January 3. Sa pangatlong araw ng bagong taon, naglipana pa din ang mga nagdiriwang. Nasa bahay lang ako, iniisip kung ano ang pwede kong gawin para sulit ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Habang nagpapalipas ng oras nakatanggap ako ng text mula kay Nadine.
Nadine: Happy New Year, baby :)!
Ako: Ang late mo naman bumati, Jan 3 na.
Nadine: Sus, ikaw na nga binati eh. Anyway, kelan ka babalik ng maynila?
Ako: Siguro sa isang linggo, kaso di pa sigurado. Why?
Nadine: Wala lang. 😉
Natawa na lang ako dahil mukhang gusto niya ng huling hirit bago ako umalis. Kinagabihan, sinabihan ako ng pinsan ko na puntahan ang isang bagong bukas na bar. Dumating akong naka tshirt, tsinelas, at shorts, walang balak mag-effort sa ayos. Dahil hindi naman aktibo ang “night life” sa probinsya, ito pa lang ang bar na nagbukas sa bayan.
Hindi kalakihan ang bar, may ilan ilan lang na mesa, pero may stage at banda na. Konti pa lang ang customer. Habang tinitignan ko ang paligid, may napansin ako sa may di kalayuan. Isang babae, nakaupong mag-isa sa maliit na table, pamilyar ang mukha. Nakasuot siya ng checkered na polo at maong pants. Nilapitan ko siya para masigurado, at paglapit ko ay saktong napalingon siya sa akin. Si Judy, lasing na yata.
“Uy, Karl! Andito ka pala. Upo ka muna.” sabi niya.
Umupo ako sa tapat niya. Sa mesa, nakita kong may anim na bote ng beer na wala nang laman, isang hindi pa nabubuksan, habang hawak ni Judy ang isa pa. Kukunin ko na sana ang huling bote ng beer, pero hinampas ni Judy ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi umorder ng sarili kong bote.
“Judy, nakarami ka na. Umuwi ka na kaya?” sabi ko.
“Ano ka ba, o-ok pa ako. Just wanted to t-try this beer. Also wanted to e-experience drinking sa isang bar.” sabi ni Judy. Halatang hirap siya magsalita dulot ng kalasingan.
“Walong bote, ‘try’ lang?” tanong ko.
Tinignan ko siyang mabuti. Halatang may dinaramdam siya. Huli ko siyang nakita sa debut ni Nadine, at doon, nagpakalasing din siya. Nanahimik siya bigla, parang maluluha pero bitin. Hindi rin ako sigurado kung ano ang sasabihin sa kanya.
“Tungkol ba ‘to kay–“
“Pangit ba ako?” pinutol ni Judy ang aking tanong. Sa ginawa niyang iyon, tiyak tungkol nga ito sa ex niya.
“Pangit ba ako? Kasi di ko pa rin gets si Louie eh.” muli niyang tanong.
“Judy, hindi ka pangit. ‘Wag mo naman isipin ‘yun.” Sa totoo lang, di ko talaga alam kung ano ang sasabihin. Para na ‘tong eksena sa teleserye.
“Alam naman ng lahat how it all started. N-Naging kami nung highschool. It lasted all those years, tapos… tapos biglang mawawala lang?” sabi niya.
Nanahimik na lang ako. Ang kailangan ni Judy ay taong makikinig sa hinanaing niya, hindi isang taong makikipagtalo pa. Uminon muna siya ng beer bago tinuloy ang pagsasalita.
“Have you heard? Have you heard how… how it all ended?” tanong niya. Napailing lang ako.
“Nilapitan niya ako, told me his feelings are d-windling. So I tried to keep the relationship. I became desperate. I… I had sex with him.” dugtong niya.
Nagulat man ako sa aking narinig, hindi ko ito pinahalata sa kanya. Hinayaan ko lang siya, dahil sensitibo na ang mga nasasabi niya.
“After all that, hiniwalayan niya pa din ako. I… I don’t understand. Bakit niya gagawin yun? Naalala mo yung debut ni Nadine, dinala pa niya yung puta niya.” sabi niya bago uminom muli ng beer.
“I thought… I thought magiging okay lang ako. Pero hindi ko kinaya. I… I broke down. Lost my control. Nagpakalasing ako that night.”
Halos maiyak na siya. Tinapik ko na lang siya sa balikat.
“Judy, mahirap man, we must live on. One of these days, makikilala mo rin yung taong magmamahal talaga sa’yo. There’s no telling kung sino, pero huwag mong saktan ang sarili mo everytime a relationship does not work.” Nakiramdam ako sa magiging reaksyon niya, pero di siya umimik.
“Hatid na lang kita sa inyo. Tara?” tanong ko.
“Mamaya na… Uubusin ko lang ‘to.” sabi ni Judy.
Sinubukan ko pang awatin si Judy pero nagpumilit siyang uminom. Matapos maubos ang laman ng bote ay muli siyang nagsalita.
“Umamin ka nga, Karl. Would you… would you date me?” tanong niya.
“Well I admit, dati pa lang talagang nagandahan ako sa’yo, kaso nilihim ko kasi malabong maging tayo. Ngayon, I would date you, if only–“
“If only ‘di mo kaibigan ang ex ko. I get it, I get it.” sabi niya. “Sa’yo nalang yang huling bote.” dugtong niya.
“Pinagdamot mo kanina, ibibigay mo din naman pala.” sabi ko.
Medyo nanahimik bigla si Judy, pakiramdam ko’y gusto na lang niyang umalis. Dahil doon, nagmadali ako sa pagubos ng beer. Inaya ko na siyang umalis, at pumayag naman ito . Binayaran ko lahat ng mga inumin at humanap na kami ng masasakyan. Pagbaba’y naglakad pa kami ng konti papunta sa bahay nila.
Dahil hindi niya kayang i-akbay ang braso niya sa balikat ko, pinili ni Judy na yakapin na lang ang braso ko. Dahil na din sa medyo chubby niyang katawan, halos mahatak niya ako tuwing mawawalan siya ng balanse. Hinigpitan niya ang yakap niya, at nadidiin ang dibdib niya sa braso ko. Hindi ko siya pinuna, pero sa isip ko tila sinasadya na niya.
Pagdating namin sa bahay ni Judy, nakita kong patay lahat ng ilaw sa loob. Siguro, tulog na ang mga tao sa bahay, pero nanigurado na ako. Tinulungan ko siyang buksan ang gate. Papunta na kami sa may pinto, saka ako nagtanong.
“Uh, Judy, yung mga magulang mo–“
“Walang tao sa bahay. Ako lang” sabi niya.
Doon ako nag-alala. Alam kong di pa talaga sanay malasing si Judy, at kakailanganin niya ng tulong kung sakali. Hindi kaya ng konsensiya ko na iwanan siya, baka madisgrasya pa. Huminga ako ng malalim, batid ko’y magiging mahaba ang gabi.
Nagpaalam muna ako sa magulang ko na di ako makakuwi, buti na lang napayagan ako. Inalalalayan ko si Judy papasok. Inalalayan ko siyang sumuka sa may lababo ng kusina nila, at sa wakas naihiga ko na siya sa kama ng kwarto niya. Hindi ko na siya pinagpalit ng damit, kasi alam kong mahihirapan lang siya.
Nakahiga ngayon si Judy sa harap ko, halos hindi makagalaw dahil sa antok at kalasingan. Kung tutuusin, napaka-vulnerable niya, pero ayoko naman siyang pagsamantalahan. Inaamin ko, nakakatukso yung sitwasyon, pero ayoko namang masira ang pagkakaibigan namin. Nang makitang tulog na si Judy, saka lang ako nagpahinga. Pinili kong hindi tumabi kay Judy sa kama, sa halip ay sa sala ako natulog.
Nagising ako kinabukasan, nang tinignan ko ang cellphone ko, 9:00 am na. Bumangon ako at nag-ayos ng sarili. Tinungo ko ang kwarto ni Judy, at sa loob, nakita kong tulog pa siya. Sandali akong nakatayo lang malapit sa kama, nakatitig lang sa kanya. Tumalikod na ako at lalabas na sana nang marinig kong gumalaw si Judy. Paglingon ko’y nakita kong nagmumulat pa siya ng mata, pero nakahiga pa rin siya.
“Ummm… Karl? Wait, aalis ka na?” tanong niya.
“Well, unless you still need help, I’ll get going.” abi ko.
“Can you stay, just a bit longer?” pakiusap niya.
“Sige, sabi mo eh.” sabi ko.
Umupo ako sa gilid ng kama niya. Tinulungan ko siyang bumangon. Habang inaangat ko katawan niya, napayakap siya sa akin. Nakaupo na kami pareho sa kama, pero magkayakap pa din kami.
“Thanks ha? I was quite helpless talaga last night.” sabi niya.
“Don’t worry about it. Magbihis ka na, I’ll be outside.” sagot ko.
Ilang minuto akong naghintay sa sala nila bago lumabas si Judy. Nakasuot na siya ngayon ng manipis na sando at short shorts. Sa nipis ng sando niya, kita ko ang puting bra na suot niya. Nakakaakit ang hitsura ni Judy, para bang sinadya niyang magsuot ng ganoong damit. Tinabihan niya ako sa upuan at sinandal niya ulo niya sa balikat ko. Ipinatong niya pa ang isa niyang kamay sa hita ko.
“May aaminin ako sa’yo…” sabi niya. Medyo kinutuban na ako.
“Noong nagkakilala tayo back then, I liked your personality. Kahit medyo tahimik at nerdy ka noon, I enjoyed your company, especially noong magkasama tayo sa school publication team. Well, may commitment na ako kay Louie noon, so I knew falling in love with you was trouble. Now, we see each other again after a long time. After all that happened naisip ko tuloy: what if naging tayo?”
Inangat niya ulo niya at nagkatitigan kami. Hinalikan niya ako sa pisngi. Mapungay na ang kanyang mga mata. It was so full of emotion, parang ang mga bagay di niya masabi ay dinadaan na lang niya sa titig. Naglapit ang aming mga mukha, at nahalikan ko siya sa labi. Ilang sandali lang, natauhan ako sa ginawa ko at kumalas.
“Sorry, Judy. I didn’t intend to–“
Hindi na ako natapos sa pagsasalita, dahil hinawakan ni Judy ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi. Akala ko magagalit siya, dahil sinamantala ko ang pagiging vulnerable niya, pero heto, siya na mismo ang humalik sa akin.
…