Ang Kabit Ni Pinay

Bago natagpuan ang bangkay ng dalawa, masama umano ang loob ng binata dahil hindi umano nagte-text sa kanya o tumawag man lang ang babaeng nobya nito na si Lorie, ayon sa mga kaibigan ni Reymar.

Dito nabuo ang imbestigasyon ng pulisya na posibleng pinatay muna ni Reymar si Lorie bago ito nagpakamatay.

Nabuo rin ang teorya ng pulisya na maaaring inalok ni Reymar si Lorie na magsama na sila, at dahil may asawa ang babae hindi ito pumayag sa alok ng binata sa kanya.

Ito ang nasilip ng mga police investigators sa posibleng ugat ng kaso.

Masamang-masama ang loob ni Willy dahil matagal na pala siyang niloko ng kanyang misis.

Dalawang linggo ang nakalipas mula nang maganap ang krimen, natagpuan din ng mga kamag-anak ang duguang bangkay ni Willy na may isang tama ng bala ng baril sa sintido nito.

Hawak pa ni Willy ang kalibre .38 na siyang ginamit sa pagpapakamatay nang matagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay.

Kaagad sinarado ang kaso dahil nag-iwan ng suicide note si Willy bago nito kitilin ang sariling buhay.

Ganito ang nakasaad sa suicide note ni Willy.

“Mga magulang ko lalong-lalo na sa bunsong kapatid ko (Nheil), patawarin n’yo po ako sa nagawa kong ito. Wala nang halaga ang buhay ko mula nang mawala ang pinakamamahal kong asawa (Lorie). Ipanalangin n’yo po sana ang aking kaluluwa. Ilibing n’yo po ang aking mga labi sa Manila Memorial Park katabi sa libingan ni Lorie. Sana hindi n’yo ipagkait ang aking “huling hiling” kahit sa huling sandali. Paalam. Sa inyo’y nagmamahal, Willy.”

WAKAS

Mga Pahina: 1 2 3