Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….
Ang pagpapatuloy
Masigla, masaya at kay gaan pagmasdan nang mag-asawang Johnny at Mel kinaumagahan na siya namang hindi pansin ng dalawa nina Jess a Ashley. At nang umagang iyon ay masayang nagsasalo-salo ang pamilya ng dito ay pumasok ang matandang si Mang Fred. Nakangiting inalok ni Mr. Johnny ang matanda na sumabay na sa kanila subalit tumanggi si Mang Fred sa halip ay humingi ito ng permiso na lalabas muna ito sa araw na iyon. Dahil nga sa balak nitong muling puntahan ang anak nitong si Francine. Nagpresinta naman si Jess na samaham ang matanda ngunit muling tumanggi ang matanda sa kadahilanang ayaw nitong madamay pa sa kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling abutan din niya ang asawa ng anak. Hindi naman siya binigo nang mag-asawa at pinaalalahanan pa nila ang matanda na mag-ingat.
At bago nga magtanghali ay kumilos na si Mang Fred at ipinagamit pa sa kaniya ang sasakyang ginamit niya pauwi ng probinsya. Nagtungo ito sa subdivision na tinutuluyan ng anak subalit ayon sa mg security guard ay wala na ito dito. Kaya naman inalam nang matanda kung saan matatagpuan ang anak at itinuro naman nang mga ito ang pawnshop na pag-aari ni Francine kung saan nga nagtatrabaho si Daniel. Dala ang pag-asa ay tumulak na si Mang Fred at sa pagkakataong ito, umaasa siyang mapakikinggan at mapapatawad na siya ng anak. Sa pagsapit nga niya sa lugat ay agad siyang bumaba nang sasakyan at tahimik na naglakad na may kaba sa kaniyang dibdib. Subalit pagliko niya sa may kanto ay bumulaga sa kaniya ang asawa nang anak na si Ron na nakatayo at may kausap ito sa phone. Kaya naman napaatras ang matanda at kumubli, mula sa kaniyang kinatatayuan ay dinig niya ang pakikipag-usap na iyon ni Ron.
Ron: oo pre, sigurado na ako… basta ipangako mo langnsa akin na walang camera at tulad ng nasabi mo; bayad na ako sa lahat kong pagkakautang sayo! (saad niya sa kausap sa kabilang linya) o sige, mag-check in kami mamaya ni Francine at kita na lang tayo don mamayang gabi! sige na pre, may lalakarin pa ko…. (dagdag at pagtatapos nito)
Sa mga nadinig ni Mang Fred ay lalo siyang kinabahan at sa isipan niya ay agad siyang naghinala na may binabalak ang manugang sa kaniyang anak. Maya-maya ay pumasok na sa loob nang pawnshop si Ron at naghintay naman ang matanda sa labas kung saan hindi siya makikita ng lalake sa paglabas nito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita na ni Mang Fred si Ron na lumabas nang gusali at diretso ito sa sasakyan nito. Hinantay muna nitong makaalis nangntuluyan ang manugang bago siya lumapit sa gusali at natanawan naman siya ni Daniel at agad siyang sinalubong nito.
Daniel: Kuya Fred, anong ginagawa mo dito? (gulat na tanong nito)
Mang Fred: si Francine, gusto ko sana siyang makausap! (sagot niya)
At dahil naaawa rin naman si Daniel kay Mang Fred ay pinatuloy niyanito at sinamahan pa niya hanggang sa opisina ni Francine.
Daniel: (binuksan ang pintuan) ma’am, may bisita po kayo! (bungad niya sa amo)
Francine: ok… (iyon lang at dito na pinatuloy ni Daniel ang matanda sunod ay pagsara ng pinto)
Dahil nakatungo si Francine dahil sa may ginagawa ito sa lamesa kung kaya hindi niya agad pansin ang matanda.
Mang Fred: magandang araw sayo Francine anak… (mahina subalit sapat upang madinig ng anak)
Dahil doon ay agad na napatingin sa matanda ang anak at agad na napatayo mula sa kaniyang kinauupuan. Pansin ni Mang Fred ang masamang tingin sa kaniya nang anak kung kaya’t hindi mawal-wala sa kaniya ang kaba.
Francine: ano hong ginagawa niyo dito? diba ho sabi sa inyo na ayaw ko na kayong makita pa…?! (mataray niyang inusal sa ama)
Mang Fred: anak… pasensiya ka na, hindi ko lang talaga matiis ang sarili ko hangga’t hindi mo ko napapatawad sa ginawa ko sayo!!! (tugon nito) anak.. parang awa mo na, patawarin mo na sana ako sa pagkakasala ko sayo at maniwala ka, pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon maniwala ka!!!! (patuloy nito)
Francine: ang mabuti pa ho, umalis na kayo!!!! (saad niya ng may pagkahinahon pa)
Mang Fred: anak… wala na ba talagang puwang sayo ang pagpapatawad?! ipinapangako ko naman sayo na hinding-hindi na mauulit pa ang nangyari! kaya sana naman ay bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan sayo ang lahat ng sinasabi ko sayo! (ang may tila magmamakaawa nito)
Francine: nakikiusap ho ako sa inyo, umalis na lang ho kayo at huwag na kayong gumawa pa dito ngneskandalo! umalis na ho kayo….
Nakadama nang panglulumo ang matanda dahil sa katigasan ng kaniyang anak at dahil hindi na rin ibig pang makagawa ng eskandalo ay sinunod na lamang niya ang anak. Buhat sa opisinang iyon ay tahimik at may lungkot na lumabas si Mang Fred hanggang sa makalabas ito ng gusali. Subalit habang patungo ito sa kaniyang sasakyan ay bigla nitong naalala ang kaniyang nadinig buhat sa kaniyang manugang at ang pakikipag-usap nito sa di niya kilala. Kaya naman bumalik ito at kinausap si Daniel upang dito ay humingi siya ng pabor. Ito ay ang samahan siya nito na sundan ang anak dahil sa masama talaga ang kaniyang kutob sa kung ano ang binabalak ng manugang laban sa kaniyang anak na si Francine. Hindi naman binigo ni Daniel ang matanda at sumang-ayon ito saibig mangyari ng matanda. Dahil dito ay nanatili sa isang carenderia na malapit sa pawnshop ang matamda at doon maghintay hanggang sa sumapit ang hapon.
Samantala, sa tahanan naman nang mag-asawang Johnny at Mel ay kapuwa umaasa ang mga ito na magkakaayos na ang mag-ama. At kasabay noon ay ang walang patid na pasasalamat ni Mrs. Mel sa asawa.
Mrs. Mel: hon… salamat ha?! salamat kasi, naging open ka sa amin ni Kuya Fred! (ang may paglalambing nitong pasasalamat)
Mr. Johnny: okey lang hon, nagpapasalamat din naman ako kay Kuya Fred dahil sa pangyayaring ito muling nanumbalik ang katigasan nito! (tugon nito at hinawakan pa niya ang kaniyangnari)
Mrs. Mel: (napangiti naman ito) hon, nag-enjoy ka ba kagabi? nagustuhan mo ba ang ginagawa sa akin ni Kuya Fred?!
Mr. Johnny: ang totoo hon, oo sobra… napakasarap niyong panooding dalawa, ewa pero angnsarap sa pakiramdam na nakikitang pinasasarap ng ibang lalake sa harap ko! basta sa ating tatlo lang ito…
At gayon naman ay tiniyak ni Mrs. Mel na ang lahat nang iyon ay sa kanila na lamang tatlo at hindi na dapat pang malaman ng anak nilang dalaga na si Ashley.
itutuloy……….