumabas ang mahabang sungay . Ang maputlang hubad na katawan ay naging itim na parang sunog at may lumalabas na itim na usok. Parang soccubos na ang anyo ng reyna ng mga bampira na nakalutang sa ere at nakatingin kay maria.

“Toy. Oras na.”
Saad ni Russ sa kaibigan

Hinawakan ni marcus ang katawan ni sting hanggang sa matakpan ito ng matitigas na bato para ma protektahan.

“Oo toy. Tara!”

Sabay humakbang pasugod ang dalawa papunta sa dereksyon ni reyna anmarti at ni maria. Biglang tumalon nang pagkalakas lakas si marcus at habang nasa ere ay biglang humaba ang kulot na buhok, lumaki din ang katawan at umilaw ang malaking marka ng gintong leon sa likod nito. Di nagtagal ay naging ganap na leon na ang binata at derektang sinipa ang reyna ng bampira habang nasa ere.

BBBOOOGGGGSSSHHH!!
malakas na tunog ng impact ng sipa ng binata at napaatras ang reyna pababa sa lupa na umuusok ang braso sa pagsangga sa sipa ni marcus.

ZOOOMMMMMMMM!
Mula sa ibaba ay mabilis tumakbo si Russ hanggang sa lumalabas ang dyamanteng balote sa katawan at nagkaroon ng espada at dyamanteng kalasag .
Nagdash sa kinatatayuan ng reyna at isang napakalakas na bigwas ng espada na nagdala ng hiwa sa hangin at derektang tumama sa reyna.

KKAAAABBOOOMMM!!!!
Nagkandasira ang bawat instrakturang matamaan ng matalim na hangin ngunit nagulat si Russ sapagkat nasangga ng malapad na pakpak ng reyna na nakatabon sa katawan nito ang atake niya.

Itinaas din ni Maria ang mga kamay at umangat ang malaking parti ng bato sa kinatatayuan ng reyna at natabunan ito. Biglang kinuyom ni Maira ang kamao at napisa ang nakakulong na reyna sa bato ngunit di nagtagal ay nagkalamat ito at nahati sa dalawa.

“Hanggang jan na lang ba kayong tatlo?”
Nakangiting saad nito at nawala sa kinatatayuan. Lumusot sa tigiliran ni Russ at nagpasabog ng suntok na nasangga din ng kalasag ng mangkukulam. Mula naman sa ere ay mabilis na nakababa si marcus na papasipa sa reyna ngunit tinapik lang nito ng kanyang paa. Magkacounter sana ng atake ang reyna ng biglang tamaan ng ice shards sa katawan na nagmumula kay maria. Sobrang dami ng matatalim na ice ang tumatama sa katawan niya sa walang katapusang…