Ang Ina Ng Aking Asawa Part 2

Chapter 2: El Nino (Tagtuyot)

Pagkapinid pa lang ng kwarto ng mag-asawang John at Rianne ay agad na sinunggaban na ng lalaki ang makipot at mamula-mulang labi ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi ng matinding libog, simula nang mangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa kanila ng biyenang babae. Laplapan kung laplapan, nag-umpisang maglaro ang dila ni John, nariyang nilalabas niya ito upang paglaruan ang mamasa-masang mga labi ng asawa. At nang mag-umpisa nang lamasin ni John ang nakatayong utong ni Rianne mula sa manipis nitong t-shirt, bigla at pilit kumawala ang babae mula sa nakaambang mainit na salo ng pagmamahalan at libog. Napahinto si John, nagtataka, sa tatlong taon na pagsasama nila bilang mag-asawa ay walang pinalampas si Rianne sa bawat aya niyang iyutan, madalas din na ito ang mangalabit kay John at asahan mong mahaba at matinding romansahan ang mangyayari.

Naninibago man at frustrated ay kalmadong nagtanong si John sa asawa “Hon, okay ka lang? wala ka ba sa mood?” Masuyong hinaplos ni Rianne ang mukha ng lalaki “Sorry hon, pagod ako sa byahe at isa pa nag-aalala ako kay Papa, pahinga na tayo” hapong sagot nito. Libog na libog man ay walang magawa si John kundi intindihin na lang ang kanyang mahal na asawa, nahiga na lang ito sa kanilang kama habang pinapanood ang asawa na gawin ang mga pambabaeng ritwal bago matulog. Pinikit ni John ang kanyang mga mata at pilit hinuhuli ang antok, subalit sadyang mailap ito sa kanya ngayong gabi. At muli, biglang sumiksik sa isip niya ang mga pangyayari kanina, ang pangyayari na nagbigay sa kanya ng matinding libog simula kanina pa, ‘di niya namamalayang nakapasok na ang kanang kamay sa suot niyang boxers at nilalaro na ang nakatagong tarugo na unti-unti na namang nabubuhay. Hindi namalayan ni John na nasa tabi na niya si Rianne at nakatitig sa kanya, lingid sa kaalaman ng lalaki ay naaawang nakatitig sa kanya ang asawa dahil alam nito kung gaano ka-aktibo sa sex ang lalaki. Nang maramdaman ni John si Rianne sa tabi nito ay otomatiko itong umakap, isang pahiwatig na nasa tabi lang niya ang asawa anuman ang mangyari.

Kinaumagahan, ikalawang araw ng mag-asawa sa Pangasinan, ay maagang nagising si John. Hindi man sapat ang tulog niya kagabi ay sanay na ang kanyang mga mata na gumising ng maaga, chineck ang kanyang cellphone at nakita niya ang oras, alas kwatro y media pa lang at naisipan niyang mag-jogging dahil wala naman siyang gagawin sa agang iyon. Bago tuluyang tumayo mula sa kama ay tinitigan muna ang asawa na himbing sa pagkakatulog, bahagyang lumislis ang kumot nito sa bandang hita at kita ni John ang hubog ng katawan ng asawa mula sa manipis nitong damit pantulog. At bago pa man mag-init ang lalaki sa nakahain sa kaniyang paningin at dagdag pa ang isang linggong walang paraos, ay agad itong tumayo at nag-umpisang magbihis para sa kanyang pag-jogging. Napili niyang isuot ang isa…