Ang Ex Ko

“Kumusta ka na?”

The private message was unexpected. And so was the surge of excitement she felt. She tried to calm her nerves as shesent her reply.

“I’m good. Ano’ng nakain mo’t nangumusta ka bigla?”

“Nakita ko ang post mo.”

“Oh. That. Ok. Well I’m good. Salamat.”

“Wag mo na istress ang sarili mo dahil sa mga taong hindi marunong magbayad ng utang. Balato mo na lang yun.”

“Hehe. It’s not about the money naman eh. Pero tama ka, hindi worth it. Ikaw, kumusta?”

“Ok lang. Dito pa rin sa barko.”

“I know. I saw your post too.”

There was an awkward moment of anticipation for his reply. Hindi niya alam kung bakit pero magaan sa pakiramdam na nagcha-chat sila na parang hindi ilang dekada ang pagitan mula ng huli silang nagkita.

Si Alan.

Ang lalakeng nakasalo niya sa maraming “una” sa buhay niya. Unang boyfriend. Unang halik. Unang minahal. Pero ito rin ang nag-iisa at unang lalakeng iniwan at siguro, nasaktan niya.

Magkaibigan sila. Magkapitbahay. Same old story. Tinukso sa isa’t-isa. Hindi naman siya niligawan nito. In fact umiwas pa nga sa kanya nung una. While she didn’t realize that she has fallen for him until he stayed away.

Akala niya nawalan na nga siya ng kaibigan, hindi pa marireciprocate ang feelings niya. Pero bigla na lang siya nitong hinalikan nang isang gabing nagkasalubong sila sa madilim na parte ng daan. And just like that, naging sila na. Walang ligawan. Walang I love yous. Walang flowers or chocolates. But she knew, she felt, that he loved her as much as she loved him.

Pareho silang college nung mga panahong yun. Magkaiba man ang pinapasukan, hindi ito pumalya sa pagsundo sa kanya. Masaya na siya sa ganung set up. Hindi siya naghihintay ng kahit ano galing dito. Alam naman niya ang sitwasyon ng pamilya nito. Ulila sa ama, ang ina lang at isang kapatid nito ang sumusuporta para makatapos ito. At kahit noon pa, sigurado siya na matutupad ang mga pangarap nito para sa pamilya.

Pero kahit sigurado siya na kasama siya sa mga pangarap na binubuo nito, at kahit sigurado siyang mahal niya ito noong mga panahong iyon, sigurado rin siya na hindi ito ang lalakeng gusto n niyang makasama sa buong buhay niya.

Somehow, she knew from the start that their relationship is bound to fail. And she was going to be the reason why.

The walk down memory lane stopped when she received his reply.

“Ah. Oo, kakasampa ko lang ulit. Nami-miss ko nga ang mga bata.”

“Sakripisyo talaga malayo sa pamilya. Pero di bale, di mo naman kikitain dito ang sinusuweldo mo diyan.”

“Yun lang. Pero minsan nakakaburyong din ang lungkot.”

“Eh di ipon lang ng ipon para pag hindi mo na talaga kaya ang hirap at lungkot sa barko, puwede ka magnegosyo na lang.”

“Ganun na nga plano ko.”

“Good.”

Then there was nothing else to say. Hindi na niya alam kung bakit after years na wala silang communication, parang wala man lang silang mapag-usapan ngayon.

Hindi katulad noon. Parang hindi sila mauubusan ng topic. Kahit ano lang.

Siguro nga masyado nang malawak ang naging espasyo sa pagitan nilang dalawa. And she didn’t know how to bridge that distance. Or if she should.

She was about to type her goodbye when another message from him popped up.

“Tinitingnan ko ang picture mo. Maganda ka pa rin. Hindi nakakasawang tingnan.”

She felt warmth enveloped her. Para kay Alan noon, maganda siya. Kahit para siyang tikling. Payat. Maitim. May pimples. But he was not that handsome either. Napatawa siya.

“Asus. Pero sabagay, kumpara naman noong dalaga pa ako, mas mukha na akong tao ngayon hahaha.”

“Maganda ka naman noon at ngayon.”

“Hehe. Kahit kelan tamang bola ka.”

“Walang dahilan para bolahin kita noon at ngayon.”

“Oo na nga.”

“Naalala ko nung college pa tayo. Pag sinusundo kita sa school. Yun ang isa sa mga pinakamasayang alala ko.”

“Hehe. Malamang. Kasi susundo ka lang tapos libre halik at hipo ka na. Hahaha.”

“Hahaha. Kasama na yun. Pero higit pa sa halik at hipo, mas masarap sa pakiramdam na nakaakbay ako sayo habang naglalakad lang tayo pauwi.”

“Yeah. I was happy too.”

“Akala ko noon hindi na matatapos yun. Kahit ayaw ng papa mo sa akin.”

“Alan.”

“Akala ko nga tayo na eh. Kaso nagmadali ka masyado.”

“Hindi ako nagmadali. Hindi ko lang gustong maghintay.”

“Bakit?”

“Sorry. Kung nasaktan kita noon. Sorry kung hindi man lang ako nakipaghiwalay ng personal.”

“Araw ng kasal mo, hanggang isang buong linggo pagkatapos mong ikasal, lasing ako. Hindi ako makausap ng matino ng kahit sino. Kahit ni Gie.”

“Maganda pa rin naman ang nangyari sa mga buhay natin after our chapter. Im sorry that I’ve hurt you by not saying goodbye. But I’m not sorry that I made that choice.”

“Naramdaman ko naman na minahal mo ako eh. I don’t need your sorry now. But I need your reason why you left.”

“There’s no reason. I just felt it was the right time to leave.”

“Anlabo mo.”

“It’s been years Alan. Don’t you think its far too late to ask for reasons?”

“Have you ever heard of the word closure?”

She sighed. Siguro nga kailangan nila nun. She typed her reply.

“Alam ko kasi marami pang pangarap ang nanay mo. At alam ko namang kahit wala siyang sinasabi, hindi niya tanggap na may girlfriend ka na nung panaho…