Ang Halimuyak Ni Angel Part 1

Kasalukuyang nagdidilig ng halaman si Angel sa kanilang hardin na nasa likurang bahagi ng kanilang tahanan. Noon pa man ay nakahiligan na niya ang pag aalaga ng mga halaman. Isa pa ay labis siyang nasisiyahan kapag nasisilayang namumukadkad ang mga bulaklak dito. Hindi niya mawari ngunit tila likas na abilidad na yata niya ang paghahalaman dahil kahit anong itanim niya ay madali lamang itong nabubuhay, bukod pa doon na napakabango kung mamukadkad ang kanyang mga tanim. Minsan nga ay naiisip niya na siguro ay dati rin siyang bulalak dahil may kakaiba rin siyang natural na bango sa katawan. Kahit na hindi siya maglagay ng pabango sa katawan ay tila mayroon siyang kakaibang halimuyak.

“Angel, halika na at kakain na tayo. Malapit ng sumikat ang araw at tiyak maiinitan ka na riyan.” Ang tawag ng nanay niyang si Lourdes mula sa pinto sa likod ng kanilang tirahan.

“Opo My, susunod na po ako.” Nakangiti naman niyang tugon dito at mabilis na siyang nag ayos ng sarili handa para sumunod na sa kanilang hapag.

Ang nanay niyang si Lourdes na yata ang pinakamasipag na nanay sa lahat. Hindi niya sinasabi lang iyon dahil anak siya nito kung hindi dahil sa iyon naman talaga ang kanyang nakikita dito. Lubos itong maalaga sa pamilya kahit na mayroon pa itong inaasikasong trabaho. Isang doktor ang kanyang Mommy. Hindi nga lamang niya alam kung ano ang spesyalidad nito sa larangan ng medisina.

Nang makapasok na siya sa pinto ay dirediretso na siyang pumunta sa kusina kung nasaan ang nakahanda ng hapag para sa kanilang umaghan. Hapang papalapit ay nakita niyang naroon na at nakaupo ang kanyang nanay at tatay. Abala ang kanyang Daddy Mateo sa pagbabasa ng dyaryo habang hawak nito ang isang tasang kape.

“Good morning, Mommy. Good morning din, Daddy.” Bati niya rito at lumapit sa kanila upang bigyan ng halik sa pisngi na kanyang nakasanayan na mula pa noong bata siya.

Sa kanyang paglapit sa kanyang ama upang hagkan ito ay napansin niya ang tila pagkailang nito. Dati naman ay gustong gusto nito ang kanyang ginagawa ngunit simula ng tumuntong siya sa ikalabing-anim na taon ay tila nagbago ang tungo sa kanya ng ama, bagamat minsan ay naglalambing naman ito sakanya. Ipinagkibit balikat na lamang niya ito at naupo na sa kanyang puwesto sa kanilang hapag.

Nagsimula na silang kumain na pamilya habang ang kanyang mga magulang ay nag uusap minsan tungkol sa mga bagay-bagay na may patungkol sa mga trabaho nito. Tulad nga pala ng kanyang ina ay doktor din ang kanyang ama. Naisip nga niya na siguro balang araw ay ganito rin ang kanyang kukunin na propesyon. Itinuon nalang niyang muli ang pansin sa kanyang kinakain at iniisip na niya kung ano ba ang mga gagawin niya ngayong araw. Tiyak na mabuburo na naman ang kanyang utak kung wala siyang mapagkaka-abalahan.

Araw kasi iyon ng sabado kaya’t wala ang kanyang Teacher Joseph na siyang nagtuturo sa kanya. Homeschooling kung tawagin ang pag-aaral ni Angel. Hindi na siya pinayagang mag-aral pa sa labas ng kanyang mga magulang dahil sa ilang pangyayari na nagdulot rin sa kanya ng trauma. Ang mga nangyaring iyon ay ayaw na niyang balikan at alalahanin pa kaya naman ay madalas na siyang hindi lumabas sa kanilang tahanan. Itinutuon nalang niya ang kanyang atensyon sa pag-aaral at kung minsan ay sa kanyang mga tanim na halaman. Mayroon din naman silang internet sa kanilang bahay na madalas niyang gamitin upang manood ng mga paborito niyang palabas at programa.

Ngayon nga ay pinag-aaralan na niya ang mga akda sa ikaapat na baitang sa mataas na paaralan. Ilang buwan na lamang rin ay tutungtong na siya sa Senior high at hindi pa niya alam kung handa na ba siyang lumabas para ipag-patuloy ang pag-aaral. Hinahanda pa niya ang sarili sa kung ano man ang kanyang magiging pasya at pati na rin ng kanyang mga magulang.

Napatingin siya sa kanyang Daddy ng ibaba nito ang binabasang dyaryo. Bigla rin naman itong napatingin sa kanya na siyang sinuklian nalang niya ng isang matamis na ngiti. Napansin niyang tila napasinghot ang kanyang Daddy at tila may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata nito. Tila may kakaibang alab sa paraan nito ng pagtitig sakanya. Ilang beses na niyang nakita ang ganoong klaseng titig mula sa kanyang ama magmula noong ikalabing anim niyang kaarawan. Dagli ring nag-iwas ng tingin ang kanyang Daddy at ininom na nito ang natitira nitong kape sa tasa.

“Lourdes, mauuna na ba ako sayong pumunta sa Ospital o sasabay ka pa sa akin? May kailangan pa kasi kaming asikasuhin ni Dr. Gomez sa lab.” Untag ng kanyang Daddy sa kanyang Mommy na abala pa sa kinakain nito.

“Susunod nalang ako sayo tutal napaayos ko na rin naman iyong sasakyan ko. May ilang bagay pa rin akong ibibilin kay Angel.” Tugon naman ni Lourdes na siyang patapos na rin sa pagkain.

Si Angel naman ay tahimik lamang na nakaupo at nakikinig sa mga magulang. Inienjoy niya ang pagkain dahil ang paborito niyang hotdog ang inihanda ng kanyang Mommy Lourdes.

Nagpaalam na si Mateo sa kanyang mag-ina habang si Lourdes ay nagsimula naring iayos ang ilang bagay sa kanilang kusina. Habang ginagawa iyon ay nagsimula na rin siyang magbilin sa anak niyang si Angel.

“Angel, habang wala kami ng Daddy wag kang magpapapasok ng hindi natin kilala dito sa bahay ha. Wag ka rin masyadong magbababad sa internet at tiyak manlalabo iyang mata mo. Tumawag ka sa amin ng Daddy mo kung may kailangan ka o kaya naman ay kila Lola Adreal ikaw tumawag.” Bilin ni Lourdes sa anak na nakikinig sa kanya. Paulit-ulit na lamang niya itong bilin sa anak tuwing aalis silang mag asawa papunta sa trabaho ng sa ganon ay hindi ito makalimutan ni Angel.

Si Angel naman ay tumatangu-tango na lamang sa bawat bilin ng ina. Sinusunod naman niyang lahat ng iyon dahil para rin naman sa kanyang ikabubuti iyon. Ang pag-iingat ang siyang magliligtas sa kanya mula sa kapahamakan, subok na niya iyon.

“Oo nga pala, bukas ay maaga kaming aalis ng Daddy mo. Siguro ay mga alas singko ng umaga. Marami kaming aasikasuhin sa lab. Wag kang mag-alala. Pupunta naman dito si…