“Ang Cute Ng Stepbro Ko”

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

—————————

PROLOGUE

December 23. Tandang tanda ko pa. Dalawang araw bago magpasko. Dalawang araw din bago ang birthday ko, nang sabihin nina mama at papa na meron akong kapatid sa labas.

Di ko alam ano’ng sasabihin sa kanila. Gusto kong umiyak at magalit.

Nangingilid na ang mata ko sa luha. Di ko matanggap. Noon ko lang naramdaman ang ganung sakit.Ang unico hijo nina mama at papa, eto at may kapatid pala. Nakita ni mama na halos maiyak na ako. Dinala nya ako sa kusina para kausapin. Naiwan si papa sa sala. Nag-aalala ang mukha nya.

“Calvin, anak.” Narinig ko na naman ang malambing na boses ni mama.

“Ma, totoo ba yun?” Tuluyan na akong naiyak.

“Oo anak. Noong isang linggo pa nakwento sa akin ng papa mo. Kakamatay lang ng nanay ni Brent, at bilang ama, ay responsibilidad ng papa mo na alagaan sya.”

Alam ko ay nahihirapan din si mama sa pag-amin ni papa. Na may dadagdag pa sa akala naming maliit naming pamilya. Idol ko si papa, di ako makapaniwalang may naging kabit sya.

Doon na kinwento ni mama na ang nanay ni Brent ay sekretarya ni papa sa opisina.

Matagal na daw may gusto kay papa ang sekretarya nya. Kilala ito ni mama dahil nakikita nya kapag dumadalaw sya sa opisina nito. Maganda daw ito, pag-amin ni mama. Pero hindi sya gusto ni papa.

Isang gabi matapos ang kasiyahan ay nalasing si papa, at may nangyari sa kanila.

Nagalit si papa dahil ayaw nyang magkasala kay mama, pero may nangyari na. Kinausap nya ang sekretarya na wag nang mauulit. Ilang linggo na ang lumipas nang malaman ng babae na buntis sya. Nagresign sa kumpanya at nagpakalayo layo. Di na ito nakita pa ni papa.

Nagawang itago ni papa kay mama ang lihim nya.

Hanggang isang araw, matapos ang 18 taon ay makatanggap sya ng tawag mula sa dati nyang sekretarya. Nakikipagkita ito sa kanya. Importante daw.

Nagkita sila sa malapit na restaurant at nag-usap.

Dito na nagkwento si Tita Jenny, nanay ni Brent na may taning na ang kanyang buhay. Humingi sya ng tawad kay papa. Napaiyak. At nakiusap na bantayan si Brent kapag wala na sya. Pinakita ni Jenny ang mga larawan ni Brent, at lukso ng dugo ang naramdaman ni papa.

Hindi ko napansin pero nang mga oras na iyon, ang galit sa aking puso ay unti unting napapalitan ng awa para sa nanay ni Brent at sa stepbro ko mismo. Ako eto, buo ang pamilya, samantalang sya ay nakikihati pa ng pagmamahal.

Kahawig ko daw ang kapatid ko. Gwapo din.

Kinuwento ni mama ang itsura ni Brent. Maputi, medyo payat, brown eyes. Napangiti ako at parang ako ang dinedescribe ni mama. Nakita daw nya ang mga pictures sa phone ni papa. Di daw sya galit. Kay papa man o sa naging kabit nito. Lalo na kay Brent at wala naman itong kasalanan.

Kinabukasan matapos mailibing ay kinontak ng kapatid ni Tita Jenny si papa, para nga ihabilin si Brent sa kanya. Kalakip daw nito ang sulat ng pasasalamat, at pangako ni papa na babantayan si Brent upang lumaki ang bata ng maayos.

“Ok ka lang ba anak?” Naluluha na din si mama.

“Opo ma.” Nagpunas din ako ng luha ko.
“Wala naman pong kasalanan si Brent sa mga nangyari. At the end of the day, kapatid ko pa din sya dahil anak sya ni papa.”

“I’m so proud of you Calvin.” Niyakap ako ni mama.

“Tara, pasok na tayo sa loob.” Hinawakan ni mama yung kamay ko at naglakad na kami papasok ng bahay. Nakita ko si papa nakaupo sa sala. Di ko mabasa ang ekspresyon nya.

“Calvin, anak.”

“Ok lang ako ‘pa. Di mo naman ginusto yun. Eto na ang tamang panahon para makabawi sa kanya.”

Lumapit si papa at niyakap ako.

“Thanks for the acceptance. Masaya ako na kahit papaano ay bukas ang tahanan natin sa kapatid mo. Yes, he’s your half brother pero tinanggap mo sya.”

Ngumiti ako. Umakyat muna ako sa kwarto ko, para magbasa ng libro.

Kahit uso na ang tablet at laptop ay iba pa din ang sayang hatid of flipping each page of the book. Tapos yung satisfaction na nakatapos ka ng kwento. Other guys may find this weird and nerdy. Pero ok lang.

Ako nga pala si Calvin. Hawig ko daw si Robi Domingo.

Maputi, with glasses, dark hair, brown eyes. At an age of 19, confused ako sa sexuality ko. I get attracted to both sexes. I like big boobs and butt, but I also admire guys with nice arms and sexy butt.

Pero aaminin ko virgin pa ako. Wala pang karanasan sa kamunduhan.

———CHAPTER 1———

December 24. Bisperas ng Pasko, nang dumating si Papa sa bahay. Umaga pa lang ay umalis na sya sabi ni mama pa-Makati daw. Di na ako nagtanong. 3:45 nang hapon nang makabalik si Papa

“Hi hijo, ikaw ba si Brent?” Narinig ko ang boses ni Mama. Kinabahan ako. Di ko alam kung bakit.

Marahan akong lumingon. Di ko alam kung guni guni lang pero tila may liwanag na pumukaw ng aking atensyon. Tila anghel na bumaba sa lupa ang bagong dating.

Di nagkakalayo ang itsura namin. Matangkad. Payat. Maputi. Nangungusap ang mata. Mapulang labi. Aaminin ko gwapo si Brent.

Pages: 1 2