Ang Biyudo 45

WARNING!!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

Ang pagpapatuloy

At sa paglipas pa nang mga ilang araw, nagpasya si Francine na iatras ang kaso sa dalawa nina Dexter at asawa niyang si Ron. Subalit may kundisyon ang babae na hindi maaaring makalapit ang dalawa kay Francine at nagpasya na rin ang babae na hiwalayan na ng tuluyan ang asawa. Dahil dito ay naghati sa ari-arian ang dalawa at nanatili kay Francine ang pawnshop at ang iba naman ay kay Ron. Dahil sa mga pangyayaring iyon ay namomoroblema naman si Ron kung papaano niya babayaran ngayon ang kaniyang pagkakautang kay Dexter. At si Franxine naman ay tuluyan nang naging malaya at lumipat na rin ito ng kaniyang tinitirhan kasama ang anak at yaya nito. May panaka-naka naman na binibisita silang mag-ina nang kaniyang ama na si Mang Fred. At isang araw nga sa muling pagbisita nang matanda dito ay masinsinang nag-usap ang mag-ama. At napag-usapan nga nila dito ang naganap na sana’y pambababoy sa kaniya ni Dexter at kalaunan ay nauwi ito sa pangyayaring naganap noon sa kanila.

Mang Fred: muli anak, humihingi ako nang patawad sa nagawa ko sayo noon! sa maniwala ka man o hindi, lubos-lubos kong pinagsisihan ang nagawa ko! (saad nga niya)

Francine: (huminga muna ito ng malalim) napakasakit at hindi ko lubos maiaip na magagawa mo sa akin ang bagay na iyon itay! kaya dahil doon ay naging matigas ako sayo at nandoon ding namuhi…(tugon nito) pero alam mo itay, sa nangyaring iyon sa hotel… noong makita ko ang iyong pagdating, doon ko muling naramdaman ang kahalagahan na maynisang amang magtatanggol sayo! pagkaraan nga niyon doon ko muling naramdaman na, kapag nandyan ka… ligtas ako!!! (patuloy nito)

Bahagyang nangiti naman ang ama at sa anak ito’y muling nagsalita.

Mang Fred: ang galit mo anak ay nauunawaan ko, dahil aminado naman talaga ako sa pagkakamali kong nagawa! kaya nga nang malaman ko na malalagay ka sa kapahamakan, talagang hindi ako tumigil para mailigtas ka! dahil naisip ko rin na baka dito ako makabawi sa pagkakamali kong nagawa sayo!

At hindi nagtagal ay dito na nha nagkapatawaran ang ama at nag-akap pa ng mahigpit ang mga ito, akap ng mag-amang nasabik sa isa’t-isa. At makalipas pa niyon ay dito na iminungkahi ni Mang Fred sa anak ang imbitasyon nang pamilyang kaniyang pinagtatrabahuhan para sa isang pananghalian. Dahil ibig makilala nina Mr. Johnny at Mrs. Mel maging ng mga anak nito ang babae. Hindi naman tumanggi si Francine at magaan nitong pauunlakan ang imbitasyong iyon at para makapagpasalamat na rin sa mga ito. Pagpapasalamat dahil sa kabutihang ipinakita at ibinigay nag mga ito sa kaniyang ama.

At di nagtagal ay dumating ang araw nang pagbisita at pagtanggap ni Francine sa imbitasyon ng pamilya. Masayang sinalubong nang mag-asawang Johnny at Mel ang babae na karga ang anak. Masaya rin naman siyang sinalubong nina Ashley at Devie at tuwang-tuwa ang mga ito sa anak na iyon ni Francine na agad namang kinarga ni Devie at nakuha pa nga nitong papagselosin ang kaniyang bunsong anak. Hanggang sa tuluyan na ngang dumulog ang mga ito sa hapagkainan at masayang nagsalo-salo, kung pagmamasdan ang mga ito ay tila walang anumang kamunduhang namamagitan. At doon nga sa hapagkainang iyon ay nagpasalamat si Francie sa pamilya alinsunod nga sa balak nito. Hanggang sa mapag-usapan na nga ng mga ito ang plano ni Francine na kuhanin na ang kaniyang ama upang may kasama sila ng kaniyang anak. Dahil doon ay bahagyang nakadama nang lungkot si Mrs. Mel maging si Ashley. Subalit magkagayon man ay matagal pa rin daw naman iyon dahil sa binabalak din ni Francine na ipaayos ang bahay nila sa probinsya.

Mrs. Mel: pero sana iha, sabihan mo agad kami kung kelan mo balak kuhanin si Kuya Fred! alam mo na, naging bahagi na rin kasi ng pamilya namin ang tatay mo kaya, hindi maiiwasang malungkot din kami! (usal nito)

Francine: sige ho tita at naiintindihan ko naman po yun kaya nga po hindi pa ho sa ngayon! at kaya nga rin po ako lubos na nagpapasalamat sa inyo kasi hindi niyo ho iyinuring na ibang tao si tatay! (sagot niya sa ginang)

Mr. Johnny: talagang hindi na siya ibang tao sa amin iha, dahil ang totoo malaki ang naitulong niya sa amin lalo na sa akin! (sabat naman nito at iniingatan niyang huwag madulas sa pananalita)

Ashley: pero siguro naman ho bibisitahin mo rin kaming lagi dito diba Tatay Fred?! (ang nakangiti naman niyang inusal sa matanda)

Mang Fred: oo naman.. lalo na kung kailangan niyo ko dito sa bahay magpasabi lamang kayo at darating naman ako! (ang nakangiti din naman niyang tugon)

Batid na nila Mrs. Mel at Ashley ang kanilang pinag-uusapan na wala namamg kaalam-alam si Francine. At isa lang ang kaniyang nakikita ayon sa pag-uusap nang mga ito, ito nga ay ang bahagi…