AN APPLE A DAY CHAPTER 24

Enjoy guys.

Ang nalalapit na pagtatapos.

*********
Hindi na ako muling pinilit pa ni Papa ng sabihin ko sa kanya na umalis sa ibang bansa ang nakabuntis sakin. Ang payo niya ay alagaan ko ang bata at wag pababayaan. Basta matuto na daw ako sa aking kamalian.

Dahil malaki naman ang kwarto sa office ko, dinadala ko nalang ang anak ko, dahil takot akong iwanan siya at ayaw kong iba ang mag alaga sa kanya. minsan kasi lumalayo nag loob ng mga bata sa nnaay pag di sila ang laging kasama.

Talagang binabalanse ko ang oras ko sa trabaho at sa pag aalaga kay baby.

Kumatok ang aking secretary, si Paolo. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Papa dito.

Nakilala ko na si Paolo nung bumubisita palang kami ni Papa. Ramdam kong may pagtingin siya sakin dahil minsan ay nahuhuli kong nakatingin lang siya sakin kapag itinutour kami sa lugar ng mga manok at sa warehouse.

Gwapo si Paolo, Kayumanggi ang balat nito at sobrang fit din niya. laging naka 3/4 na pang opisinang damit ang suot nito at ang hapit na pantalon. Sa height niyang 5’9 at maskulado nitong katawan siguradong pagkakaguluhan siya ng mga dalagang empleyado.

Paolo: Ma’am Apple ready na po ang mga empleyado natin for the meeting.

Apple: Okay Pao, Thank you for assissting me.

Paolo: That’s my job ma’am.

Apple: Don’t call me ma’am, baka tumanda ako bigla. Call me Apple nalang.

Paolo: Okay po ma.. Ay Apple pala.

Apple: O diba mas okay. mas komportable pa ako.

Ngumiti lng siya.

Apple: Bigyan mo muna sila ng miryenda

Keith: Why are you talking to him mommy? Is he my daddy?

Napangiti ulit si Paolo. Lumabas ang kanyang dimple.

Apple: No baby, he is Tito Paolo.

Keith: Oww Hello Tito Paolo. Mommy I’m sleepy already.

Nag wave naman si Paolo bago tuluyan nagpaalam.

Binigyan ko siya ng gatas at pinahiga.Nang makatulog si Keith ay sumunod na ako sa meeting.

Masayahin silang lahat at mabilis lang makapalagayan ng loob. Maganda lahat ng reports nila. May mga napuna man ako ay yung mga maliliit na detalye lang.

Apple: Okay so, I’m expecting you guys to cooperate with me. Kung may problema po kayo just let me know. Pwede niyo rin sabihin kay Pao kung nahihiya kayo sakin pero mas okay pag directly sakin. Kung may suggestions kayo ganyan pagusapan natin. Tulong tulong tayo. Okay, back to work na tayo nice to meet you guys.

Bumalik na ako sa opisina ko. Nagtrabaho ako ng mabilis habang tulog pa ang baby ko.

Naalala ko ang utos ni kuya Norbin.

Apple: Yes, this is Ms. Sandobal of SGC Good morning, Please schedule me a meeting tomorrow by 9 o’clock with your boss.

Other line: Copy ma’am. Thank you.

Inuunti unti ko muna ang mga trabaho ko. Isa isa kong binusisi ang mga reports nila upang matugunan ang kakulangan ng kompanya.

Hapon na ng umuwi kami ng anak ko. Nang malapit na kami sa bahay, nakaharang ang sasakyan ng kabilang bahay.

Dahil dito bumusina ko.

Pipippppp. pipippppp. Bumaba sa sasakyan yung babaeng masungit. kinatok ang salamin ng kotse ko. kaya binaba ko naman.

Matet: Ano hindi kaba makapag antay. Kararating mo nga lang ee.

Apple: Matet kasi pagod ako sa trabaho gusto ko nang magpahinga. inaantok na din ang anak ko.

Matet: Wow kasalanan ko pa. o di lumipad ka. Tsaka di lang ikaw ang pagod kaya mag antay ka.

Gusto ko nang sapakin ang mukha ng babaeng to. Nakakainis

Apple: O sige na ipasok mo na yang magara mong sasakyan. Mag aantay kami nakakahiya naman sayo.

Umirap siya bago bumalik sa sasakyan niya. Tila Nananadya pa siya dahil sobrang bagal niya pumasok.

Nang Mapansin kong kasya na ako ay pinaabante ko ulit ngunit Umatras pa siya.

Literal na napakahayop ng babaeng to nanggigil ako.

Keith: Mommy calm down. Don’t fight with her please.

Dahil sa narinig ko sa anak ko agad humupa ang galit at inis ko sa babaeng yun. Tama nga naman. Hinabaan ko nalang ang pasensiya ko. Hindi rin tama na ipakita ko sa bata na nakikipag away ako.

Sa wakas nakauwi din kami. Pagkatapos naming kumain, bonding na talaga namin ng anak ko ang magbasa ng stories.

Bigla nalang siyang nagtanong.

Keith: Mommy where’s my daddy?

Ito ang halos araw araw na tanong niya sakin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Apple: Let me read a story first.Is it okay baby.

Keith:Yes mommy,

Apple: It is about a witch neighbor. One day,a little boy was playing in front of their house. Suddenly an ugly woman talk to the boy. “I’ll give you chocolates and candies if you will follow me.” Because the boy wants to eat candies and chocolates he followed the ugly woman. Until they are already in the house of the ugly woman. But no chocolates and candies in their house. Then the ugly woman turn into an ugly witch. But her mother appear like a superhero. He save her son and use her superpowers to fight with the witch until the witch disappear. The end.

Haysss buti naman nakatulog kana. Baby pasensya na hindi ko masagot ang tanong mo. Naluha ako nung maalala ko ang nangyari sa resort pero nagpapasalamat parin ako dahil nagkaroon ako ng cute na baby boy.

Lumabas muna ako upang uminom ng tsaa pero laking gulat ko ng nagaaway ang mag asawa sa kabilang bahay. Hanggang isang motor ang humarurot paalis. Dinig ko naman ang umiiyak na babae.

Ilang oras lang at tumahimik na. Inantok na rin ako kaya umakyat na ako para matulog.

**********
-Kelvin-
Napakahirap talaga intindihin ng premature ang isip na mapangasawa. 24 na ako halimbawang 21 naman siya. Oo 17 lang siya nung pinakasalan ko siya ang mga magulang niya din naman ang nagsabi na ituloy ang kasal.

Focus kami ni Tito Ruben sa kompanya dahil parang unti unting nawawala ang mga customer namin na malalaki. Kumuha kami ng detective upang masusing pag aralan ang nangyayari sa kompanya.

Pagdating ko sa bahay. Napansin kong parang may nakatira na sa bahay sa tabi namin. Hindi kasi ako laging dito natutulog dahil lagi lang kaming nag aaway ni Matet. Gustong gusto ko na siyang mabuntis para magkaroon na ng sarili kong anak. Ap…