*********
-Kelvin-
Isang bagong kompanya ang nilipatan ng mga malalaking kompanya na kliyente namin. Mas lalo kaming kinakabahan sa nangyayari. Kumukuha pa ng impormasyon ang agent na kinuha namin. Kung sino ang may ari dito at pinagkatiwalaan agad nila.
Umuwi muna ako dahil andun daw si Matet sa bahay.
Kelvin: Ayos ah Uuwi ka nalang kung kailan mo gusto.
Matet: Pwede ba wala ako sa mood makipagtalo.
Kelvin: Matet ano bang balak mo. Sa tingin mo ba laro laro lang tong pinasok natin?
Matet: Bakit? sabihin mo sakin minahal mo ba ako? Kahit kailan Kelvin di ko pa narinig ang salitang i love you galing sayo. Kahit kailan di ko naramdaman na mahal mo ako. Kelvin kahit nag sesex tayo parang ang layo mo sakin. Aminin mo na napilitan lang tayo sa kasal na yun.
Kelvin: Oo sige kung yun ang gusto mong marinig napilitan lang ako. Para masalba ko ang kompanyang pinaghirapan pa ng lolo ko. Matet sinubukan kitang mahalin pero sa tuwing ginagawa ko saka mo naman pinaparamdam na wala kang pakialam.
Matet: Wag tayong maglokohan Kelvin. Kahit kailan di mo ako minahal. Aalis kami papuntang China diko alam kung kailan kami babalik.
Kelvin: Wala ka talagang kwentang asawa.
Matet: Mas wala kang kwenta. Wag mo nalang akong kausapin bahala ka sa buhay mo.
*******
-Usapang pamilya-
P1: hanggang kailan ko ba siya pakikisamahan. gusto ko nang pakasalan ang boyfriend ko.
P2: Antayin mo muna na maagaw natin lahat sa kanila. Wag kang mainip.
P3: Anak ikaw handa na papeles. ikaw hiwalay na sayo asawa pero ikaw hati sa ari arian niya. Kuha ka magaling na abogado.
P2: Nararamdaman kong nagpapaimbestiga na sila kailangan na natin magawa ang plano natin sa lalong madaling panahon.
*********
-Kelvin-
Nagulat ako ng may magdoorbell. Paglabas ko nakita ko si Keith.
Keith: Papa laro tayo.
Kelvin: Halika pasok ka
Hawak nito ang bola niya.
Kelvin: Saglit lang ha aakyat lang ako may gift ako sayo.
Blagggg kranggggg….
Pagkakuha ko ng gift ko kay Keith ay dali dali akong bumaba.
Andun na si Matet sa baba at pinapalo ang bata.
Umiyak ng malakas si Keith nabasag kasi ni Keith ang Vase na mamahalin sa mesa.
Nagdilim ang paningin ko at nasaktan ko si Matet.
Kelvin: Ano kaba Vase lang yang nabasag pwedeng palitan yan.
Matet: Sino ba kasi ang batang yan.
Narinig ata ni Apple ang iyak ni Keith at nagmamadaling pumasok sa bahay.
Apple: Anong nangyari. Anak halika dito.
Matet: Yang magaling mong anak binasag lang naman yang mamahaling vase ko.
Apple: Magkano ba yan? babayaran ko. dodoblehin ko pa. Pagalit na sagot nito. Anak nasaktan kaba.
Keith: Pinalo ako Mama. It was an accident. I didn’t mean to break the Vase. huhuhuhu.
Apple: Pati bata sinasaktan mo.
Matet: Kasalanan naman ng anak mo. In the first place anong ginagawa niyan dito, ang sabihin mo pabaya kang ina.
Hindi na nakapagtimpi si Apple sa sinabi ni Matet agad nilapitan hinawakan ang buhok at iwinasiwas papunta sa sofa. Sinakyan niya ito at sinampal.
Apple: Bawiin mo ang sinabi mo hayop kang babae ka. Hindi mo pa kasi naranasan maging ina kaya ganyan ka gaga ka wag mong mamaliitin ang pagiging ina ko dahil ako lang ang mag isang nagpalaki sa kanya.
Sobrang kawawa na si Matet.
Keith: Mama tama na please. I don’t want you to get hurt. Mama huhuhu
Sinubukan kong paghiwalayin ang dalawa kaso masyado nang malakas si Apple at ayaw nang papigil.
Ngayon ko lang nakita na ganito pala siya katapang.
Nang mahawakan ko na siya at mailayo ay sinubukan pa niyang sipain si Matet.
Binuhat ko siya palabas sumunod naman si Keith. Naiwang umiiyak si Matet. Wala na akong pakialam sa kanya, gawin niya ang gusto niya. Mali naman talaga siya di niya kailangang saktan ang bata.
Pinaupo ko siya sa sala. Kumuha ako ng tubig. Umupo naman sa tabi niya si Keith na umiiyak.
Kelvin: Sorry Apple di ko siya nabantayan. Keith sorry kinuha ko kasi tong gift ko sayo.
Umiiyak parin siyang binubuksan ang gift ko.
Hinaplos ko naman ang likod ni Apple.
Kelvin: Tama na Apple, ikalma mo ang sarili mo.
Dahil nanginginig parin siya, diko napigilang yakapin siya. habang hinahaplos parin ang likod niya.
Kelvin: Tama na. Wag kang mag alala tama lang yung ginawa mo sa kanya.
Unti unti naman siyang kumalma pero ang pagdikit ng dibdib niya sa katawan ko ang siya namang nagpagalit sa alaga ko.
Mukhang kailangan ko din kumalma.
Keith: Thank you Papa.
Sumali si Keith sa yakapan namin.
Hanggang bumitaw na kami sa yakapan.
Kelvin: Okay kana? Kasalanan ko di ko siya nabantayan.
Apple: Salamat, Baka napatay ko siya kung dimo ako pinigilan.
Kelvin: Dapat tinuloy mo na para ikaw nalang ang….
Apple: Baliw di nakulong ako.
Ngumiti na siya. Pinainom ko ulit ng tubig.
Binilhan ko ng transformer na motor si Keith ayun mukhang nakalimutan na ang nangyari.
Blaggg…. isang bato ang tumama sa bintana nina Apple.
Agad kong niyakap si Apple at Keith.
Paglabas ko naman ay saktong sumakay si Matet at pinaharurot ang sasakyan.
Hayop talaga yung babaeng yun.
Dahil andun pa ang panginginig ni Apple ay nagprisinta akong ako na ang magluto para sa kanila.
Naghihiwa ako ng karne ng baboy.
Apple: Ako na diyan.
Kelvin: Turuan mo nalang ako. nanginginig ang kamay mo baka hindi pa masarap ang maluto mo.
Apple: Pagsabihan mo kasi yung asawa mo.
Kelvin: Pupunta nga daw ng china na ee di daw alam kung kailan babalik. Wag na siyang bumalik.
Apple: Nakakagigil, ayaw ko lang na sasabihan akong pabayang ina. Hindi niya lang alam, ang hirap kaya na ako lang ang nagpalaki sa anak ko. naging pabaya siguro ako nung nagpaubaya ako sa lalaking hindi ko man lang kilala at nagpabuntis pa.
Umiyak na naman siya.
Tinigil ko ang ginagawa ko at niyakap siya at hinalikan.
Kelvin: Your the bravest mother I’ve ever met. Hindi ka nagkulang sa pagpapalaki sa kanya. I admire you kinaya mo siyang palakihing mag isa.
Hinalikan ko ulit siya.
Apple: O siya baka wala tayong kainin. Pero salamat Kelvin. I…
Kelvin: I love you?
Tila nahiya naman siya.
Apple: I thank you…
Tumawa ako ng tumawa at sobrang pulang pula ng pisngi niya.
Lumapit naman si Keith.
Keith: Papa Kelvin is this your Birthday gift.
Kelvin: Birthday mo ba?
Apple: Next week pa.
Kelvin: Hindi pwedeng di natin icelebrate yan. How about swimming.
Keith: Yes. i want it Papa. I will invite Ela.
Kelvin: Sino si Ela?
Apple: Anak ni Mikoy at Yvette.
Kelvin: Yvette? hmmn parang narinig ko na pangalan niya diko lang marecall kung saan. May anak na pala si Mikoy.
Apple: Anak nasa Hongkong sila ngayon ee. Birthday gift nila kay Ela.
Keith: It’s okay. Papa Kelvin will be with us naman.
Kelvin: Halika nga dito. niyakap ko siya ng mahigpit.
Keith: You know what Papa Kelvin Tita Matet looks like the witch in mama’s story. Then mama is my super hero.
Napatawa nalang ako nung tawagin niyang witch si Matet. Di ko naman siya masisisi.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ulit ako dahil pinapatawag ako ni Tito Ruben.
Chinese daw ang may ari at di pa matukoy kung sino.
Kahit magsearch ka ay walang lumalabas na may ari. kumbaga sabi sabi palang na Chinese ang may ari.
Unti unting ibinebenta ng family ni Matet ang share nila sa kompanya namin para daw masolo na ulit ng pamilya namin ang kompanya.
Hindi ako mapalagay sa ginawa nila at kailangan kong mapatunayan na sila ang nasa likod ng paglipat ng mga kliyente namin. hindi naman ako sigurado pa pero may kutob ako.
Kelvin: Sige balitaan mo ulit kami pag may nakuha kang mahalagang impormasyon.
Bumalik ako sa mismong Birtday ni Keith. Dinala ko sila sa isang resort sa Laiya sa Batangas.
Excited na excited na ang anak ko. Isang room lang ang kinuha namin. Gusto niya dalawang room pero ayaw ko namang humiwalay pa siya ng room. Kasya naman kami sigurong tatlo sa bed.
Nag swimming muna kami sa pool. Tuwang tuwa ang anak ko at si Kelvin habang inaalalayan niya ito na paglangoy.
Kelvin: Mag kayak tayo.
Keith: Sige Papa gusto ko.
Wala na akong nagawa dahil kung ano ang gusto ni Keith yun ang masusunod.
Pinanood namin ang sunset.
Keith: Papa Kelvin I have a question?
Kelvin: Ano naman question mo. wag lang math ha?
Napangiti ako. Yun kasi ang dahilan kaya napalapit kami sa isa’t isa, ang pagtututor ni Apple sa akin.
Keith: Do you like Mama?
Nagulat ako sa tanong niya. Maski si Apple ay gulat na gulat din.
Kelvin: I don’t like her.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Keith. Sobrang cute niya parang siya yung sinabihan na hindi ko gusto.
Pati si Apple nakakatuwa ang reation ng mag ina.
Kelvin: But I Love your mama. I Love you Apple.
Parang cherry bomb si Apple sa sobrang pula ay puputok na.
Si Keith naman ay pumalakpak pa.
Keith: Kaya pala you kissed her. Mama I want Papa Kelvin for you.
Hindi na makapagsalita pa si Apple siguro nahihiya. Pero ako sobrang saya ko dahil boto sakin ang anak niya.
Desidido na ako hihiwalayan ko na si Matet. Tatanggapin ko si Apple ng buong buo. I want her to be my wife. I want to be with her for the rest of my life.
Inakbayan ko si Apple. Yumakap naman sakin si Keith.
Apple: Tara kain na tayo.
Pagkatapos kumain, bumalik kami sa kwarto. nanonood si Apple habang kami naman ni Keith ay nagkukulitan sa kama.
Nagrewrestling kami siyempre ako ang kawawa. Hanggang kiniliti ko siya ng kiniliti.
Keith: Nooo…. hahahaha Stop it Papa Kelvin…. hahahha Stop it please… hahaha Mama hellllpppp…. hahaha
Tawa siya ng tawa. Nang tinigilan ko siya, Kumuha siya ng unan at hinampas sakin. Tumakbo naman ako papunta kay Apple at ginaya pa siya.
Kelvin: Nooo stop it…. Mama o si Keith
Sumiksik ako kay Apple at yumakap.
Nakangiti naman si Apple.
Tawa siya ng tawa na humahabol skin. Binitawan ni Keith ang unan.
Keith: Sali ako. Yumakap nadin siya.
Umunan siya sa hita ko. at maya maya pa ay tulog na siya. Hinatid ko muna siya sa kwarto.
Bumalik ako couch kung saan nakaupo si Apple. Ako naman ang umunan sa hita niya.
Hinahaplos haplos niya ang buhok ko. Hinuhuli naman ng bibig ko ang kamay niya saka hahalikan.
Apple: ahm about sa sinabi mo kanina. Kelvin wag mo paasahin yung bata.
Kelvin: Sinabi ko lang naman ang tunay na nararamdaman ko. Apple mahal na mahal kita.
Apple: Mahal din kita Kelvin pero may asawa ka, sa mata ng diyos at ng mga tao bawal tong ginagawa natin.
Kelvin: Apple itatama ko lahat ng ito.Nakita mo naman hindi ako masaya kay Matet. Makikipaghiwalay ako sa kanya. Pakakasalan kita Apple.
Tumulo ang luha niya.
Apple: Sana this time gawin mo na yang pangako mo. Masakit umasa Kelvin.
Kelvin: Mahal ko wag ka nang umiyak. I will fix all of this. Promise ko sayo pakakasalan kita.
Tumigil naman siya sa pag iyak at hinalikan ako sa labi.
Bumalik siya sa panonood. Umikot ako, paside naman ako at nakatapat sa…