Dear Diary,
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyari ngayong araw na to. Sabado ngayon, at ngayon sana ang birthday celebration ko kasi wala kaming klase. Ang inaasahan kong masayang araw kung saan darating ang ilang mga kaibigan ko dito sa apartment, hindi nangyari. Pero ayos lang din na sa labas kami kumain, at least nakapagvideoke kami sa arcade, kahit papano nakalimutan ko ang mga iniisip ko.
Maganda ang simula ng araw ko, nagising ako sa katok ni Mam Janet. Dinalan nya ako ng almusal katulad ng madalas nyang ginagawa pag araw ng Sabado.Sobra daw kasi yung naluto nyang ulam kagabi kaya ininit nya ngayong umaga. Dahil nga parehas kaming walang pasok, nagtagal pa sya ng kaunti dito sa bahay. Suot ang kanyang pantulog at dala ang iniinom na kape, nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay buhay.
Malapit na daw syang maregular sa university, at inaasahan nya na tataas ang sweldo nya ng halos walong libo kada buwan. Tuwang-tuwa nga si Mam kasi makakapagpadala sya ng mas malaking pera sa mga magulang nya sa Samar. Hanga ako sa kanya, madaming raket tulad ng tutorial, saka part time na ahente ng mga condo. Lahat ginagawa para matutustusan ang pangangailangan nya at ng kanyang pamilya. Kahapon nga nadinig ko syang may kausap sa telepono at sabi nya na magpapadala sya ng pera basta meron na sya. Siguro yun yung kapatid nyang college na nag-aaral sa Laguna.
Excited din syang kinwento na kapag malaki na ang sahod nya, bibili sya ng sarili nyang condo unit para daw hindi na sya nagrerent. Sa totoo lang naman kasi, mahirap din magrent, lalo kung mag-isa ka lang, katulad namin ni Mam Janet. Well, swerte naman ako kasi sagot ng parents ko ang renta ko habang nagrereview pa ako para sa board exam. Sabi pa ni Mam, kapag may trabaho na ako, aalukin nya ako ng condo para daw investment ko. Tinawanan ko lang, wala pa sa plano ko yon.
Kinwento din nya na nakabili sya ng second hand na computer monitor, na mas malaki kesa sa dati nyang ginagamit. Nakisuyo pa nga na ikabit ko daw sa CPU nya kaya pumunta ako sa unit nya.
Ngayon lang ako nakapasok sa unit nya kahit katabing-katabi lang ito ng unit ko. Pahaba din ang cut ng unit, at nasa pagpasok ng pinto ang maliit na sala. Tapos may maliit na mesa sa likod ng sofa na nakaharap sa TV. May lababo mga ilang hakbang mula sa sala na katapat ang pinto ng CR. Tapos pinto na ng kwarto ni Mam.
Pagpasok ng kwarto ay nasa kaliwa ang kama nya, nasa kanan naman computer table kung saan nakalagay ang monitor. Nakadikit ito sa dingding na naghahati sa unit namin. Halatang hindi masyadong naglilinis si Mam ng computer desk nya, dahil maalikabok ang mga kurdon. Sigurado din ako na kung naglilinis sya, makikita nya ang dalawang butas sa dingding na ginagamit ko para makita ang mga kalokohang ginagawa nya kasama ang kung sino-sinong lalake.
Umuwi ako kaagad matapos kong ikabit ang monitor ni Mam Janet. Gusto pa nga nyang magkwentuhan kami tungkol sa ex ko na si Tony, pero hindi ko na pinatulan. Ayoko din naman kasing makipagplastikan sa kanya tungkol sa topic na yon. Akala nya siguro, hindi ko alam na may nangyayari sa kanila ni Tony sa twing nagpapatutor sa kanya yung mokong kong ex. Pero di nya alam na nakikita ko sila sa mga butas ng dingding.
Hindi ko kasi talaga focus ang relationship ngayon, lalo na ilang buwan na lang, board exam na. Kaya OK lang din sa akin kung may nangyari sa kanila ni Tony, nakipagbreak na lang ako kesa komprontahin ko sila. Saka para sa akin, hindi naman talaga kasalanan ni Mam yung nangyari sa kanila ni Tony, tingin ko, its just sex for Mam Janet, tulad ng ilang mga lalaking naglalabas pasok sa bahay nya. Pero kasalanan ni Tony, may girlfriend sya tapos pumatol sya sa iba.
Alas kuwatro ang usapang dating ng mga barkada ko sa apartment, pot luck, ta…