Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 4)

Message from author: Maraming salamat sa mga sumusuporta at nagbabasa ng aking kwento and i mention to this people: diomjon, boytulog, packz, waking555, diegomadara, jhenyl1987, kuatog, coobs. salamat sa mga comment niyo kaya nakagawa agad ako ng chapter 4. sa mga viewers salamat din sa inyo. walang sex scenes ang chapter na ito kaya hindi ko ineexpect na may magbabasa.

Author’s Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resemble real-life are purely coincidental. This series is brought to you by kapeng barako, sa Tindi ng pait Ikaw ay ngibit and is free to read the story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author. thanks and have a nice reading.

Ang engkantong si Juvai!
By:BladeMaster_Elven

CHAPTER 4

MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Efraim kinabukasan. Sunod-sunod na tilaok ng manok ang gumising sa kanya. Pagkahilamos ay diretso siya sa balkonahe kung saan nakaupo sa tungga-tungga nito ang kanyang Tiyo Amado.

“Magkape ka muna, Ef,” wika nito nang mahiwatigan ang paglapit niya.

“Magandang umaga ho, T’yong!” masigla niyang bati. “Napasarap ang tulog ko kagabi! Ngayon lang uli ako nakaranas ng ganitong klaseng pakiramdam. Presko, payapa at tahimik na tahimik. Parang walang puwang ang nakakasakit ng ulong mga problema.”

“Ha! Ha! Ha!” Tuwang-tuwa sa kanya si Tiyo Amado. “Iba talaga dito sa probinsya, hijo. Kahit na gaano kariwasa ang maging buhay sa Maynila o kahit na saan pang lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang simpleng buhay dito sa atin.”

“Maitanong ko nga pala, hindi pa ho ba kayo magreretiro sa pagiging albularyo ninyo, Tiyo Amado? Aba’y medyo nagkakaedad na rin tayo, a!” tanong niya.

“Kung titigil ako, sinong papalit? Mas kailangan ako ng mga kababayan natin lalo na ngayon at laganap ang kamandag ng dilim dito sa ating lugar.”

“Tiyo, may paraan pa ba para masugpo ang mga sumasalakay na maligno?” tanong niya.

“Mayroon. Pero mahirap,” sabi nitong napabuntung-hininga. “Magsusugal ng buhay ang sinumang magtangkang kalabanin ang mga kampon ng mga itim na engkanto!”

“Itim na engkanto?”

Napatingin ito sa malayo. “Ang mga Timawa ng gubat! Doon sa engkantadong gubat sa paanan ng Bundok Matungao. Napakahiwaga ng lugar na iyon!”

Ang bundok ng Matungao… Minsan ay napuntahan na niya ang paanan ng bundok na iyon. At kaya pala ganoon na lamang ang hirap niyang makabalik sa kanilang tahanan nung tangkain niyang pumasok doon. Nakipaglaban siya sa hindi nakikitang nilalang subalit ramdam niya ang hagupit ng kapangyarihan nito.

Kakatwa man, ngunit benditadong gulok na bigay ni Apo Adoy ang pinanggapi niya sa hindi nakikitang kalaban.

.

Mayroon pa siyang putik na ipinahid sa hubo’t hubad niyang katawan. Wala siyang saplot habang nakikipagtunggali sa nilikhang nakatira sa ilalim ng lupa.

“Si Juvai…! Ang engkantong si Juvai! anak siya ni haring johar, ayon sa mga kwento kong narinig. isang nagngangalang enrico ang nakapuksa sa ama ni juvai. tinangay nito ang kasintahan ng binata at sinabing sundan dito sa teretoryo niya. sinundan ng binata hanggang sa mapuksa nga ito. hanggang duon lamang kwento ko.”

“Natatandaan mo pa siya, Efraim?” tanong ng matandang lalaki sa naulinigang tinig ng pamangkin. “High school ka pa lang noon, hindi ba?”

“Opo, Tiyo.” Binalikan niyang muli sa alaala kung paano siya napunta sa engkantadong lugar na iyon. “Nung minsang pinagalitan ako ng Itay dahil hindi ko ginawa ang pinag-uutos niya, doon ako nagpunta. Lakad ako ng lakad. Ang pinakapalatandaan ko ay iyong puno ng balete. Sabi ko kapag nakita ko iyon, malalaman ko kung saan ang daan pabalik. Gawing Hilaga ang daan pabalik dito sa atin, hindi ba?”

“Pero malapit nang gumabi ay hindi mo pa rin nakikita ang punong hinahanap mo,” ani Apo Adoy na naalala rin ang pangyayaring iyon noong nasa fourth year high school pa lamang si Efraim.

“Opo. Kaya natakot na ako. Paano si Inay, lagi akong kinukwentuhan ng tungkol sa mga lamang-lupa. Kaya ‘yun agad ang pumasok sa isip ko.”

“Na totoo naman dahil nakita mo?”

“Si Juvai. Isang engkatong itim,” aniyang napapikit. “Ang pangit-pangit niya. Iyong mukha ay parang sa paniki tapos ang lapad-lapad ng tainga na parang elepante. Makinis nga ang balat pero parang laging may likidong lumalabas at ang lagkit-lagkit ng itim nitong katawan!”

“Mahabang kuwento ang kasaysayan ng naghihiganting engkanto na iyan. At si Juvai ang pinakamatinding kalaban ng iba pang lahi ng mga lamang-lupa. Na karamihan sa kanila, dahil sa takot na mapahamak sa kuko nito ay kumampi na lamang at naging tagapangwasak ng buhay!”

Matamang napatitig si Efraim sa kawalan.

Aalis ako, Efraim. May kakausapin akong tao sa bayan,” sabi ni Tiyo Amado. Nagbilin pa ito na kung sakali at may dumating para magpagamot ay sabihing hintayin ito at babalik din kaagad.

Wala pang isang oras buhat nang umalis ang kanyang amain ay may dumating na ring panauhin.

Isang babae.

At sa hitsura ay mukha pang dalaga. Iyon nga lamang lumabas kaagad ang likas na pagiging mahiyain nito at tila takot na takot humarap sa tao.

Tipikal na probinsyana! naisip ni Efraim. Hindi ko na pala kailangan pang pumunta sa bayan dahil kusang dumarating sa akin ang grasya!

“Yes, Miss…?” Pomorma siya. “Anong maipaglilingkod ko sa dilag na mas maganda pa kaysa umaga?”

“Nariyan ba si Amado?” anang nakatungo pa ring babae sa harap niya.

Amado lang ang tawag sa tiyuhin niya? Iba sa kinamulatan niyang ugali ng mga taga-roon na basta lumagpas ang edad ay may nakakabit na kaagad na Tiyo o Mang o Kakang sa pangalan ng higit na nakakatanda.

“May kailangan ba kayo sa kanya, miss?” bahagyang tumungo si Efraim para silipin ang mukha nito. Iniiwas naman ng babae ang mukha nito. “Huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao. Pamangkin ako ng taong hinahanap mo. Ako nga pala si Efraim,” sabi niyang inilahad pa ang kamay.

Nang mapansing hindi nagbabago ang reaksyon ng kaharap ay binawi na niya ang kamay. Pero talagang nainsulto siya!

“Pakisabi na lang na kay Amado na babalik ako at importante na makausap ko siya,” anang babae sabay talikod.

Hinabol ni Efraim ang babae. “A, Miss…”, wika niya nang mahawakan ang balikat nito.

Ngunit gimbal siya nang makita ang hitsura nito pagharap sa kanya! Namumuti ang mga mata at tila galit na galit sa kanya.

Nanlalaki ang matang napaurong si Efraim.

“Huwag kang pangahas, lalaki! Hindi mo nalalaman ang ginagawa mo!” Pagkawika niyo’y bigla itong nawala sa paningin niya. At ilang minuto na itong nakakaalis ay hindi pa rin siya iniiwan ng takot at pagkabigla.

KUNG hindi pa dumating si Tiyo Amado niya ay hindi mahihimasmasan si Efraim.

“Efraim! Anong nangyari sa’yo at para kang natuka ng ahas?” Tanong ng tiyuhin niya paglapit sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo. “Nariyan na pala kayo, Tiyo?” sabi niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. “Wala ho ba kayong nakitang tao?”

“Sino?”

Napamaang si Efraim. Kung gayon ay siya lang ang nakakita sa babaing puti ang mata at hanggang tuhod ang mahaba at makintab niyong buhok!

“Wala ho…” Siya na rin ang kusang bumawi sa sinabi niya. “Baka namalik-mata lamang ako.” Pero imposible, e! Nakita talaga niya ang babae.

Ang white lady!

Tinapik siya ng matandang lalaki sa balikat paglampas nito sa kanya. “Totoo ang nakita mo at hindi ka namamalik-mata lamang, Efraim,” sabi nito nang nasa may hagdan na.

Sinundan niya sa loob ng bahay si Tiyo Amado.

“Anong ibig ninyong sabihin?”

“Si Mazoorka,” sagot ni Tiyo Amado. Hinubad nito ang suot na sombrero na yari sa hinabing rattan at ipinatong iyon sa mesita. “Siya ang babaing nakita mo kanina.”

“Alam n’yo ho? Nakita n’yo rin siya?”

Umiling ito. “Hindi ko siya nakita. Pero inaasahan ko na ang pagdalaw niya.”

“Hindi ho siya tao, ano?” Pag-uusisa niya. “Natakot ako sa kanya. Ang pangit ng hitsura niya! Puting-puti ang mga mata at…”

Muling umiling si Tiyo Amado. “Ang tunay na kagandahan ng isang nilikha ay hindi mo makikita sa panlabas nitong anyo. Maaring mapanlinlang pa nga ang pisikal na katangiang nakikita mo! At gaya ng sinasabi ko sa iyo, Efraim.” Huminto ito upang bigyang- diin ang nais nitong ipaalala. “Huwag kang basta maniniwala sa mga nakikita mo at naririnig. Puso at hindi isip ang gamitin mo para makaunawa. Maraming bagay sa mundong ito ang hindi kapani-paniwala. Mga bagay na pilit nating isinisiksik sa ating mga isip. Ngunit puso pa rin ang maaaring makapagsabi kung alin ang totoo at kung alin ang tama. Halika na sa loob,” yaya nito. Magkasunod silang bumalik sa loob ng bahay. “Maupo ka.”

Hinila ni Efraim ang isang silyang kahoy at naupo roon gaya ng hiling ni Tiyo Amado.

“Magsabi ka sa akin ng totoo, Efraim.,” sabi nito sa napakalamyang boses. “Ano talaga ang dahilan at umuwi ka dito sa probinsya?”

“Tiyo…?”

Parang daga na nasukol ng pusa ang pakiramdam ni Efraim. Hindi pa pala nawawala ang pagdududa nito sa kanya. At gaya ng dati ay tahasan pa rin ito kung magtanong at mag-usisa.

“Tiyo Amado…” ulit niya.

Walang magawa si Efraim kundi ang tumango. “Opo.”

Tumalikod sa kanya ang matanda at tinungo nito ang pinto. Doon lang ito nakatayo paharap sa malawak na pilapil. Wala itong kaimik-imik.

“Patawarin n’yo ako, Tiyo Amado,” halos pabulong niyang sabi.

Humarap ito sa kanya. “Paano mong nalaman ang tungkol sa lagusan, Efraim?” Matigas ang tinig ngunit alam naman niyang hindi galit si Apo Adoy. Gayunman ay nangangamba siya sa seryosng pagkakatitig nito sa kanya. Mata sa mata k…