Ang Biyudo 41

WARNING!!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

Ang pagpapatuloy

Masigla, masaya at kay gaan pagmasdan nang mag-asawang Johnny at Mel kinaumagahan na siya namang hindi pansin ng dalawa nina Jess a Ashley. At nang umagang iyon ay masayang nagsasalo-salo ang pamilya ng dito ay pumasok ang matandang si Mang Fred. Nakangiting inalok ni Mr. Johnny ang matanda na sumabay na sa kanila subalit tumanggi si Mang Fred sa halip ay humingi ito ng permiso na lalabas muna ito sa araw na iyon. Dahil nga sa balak nitong muling puntahan ang anak nitong si Francine. Nagpresinta naman si Jess na samaham ang matanda ngunit muling tumanggi ang matanda sa kadahilanang ayaw nitong madamay pa sa kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling abutan din niya ang asawa ng anak. Hindi naman siya binigo nang mag-asawa at pinaalalahanan pa nila ang matanda na mag-ingat.

At bago nga magtanghali ay kumilos na si Mang Fred at ipinagamit pa sa kaniya ang sasakyang ginamit niya pauwi ng probinsya. Nagtungo ito sa subdivision na tinutuluyan ng anak subalit ayon sa mg security guard ay wala na ito dito. Kaya naman inalam nang matanda kung saan matatagpuan ang anak at itinuro naman nang mga ito ang pawnshop na pag-aari ni Francine kung saan nga nagtatrabaho si Daniel. Dala ang pag-asa ay tumulak na si Mang Fred at sa pagkakataong ito, umaasa siyang mapakikinggan at mapapatawad na siya ng anak. Sa pagsapit nga niya sa lugat ay agad siyang bumaba nang sasakyan at tahimik na naglakad na may kaba sa kaniyang dibdib. Subalit pagliko niya sa may kanto ay bumulaga sa kaniya ang asawa nang anak na si Ron na nakatayo at may kausap ito sa phone. Kaya naman napaatras ang matanda at kumubli, mula sa kaniyang kinatatayuan ay dinig niya ang pakikipag-usap na iyon ni Ron.

Ron: oo pre, sigurado na ako… basta ipangako mo langnsa akin na walang camera at tulad ng nasabi mo; bayad na ako sa lahat kong pagkakautang sayo! (saad niya sa kausap sa kabilang linya) o sige, mag-check in kami mamaya ni Francine at kita na lang tayo don mamayang gabi! sige na pre, may lalakarin pa ko…. (dagdag at pagtatapos nito)

Sa mga nadinig ni Mang Fred ay lalo siyang kinabahan at sa isipan niya ay agad siyang naghinala na may binabalak ang manugang sa kaniyang anak. Maya-maya ay pumasok na sa loob nang pawnshop si Ron at naghintay naman ang matanda sa labas kung saan hindi siya makikita ng lalake sa paglabas nito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita na ni Mang Fred si Ron na lumabas nang gusali at diretso ito sa sasakyan nito. Hinantay muna nitong makaalis nangntuluyan ang manugang bago siya lumapit sa gusali at natanawan naman siya ni Daniel at agad siyang sinalubong nito.

Daniel: Kuya Fred, anong ginagawa mo dito? (gulat na tanong nito)

Mang Fred: si Francine, gusto ko sana siyang makausap! (sagot niya)

At dahil naaawa rin naman si Daniel kay Mang Fred ay pinatuloy niyanito at sinamahan pa niya hanggang sa opisina ni Francine.

Daniel: (binuksan ang pintuan) ma’am, may bisita po kayo! (bungad niya sa amo)

Francine: ok… (iyon lang at dito na pinatu…