Ang Biyudo 22

WARNING!!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

Ang pagpapatuloy

Nang araw ngang iyon ay malaki ang naging pasasalamat ni Devie nang dumating nga ang matandang si Mang Fred. Dahilan upang huminto si Sonny sa panghaharas na ginagawa nito sa kaniya, dahilan din upang tuluyang umalis ang binata.

At kinagabihan nga ay dumating ang mag-nobyong sina Jess at Daphne sa tahanan nang binata at mula doon ay pormal na ipinakilala ni Jess ang nobya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makakasalo ni Daphne ang mga magulang at kapatid ng nobyo kaya naman hindi nito maiwasang makadama ng hiya. Sa puntong iyon ay nakikiramdam naman si Nicole sa kaniyang ina na hindi pa rin sa kaniya nagsasalita buhat ng mahuli nga sila nito na nagtatalik. Kaya naman ang dalaga ang namumukod tanging nananahimik sa salo-salong iyon habang masaya namang nagkukuwentohan ang iba. Maya-maya pa sa gitna nang kuwentohan ay tumunog ang celphone ni Nicole at pagdakay sinagot nito ang tawag ng kaniyang kainigang si.Ashley. Dito ay malungkot na ibinalita ni.Ashley na wala siyang makuhang anumang impormasyon patungkol kay Francine kung saan ito posibleng nakatira sa kamaynilaan. Dahil doon ay lalong nalungkot ang dalaga at dito na siya inimikan nang ina tungkol sa narinig nito sa anak at nakitang lungkot sa mga mata niyon.

Mrs. Mel: Nicole… (wika nito) bakit? may problema ba?! (Tanong nito)

Nicole: tumawag ho kasi si Ashley tungkol sa anak ni Tatay Fred, wala nga ho daw siyang makuhang anumang impormasyon dito kung saan ito nakatira! (ang malungkot nitong tugon)

Mrs. Mel: ano naman ang kinalaman ni Ashley sa anak ni Kuya Fred?

Nicole: nagpapatulong ho kasi ako sa kaniya, kasi naaawa rin naman ho ako kay Tatay Fred!

Nagkatinginan naman ang mag-asawang Johnny at Mel habang nakikinig lang ang dalagang si Daphne maging ang nobyo niyong si Jess. Samantala habang nasa likod-bahay naman si Mang Fred at humihihop ng mainiy na kape ay iniisip nito ang anak na panganay ng mag-asawa dahil iyon sa kaniyang nasaksihan. Dahil sa nakita ay nagkaroon nang pangamba ang matanda at naisip niyang mukhang may hindi magandang binabalak ang binata laban kay Devie. Ibig man niyang ipaalam ito sa mag-asawa ngunit ayaw naman niyang pangunahan ang babae lalo pa at wala naman itong binabanggit sa mag-asawa.

At lumipas pa ang ilang minuto, oras sa pagtitipon at pag-uusap-usap ng lahat ay naisipan bigla ni Nicole na lumapit kay Daphne. At dito ay naisip niyang magbakasakali tungkol kay Francine at kinausap niya ito.

Nicole: Ate Daphne, magbabakasakali lang ako na baka nakikita mo o nakikilala mo siya? (saad nga nito at ipinakita nito ang larawan ni Francine)

Nnag makita nga ni Daphne ang larawang iyon ni Francine ay natigilan ito sapagkat pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae.

Daphne: sandali… (at tinitigan ang larawan) parang nakita ko na to ahh?! (dahil doon ay nabuhayan nang loob ang dalagang si Nicole)

Nicole: talaga ate..? (ang may pagkasabik niyang tinuran)

Daphne: oo… at, at kung hindi ako nagkakamali boss siya ni Tito Daniel at siya ang may ari ng pawnshop na pinagtatrabahuhan ni tito! siya nga hindi ako nagkakamali…

Kaya naman dahil dito ay naging masaya ang dalaga maging ang lahat sapagkat hindi nola inaasahan na ang nobya pa ni Jess ang sa kanila’y makatutulong. Dahil nga doon ay nakiusap si Mrs. Mel na sikaping makakuha ng address ng bahay ng babae. Bagamat sumang-ayon ito ngunit hindi naman niya iyon maipapangako, hindi rin naman ibig ni Daphne na umasa ang lahat at sa huli ay mabibigo rin naman. At ang magandang balitang iyon ay agad na ipinaalam ni Nicole kay Mang Fred at pinuntah…