Ang Biyudo 60

WARNING!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong iito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mang pagkakahalintulad, ito pp’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

Ang pagpapatuloy

Pagkaraan nang naging tagpo sa pagitan nina Mang Fred at kumare nitong si Mrs. Lourdes. Kung saan ay walang kalam-alam sina Mang Julio at Francine, ang binyagan ay sumapit at ito’y dinaluhan ng mga kapitbahay at ilang kamag-anak at kaibigan. Nandoon din naman ang pamilya nina Mr. Johnny at Mrs. Mel na bumiyahe pa mula maynila dahil ang isa sa anak nila na si.Devie ay ang siyang isa sa mga ninanh ng bata. Doon ay naipakilala rin ni Mang Fred sa kaniyang kumpare at kumare ang pamilyang kaniyang naging amo.

Kay saya ang araw na iyon para sa mag-amang Fred at Francine at talaga nga namang kinagiliwan nila ang nasabing sanggol. At maya-maya pa nga sa gitna nang kasiyahan ay dumating si Katrina kasama ang asawa’t anak nito. At nang ito nga’y makita ni Mang Fred ay saglit itong natigilan at tahimik na pinagmasdan niya ang bata na karga ng ama nito. Dito ay masayang sinalubong ni Francine ang kababata at matalik na kaibigan. Habang waring nakatulala naman ang matanda, natauhan lamang ito nang biglang magsalita sa kaniya ang kaibigang si Mang Julio.

Mang Julio: pare…. (basag nito sa pagkatulala ng kaibigan)

Mang Fred: ahh pare.. (sagot nito)

Mang Julio: halika pare at ipakikilala kita sa manugang ko at siyempre sa apo ko!

Pagkaraan niyon ay sabay nilang nilapitan ang mag-asawa at doon ay ipinakilala ni Mang Julio ang kaibigan sa kaniyang manugang. Masayang nagkuwentohan ang mga ito habang hindi maiwasan ni Mang Fred na pagmasdan ang bata at waring ito’y nakikiramdam sa tinatawag nilang lukso ng dugo. Sa gitna nang mga tagpo at kasiyahang iyon ay nakakita ng pagkakataon si Mang Fred na kausapin ang inaanak nitong si Katrina patungkol sa bata. Nagtungo ang mga ito sa isang sulok sa di kalayuan, pansin ni Katrina na waring kabado at seryoso ang matanda. Kita niya rin sa mga mata nito ang pag-aalala, kaya naman dahil dito ay agad niyang nakuha kung ano ang pakay ni Mang Fred.

Mang Fred: ahm… Kat, may ibig lang sana akong itanong at malaman! (pambungad nito) ano ahm… tungkol sana ito sa bata, sa anak mo?! (kabado niyang pagpapatuloy)

Katrina: (hindi na ito…