Ganito lagi ang araw araw na makikita nyo di man normal para sa iba eh sa gabi palang nagsisimula ang yugto ng buhay ko isa akong call center agent sa Edsa,Mag isa lang ako sa aking tinutuluyan dalawa kaming magkapatid at pareho na kaming nagtratrabaho taging padala na lamang ng pera kami nagkakausap kung sino ang magbibigay sa mag magulang namin dahil salitan kami sa ganitong paraan nakakapag ipon kami para sa sarili naming kinabukasan,nang maisara ko na ang pinto at nalock dali dali na akong pumara ng tricycle pakyawan ang patakaran dito di naman lib lib na lugar ito sadyang ganon lamang dito ika nga eh “first come first serve”
ng makasakay nagpahatid ako sa rosario tulay dun kase ako sumasakay patungong robinson ng nasa tulay, na kami dali dali na akong bumunot ng pera di ko na kailangam magtanong dahil alam ko na kung magkano ang sinisingil nila at lagi ko din naman itong nasasakyan si manong, ng dumaan ang patugong edsa ay dali dali na akong sumakay di pwedeng lalamya lamya, dito kung ayaw mong mawalan ng upuan naranasan ko na iyon minsan pa nga eh sa babaan ako napaupo o kung di na talaga kasya ay sabit nalang na kung minsan ay hangang edsa na ang sabit mo.
Pagdating sa robinson papadilim nadin nagtungo ako sa chapel na katabi lamang neto nakaugalian ka nang gawin iyon sa pang araw araw na ginagawa ng diyos pagpasok ko onti palang ang tao naupo ako sa pinakamalapit sakin at lumuhod sa luhuran nito,Nanalangin ako sana malagpasan ko ang araw na iyon at pati nadin kalagayan ng magulang namin sa probinsya hindi ko din makakalimutan ang taong malapit lamang dito, siguro ay nagtataka kayo kung ano ang tinutukoy ko isang babaeng pulubi na may sakit sa pag iisip ang tinutukoy ko naawa ako sa kalagayan nito minsan makikita mo ito sa gilid ng chapel o di kaya ay ibabaw at ilalim ng overpass, ng matapos ako dali dali na akong lumabas patawid na ako patungong overpass ng mahagip ng tanaw ko ang babaeng iyon nasa ilalim sya ng tulay katabi ang sidewalk vendor na si aling lisa paglapit ko sa kanila inabot ko kay aling lisa ang dala kong paperbag…