“Kumusta na ang Papa mo?” tanong ni Aida kay Rianne matapos nitong kausapin ang doctor na nag-asikaso sa kanyang Papa Ertong.
“Stable na daw po ang lagay ni Papa sa ngayon, pero kailangan pa daw po nilang i-monitor sa susunond na 24 oras para po malaman kung umaayon ang katawan ni Papa sa medication niya” sagot nito sa ina bagamat alam nilang pareho na malala na ang lagay ng haligi ng kanilang tahanan.
Nilapitan ni Aida ang anak at niyakap niya ito ng sobrang higpit.
“Salamat anak at nandito ka, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka” at tuluyan nang napahagulgol si Aida sa balikat ng anak. Sa ibang banday masasabi na sanay na si Aida sa paglabas at pagpasok ng kaniyang asawa sa ospital pero itong huli ang pinakamalala na kung hindi naagapan ay maaaring ikamatay nito.
Habang magkayakap ang mag-ina, lumapit si John dala ang dalawang naka-disposable cup na kape na kaniyang pinamili sa isang convenience store na nasa harapan lang ng ospital.
“Hon, Ma, kape po muna kayo” alok nito sa mag-ina.
“Salamat!” sabay na pasasalamat ng mag-ina.
Paubos na ang kape ni Rianne ng lumabas ang huling nurse na nag-check ng mga vitals ng kaniyang ama sabay tanong dito kung pwede nang pumasok sa silid. Tango at ngiti lang ang sinagot ng nurse bilang pagpayag.
“Lika na Ma, puntahan na natin si Papa” aya ni Rianne sa ina sabay tayo at nagtungo na sa kuwarto at doon namalagi hanggang dumating ang dapit hapon. Buti na lang at nandoon si John upang umalalay sa mag-ina kung ano ang mga kailangang bilhin, mula sa gamot hanggang sa mga pagkain at kung anu-ano pa.
Kinagabihan, napansin ni Rianne ang bakas ng pagod at pag-alala sa mukha ng kaniyang ina kaya nagpasya siyang umuwi muna upang kumuha ng kaniyang mga gamit na kakailanganin niya pang-overnight sa ospital.
“Ma, uwi muna kami ni John, kukuha lang ako ng gamit ko pang-overnight, ako na lang po muna ang magbabantay kay Papa” paalam nito sa ina.
“Sigurado ka ba anak?” nag-aalalang tanong nito sa anak.
“Opo Ma, mabilis lang po ako at babalik agad para kayo naman po ang umuwi ni John at makapagpahinga sa bahay. Pagod na din po kasi siya at hindi sanay na mag-puyat” sabay haplos sa kamay ng ina bago umalis.
Inabot din ng halos dalawang oras bago makabalik ang mag-asawang John at Rianne at hindi nagtagal ay pinilit na din ni Rianne na umuwi na nang kanilang bahay ang kaniyang ina upang makapagpahinga na din ito. Bagamat hindi sumang-ayon sa umpisa ay wala nang nagawa ang matanda sa kagustuhan nang anak.
“Balik na lang po kayo sa umaga Ma” nakangiting pagkumbinsi ni Rianne sa kaniyang ina.
“O siya, ikaw na muna bahala sa Papa Ertong mo. Salamat ulit anak” at nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata ni Aida.
“Mahal ko kayo ni Papa at nandito lang kami ni John para sa inyo.
Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ni John sa biyenan na nakaupo sa bandang likuran ng kotse, hindi niya alam kung paano mag-umpisa ng usapan dahil ramdam niya ang lungkot at pag-aalala na bakas sa mukha ng matanda. Kung kaninang umaga ay hindi siya makapagsalita dahil sa libog na nararamdaman para sa biyenan, ngayon naman ay dahil sa pag-aalala din niya para sa asawa at sa mga biyenan.
Pagdating ng bahay ay dumiretso sa kuwarto nila ni Ertong si Aida habang si John naman ay dumaan ng kusina upang uminom ng tubig. Nakakapagod ang buong araw na ito para sa kanya pero masaya pa rin siya at nandoon siya upang masandalan nang asawa sa ganitong mga oras ng pangangailangan lalo na ng kaniyang biyenan na babae na alam niyang sobrang nag-aalala para sa asawa.
Pagkatapos maligo ay dumiretso na din ng kuwarto nila ni Rianne si John upang matulog, subalit kahit anong gawin niyang pagpikit ay hindi siya dalawin ng antok. Nagdesisyon siyang bumaba muli upang tumingin nang serbesa sa ref para kahit papaanoy makatulong sa kaniyang pagtulog.
“Kung sinuswerte nga naman” nakangiting usal ni John sa sarili habang nasa harapan ng ref hawak ang isang nagyeyelo sa lamig na bote ng Red Horse.
Dala ang natagpuang bote,…