Papa j – Hello ano pangalan mo.
Caller – Bryan po.
Papa j – Welcome sa TLC anong maipaglilingkod ko sayo.
Caller – Kasi po broken hearted ako.
Papa j – Okay isa nanaman pong sawi sa pag ibig ang ating caller ngayon sige kwento mo.
Caller – Papa j ganito po kasi iyon naging cold sya sakin mula ng ipakilala ko sya sa kaibigan ko “pwede po bang mag bangit ng pangalan”.
Papa j – pwede naman.
Caller – si ivan po kaibigan at kasamahan ko sa trabaho dati dati kasi papa j eh lagi kaming nagkakasama pag araw ng walang pasok minsan pa nga dun na sya natutulog sa tinutuluyan ko…….
Papa j – wait wait wait curious lang ako may nangyari na ba sa inyo.
Caller – Meron po.
Papa j – tuloy mo.
Caller – yun nga po minsan naman po lumalabas kami nagpupunta sa mall, park minsan po sa bahay nila hangang sa isang araw niyaya ko syang mag date, tinawagan ko sya sabi nito nasa office pa daw sya at madaming ginagawa ng malapit na po nito ibaba may narinig akong boses ng lalake.
Papa j – baka naman boss nyo lang yon.
Caller – Hindi po eh sabi nito “Tara na”.
Papa j – sige ituloy mo.
Caller – Yun na nga po nag antay po ako ng dalawang oras umaasang dadating sya hangang sitahin na ako ng gwardyang nagbabantay duon, yun po umuwi ako ng walang napala, tinetext ko sya at tinatawagan papa j pero “cannot be reach” lang po ang sinasagot sa akin ng call atendant, hangang may kumatok po sa pintuan ko di ko nga po sana bubuksan kung…