Alpha II Chapter 26

Alpha II Chapter 26

18+

By: Razel22

———-
SA KAHARIAN NG TIMOG KANLURAN

Malakas na pagsabog ang naganap sa silangang bahagi ng pasilyo na kung saan napuno ito ng alikabok at itim na usok nang biglang umalingasaw ang nakakadiring amoy na lumaganap sa boung kaharian.

Halos mayanig ang paligid at kahit ang mga anak at pamilya nina Sting , Russ at Marcus ay nagsilabasan na sa palasyo dahil sa takot lalong lalo na ang mga pamilyang nakatira doon.

“Grahahahaahah Grahahahahahah Ano na ngayon bata?? Akala ko matibay ka? Bat ka nakadapa jan? Asan na yung aso at yung mahilig sa manika?? Grahahahahaha. . . . “ napakalalim na boses nang tumawa ang isang nilalang na nakaapak sa likod ng nakadapang si Marcus na kung saan napasuka ito ng dugo dahil sa pinsalang kanyang natamo.

“Ughhhkkk!! haaa huuuu haaa be-berto??? Buhay kapaaa??” mahinang saad nito nang biglang tumalon ang kalaban sa sahig at biglang sinipa ang kanyang tagiliran kaya halos mamilipit si Marcus sa sakit lalo na’t bumangga ang likod nito sa matigas na pader na nagcrack kaagad dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya.

“Akala mo lang yun bata! At kita mo ba mata ko? Tignan mo! Akala mo rin bulag itong isa? Grahahahaaa!!! Dahil sa inyo ay ilang beses akong pinatay ng hari ng kadiliman sa putang inang eternal chamber na yan!!! Mahigit isanlibong beses akong nabuhay at sa bawat buhay na aking nababawi ay nasusundan ito ng susunod susunod na pagpatay!!! Ngayon ay kayo ang babawian ko sa lahat ng sakit na pinaranas niyo sakin!!!” Galit na napasigaw si Berto at biglang nawala sa kinatatayuan kaya pinilit ni Marcus na makatayo at tinukod ang kamay sa pader.

Ngunit di pa siya masyadong nakahanda ng lumitaw kaagad si Berto sa kanyang harapan na nagbitaw na naman nang isang napakalakas na suntok na derektang tumama sa dibdib niya .

Sa lakas at bilis ni Berto ay tuluyang nasira ang matibay na pader at lumusot si Marcus sa kabila at tuluyang nakalabas ng palasyo na kung saan ilang beses nagpaikot ikot ang katawan nito sa lupa at nagsusuka na nang dugo.

“Arrgghhhhhhh!! Beertoooo!!!! haaaa” Pinilit niyang makatayo at mas pinalakas ang aura kaya nang lumitaw si Berto sa kanyang harapan ay kaagad nakapag palabas siya ng isang napakatibay na balote na gawa sa berdeng kristal na paikot sa kanyang katawan na kung saan nasangga nito ang isa na namang malakas na suntok ng kalaban kaya napaupo si Marcus sa lupa at tinititigan ang dati niyang master na sunod sunod na sinusuntok ang kristal na pumoprotekta sa kanya.

“Haaaa!! Akala mo maisasalba ka nang kakayahan mong to bata??? Akala mo makakapagpahinga ka?? Tignan natin!!!” sigaw ni Berto sa inis ng biglang may lumitaw na anino sa paanan nito na kung saan kaagad tumalon siya papasok na lumitaw sa loob ng kristal kaya kahit si Marcus ay nagulat din pero. . . .

“Heh!! Sa wakas pumasok ka rin!” nakangising saad ni Marcus kaya nagulat si Berto ng biglang lumaki ang kristal na kung saan parang nasa ibang lugar na sila na purong berde lang ang makikita hanggang sa napabaling ang tingin niya sa dating edtudyante. .

“Plinano mo to? Nagpagulpi ka para lang mapasok mo ko dito ? At anong inaakala mo Marcus Benjamin! Makakaligtas ka lalo na ang lahat ng nakatira dito? Grahahahaaha” ngunit ang tawa ni Berto ay nawala nang makitang lumiyad si Marcus at sunod sunod na tumunog ang mga nadislocate na buto hanggang sa ginalaw galaw nito ang leeg at nagsimula nang maglakad palapit sa kanya.

Sa bawat hakbang ni Marcus ay nakakadama si Berto na unti-unting pagtaas ng kanyang takot sa dating estudyante lalo na nung unti-unting humahaba ang buhok nito na kung saan humaba rin ang nguso at lumaki ang katawan na ikinapunit ng mga damit.

“Berto. . . Kung gusto mong umalis ay sige subukan mo. Pero hanggang jan ka na lang ba? Na laging tatakbo palayo kahit kaya mo ang makakalaban? Ganun ka na ba katakot sakin? Sige na umalis ka na nakakahiya kang nilalang! “ saad ni Marcus na unti unting nagiging mabangis na leon ang anyo kaya humilakbot ang takot sa katauhan ni Berto at nagpalabas na naman nang anino sa kanyang paanan at biglang tumalon para makaalis . . .

Ngunit ang kanyang binagsakan ay kung saan naglalakad si Marcus kaya nagpalabas na naman siya ng anino at pumasok na naman ngunit ganoon pa rin ang nangyari. . Sa loob pa rin siya ng kristal ni Marcus kaya nabahala na si Berto lalong lalo na nung mabuo ang anyong leon ni Marcus na kung saan humaba ng husto ang kulot na buhok nito at biglang nagdash papunta sa kanya ng biglang.. . .. .

BBRRAAAGGGGGGG!!!! UUGGGHHHHHHKKKKK!!!!!

Isang solidong suntok ang tumama sa sikmura niya kaya napapaatras na si Berto at napaluhod ng bigla na namang lumitaw si Marcus sa kanyang harapan at nagbitaw na naman ng isang uppercut kaya napatingala si Berto ng tumama ito sa kanyang baba at napaangat sa ere ang katawan ngunit naka bigwas pa siya ng paa at nakasipa sa dibdib ni Marcus kaya napaatras ito ng ilang hakbang.

“Aahhhkkk!!! haaaaa nakakailan ka na bataaaaaa!! Akala mo tulad pa ako nang dattiiiiii!!” galit na napasigaw si Berto at muling umusbong ang maitim na usok galing sa kanyang katawan na kung saan mas umalingasaw ang di masikmuraang baho kaya napatabon si Marcus sa kanyang ilong ng biglang nagbitaw si Berto ng hook na derektang tumama sa tagiliran ni Marcus na kaagad rin siyang nakabawi ng suntok na tumama sa sentido ng dati niyang master.

Walang umaalis sa kanilang kinatatayuan at habang nagpapalitan ng malalakas na suntok na unti unting nagpapalamat sa kristal dahil sa lakas ng impact nito.

Habang naglalaban ang dalawa ay nagsitakbuhan naman ang mga tao sa paligid nang biglang dumating si Boss Yul at tumayo malapit sa malaking bilog na Berdeng Kristal at damang dama ang pagyanig ng paligid at dinig na dinig niya ang bigat ng bawat suntok na tumatama sa katawan ng lumalaban.

“Marcus! Ikaw na lang pag-asa natin dito. . kaya pakiusap huwag kang magpapatalo sa bertong yan!! Kung andito lang sana sila ay di mangyayari to!! At paanong nakalabas ang bertong yun sa eternal chamber!” pagalit na saad ng matanda na di umaalis sa kinatatayuan at handang makipaglaban sa oras na masira ang kristal na ginawa ni Marcus.

Ngunit biglang tumakbo ang kanyang apo palapit sa kanya at hinawakan ang kamay ni Boss Yul

“Lolo!!! Tara!! umalis na tayo delikado dito!!! At ambaho ng paligid lolo.” umiiyak na saad ni Lilith kaya tinignan ito ng matanda at nakita ang tatlong magkakapatid na babae.

“Mga apo umalis na kayo dito! Ako nang bahala sige na! Sumunod na kayo sa kanila at sasabihin ko na lang pag maaari na kayong bumalik!!!!” saad niya kaya napabitaw si Lilith sa kanyang kamay naupo sa lupa na kung saan humagolhol ito ng iyak ng biglang sumabog ang malaking bola ng kristal na kung saan parang may sumabog na bomba sa loob kaya kaagad niyakap ng matanda ang tatlong apo na kung saan natapon sila sa lakas ng hangin.

Nagulat man si Boss Yul ay kaagad niyang tinignan ang paligid hanggang sa manlumo ng makita na nakaluhod si Marcus habang hawak-hawak ni Berto ang buhok nito at sunod sunod na sinusuntok sa mukha.

Napuno ng dugo ang mukha ng anyong leon ni Marcus na kung saan napuno na rin ng dugo ang nasa paligid nila.

Halos di rin mawari ang nasirang mukha ni Berto pero ito ang nananatiling nakatayo hanggang sa kumuha ito ng bwelo at lumitaw ang isang pulang liwanag sa kanyang kamao at boung lakas na sinuntok ang mukha ni Marcus na sa lakas nito ay nagkaroon ng malakas na impact na nagpatumba sa mga kahoy sa paligid at tumilapon ang walang malay na katawan ni Marcus na kung saan nagpagulong gulong pa ito sa lupa at bumalik na sa dating anyo.

“GHrahahahahaha!!!! Akala ko matibay ka bata! Nagkakamali ka kung inaakala mo matatalo mo ako sa kulungan mo nyahahahahaa di mo ba kayang amuyin ang mga inilalabas ko?? Nakahinga ka ba ng mabuti??? Grahahaahaaha” natatawang saad nito ngunit nagulat si Berto ng makita ang isang napakalaking bola ng apoy na papalapit sa kanya kaya denepensahan niya ang sarili ngunit huli na nang tamaan siya nito na kung saan sumabog ang paligid.

“Huwag kang magpapasiguro Berto! Natalo mo lang yan dahil sa walang lalabasan ang napakabaho mong amoy!!!! Napakatraydor mo talaga sa laban! Ngayon tignan natin kung hanggang saan ka!!!” galit na sigaw ng matandang si Yulisis at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Berto ngunit sa isang iglap ay tumilapon ito kaagad na kung saan napunit ang damit nito at may malaking marka ng kamao sa dibdib.

Halos napasigaw ang tatlong anak na babae ni Sting ng makita ang kanilang lolo na sa isang suntok lang ni Berto ay kaagad nawalan ng malay lalo nang naglakad palapit sa kanila si Berto at kitang kita ang nasirang mukha nito na halos mayupi na pero kalmadong naglalakad palapit sa tatlong babae kaya napasigaw sa takot sina Lilith at JL ngunit nakadama sila ng lamig sa paligid.

Ang napakalamig na ihip ng hangin na unti unting nagkakaroon ng nyebe kaya kahit si Berto ay napatigil sa paglalakad at napatingin sa iisang bata na nakatayo na at naging puti ang mga mata.

Ang batang kakambal ni Rc. Anak ni Sting at Maria. . Si Royal!!!

Sa lamig ng ihip ng malakas na hangin na kung saan unti-unting nawawala ang masalimuok na amoy ng paligid at iniihip rin ng hangin ang buhok nito hanggang sa unti-unting umaangat sa ere ang babae at biglang nawala sa kinaroroonan.

Nagpanic kaagad si Berto na kung saan nakadama ito ng labis na takot at naalala na anak pala ito ng isa sa pinakamalakas na babae na kanyang nakaharap kaya nagpalabas kaagd siya ng itim na aura sa paligid ng katawan ngunit nasisira din ito kaagad dahil walang epekto ang kanyang kapangyarihan lalong lalo na’t nababalot na ng puting nyebe ang paligid .

Doon napag-alaman ni Berto na humihina ang kanyang taglay na kapangyarihan ng biglang lumitaw sa kanyang itaas ang babae at nagpalabas ng libo-libong matutulis na ice shards kaya napasigaw sa sakit si Berto ng magkandasugat ang kanyang katawan lalong lalo na nung ilang daan sinliit ng karayom ang sumaksak sa kanyang katawan kaya . . . .

“AARGGGGGGHHHHHHHHH!!! TA-TAMAAAA NAAAAA~!!!! “ huling sigaw niya na kaagad nagpalabas ng isang anino sa kanyang paanan na insaktong ring nawalan nang malay si Berto at bumagsak papasok sa loob ng anino at biglang nawala.

Tumahimik ang paligid at tulalang nakatayo lang sina JL at Lilith at namamanghang nakatitig sa kanilang kapatid na lumapag na sa lupa na puno ng nyebe at kaagad bumagsak na padapa sa lupa at nawalan ng malay.

———-

SA LOOB NG PARADISE APARTMENT

Nakanganga at di makapagsalita si Sting at papalit palit ang tingin sa dalawang magkatabing asawa na si Maria at Ana pati na sa magandang receptionist na si Kristine na kakalabas lang ng banyo na nakatingin din sa kanya.

Pinagpapawisan siya malamig at napabaling ang tingin sa kumpareng si Russ na nakatayo lang sa kanyang tabi at di rin makapagsalita sa takot lalo na nung nag umpisang dumilim ang langit na makikita sa glass window sa room 07.

Kitang kita din ang pagdilim ng magandang mukha ni Maria lalo na nung napakuyom ang kamao nito kaya parang nenerbyos na si Sting dahil siguradong delubyo ang mangyayari pagtuluyan itong nagwala hanggang sa. .

“Sir salamat po sa pagpapahiram ng banyo at sorry po dahil natapon ko po ang alak niyo. Btw mga maam ako nga po pala si Kristine ang receptionist nina sir RC dito sa Paradise Apartment and wala po kasi ang utusan ngayon kaya ako na lang po ang naghatid ng maiinon nilang dalawa.” kalmadong pagkakasabi ng magandang receptionist kaya napataas ang kilay ni Maria na tinititigan si Sting.

“Totoo ba yun?”

“Ah eh hehe oo mahal. Tignan mo yung nasa maliit na mesa. Binuksan kasi ni MIss Tintin at nabigla siya kaya natapon ang inumin at namantsahan ang damit niya. Nanonood kasi ako ng balita kanina eh. “ sagot niya kaya parang kumalma ang mukha ni Maria at naglakad palapit dito.

“Haist ikaw talaga mahal . Nakita namin kanina si Russ sa labas at parang nagmamadali na pumunta dito kaya nagpatulong na lang kami sa kanya para mahanap ang room ng mga bata. Btw asan si Rc?” tanong ni Maria

“Ahh mamayang konti pa yung uwian ng mga estudyante at. . uhmmm lilipat din kami mamaya ni pareng Russ ng matutulugan pag dumating na sila.” sagot niya ngunit lumapit ang isang asawa na si Ana at niyakap ang kanyang braso.

“Mahal ko. . uhmm na miss na kita. Pwede bang tayo na lang munang tatlo uminom ? Russ pare ok lang sayo di ba? “ Pagpapacute ni Ana kaya napatango si Russ at inalala kung gaano ito kaganda noong nakita niya ang hubad na katawan ng babae kaya napapalunok na siya ng laway at kinalma nag sarili.

“Ahh oo oo mahal na prinsesa. . Ayus lang po. . Pupuntahan ko na lang po muna ang palasyo at bibisitahin sila doon” sagot ni Russ at naglakad papunta sa mesa at inilapag ang dalang lyempo at alak.

“Pare pacensiya na ha. Sa susunod na lang tayo uminom at uhhmm pwede mo bang maihatid si Miss TIntin sa baba?” saad ni Sting kaya sumama na rin ang magandang receptionist kay Russ.

Nang makalabas na sila sa kwarto ng mga estudyante ay napahawak si Tintin sa braso ni Russ at napasandal ang ulo nito. “Uhhmm sir. .Nakakatakot pala asawa ni sir Sting and dalawa pa! hihihi. . Haist may tama na yata ako ng inumin. “ saad ng babae kaya nakaisip ng diskarte si Russ at napahawak sa bewang nito.

“Sige hatid kita sa room mo para makapagpahinga ka muna. Huwag kang mag alala at wala namang magnanakaw sa lugar na to tsaka may cctv naman kayo sa baba d ba??” saad niya kaya napatango ang babae at nag lakad na sila pababa ng hagdan nang mapatigil ang babae sa isang pasilyo kung saan daanan papuntang CR.

Napatitig ito sa banyo pati na rin kay Russ hanggang sa . . .

“Sir pwede niyo po ba akong ihatid sa banyo?”

Isang salita ni Tintin na nagpagalit ng husto sa nagtitimping titi ni Russ kaya tumukhim muna siya bago pinaharap ang babae sa kanya at hinawakan sa balikat.