Maayos naman ang relasyon naming mag-ama kahit pa kabilang ako sa ikatlong kasarian. Hindi pinaramdam sa akin na iba ako. Lumaki ako na puno ng pagmamahal at pang-unawa mula sa aking mga magulang na kahit pa iba ang landas na gusto kong tahakin ay suportado nila ako. Hindi ako kailanman kinulong sa kanilang kagustuhan at hinayaan nila akong hanapin kung ano ang nais ng aking puso.
Kasalukuyan akong nakaharap sa aking laptop dahil sa may tinatapos akong trabaho. Maya-maya pa ay nakita kong dumaan si kuya Rodel, ang isang manggagawa dito. Tatlong taon ang agwat namin ni kuya ngunit 2nd year college pa lamang ito sa kursong agriculture. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan itong tumigil sa pag-aaral at dahil pursigido itong makatapos ay si papa na ang sumagot sa kaniyang pag-aaral at maging allowance nito kapalit ng kaniyang pagtatrabaho dito sa hacienda. Masipag si kuya Rodel. Siya ang pinakamalapit kong kaibigan at tinuturing ko na rin siyang kuya.
Isang makisig na lalaki si kuya. Kulay kayumanggi ang kaniyang balat dahil sa lagi itong bilad sa araw. Isa yun sa nagpadagdag sa kaniyang karisma bilang isang lalaki. Lapitin ito ng mga babae’t binabae ngunit hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan sa pagkakaalam ko.
Sa katunayan ay may gusto ako kay kuya Rodel ngunit dahil straight si kuya ay hanggang tingin lang ako sa kaniya kahit gustong gusto ko nang umamin. Ang kaso, alam kong walang patutunguhan to. Isa pa ay kakagaling lamang ni kuya sa breakup. Alam kong mahal niya pa rin ang taong iyon dahil minsan ko nang nakitang mala sa sarili si kuya na nakatingin sa larawan ng babae. Ipinagpalit si kuya sa isang mayaman. Hindi ko na alam kung ano ang buong kwento dahil hindi ko na tinanong si kuya tungkol dito. Isang buwan pa lamang kasi ang lumipas simula nang sila ay maghiwalay.
Dahil nasa veranda lang ako ay nakita agad ako ni kuya. Umakyat si kuya sa tatlong hagdan habang buhat-buhat ang isang malaking box sa kaniyang mga balikat. Nakasando at slacks lamang si kuya, marahil ay dahil kakagaling nito sa klase dahil may nakasabit na polo sa kaniyang balikat at labis ang pagpipigil kong tumingin sa kaniya dahil mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Basang-basa rin siya ng pawis at hindi ito nakakatulong sa init na nararamdaman ko ngayon.
“Bunso,” tawag sa kin ni kuya Rodel kaya naman binaling ko ang aking tingin sa kaniya. Bunso ang tawag saakin ni kuya dahil para na rin niya daw akong nakababatang kapatid. Mejo d ko bet ung nakapatid-zone na talaga ako pero ganun talaga.
“K-kuya,” nauutal kong sabi.
“Package daw para sa iyo,” sabi nito.
“A-ah, cge, salamat kuya, pakilagay nalang po jan,” sagot ko naman. Inilapag ni kuya ang package sa mesa pagkatapos ay ngumiti ito sa akin habang humahangos. Napapamura na lang talaga ako sa aking isipan dahil sa alindog ng hayop na to.
“Mukhang busy ang programmer natin ah,” sabi ni kuya.
“Ah opo, kailangan ko to para siguradong gagraduate ako,” sabi ko naman.
“Ikaw pa,” sabi nito sabay gulo sa aking buhok kaya naman napatulala nalang talaga ako.
“Uy, ayos ka lang?” sabi ni kuya nang mapansin niyang nakatulala na ako sa kaniya.
“A-ah, ano, opo.. haha” sagot ko. Gusto ko nang malamon ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
“Sigurado ka?” tanong ni kuya at sumagot lamang ako ng oo kahit na halos sumabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
“O siya, kailangan ko nang umalis at may gagawin pa ako sa greenhouse,” sabi nito.
“Sige po kuya, salamat po ulit,” sagot ko dito.
Pagkaalis ni kuya ay nakahinga ako ng maluwag. Lumapit ako sa box at binuksan ito. Laman nito ay mga iba ibang gamit na binili ko online sa isang shop. Nang masigurado kong kumpleto at nasa maayos silang kalagayan ay pinunta ko na ito sa kwarto ko. Pagkatapos ay binalikan ko ang aking ginagawa dahil kailangan na itong mafinalize at nang maipasa ko na. Mabilis tumakbo ang oras at dahil sa pagkatutok ko sa aking ginagawa ay hindi ko na namalayan ang oras. Malapit nang magdilim nang pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa aking silid upang mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para sa hapunan. Pagkarating ko sa kusina ay si kuya Rodel pala ang nagluluto. Nakasuot ito ng puting tishirt at jogging pants na kahit ganun kasimple ang suot nito ay ang pogi pogi pa din. Medjo basa ang buhok niya tanda na kakauwi lang din nito at kakatapos mag-ayos. Dito na rin naninirahan si kuya dahil isang oras ang layo ng bahay nila sa pinapasukan niyang unibersidad.
“May maitutulong po ba ako kuya?” pagkuha ko sa atensiyon ni kuya.
“Najan ka pala bunso,” sabi ni kuya, “upo ka muna jan at malapit na rin naman itong maluto.”
“Nga pala bunso, sabi ni sir di muna siya makakauwi hanggang sabado kasi may aasikasuhin daw sa Batangas,” sabi ni kuya. Binilin na naman ako ni papa kay kuya. Lagi kasing kapag wala si papa ay binibilin niya ako kay kuya.
“Ah sige kuya, ” sagot ko saka ko tinignan ang phone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ito at nakita ang mga messages at missed calls ni papa. Di ko alam na nakasilent pala ang phone ko kaya di ko nakita mga ito. Pagkatapos ay binulsa ko na ulit ito at lumapit nagsimulang ayusin ang hapag nang makakain na kami ni kuya.
“Ako na jan bunso,” sabi ni kuya.
“Ok lang kuya, wala naman akong ginagawa eh,” sabi ko habang inaayos ang mga kubyertos. Ngumiti lang si kuya sa akin at pinagpatuloy ang pagluluto. Lumipas pa ang ilang minuto ay kumain na kami ni kuya. Isa ang pagluluto sa mga talento ni kuya dahil masarap itong magluto kaya naman naparami ako ng kain. Ako na rin ang nagpresinta na maghugas ng pinggan pero hindi pumayag si kuya pero dahil sa pamimilit ko ay pareho na kami ngayong naghuhugas ng aming mga ginamit. Nagkamustahan din kami tungkol sa mga nangyari ngayong araw.
Halos ganito araw-araw ang sitwasyon dito sa bahay. Madalas ay sabay din kaming mag-aral sa gabi. Minsan nagkukulitan at nagkukwentuhan. Ngunit simula nang maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan ay nabawasan ang mga araw at gabing iyon. Ngayon lang ulit kami naging ganito at labis akong natutuwa dahil dito.
Dumaan ang mga araw na ganito ang aming sitwasyon. Halos bumabalik na ulit sa dati ang sigla ni kuya. Lumipas pa ang mga araw ay du…