And The Winner Is ….. 1 – Panimula (Revised And Updated)

AND THE WINNER IS ….. 1 – Panimula

by Jackstone

Mga Pangunahing Tauhan:

Pamilya Rizalde

Fred – negosyante, dating embahador sa Amerika, 55 anyos

Nicole – Amerikana, asawa ni Fred, 40 anyos

Tess – anak ni Fred at Nicole, 18 anyos

Pamilya Agoncillo

Jaime – opisyal sa isang departamento ng pamahalaan, 50 anyos

Margie – asawa ni Jaime, dating pinay model, beauty queen at artista, 38 anyos

Anne – anak ni Jaime at Margie, 18 anyos

Part 1

Si Tess at Anne, magkaparehong graduating sa senior high at magkasing-edad, 18, ay lumaking magkaribal sa lahat ng bagay. Magkalapit bahay sila sa Saniramsad Ville sa Makati at pareho din nag-aral sa esklusibong paaralang na di kalayuan sa kanilang village.

Si Tess ay anak ni Fred, isang mayaman na negosyante, dating embahador sa Amerika, na nagka-asawa ng isang blonde na Amerikana, si Nicole. Namana ni Tess ang ganda at bulas ng katawan ng kanyang ina, pati na ang kulay ng buhok, blonde na mahaba.

Si Anne naman ay anak ni Jaime, isang kilalang opisyal ng pamahalaan na may mataas na katungkulan. Ang ina ni Anne, si Margie, ay dating beauty queen na naging modelo at artista. Namana din ni Anne ang biyas ng kanyang ina.

Dahil nga nakatira sa parehong village ay magkakilala ang at maituturing din na magkaibigan ang kanilang mga magulang. Katunayan ay pareho pang opisyal ng Village association ang kanilang mga ama, at magkasama din sa PTA ng paaralan ang kanilang mga ina. Tito at tita nga ang tawagan nila sa mga magulang ng isa’t-isa.

Nguni’t sadya yatang nasa ugali na nilang dalawa ang di magpatalo sa isa’t-isa. Mula pa lamang sa nursery ay lagi na lang nagpapatalbugan ang dalawa sa paaralan. Kung ano man ang hihilingin na donasyon ng paaralan, ang laging nauunang mag-volunteer ay si Anne.

Ang gagawin naman ni Tess ay hihigitan ang ano man na donasyon nila Anne. Noong minsan na humiling ang paaralan na ipaayos ang library, nag-donate ng ng pintura at pati na ang serbisyo ng mga pintor ang pamilya ni Anne. Ang ginawa naman nila Tess ay ipinaayos ang lahat ng butas at bintana ng library at saka pinakabitan ng aircon at sinagot ang gastos sa kuryente habang nagaaral si Tess doon.

Noong nasa huling taon ng senior high school ay nagkaroon ng paligsahan sa kanilang paaralan. Ang sinuman na mas maraming ticket na maibebenta at makapag-raise ng mas malaking pondo para sa paaralan ang siyang mananalo. Dahil parehong maganda at malaking bulas, silang dalawa ay napiling pambato ng kani-kanilang mga section.

Sa edad na 18, si Anne ay 5′ 8″ ang taas. Si Tess, 18 taon din, ay 5′ 7″. Parehong napakaganda, maputi, balingkinitan ang katawan, matambok ang puwet, mahaba ang buhok. Kung tutuusin ay masasabi ding medyo ang hawig nila at wala kang itulak-kabigin sa kanilang dalawa nguni’t, bukod sa buhok, blonde si Tess dahil sa ina, mas malaki din ng di hamak ang suso n’ya kay Anne.

Di naman kaliitan ang kay Anne na size 36B nguni’t ang kay Tess ay 37C. Mas makinis ang mala-porselanang balat ni Anne dahil may halong lahing-tsino ang ina nito. Samantalang si Tess ay namana din ang tipikal na balat ng mga Amerikana na may mga freckles nguni’t di naman nabawasan ang ganda nito.

Araw ng Linggo, mga isang linggo bago matapos ang contest, dumalaw si Anne sa bahay nila Tess kasama si Margie, ang kanyang ina. Konserbatibong bestida ang suot ni Anne ngunit litaw pa din ang kanyang likas na ganda. Ganun din si Margie na bagamat 38 anyos na ay taglay pa din ang katawan ng isang dalaga.

Ang maid na si Inday ang nagbukas ng gate.

“Inday, nandyan ba sila mam at sir mo?”

“Nandun po silang lahat sa pool sa likod. Tumuloy na po kayo doon.”

Nagulat pa si Tess ng makita si Anne at Margie.

“Mom, why are they here?” bulong nito sa inang si Nicole na kasama n’yang nagbababad sa swimming pool.

“Margie called up to ask a favor. It’s about the contest at your school. Your dad and I has pledged to buy some tickets for Anne’s candidacy.”

“But she’s running against me. Why are you helping her?”

“Don’t worry, sweetie. It’s just a few thousand pesos worth of tickets. Besides which they also pledged to buy an equal amount of tickets for your campaign.”

“Really?”

“Yeah. Anne’s dad told your dad to send you to his office to pick up the check for your tickets.”

“Hi Nicole, Fred,” bati ni Margie sa mag-asawa. “And hello to you too, Tess. It’s a nice day for a swim.”

“Hello Tita Margie,” sagot ni Tess na nakangiti nguni’t ng makalingat si Margie ay sinimangutan nito si Anne.

“Join us,” bati ni Nicole, “the weather is hot and the water is cool.”

“We’d love to but not today. We have some more errands to run. We’re here to pick up your pledge for Anne’s candidacy. Oh, and Tess, you can pick up yours at my husband’s office anytime. The check is ready.”

“Oh yes. Wait just a minute. I’ll get it upstairs,” sabat naman ni Fred.

Makalipas ang ilang minuto ay nakuha na nila ang check na para kay Anne at nagpaalam na sila.

“Hon, ihahatid ko muna sila sa gate,” paalam ni Fred kay Nicole.

“Ok, hon,” sagot naman ni Nicole.

Tuwang-tuwa si Anne nguni’t nalungkot din s’ya ng malaman na tutulong din pala ang kanyang mga magulang kay Tess. Alam nya na silang dalawa na naman…