Alpha .27 ( Huling Habilin )

PAALALA: ANG KWETONG INYONG MATUTUNGHAYAN AY KATHANG ISIP LAMANG. ANO MANG PAGKAKAPAREHO NG PANGALAN , LUGAR AT PANGYAYARI AY GAWA GAWA LANG NG MAPAGLARO KONG IMAHINASYUN

ALPHA .27 ( HULING HABILIN )

BY: RAZEL22

—————————————

BUNDOK SA TIMOG KANLURAN

9am sa bahay ni tandang yulisis ay nakaupo ang matanda sa silya na nakaharap sa mesa at binabasa ang mga nalalaman ng itim na libro na galing pa sa ilalim ng palasyo ng hari ng timog kanluran.

Dito niya nakita ang mga kakayahan ng asul na kristal pati na ang mga nahating piraso na binigay sa tatlong estudyante.

Agad kinuha ng matanda sa bulsa ang mga kwentas at inilagay sa mesa nang mapatingin sa kapares ng kay Sting na nagkalamat na.

Sa pagpapatuloy sa pagbabasa ay may napansing nakatuping pahina ang matanda at binuklat iyon hanggang sa binasa at napangiti.

Dali daling napatayo sa kinauupuan at patakbong pumunta sa kwarto ni Ana ngunit naabutan niya itong natutulog pa rin dahil sa sobrang sakit ng leeg ng umilaw ang tanda ng kagat ng hari ng mga bampira.

“Pwede ko pala silang makausap kahit sa malayo gamit ang mga kristal . Sana ay sout sout pa nila at di pa natapon. Haist. “
bulong ng matanda at bumalik sa mesa at pinag aralan ang orasyon ng cristal.Dahan dahang binasa ang mga nakasaad sa libro.

“Me. . Keni Me. .Keni dugdug Du re mii”
napasimangot ang matanda sa nabasang orasyon pero ito talaga ang dapat niyang sambitin.

Inayos niya na sa harapan niya ang tatlong kapares ng kwentas at nag sambit ng orasyon.

“ME KENI! ME KINE! DUGDUG DU RE MI”
ngunit biglang natawa ang matanda sa kanyang ginagawa at napailing .

Nabigo siya sa pagpapagana ng orasyon pero buo ang loob ng matanda para lang malaman ang sitwasyon ng mga estudyante niya.

Hindi siya tumigil hanggat hindi niya nakakausap ang mga ito hanggang sa huling orasyon na sambit at ginalaw ang mga kamay sa ibabaw ng mesa na parang nag mamajong.

Sa malalim na boses ay nagsambit ng orasyon

“ME. KENI! ME KENI! DUG DUG! DU REMII!!!”
malakas na sigaw ng matanada ng biglang umilaw ang asul na kristal at umangat sa ere.

Agad napangiti sa kinauupuan at mas sobra pa pala sa inaasahan niya ang kapangyarihan ng mga ito. Biglang may lumitaw na imahe sa hilagang isla kung saan ang palasyo ng mga bampira at nakita ng matanda ang malaking sira at napakalaking crater na gawa ng meteor.

Sa pag tingin tingin sa imahe ay nakita niya na sina Marcus at Russ sa mataas na parte ng lupa di kalayuan sa nasirang palasyo hanggang sa namataan niya ang isang napakagandang babae.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at napangiti. Napakasaya ng nararamdaman ng matanda ng masilayan muli ang nag iisang anak na mahigit isandaang taon niya ng hindi nakita.
Biglang tumulo ang butil ng luha sa kanyang mga mata na kahit ang isang balbas saradong matanda na parang ermentanyo ay naiiyak rin.
Itinaas ng matanda ang mga kamay para hawakan ang imahe ng babae at tinawag ito
.
.
.
.
.
.
.
“Maria”

—————————————–

SA BAYAN

Nakarinig ng nakapaingay na tunog ang mga tao sa bayan at nag silabasan sa kanilang mga tahanan at napatingala.
Daan daang fighter plane ang mabilis na lumilipad papuntang hilaga at napanood din nila sa telebisyon ang napakaraming bilang ng aircraft carrier na umusad na papunta sa hilang bahagi ng pilipinas.

Kahit mga empleyado sa FSS building ay napaakyat sa rooftop ng building at natunghayan ang napakaraming eroplano pang gyera ang mabilis at sunod sunod na lumilipad sa hiligang dereksyon.

Maging sa Balderic at Cloud ay nandun na din hanggang sa isa isa nilang kinuha ang mga cellpone at nagpadala ng mensahe sa mga inaasahan nilang tagapagligtas .

“Cloud! bumaba muna tayo. Kailangan mailathala ko ito sa lahat ngayun din!”
saad ni Bal at mabilis bumaba at sumakay ng elevator.
Akmang magsasara na ito ng biglang pigilan ng kamay ni cloud ang pintuan ng elevator at sumakay na din

“Pre anung plano?”
saan ni cloud sa kaibigan

“Tulad ng dati. “

“Sige kayo sa bayan at kami sa hilaga ok ba yun ?”

“OK. approve!”

Naghintay ng ilang sandali hanggang sa pagbukas ng elevator ay sabay na lumabas at mabilis tumakbo pabalik sa kani kanilang opisina at nadadaanan lng nila ang mga patay na bampira na hindi pa nakuha ng mga taga linis.
.
.
.
.
.

Habang sa baba naman sa FSS building ay nakatayo sina Romeo, Richard at Jasmin hawak hawak ang cellphone ng makatanggap ng message mula kay cloud.
Napangiti lang ang tatlo at biglang tumalon ng pagkataas taas hanggang makarating sa rooftop ng building at sunod na tinalon ang sa kabila at mabilis na nag lakbay patungong hilaga.

Sa opisina naman ni Bal ay naroon lang si Ben at parelax relax.
Nalinis niya na ang lugar at naubos ang lahat ng natirang bampira .

Ang misyon niya na lang ay magbantay sa lugar baka sakaling may makapunta na namang kalaban.
Patingin tingin si Ben sa Flatscreen TV na nakasabit sa dingding ng opisina at dun nasilayan ang sitwasyon ng isla sa hilaga na kuha ng high tech camera mula pa sa satelite sa labas ng mundo.

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang cellphone para tawagan ang kasintahan.

———————————————

BOOOOOOMMMMMM!!!!

Nakabibinging tunog mula sa malakas na banggaan ng mga kamao nina Sting at Melham.

Napaatras ang Hari ng bampira at hindi inaasahan na may isang nilalang na kayang makapantay sa lakas niya. Hindi pa nakakalayo ay biglang sumulpot si Sting sa kanyang kanan at nakapagpasabog na naman ng isang fullswing na sipa na agad din niya nasangga ng kanyang braso.

Sa lakas ng dulot ng sipa ng binata ay nadislocate ang braso ng hari at mabilis bumaba at tumungtong sa sementong parti ng sirang palasyo at ginalaw at kanang kamay hanggang sa tumunog ang mga buto at bumalik sa dati ang nabaling braso.

“Hmmmm may ibubuga ka bata pero tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo.”
saad ng hari at sumilay sa napakaputing pisnge ang isang nakamamatay na ngiti na nakalabas ang mga pangil.

Mula sa isang portal ay may bigla na namang lumitaw na dalawa sa gilid nito at lumabas ang napakaraming halimaw at bampira.
Parang nayanig ang lugar sa dami ng kalabang lumalabas mula sa mga asul na portal na nakalutang sa ere.

Nagimbal sina Marcus, Russ at Maria sa nasilayang dami ng kalaban hanggang sa may marinig si Russ na boses galing sa bulsa.

At nang kinuha ito ay galing pala sa kanyang kwentas na may asul na kristal na kumikinang kinang pa. Naririnig nila dito ang isang tawag

“Hoy!!! Kanina pa ako tawag ng tawag! May tao ba riyan! HOY!!!!”
Nagkatinginan and dalawang binata at kinuha ni marcus ang kwentas ni russ.

“HOY KA DIN! WHO YOU?!”
Pasigaw na sagot ni Marcus sa cristal

“Tangina marcus! Si yulisis to! Nasaan si Sting?! Anung nangyari sa kanya?”
Nagulat ang dalawa sapagkat nakakausap sila ng kanilang guro sa pamamagitan ng kwentas na bigay nito.

“AH eh nakikipaglaban sa hari boss. Maraming naganap. Saka na namin e kekwento pagbalik riyan”

“Kamusta naman ang anak ko?!”
Saad nito at napatingin ang dalawa sa nakatayong si maria. Hindi ito nakasagot sapagkat walang edeya sa pinag uusapan.

“Eh boss andito siya. Gusto mo ba . . . . “
Di pa natatapos sa pagsasalita ang binata ng may biglang umatake sa kanila.

Nakapalabas agad si Maria ng buhawi at tumilapon sa malayo ang mga halimaw na papalapit.
Mabilis na umangat sa ere si Russ at tinaas ang dalawang kamay at dumilim ng langit.
Mula sa taas ay lumabas ang napakaraming nakahubad na babae na may dalang espada at kalasag hanggang sa nag umpisa na naman ang digmaan.

“BOSS! mamaya na tayo mag usap. May malaking problema dito”
saad ni marcus at tinago sa bulsa ang kwentas .

Humakbang paabante at agad nagbagong anyo hanggang sa maging leon.
Yumuko ang binata at tinapat ang palad sa matigas na lupa hanggang sa manginig ang paligid at unti unting nabubuo ang isang heganteng golem .

Hindi pa tumigil hanggang sa gumalaw ang mga bato sa paligid at nagiging mga estatwang batong gumagalaw na bigla na lang tumakbo pasugod sa mga kalaban.

Tumayo ng tuwid si Marcus na kahit pagod na pagod na ay nakakaya pa niyang makipaglaban sa mga alagad ng hari.

Libo libong mga halimaw laban sa isan libong mga nakahubad na babaeng mandirigma at mga golem.
Napakalakas na ingay ang maririnig sa lugar na yun kung saan naglalaban ang tatlong binata at si Maria kontra sa hari at reyna ng bampira.
.
.
.
.
.
.
Samantalang nakarating na sa gilid ng dagat ang napakaraming aircraft carrier at bumulusok ang napakaraming fighter plane .

Kitang kita ng lahat ang nangyayari sa isla sa hilaga na nabrobrodcast live sa telebisyon.

Di makapaniwala ang lahat dahil sa umagang umaga tirik ang araw pero sa islang yun ay gabi at may biglang napakakapal na itim na ulap ang nabubuo at ilang daang kidlat ng umulan sa isla.

” Hindi na to normal na laban!”

Sigaw ng isang kapitan ng aircraft carrier hanggang sa nakita sa monitor na unti unting lumiliit ang bilang ng mga eroplanong nag deploy.
Sabog na sabog na ang lugar sa ilang missiles na tumama sa mga halimaw hanggang sa nakita sa monitor ang nakatayong hari at nag target lock ang lahat ng eroplano.

FIRE!!!!!
FIRE AT WILL!!!
FIRE!!!!

SHHHHOOOOWWWVVVVVV
BOOOOOMMMMMMMMMMM!!!

Sa tindi ng atake ng lahat ng eroplano ay nagkaroon ng napakalaking apoy mula sa pagsabog na umabot sa ere na parang mushroom clouds.

Walang tigil rin sa pagbaril ang mga automatic na gattlinggun ng mga fighter plane sa mga lumilipad na halimaw.

Kitang kita din sa telebisyon ang napakaraming hubad na babae na nakikipaglaban at ang mga golem na nagpapabagsak na napakaraming bilang ng mga halimaw.

Hanggang sa unti unti nawala ang malaking apoy at nakita nilang nakatingala ang hari ng bampira na wala ni isang galos sa katawan at hindi umaalis sa kinatatayuan.
Biglang tinaas ng hari ang kamay ngunit nawala ito sa kinatatayuan ng biglang sipain ng isang binata at natagpuan ang hari ng bampira na tumilapon ang katawan malayo sa dating kinatatayuan.

“MARCUS! RUSS! SA LOOB NG PORTAL! PASOK BILIS!!”

Malakas na sigaw ni Sting at narinig ng dalawang kaibigan.
Mabilis na tumakbo si Marcus at tumalon ng pagkataas taas papuntang portal ngunit biglang sumulpot ang hari ng bampira at sinipa ang binata na bumulusok ang katawan pababa sa lupa at sumabog ang binagsakan nito.
Kitang kita ni Sting ang nagyari kaya mabilis na tumakbo at biglang tumalon na nagkabutas ang lupang pinagtalunan niya at derektang sinuntok ang hari ngunit nakayuko ito at nadakip ang kanyang kamay at sinikmuraan na nagkaimpact ng malakas sa kanyang likod.

“GGGUUHHHAKKKK!!”
napabuga ng dugo ng binata ngunit nahawakan niya agad ang kamay ng hari at tinapon pabalik sa asul na portal hanggang sa makapasok ito.

Nakita ni Russ na nakapasok na sina Sting at ang hari sa portal at balak na sanang sumunod nang biglang makaramdam ng isang napakalakas na aura na nanggagaling sa baba.

Kahit si Maria na nagpaulan ng kidlat at nagpalabas ng buhawi ay naramdaman din yun at napatingin sila sa iisang dereksyon.

Isang galit na galit na reyna ang nakatayo na mula sa binagsakang lupa at nakapalibot dito ang isang itim na aura na palaki ng palaki hanggang sa masakop na ang boung isla.

Naabot din ng aura ang ilang daang aircraft carrier sa dagat at nawalan ng power ang mga sasakyang pandagat.
Nagkandahulog rin sa himpapawid ang libo libong fighterplane na nakapag-eject agad ang mga pilot ngunit agad nasasawi pag mahagip ng mga lumilipad na halimaw.

Mula sa malalim na butas ng lupa ay lumabas ang kamay ni Marcus at dahan dahang umakyat sa lupa na naginginig na ang mga tuhod at hindi pa naka recover sa sipa ng hari.

KABBBOOOOMMMMM!!!!
umulan ng naglaglagang eroplano sa lugar kung saan libo libong nilalang ang matinding naglalaban hanggang sa naglakad palapit sa isat isa sina Maria,Marcus at Russ.

Sampung metro ang layo sa galit na galit na reyna at umaapaw ang pamatay na aura.

“Mga binata. Protektahan niyo ako sa mga atake ng reyna. Susubukan ko siyang dalhin sa portal at pagnapasok ko na siya ay sumunod kayo. Ayokong masira ang mundo sa labang to.”

Saad ni maria at pinagitnaan siya ng dalawang lalaki.

“SUGOD!!!!”

Sigaw niya at mabilis na tumakbo palapit sa reyna at nagpalabas agad ng mga apoy sa katawan.

GRAAAAHHHHH!!!
buong lakas niyang sinuntok ang reyna ng umaapoy na kamao na nasangga ng dalawang kamay nito ngunit agad pinasundan ng dalawang binata ng malakas na sipa na tumama sa binti at ulo ng reyna na agad nagpatumba dito.

Itinaas ni Maria ang kamay at isang milyong boltahe ng kidlat ang derektang tumama sa katawan ng natumbang reyna ngunit sa isang iglap ay nakaalis ito sa kidlat na umuusok pa ang katawan at isang malakas na suntok ang pinasabog sa mukha ni maria ngunit agad umangat ang isang napakalaking bato at nasangga ito.

“Salamat binata!”
Sigaw ni maria at umangat sa ere ang katawan hanggang sa isang napakalaking buhawi ang lumabas na hinigop ang napakaraming bilang na mga halimaw at nagkandapunit ang mga balat at laman ng mga ito sa loob at derektang kinain din ng buhawi ang reyna na umangat sa ere .
.

Balak pa sanang umalis nito ngunit agad tumalon si marcus at isang derektang sipa sa sikmura ng reyna ang tumama hanggang sa mapalipad ang katawan palapit sa portal .

Habang nasa ere ang reyna ay nakitang may lumabas na heganteng babaeng mandirigma na bibigwasan na sana siya ng espada kaya agad siyang pumasok sa loob ng asul na portal at biglang nawala.

“MGA BINATA! SA PORTAL! BILIS!”
sigaw ni maria at agad tumalon sa ere ang tatlo at derektang nakapasok sa loob nito.

————————

Samantalang palapit na sina Jasmin Romeo at Richard sa hilaga ay kitang kita nila ang mga pangyayaring nagaganap kung saan maraming pagsabog ang nangyayari at kitang kita rin ang nagliliparang mga halimaw na umaatake sa mga naka eject na mga piloto sa mga nalaglag na eroplano .

Humakbang na paabante ang mga binata ngunit sa isang kisapmata ay biglang nawala si Jasmin at nakarinig ng malakas na pagsabog na kung saan malaking parti ng lugar ang nasira at mula sa umaapoy na lugar ay lumipad paitaas sa ere si jasmin na nagbagong anyo. Ang alindog ng kisapmata. ang aswang ng kalenara

“Hoy kulupong bilisan mo at nahuhuli na tayo!”
saad ni Richard ngunit nawala na din sa tabi niya si Romeo at biglang may lumabas na napakalaking tao na may napakaraming kamay na kung saan may naiipong aura ng liwanag at dilim

Napailing na lang si Richard at humabol sa dalawa hanggang sa biglang tinawag ang pinakamalakas niya apoy at nang gumana ang sout na anting anting ay agad lumabas ang heganteng dragon na umaapoy ang katawan at biglang bumuga ng lava hanggang sa tinamaan ang napakaraming bilang ng mga kalaban.

Ang tatlong taga probinsya na ang bahala sa mga bampira at halimaw na nakalabas sa lugar na yun ng hindi nila nakita ang apat na taong kumakalaban sa hari at reyna

—————————

PORTAL

Nakapasok na si Sting sa loob ng portal at napahanga sa kanyang nakikita.
Isang lugar ng walang katapusan na parang nasa kalawakan .
Naglakad lakad muna ang binata hanggang sa makarating sa paanan ng napakalaking tulay at nakaramdam agad ito ng hindi maganda.
Humakbang paabante hanggang sa makarating siya sa paanan ng tulay at tumakbo ng mabilis.
Hindi nagtagal ay narating din niya ang dulo nito kung saan makikita ang lugar na may napakaraming berdeng kristal at kitang kita ng kanyang mga mata ang isang napakalaking palasyo na triple ang laki sa palasyo ng mga bampira.

May isang napakalaking bukas na gate ang pinasok ng binata at doon nakahanay ang napakaraming tao na nakakulong sa mga crystal at di makagalaw. Agad niya itong nilapitan hanggang sa namataan niya ang isang tao na may korona at nakasout ng balote na may tatak ng ahas katulad ng sa tattoo sa dibdib at likod ni tandang yulisis at sa mga imahe na nakita niya sa palasyo sa timog kanluran.

Agad niyang naalala ang kwento ni boss yul sa kanilang tatlo at dun kinutuban ang binata. Hinawakan niya ang kristal ng biglang magkalamat ito na agad niya ring binawi ang mga kamay.

“Maganda ba ang mga koleksyon ko binata? Yang nasa harap mo ay isang hari din. Napakahinang hari na naging isa sa mga koleksyon na nagpapaganda sa palasyo ko hahahahahha”
Biglang saad ng bampira na lumitaw sampung metro ang layo sa likod ni Sting.

“Siya ba ang hari ng timog kanluran?!”

“Siya nga binata! Marami pang mga tulad niya dito. Baka gusto mo tignan o baka mas gusto mo ding maging katulad nila hahahaha”

“Kung ganun pala ay dapat nang magtapos ang kasamaan mo. Dito. Dito mismo sa lugar mo”

“Yun ay kung kaya mo binata hahahaha. May isa pala akong sasabihin sayo. Ang kamatayan ko ang susi para makawala ang mga yan sa kulungang kristal. Malaking tulong na sayo yan. Labanan mo lang ako. Ilang libong taon na ring walang akong nakakalaban na tu. . .”
Di pa tapos ang sasabihin ni Melham ng biglang lumitaw sa kanyang harapan ang nakayukong binata at nagpasabog ng uppercut na derektang tumama sa kanyang baba.

Sa lakas ng suntok na natamo ay napaangat ang katawan nito at nabali ang panga. Sapagkagulat ng hari at di pa nakakarecover ay bigla na namang lumitaw sa ere si Sting na nakahanda ng sumipa. Papalapit na sa kanya ang paa nito ng biglang inikot ni Melham ang katawan at naiwasan ang sipa na binata at nakapagcounter ng isang fullswing na suntok na sapol na sapol sa pisnge ni Sting at bumulusok ang katawan nito papunta sa pintuan ng palasyo ng crystal at bumangga ang likuran sa pinto.

“KRAK! KRAK!”
Tunog ng mga buto sa panga ng hari ng bampira ng inayos ng kamay niya ang bali nito at naglakad papalapit sa binata.

“Ako nga pala si Melham. Ang hari ng mga bampira at ang diyos sa lugar na to!. At dito mo ako papatayin? Grahahahahah! Sabagay. Tulad ka rin ng iba. Puro lang salita”

“Ang daldal mo”
Bulong ni Sting na nagpatigil sa pagsasalita ng hari at napangiti ito

Biglang sinipa niya ang pintuan kung saan mabilis na nagdash papunta sa hari ng bampira at boung lakas itong sinuntok ngunit isang tapik lng ng hari sa kamao niya at tatlong sunod sunod na hook ang pinalasap nito sa tagiliran ni Sting at bigla itong natumba hawak hawak ang napinslang tagiliran na parang mawawapan ng supply hangin.

Yumuko ang hari at hinawakan ang kanang paa ng binata at biglang hinampas sa pader ng palasyo na kung saan parang lumindol at ito tinapon sa kanang parti ng palasyo ang katawan ng binata.

TUGDUG! TUGDUG! TUGDUG!
malakas na pumintig ang puso hanggang pabilis ng pabilis at dahan dahan itong nakatayo na duguan ang katawan at unti unting naghihilom ang mga sugat. Kitang kita ng hari ang nangyayari at napangiti ngunit napamulagat ang mga mata ng unti unting lumalaki ang katawan ni Sting at lumalabas ang mahahabang balahibo sa katawan hanggang sa maging isang lobo.

“Ang alamat ng alpha! Matagal ng nawala yan! Hindi to pupwede. Hindi!”
Sigaw ng nagulat na hari at mabilis na nagdash papunta sa kinatatayuan ng lobo

SHK! SHK! SHK!
Tunog ng matatalas na kuko ng lobo na hiniwa ang hari ng bampira ngunit nakaiwas ito at nadaplisan lang sa dibdib. Napunit ang mahabang itim na damit nito at kitang kita ang mahabang sugat sa dibdib gawa ng matatalim na kuko ng alpha

AWWWOOOOOHHHHHHH!!!
Malakas na alulong nito at humakbang na para umatake.

————

Samantalang ng makapasok ang reyna sa loob ng portal ay namangha din ito sa nakikita. Sa tagal ng panahon ay unang beses lang siya nakapasok dito ng wala ang pahintulot ng hari.
Naglakad lakad pa ang reyna ng makarating sa paanan ng tulay ng biglang nakapasok din sina Marcus,Russ at Maria at nakita ang reyna.

“Mga binata. Dito niyo na ibuhos ang lahat ng lakas niyo”
Mahinang saad ni maria sa dalawa hanggang sa manginig ang paligid ng tinaas ni marcus ang mga kamay at mabilis na tumakbo papunta sa reyna .

Mula sa walang katapusang lugar ay lumabas ang napakaraming bato at sabay sabay sa dumeretso sa kinatatayuan ni Anmarti ngunit bago pa makalapit si marcus ay may lumabas na itim na aura sa kanyang katawan na nagpasabog sa kung anumang makalapit dito. Napaatras ang binata at tumalon pabalik sa mga kasama.

“The three of you will never ever can go back in the real world after this. This is the place where the three of you will die!”
Sigaw ng reyna na biglang nag english

“HUHHH???!!!”
Kunot noong saad ni Russ dahil YOU lang ang naintindihan ng binata.
Lumapit si marcus at bumulong sa kanyang tenga.

“Toy. Bakla ka raw. Mahilig ka daw sa barbie at puro barbie at pampaganda kapangyarihan mo”

“AANNNOOOO??!!! Putangina! Bakla pala ha!

Lumabas ang mga ugat sa noo ni Russ sa galit dahil nainsulto siya ng reyna ng di alam ang totoong sinabi nito hanggang sa mula sa kalawakan ay lumabas ang libo libong babae na nakapaligid sa reyna at sabay sabay umatake.

WWWOOOOVVVVV!!!!!
isang wasiwas lang ng mga kamay nito ay nagkaputol ang katawan ng mga babae hanggang sa biglang hinawakan ni marcus si Russ at may binulong na naman.

Kahit si Maria ay walang kaalam alam sa sinasabi ni Marcus sa kanya hanggang sa

“Sige sige. Walang namang masama kung subukan diba”
Saad ni Russ at ginalaw na naman ang mga kamay hanggang sa tumayo ang mga natumbang babaeng puppet at

BOOOOOOOMMMMMM!!!!
Sumabog ang puting usok sa mga puppet ni Russ na nakapaligid sa reyna hanggang sa unti unting nawawala ang usok at napamulagat ang mata ng reyna ng makita mahigit ilang daang lalaki na may naglalakihang titi ang nakatayo sa harap niya at biglang tumunog ang mga tambol at musika hanggang sa sumayaw na parang mga macho dancer ang mga lalaking nakapaligid dito.

Napanganga ang reyna sa gulat at natakam sa mga naglalakihang titi hanggang sa nagkaroon ng espasyo sa gitna at lumabas ang bumulusok sa bilis ng umatake si marcus na naging dyamante ang mga kamao at nagpasabog ng isang napakalakas na suntok derekta sa mukha ng reyna at tumilapon mula sa paanan ng tulay palayo dito.

“TANGINA! ANUNG NANGYAYARI!”
gulat na sigaw ni Maria at napatakip ng bibig dahil sa mga nakikitang sumasayaw na lalaki.

Malaking pagsabog ang naganap sa atakeng yun ni marcus hanggang sa bumalik sa dati ang mga puppet ni russ at sabay sabay tumakbo papunta sa kinaroroonan ng reyna.

Napailing na lang si Maria at lumutng sa ere at mabilis nilipad ang mahabang tulay.
“MGA BINATA! SUMUNOD NA KAYO DITO!”

Sigaw niya na agad ding tumakbo sina Russ at Marcus hanggang sa makarating sila sa dulo ng tulay at nakitang nakatayo na ulit ng reyna ng mga bampira .

“BOOGGGGSSSHHHHH!!!!”
Nakadama ng napakatigas na kamao si marcus na tumama sa kanyang pisnge ng biglang suntukin siya ng reyna at napatapon pabalik sa tulay ang katawan nito.
Nagulat sina Russ at Maria sapagkat after image na lang pala ng reyna ang nakikita nila hanggang sa lumitaw sa karapan ni maria ang reyna at derektang sinuntok sa sikmura nito.
Nakapalabas mn ng barrier na hangin ay nakalusot pa rin ang kamao ng reyna at napatapon si maria sa gilid ng tulay at parang mahuhulog.

“MARIAAAA!!!”
Sigaw naman ni Russ at mabilis tumakbo papunta kay maria ngunit nagulat ng nasa tagiliran niya na ang reyna at sunod sunod na suntok ang tinamo ng katawan nito hanggang sa natumba ang binata at napabuga ng dugo.

Umangat sa ere ang katawan ni Maria at isang napakalakas na hangin ang nag umpisang gumalaw at unti unting nabubuo ang napakalaking buhawi na may kasamang matatalim na hangin at derektng kinain nito ang reyna.

Sa loob ng buhawi ay nagkanda sugat ang katawan ni Anmarti ngunit napangiti lang ito. Isang bigwas lang ng mga kamay at nasira ang malaking buhawi ngunit isa na namang napakalaking bola ng apoy ang sumunod na natanggap niya at sapol na sapol sa katawan nito na nagpalibing sa kanya sa lupa at nagkaroon ng malalim na butas.

Tumayo naman si Marcus na nanginging na ang tuhod at humakbang paabante .
Muling umilaw ang tatak ng gintong leon sa kanyang likuran at nawala sa kinatatayuan hanggang sa lumitaw sa butas na kinaroroonan ng reyna at

BOOOMM! BOOOM! BOOM!
Sunod sunod na suntok ang pinalasap sa katawan ng reyna ng bampira hanggang sa napatigil ito ng madakip ni Anmarti ang kanyang kamao at hinila palapit sa reyna at nagulat si marcus ng makitang nasa tiyan niya na ang mga paa ni Anmarti at biglang sinipa ng pagkalakas lakas at napatilapon palabas ng butas si marcus na napasuka ng dugo ng bumagsak sa lupa malapit sa kaibigan.

Mabilis na bumalik sa lupa ang reyna na

SHHHHAAAKKKK!!!
Isang napakalaking yelo ang derektang tumusok sa tiyan nito na lumusot sa likod na kagagawan ni maria.

Napahawak ang reyna sa pinsalang tinamo at binali ang malaking yelo sa kanyang tiyan. Sa laki ng sugat ay natumba ito at napahawak ang dalawang palad sa lupa at umubo ng dugo.

Lumipad papalapit sa reyna si maria ng bigla itong tumayo at tumalon papunta sa deresyon niya at isang sipa ang natanggap ni maria mula sa reyna na tumama sa kanyang dibdib.
Parang masisira ang napakalambot na dede nito sa lakas ng sipa na reyna at bumukusok paitaas ang katawan ni Maria.
Bigla na namang lumitaw ang reyna sa uluhan ni maria at hinawakan ang likod ng leeg nito hanggang sa parang bulalakaw na bumagsak sila sa lupa kung saan dinurog ng reyna ang napakagandang mukha ng babae.

KAABBBOOOOMMMMM!!!!!
Parang sumabog na bulkan na nayanig ang paligid sa lakas ng impact na naganap. Nataranta ang dalawang binata na pinipilit makatayo at patakbong pinuntahan ang butas kung saan bumagsak si maria kasama ang reyna.

Napatigil sila ng makitang papaakyat sa butas ang reyna hawak hawak ang walang malay na katawan ni maria na puno ng dugo at itinapon papunta sa kanila.

“MARIAA”
Sabay na saad ni marcus at russ ng masilayan ang sitwasyon ni maria ng tinapon ng reyna ang katawan nito sa kanilang harapan. Nanggigil sa galit ang dalawang binata. Lumutang sa ere si Russ at nawala ang itim sa mga mata at

KZZZZT ! KZZZTTT!!!!
May malakas na boltahe ng kuryente na biglang lumabas sa katawan nito.
Bago pa makaatake si Russ ay inunahan na ng reynang umatake ng biglang may lumitaw na heganteng babae at sa isang bigwas ng malaking espada ay sapol na sapol itong tumama sa katawan ng reyna at parang bulalakaw na dumeretso malapit sa gate ang katawan nito na may malaking hiwa sa tiyan kung saan andun din ng butas na kagagawan ni Maria.

Napahawak ang reyna sa tuhod at akmang tatayo ng napatigil dahil sumulpot si marcus sa anyong leon sa kanyang tagiliran na kung saan ang kamao nitong naging dyamante ay sapol na tumama sa gilid nito at nagkandabali ang ribs ng reyna hanggang sa napatapon sa kaliwang bahagi ng gate ang katawan nito at nakadapa sa lupa.

Nilundagan agad ni Marcus ang reyna at pinahiga. Inapakan ng malaking paa nito ang dibdib ng reyna at sunod sunod na malalakas na suntok ang pinalasap sa mukha nito. Matatalim at mabibilis na suntok na kung saan at nayayanig na ang lupa at talamsikan na naman ang mga dugo ng reyna sa tinamong suntok mula sa binata.

“PARA KAY MARIAAAA!!!! PAPATAYIN KITAAAA!!!

KAAABBBBOOOOOMMMMMM!!!!!
Sa huling suntok ni Marcus ay doon binuhos ang lahat ng lakas hanggang sa sumabog ang boung lugar.

“MARCUS! ALIS!”
Narinig ni Marcus ang tinig ni Russ at nakaramdam ng labis na init hanggang sa napatingala ang binata at nakita ang napakalaking bola ng apoy na parang mas malaki pa sa dating palasyo ng reyna .

Nahintakutan si marcus sa nakikita at mabilis umalis sa kinatatayuan at kinuha ang walang malay na katawan ng Maria hanggang sa pumasok sila sa loob ng napakalaking bukas na gate. Agad dinikit ni marcus ang palad sa lupa hanggang sa umangat ito at nagiging pyramid .

Kitang kita niyang binaba ni Russ ang mga kamay at mabilis bumagsak sa kinaroroonan ng reyna ng mga bampira ang napakalaking bola ng apoy hanggang sa bumagsak ito sa lupa palalim ng palalim at sumabog ito sa ilalim ng lupa na nagpalindol sa boung lugar.

Kalahati ng lugar na yun malapit sa tulay ang nasira at nakakabit pa rin ang malaking tulay ngunit makikita ang isang napakalapad na butas ngunit napakalalim ng napasok nito at bumaha ng lava sa ibaba.

Mula sa ere ay bumalik sa dati ang mga mata ng mangkukulam at mabilis lumipad sa dereksyon nina marcus at maria .

Nahulog sa lupa ang pyramid na naging malambot na buhangin at nakita ni Russ na nakahiga sa binti ni Marcus ang walang malay na si Maria na puno ng sugat at hinang hina na.

Napaluhod si Russ at hinawakan ang napakalambot na kaliwang dibdib ng babae na kung saan ikinagulat ni marcus

“UY UY UY toy naman! Nangmamanyak ka eh!”
Reklamo ng binata ngunit napatigil sa pagsasalita ng makitang nakapikit si Russ at umiilaw ang noo nito.

Unti unting nawawala ang mga sugat ni Maria at bumabalik sa dati ang napakagandang mukha ng babae. Tumunog din ang nagkandabaling buto na agad naayos hanggang sa huminga ng maluwag ang babae at parang natutulog lang.

“Ok na siya toy . Pacensiya di kita mapagaling. mamamatay ako at mauubusan ng lakas” saad ni Russ at biglang natumba . Nagulat si Marcus at ginalaw ang mga kamay hanggang sa tumaas ang lupang kinadadapaan ng kaibigan at naging higaan ito.

“Pahinga ka muna riyan. Siguradong wala na ang reyna ngayun. “
Saad nito ngunit lumaki ang mga mata ng mahagip ang sunog na katawan ng reyna na naglalakad papasok sa gate. Parang lasing ito at ilang beses natutumba .
Wala na ang kalahating bahahi ng katawan dahil natanggal ang boung kaliwang balikat. Malaki rin ang pinsala ng mga paa at parang mababali na rin. Sunog na ang katawan at umaapoy pa sa lava na tumutulo dito.

Hinang hina na ang reyna sa mga atakeng natanggap niya hanggang sa makapasok sa loob ng gate at makita ang napakalaking palasyo ng berdeng kristal.
Napatulala sa nahagip ng mga mata na mga taong nakakulong sa loob ng mga kristal sa paligid at biglang kinabahan dahil sa pamilyar sa kanya ang mga ito.

Patuloy na naglakad ang reyna hanggang sa natulala sa nakita.
Isang pamilyar na tao ang nasilayan na matagal na panahon ng hindi nakikita hanggang sa tinaas ng reyna ang sunog na kanang kamay na may mga tumutulo pang lava .
Agad tumulo ang luha at dahan dahang humakbang ang mga paa palapit sa tao at hindi napigilang mapaiyak ng makilala ito. Ang hari ng timog kanluran. Ang kanyang pinakamamahal na ama

“MELHAAAMMMMM!!! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MOOOO!!!
Malakas na sigaw nito na kahit si Marcus na nasa labas pa ng gate ay napatakip sa tenga.

Hagulhol sa iyak ang reyna at napaluhod sa harapan ng kanyang ama.
Nakakarinig siya na malakas na pagsabog sa likod ng nakikitang palasyo hanggang sa nag umpisang tumakbo kahit hinang hina na.
Inikot ang napakalaking palasyo ng kristal at nakitang naglalaban ang isang Lobo at Hari ng mga bampira kung saan wasak ang paligid at maraming butas na sa lupa.
Nagiba na rin ang likurang bahahi ng palasyo.

“GRAHAHAHAHAHA!!!
GRAHAHAHAHA!!
Sige pa alpha! Laban paaaaa UGGGKKKK!!!

Habang tumatawa si Melham ay mabilis sa sumulpot sa likurn niya ang alpha at isang suntok ang tumama sa likod nito at nagkandabali ang kanyang mga buto.
Agad napadapa ang hari at inikot ang katawan hanggang sa tumunog ang mga buto at bumalik sa dati. Umangat sa ere at nagbabagong anyo.

Lumaki ang katawan ni melham at nagkandasira ang sout na damit.
Naging itim na halimaw at tumubo ang napakalaking pakpak nito.
Tinubuan din ng sungay sa noo at nawala ang ilong.

WOOOVVVVV!
Pagbukas ng pakpak ay agad nakalipad ito pataas hanggang sa lumabas sa mga daliri nito ang mahahaba at matatalim na kuko.
Ngumanga rin ang malaking bunaganga at lumabas ang napakaraming matatalim ng ipin.

Nagkatitigan ang Lobo at Ang Bampira hanggang sa sabay na umatake sa isat isa.

Mula sa baba ay nailabas ng Alpha ang matatalim na kuko sa malaking kamay at handa ng atakehin ang bampira ng biglang napatigil dahil namataan sa gilid ng mga mata ang reyna na mabilis tumakbo na lumalabas ang itim na kapangyarihan sa katawan na naipon sa mga kamay. Sa isang kisap mata ay biglang nawala sa lupa at lumitaw sa gilid ng hari at inatake ito

ZZZZOOMMMMM!! KRAAAAKKKK!!
isang napakatalas na mga kuko ang sinaksak ng reyna sa tiyan ng hari ngunit nawasak ang boung kamay nito sa tigas ng katawan ni Melham.

Natulala ang reyna at napatingala hanggang sa nakita ang galit na hari at biglang hinawakan ang leeg nito ng mahigpit. Alam niya nang ito na ang katapusan niya kaya pinilit tinignan ang Alpha na tumutulo ang mga luha

“Binata! Iligtas mo ang ama ko! Ang hari ng kaluran! At ibalik mo ang mga tao sa palasyo! Ingatan mo ang kambal ko! Si ANA!” KKRRRAACCKCKKKK!!!!!
huling mensahe ng lumuluhang si Anmarti bago mag snap ang kamay ng hari at nabali ang leeg ng reyna. Parang papel na kinuyumos ang buong ulo nito at napisa .

DDUUUGGG!!!!
tunog ng katawan ng patay na reyna na wala ng ulo ang bumagsak sa lupa

Matinding galit na ang nararamdaman ng Alpha at napatingin sa Hari ng mga bampira na nakalutang sa ere at nakangisi

“BASURA! NAPAKARAMING BASURA!
.
.
.
.
.
.
.
.
.

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA: