Lahat ay nagkakasiyahan ngayong gabi. May kantahan, sayawan, kwentuhan at kulitang nagaganap. Masaya ako na lahat ng mga andito ay nagkakasundo. Para na rin kasing pamilya ang turing ni papa sa kanila kaya ako ay ganun na din ang trato sa kanila. Lagi kasing sinasabi sa akin ni papa na kung wala ang mga trabahador na mga ito ay hindi niya magagawang mapalago ng maayos ang farm. Nagpapasalamat na lamang kami sa Diyos dahil biniyayaan niya kami ng mababait, masisipag at magagaling na manggagawa.
Kasalukuyan akong nakikipagkwentuhan sa mga manggagawa nang dumating si kuya at nakalingkis sa kaniya ang isang magandang babae, ang kaniyang dating kasintahan. Nakasuot ito ng puting bestida na lampas sa kaniyang tuhod. Napakaayos ng istusura nito at talaga namang bagay na bagay sila ni kuya. Medyo kumirot ang puso ko sa kaisipang iyon pero unti-unti na akong nasasanay. Sa katunayan ay masaya ako para sa kanila. Hindi ko man alam kung paano sila nagkabalikan ay ang importante ay masaya si kuya. Napakalawak ng ngiti niya habang pinapakilala ang babae na kaniyang kasintahan. Hanggang sa papalapit na sila ng papalapit sa akin. Nagkatitigan kami ng babae at masasabing maganda talaga siya. Morena at makinis ang kaniyang balat at makikita mo sa kaniyang mga mata na mabait itong tao.
“Ah bunso, si Isabella, girlfriend ko. Si Kim naman, anak ng boss ko, “pagpapakilala ni kuya sa aming dalawa. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at tumayo sa aking kinauupuan upang batiin sila.
“Hello po ate, Kim po,” pagpapakilala ko.
“Magandang gabi sayo Kim, Isabella nga pala,” sabi naman ni ate Isabella. Pagkatapos ay umupo na kaming tatlo at nagkwentuhan. Masaya din palang kasama si ate kaya pala hindi makamove-on si kuya noon.
Kung ano ano na lamang ang mga napagkwentuhan namin na hindi na namin namalayan ang pagtakbo ng oras. Mabuti naman at makakasundo ko siya. Lumipas ang ilang minutong pag-uusap namin ay tinawag ako ni papa para ipakilala sa mga bago niyang ka-negosyo. Pagbalik ko sa dati kong pwesto ay naabutan ko sila kuya at ate Isabella habang nagtatawanan. Napako lang ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan kung gaano kasaya si kuya sa kaniya. Muling nanikip ang dibdib ko.
Akala ko kaya ko na, pero hindi pa pala. Hangga’t nakikita kong masaya si kuya sa iba ay labis na sakit ang dulot nito sa akin. Imbes na bumalik ako doon ay lumabas muna ako para magpahangin dahil hindi na kaya ng puso ko. Konti nalang at babagsak na ang luha ko.
Pagkalabas ko nagtuloy-tuloy na ang pagbuhos ng aking mga luha. Madilim na ang paligid kaya naman alam kong walang makakakita sa akin sa ganitong kalagayan. Sa totoo lang ay naaawa na ako na naiinis sa sarili ko dahil sa lintek na pagmamahal na to. Isang bagay lamang ang naisip ko sa mga oras na iyon.
Iyon ay ang lumayo muna dito. Gusto ko munang lumayo sa mga bagay na magpapaalala sakin kung gaano ko siya kamahal. Baka sakaling maging daan na iyon para tuluyan na akong makalimot. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Tinignan ko kung sino ang tumatawag ay si Alexa pala, best friend ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit inayos ang aking boses para hindi mahalatang umiyak ako. Baka susugod yun dito pag nalaman niyang umiiyak na naman ako eh. Kaya minsan hindi ko agad sinasabi sa kaniya ang lahat dahil alam kong makakaabala ako sa kaniya.
“Besssss!!!” sigaw nito sa kabilang linya kaya naman labis akong nagulat.
“Kakagulat ka naman,” sabi ko.
“Kasi naman, may magandang balita ako sa yo!” sabi nito sa akin.
“Ano yun?”
“Yung friend ko sa Baguio, naghahanap daw ng isang programmer ang company nila. Malaki ang sahod bes at maganda rin ang benefits,” excited na sabi nito.
Eto na ba ang sign na kailangan ko munang lumayo?
Handa na ba ako?
Inexplain pa ni Alexa ang tungkol sa kumpanyang iyon at kung ano ang magiging trabaho ko. Sa totoo lang ay maganda talaga ang offer.
“Pag-iisipan ko muna bes. Siyempre, kailangan ko munang kausapin si papa tungkol diyanm,” sabi ko.
“Sure bes, pero ha, sayang ang oppurtunity na ito. Sa tingin ko naman ay maiintindihan ni tito,” sabi naman nito.
Alam ko naman iyon pero nagtatalo na ang puso at isipan ko sa ngayon. Sa bilis ng mga pangyayari ay tila hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nais ko. Kanina lang gusto kong umalis at magpakalayo pero nang dumating na ang sign, parang nagdadalawang-isip na naman ako. Dahil siguro sa epekto ng alak at ng aking emosyon kaya hindi ako makapagdesisyon ng maayos kaya naman sinabi ko nalang kay Alexa na bukas ng hapon ko sasabihin ang desisyon ko.
“Ok bes, noted. Tawag ka agad bukas ah” sabi nito.
“Mhmmm,” sagot ko naman.
“O siya, ingat ka, bye!”
“Bye…” sagot ko saka pinatay ang tawag.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Alexa ay inayos ko na ang aking sarili para bumalik sa loob. Habang naglalakad ako patungo sa bahay ay dun ko lang namalayan na mejo napalayo pala ang narating ko. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad, total kabilugan naman ng buwan kaya kahit papano ay nakikita ko ng bahagya ang paligid at alam kong safe dito dahil hindi basta-basta nakakapasok ang sinuman dito.
Habang naglalakad ay may isang lalaking pasuray-suray sa paglakad ang aking nakasalubong. Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at tinutok dito. Hindi ko pa ito mamukhaan pero nakasuot ito ng checkered na longsleeves at nakabukas ang tatlong butones nito. Nakamaong na pantalon ito tsinelas lamang.
Nang makalpit na ako ay namukhaan ko na kung sino siya
“Mang Mando?”
Dinalian ko ang aking paglakad at agada inalalayan si mang Mando dahil muntik na itong matumba.
“Teka lang po mang Mando, mabigat po kayo,” sabi ko nang nasalo ko ito. Malaking tao si mang Mando, mamasel ang kaniyang katawan buhat ng kaniyang pagtatarabaho sa bukid. Lasing na lasing ito kaya naman halos hindi na makalakad ng maayos. Kahit na di hamak na mas maliit ako sa kaniya ay kinuha ko ang kaniyang braso at inakbay ko sa aking balikta para alalayan siya sa paglakad. Baka papunta na ito sa kaniyang kubo na ilang metro lang naman ay mararating na namin. Dahil galing pa sa iba ibang lugar ang mga manggagawa dito ay may mga pansamantala silang tinitirhan dito habang nagtatrabaho sila.
Dahan-dahan kaming naglakad ni mang Mando papunta sa kaniyang kubo. Kahit na mejo nakakangawit ay hindi ko na alintana iyon dahil sa masayang mga kwento ni mang Mando habang kami ay naglalakad.
“Pasensha na sir ah, napasobra ako ng inom, ” sabi nito sa lasing na boses.
“Ayos lang po yun mang Mando,” nakangiti kong sabi dito.
“Alam mo ba ser, napakaswerte namin at dito kami nagtatrabaho. Napakabait ng aming amo tsaka maayos pa ang pasweldo. Kaya maniwala kayo sa hindi ser, ginaganahan kaming magtrabaho lagi dahil gusto naming bumawi sa kabaitan ni sir Gabriel at ikaw na anak niya. Para nang pamilya ang tingin niyo sa amin,” sabi nito.
Ang sarap sa pusong pakinggan ang mga sinasabi ni mang Mando. Talaga namang nakakataba ng puso.
“Yun nga lang, siyempre kailangan ng sakripisyo. Iyon ay ang mawalay ako sa aking pamilya. Tatlong beses ko lang sila makita ng isang buwan pero para sa kanila naman ang sakripisyong ginagawa ko eh. Minsan lang, hindi maintindihan ng bunso ko iyon. masakit iyon sa akin bilang ama na hindi siya masamahan sa mga programa nila sa paaralan. Nga pala ser, gagraduate na ang bunso ko ng elementarya, grade 10 naman na ang panganay ko. Proud na proud ako sa mga yun dahil kahit hindi ko sila nabibigyan ng panahon ay magagaling at matatalino sila. Mababait pa,” sabi ni mang Mando.
Nalungkot ako nang marinig iyon mula sa kaniya. Naiintindihan ko ang pagtatampo ng bunso niya dahil maging ako man noon ay hindi laging napagbibigyan ang kagustuhan ko na kumpleto kaming pamilya sa mga programs noon sa school. Pero unti-unti ko rin namang narerealize na minsan kailangan isakripisyo ng mga magulang ang ilang oras nila para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
“Bilib din ako nga ako kay misis na kahit minsan ang lamig lamig ng trato nito sa akin ay nagagawa niyang palakahin na mababait at masisigla ang aming mga anak. Kaya naman bawat pag-uwi ko ay binubuhos ko lahat nga aking atensiyon sa kanila. Masakit lang ser minsan na parang hindi ko masyadong alam ang mga gusto at ayaw ng mga anak ko na para bang hindi ko sila kilala,” malungkot na sabi nito.
“Balang araw ay maiintindihan din nila yan mang Mando. Napakabuti niyo pong ama sa mga anak niyo. Lahat po ng sakripisyo niyo ay alam kong may patutunguhan. Magiging maayos din po ang lahat,” sabi ko.
Saktong nakarating na kami sa kaniyang kubo. Umakyat kami sa munting hagdan at si mang Mando na ang nag-abot ng susi. Binuksan ko ang kaniyang kubo at binuksan ang ilaw. In fairness, maayos ang kubo ni mang Mando. May mga labahan lang na nakasabit sa isang upuan pero lahat ay malinis at maayos na. Sinara ko ang pinto at ginabayan si mang Mando patungo sa higaan nito. Pagkaupo namin ay parang guminhawa na ang aking pakiramdam dahil wala na ang bigat nito sa akin.
“Maraming salamat ser ah at nakinig kayo sa mga sentimento ko sa buhay,” sabi nito at bahagyang napatawa.
“Wala yun mang Mando, saka pamilya na tayo lahat dito. Sino-sino pa bang magdadamayan kundi tayo-tayo din lang,” sagot ko rito kaya napangiti ito. Pansin kong medyo nabawasan ang kalasingan nito.
“Napakaswerte ng magiging kasintahan niyo ser. Mabait ka na, matulungin, masipag, matalino at maganda pa. Bobo at tanga nalang siguro ang hindi magkakagusto sayo ser,” sabi nito at napatawa nalang ako dahil dito.
“Grabe naman po kayo sa akin mang Mando,” sagot ko.
“Totoo naman ser eh,” sabi nito.
Magkatabi lang kami ni mang Mando. Noon pa man ay alam ko nang magandang lalaki si mang Mando at marahil ay maraming pusong nasaktan ito noong ito’y binata pa at baka hanggang ngayon dahil sa taglay nitong alindog. Natural na moreno si mang Mando at dahil laging babad sa araw ay medyo mas umitim ang balat nito pero mas nakakadagdag lamang iyon ng kaniyang kagwapuhan. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kaniya.
“Salamat po mang Mando,” sabi ko rito.
“Kung wala nga akong asawa, at bata-bata ay baka linigawan kita ser eh,” biro nito.
Hindi ko alam pero biglang nag-init ang aking pakiramdam dahil sa sinabi ni mang Mando. Hindi nakakatulong ang epekto ng alak sa aking sistema at ang kakisigan niyang kitang kita ko ngayon. Halos makita ko na kasi ang kabuuan ng dibdib ni mang Mando.
Tinatamaan na ako ng libog at hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang may kati sa aking katawan na gusto ko nang makamot at may init sa aking katawan na gusto kong mailabas. Ramdam ko ang paninikip ng aking pantalon dahil aking nakikita at napapakinggan.
“mang Mando…” sabi ko. Tumingin si mang Mando sa akin at napawi ang ngiti niya nang makita ang seryoso kong mukha.
“Nagbibiro lang po ako ser, pasensiya na po kung may nasabi akong masama. Sorry po ser,” kinakabahang sabi nito.
“Wala kang sinabing offensive mang Mando,” sabi ko dito na medyo natawa, “atleast for me.”
“Pinakaba mo ako dun sir. Akala ko seryoso ka na eh,” sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako kay mang Mando at tumitig sa kaniya. Sinalubong niya ang aking titig at tila iba na ang nababasa ko sa kaniyang mukha. Parang nakita ko na tong ekspresiyong ito sa mukha ni kuya noong gabing may nangyari sa amin. Napalunok si mang Mando habang unti-unting naglalapit ang aming mga mukha.
Hanggang sa sinakop na ni mang Mando ang aking mga labi. Walang nagsasalita sa amin habang kami ay naghahalikan. Mabilis kong tinanggal ang kaniyang pang-itaas at tumambad sa akin ang magandang katawan niya. Katawang pang-romansa talaga ang kantawan ni mang Mando. Hindi ko alam kung paano natatanggihan ito nga asawa niya.
Hindi ko namalayan na kapwa na kaming hubo’t hubad habang nakahiga sa kama ni mang Mando. Ramdam ko ang matigas at malaking burat niya na kumikiskis sa akin. Pinaghahalik ako ni mang Mando sa iba’t ibang parte ng aking katawan at napapatirik ang aking mga mata dahil sa galing nito sa pagromansa.
Maya-maya pa ay tinulak ko ito at siya naman ang aking pinahiga. Pumatong ako sa kaniya at naramdaman ko ang pagkiskis ng kaniyang kalakihan sa aking hiwa habang ako ay abala sa paghalik sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang mga uto na akin gisa-isang sinuso at sinipsip. Naghaling amoy alak at sabon ang amoy ni mang Mando dahil bago nagsimula ang selebrasyon sa bahay…