THIS STORY IS A WORK OF FICTION
and names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.THIS STORY CONTAINS SEX THEMES AND SHOULD ONLY BE READ BY LEGAL-AGED PEOPLE.
~~~
Ako si Ana: Prologue
Napakalamig ng umagang iyon. Bumangon ako ng maaga dahil alam kong ito ang huling araw ng pagpasok ko sa paaralan sa aming baryo. Sa wakas ay makakatapos na ako ng hayskul. Hindi naging madali ang naging buhay estudyante ko; dalawang beses akong tumigil sa pag-aaral at ngayong disi-otso anyos na ako pa lamang nakapag-tapos ng hayskul. Marahil sa aking likuran ay pinag-uusapan at pinagtatawanan ako ng ilan sa aking mga kamag-aral, ngunit wala akong panahon upang bigyan sila ng pansin. Ang sabi kasi ng aking ama, hindi basehan ang edad sa kung dapat ba o hindi dapat mag-aral ang isang tao. Kaya naman iginapang niya ang aking pag-aaral kahit na eksakto lamang o minsan ay kapos pa ang kanyang kinikita sa pagsasaka.
Hindi naging madali ang buhay ko at kasabay ng aking ika-labingwalong taong kaarawan ay ang araw na aakyat ako sa entablado ng munti naming paaralan bilang nakapag-tapos sa sekondaryang lebel ng edukasyon.
Ako si Ana at ito ang aking kwento.
~~~
Unang Yugto
Ang Aking Guro
Ang araw na ito ang isa sa mga pinakahihintay kong araw. Hindi dahil sa ako ay magtatapos na ng sekondarya ngunit dahil sa ako ay tutungtong na sa legal na edad. Ito kasi ang naging kondisyon ng lalakeng pinaka-hinahangaan ko sa buong buhay ko upang kami ay magkaroon na ng laya na iparamdam ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Isang guro sa paaralan si Sir Tony, tatlumpung taong gulang at galing sa siyudad. Hindi mo iisiping mahuhulog ang loob ko sa kanya dahil bukod sa napakapayat niya ay hindi rin naman siya katangkaran, kung hindi ako nagkakamali ay nasa 5’6″ at payat ang kanyang pangangatawan. Hindi ko naman maitatanggi na napakagwapo ng mukha ni Sir sa likod ng salamin na nagkukubli sa malamlam niyang mga mata. Ang matangos na ilong kapares ng manipis at mapupula niyang labi na nakapatong sa maputi at makinis niyang balat ay makapagbibigay ideya na galing siya sa isang may kayang pamilya. Ngunit ang talagang pumukaw sa aking interes at paghanga sa kanya ay ang kanyang talino at galing sa pagsasalita ng ingles. Talaga namang nakakakilig kapag bumibigkas siya ng mga tulang banyaga sa harap ng klase.
—
Bago matapos ang huling eksaminasyon sa paaralan ay nilapitan ko siya at inabutan ng panyo na nakaburda ang pangalan niya at pangalan ko ng magkasama. Halos sumabog ang mukha ko sa labis hiya at alam ko na namula ako ng sobra nang maibigay ko ito sa kanya. Nakakahiya ngunit kinailangan ko itong gawin sapagkat nabalitaan ko na ito na ang huling taon niya ng pagtuturo sa aming paaralan.
“Para sa’kin to? Wow thanks Ana!”, pagpapasalamat ni Sir Tony.
“O..opo sir. Sana po magustuhan ninyo.”, ang nahihiya kong sagot.
“Oh why are you blushing? Naku kinikilig naman ako sa regalo mo.”, pabirong hirit ng aking guro.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Gusto kong sabihin sa aking guro na sa buong buhay ko, bukod sa aking ama, siya lamang ang tanging lalake na hinangaan ko.
“Ana, OK ka lang ba. Once again, salamat dito. I really like it.”, malumanay na pagpapatuloy ng aking guro.
Ilang segundong nakakabinging katahimikan ang sumunod.
“SIR GUSTONG GUSTO KO PO KAYO! SANA MAGUSTUHAN NYO RIN PO AKO!!!”, halos pasigaw ko nang hirit.
Nakita ko na nabigla ang aking guro sa aking ginawa at sinabi. Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa akin at alam ko ang malamlam niyang mga mata ay parang sinag ng araw ng nakatutok sa akin, sa likod ng kanyang makapal na salamin.
“Naku Ana, salamat at hinahangaan mo ko, nakakatuwa naman. Pero sigurado ako makakahanap ka ng kasing edad mo na magugustuhan mo. Masyado na akong matanda para sayo.” ang malumanay na pag-saway ng aking guro.
“PERO KAYO PO TALAGA ANG GUSTO KO SIR! WALA PO AKONG MAGUGUSTUHANG IBA!”, ang matapang ko namang sagot.
Sa mga pagkakataong ito, alam ko na halos kulay mansanas na ang mukha ko sa labis na kahihiyan. Ang guro ko naman kalmado lang na nakatitig sa akin at nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
“Naku bat parang nagagalit ka? O sige ganito na lang, mag-aral kang mabuti, Ana, at kapag 18 years old ka na. Puntahan mo ako at sabihin mo ulit sa akin ang mga sinabi mo ngayon ha?”, malumanay niyang sagot.
Hindi ko na alam ang aking isasagot at sasabihin pa sa aking pinakamamahal na guro. Parang gumuho ang mundo ko sa kanyang mga sinabi. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako humanga ng labis sa isang tao, ngayon lamang din ako nasaktan ng ganito. Sa labis na sakit ay hindi nako nagsalit. Bagkus ay tumalikod na lamang ako at tumakbo papalabas ng silid-aralan kung saan naroroon ang aking guro, may luha sa mga mata at may determinasyon sa dibdib.
~~~
At sa wakas ay dumating na nga ang araw na aking pinakahihintay. Ang aking pagtatapos. Ang aking ikalabing-walong taong kaarawan.
Pagkatapos matawag ng aking pangalan upang sumampa sa entablado at kunin ang diploma, agad akong lumingon sa kinaroroonan ni Sir Tony. Pumapalakpak siya at mababakas ang tuwa sa kanyang mga mata. Itinaas at ipinakita sa kanya ang aking diploma at siya naman ay nagbigay ng “thumbs up” sign bago ipinagpatuloy ang pagpalakpak.
Matapos ang programa ay dali-dali akong nagpunta sa kanyang kinaroroonan.
“Sir, natapos ko na rin po sa wakas ang hayskul! Napakasaya ko po!”, ang maligayang salubong ko sa kanya.
“Congratulations, Ana! You deserve it! I am so proud of you!”, ang sagot naman ng aking guro.
Nagkatitigan kaming dalawa at walang nagsalita ng ilang segundo bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na basagin ang katahimikan.
“Sir, sana wag kayong magalit sa gagawin ko, pero hanggang ngayon ay hinahangaan pa rin po kita. Ikaw lang po ang hinangaan ko ng ganito.”
“Wow, salamat, Ana. To be admired by a young student is really ar privilege.”, nakangiting sagot ng aking guro.
“Sinundan ko lamang po ang sinabi ninyo, na sa oras na ako ay 18 na, sasabihin ko ulit iyon sa inyo.”, ang sabi ko sa aking guro.
“Wow, eighteen ka na?”, pagkabigla ng aking guro.
“Opo Sir! At birthday ko nga po ngayon!”, ang sagot ko naman.
“Well Happy Graduation and Happy Birthday! Hahahaha!”, ang masayang sagot at pagtawa ng aking guro.
Sa mga pagkakataong iyon ay dumating ang aking ama. Ipinakilala ko sila sa isa’t-isa.
“Congratulations po sa inyo at sa anak ninyo, Tony nga po pala.”, salubong ng aking guro sa aking ama habang nakikipagkamay.
“Salamat din po, kayo po pala si Sir Tony. Naku napakaraming kwento ng anak ko tungkol sa inyo. Napakagaling nyo daw po.”, ang nahihiyang sagot ng aking ama.
“Naku si Ana talaga, kung ganon nga ho e talaga namang napakasarap sa pakiramdam na maayos pala ang pagtuturo ko sa mga bata.”, ang sagot naman ng aking guro.
“Sa ibang banda, bakit hindi po kayo sumaglit muna sa bahay. May konting handa po, bukod sa pagtatapos ni Ana ay ito po ang ika-labing walong taong kaarawan niya.”, paanyaya ng aking ama.
“Naku hindi naman ho ba nakakahiya?”, pabirong sagot ng aking guro.
“Naku hindi po Sir. At hindi po ako tatanggap ng hindi para sa sagot ninyo. Hindi maaaring wala ang paboritong guro ng aking anak sa araw ng kanyang pagtatapos at kaarawan.”, ang sagot ng aking ama.
Nagpatuloy pa ng ilang minuto ang pag-uusap ng dalawa at napagkasunduan nilang bibisita na lamang sa hapon si Sir Tony dahil na rin sa kailangan din niyang bumisita sa iba pang nag-anyaya sa kanya.
Hindi ko alam na ang magiging pagbisita palang iyon ni Sir Tony ang babago sa aking buhay.
~~~
Ikalawang Yugto
Ang Selebrasyon
Alas-singko na ng hapon ng makarating si Sir Tony sa amin. Mukhang pagod na pagod na siya ngunit sinalubong pa rin niya ng matamis na ngiti ang pagbati ng aking ama. Ang aking ama naman ay tila hapung-hapo na rin sa maghapong pag-asikaso sa mga bisita. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng selebrasyon sa gawi namin ng baryo. Napaka-hirap ng buhay sa amin at talaga naman pili lamang ang mga pagkakataon na magkakaroon ng handaan.
Labis ang pagod ng aking ama dahil siya at ako lamang ang nag-estima sa mga bisita. Namayapa ang aking ina noong ako ay sampung taong gulang pa lamang at simula noon ay ako na ang tumayong ina sa tahanan namin. Kaya sa mga pagkakataong ganito, ako ang naghahanda at nagluluto at tinutulungan lamang ako ng aking ama.
“Tuloy ho kayo!”, ang masayang salubong ng aking ama.
“Naku salamat ho, pasensya na at nahuli ako ng pagdalaw. Napakarami ko pa po kasing dinaanang pagsasalo. E siniguro ko naman hong ang bahay na ninyo ang huli kong bibisitahin upang hindi naman ako magahol sa oras.”, pagpapaumanhin ni Sir Tony.
“Naku walang problema, tuloy ho kayo’t ipaghahanda namin kayo.”, ang sagot naman ng aking ama.
Maliban kay Sir Tony ay dalawang bisita na lamang ang nasa bahay namin, si Tita Amor at ang kanyang anak na si Ningning na di naglaon ay nagpaalam na rin para umalis. Tahimik na kumakain ang aking guro nang puntahan siya ng aking ama na may dala-dalang isang galon na puno ng lambanog.
“Umiinom ho ba kayo, Sir?”, tanong ng aking ama.
Tila nagulat ang aking guro sa tanong ng aking ama, napatingin siya sakin na noo’y nakikinig sa usapan nila. Tila ayaw namang magmukhang mahina ng aking guro kaya ngumiti ito at sinabing…
“Naku Tony na lang ho ang itawag nyo sa akin, sige ho at umpisahan nyo ang tagay.”
Tila biglang nagliwanag ang mukha ng aking ama. Madalas na uminom ang aking ama bago ito magpahinga at kadalasan ay mag-isa lamang siya. Kaya siguro tuwang-tuwa siya sa pagkakataong ito na magkaroon ng kakwentuhan habang tinutungga ang lambanog.
Inabutan na ng dilim ang inuman nilang dalawa. Medyo maingay na kung magsalita ang aking ama, tanda ng nalalasing na siya. Si Sir Tony naman ay tahimik lang na nakikinig sa mga utal-utal na na kwento ng aking ama. Hindi nagmintis at tumanggi sa ano mang tagay si Sir at ikinagulat ko iyon ng labis. Akala ko ay walang ano mang bisyo ang butihin kong guro pero may itinatago din pala itong kalokohan sa pag-inom ng alak.
Ilang beses nang nagsuka ang aking ama at inaalalayan naman siya ni Sir ngunit pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay tila inabot na ng aking ama ang kanyang sukdulan sa pag-inom. Nagpaalam na itong pumasok sa kanyang silid at binilin na lang sa akin na ako na daw ang bahalang maghatid sa aming bisita. Ni hindi na niya nagawang magpaalam kay Sir Tony at labis ko iyong ikinahiya.
“Pasensya na po, Sir. Hindi ko inakalang malalasing na labis ang aking ama.”, paumanhin ko.
“It’s okay, Ana. I better get going. Medyo disoras na ng gabi.”, paalam ni Sir Tony.
Ihahatid ko na sana si Sir nang pagtayo niya ay bigla siyang natumba sa labis na pagkahilo. Doon ko naisip na pinipilit na lamang niyang manatiling nakatayo ngunit labis na rin ang kanyang kalasingan dahil sa dami ng kanilang nainom ni tatay.
Inalalayan ko si Sir papunta sa mahabang bangko kung saan hindi na niya napigilan ang sarili na humiga habang nakasayad sa lupa ang mga paa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni tatay upang gisingin siya at itanong kung ano ang dapat gawin ngunit kahit anong katok ko at pasigaw na pagtawag sa kanyang pangalan ay hindi ito sumasagot.
Dali-dali akong bumalik sa kinaroroonan ng aking guro dala ang isang planggana na may…