Ang Kanilang Kapalaran: Ang Panaginip
Sa isang malayong bayan ay may isang lalaki ang nakatingin lang sa ilog na parang may malalim na iniisip.
“Mahal, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Anu bang ginagawa mo dito?” Ang sabi ng isang babae.
“Wala naman, nag iisip lang ako. Kung hindi mo ako nakita dito na palutang lutang at hindi mo ako iniligtas baka tuluyan na akong namatay nun.” Ang sagot ng lalaki.
“Oh, yun lang ba babe? Wala yun babe. Pasalamat ka na din dahil naisipan ko pang pumunta dito sa oras na yun. Teka May naalala ka na ba, babe?” Ang tanong ng babae.
“Wala pa nga babe eh. Tsaka importante pa ba yun? Ang mahalaga kasama kita.” Ang sagot ng lalake.
“Babe, anu ka ba. Importante yun noh. Pag naalala mo ba nakaraan mo iiwan mo na ako?” Ang tanong babae.
“Hindi no, hindi kita iiwan babe. Promise ko yan.” Ang pangako ng lalake.
“Okay, babe. Asahan ko yan babe huh. Tara na din babe. Hinahanap na tayo nina dad.” Ang sabi ng babae at tuluyan na silang umalis sa ilog.
“Salamat pala babe. Salamat pala babe sa pagliligtas mo sa akin sa araw na iyon.” Ang saad ng lalaki.
Pagkatapos ng usapan nila ay nagsimula na silang bumalik sa sasakyan nila. Pero habang pabalik sila ay nagpasalamat siya sa pagliligtas sa kanya.
“Maraming salamat babe sa pagliligtas sa akin nun. Kung wala kayo baka wala na ako sa mundo.” Ang saad ng lalaki.
“wala yun babe. Anu ka ba.” Ang saad naman ng lalaki.
“babe, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa inyo. Kahit nagising na ako nun at nakalabas ng hospital ay hindi pa rin ninyo ako pinabayaan. Pinatira niyo ako sa inyong bahay at binigyan pa ako ng magandang trabaho.” Ang pahayag ulit ng lalaki.
“pasalamat din kame dahil binigyan ka namin ng trabaho. Hindi namin inaasahan na magaling ka din pala mas lalo na sa engineering department. Mas lumaki kaya ang kita namin mula nung nagtrabaho ka sa companya ni dad. Baka totoong engineer ka nga tlaga.” Ang pahayag din ng babae.
“Baka nga, baka yun ang trabaho ko bago ako nawalan ng alaala.” Ang pahayag ulit ng lalake.
“dahil din dun ay nabingwit mo ang puso ko, babe.” Ang saad ng babae bago hinalikan ang kasintahang lalake at tuluyang umalis sa lugar.
nang nakarating sila sa sasakyan nila ay agad na silang umuwe sa Manila para sa gaganaping occasion.
Nang nakauwe na sila ay agad naman tinanong ng ama ng babae ang dalawa.
“Trina, may naalala na ba sa nakaraan niya si Julian?” Ang tanong ng ama ni Trina.
“Dad, wala pa nga dad eh.” Ang sagot nito sa ama.
“sabi naman sa inyo. Huwag na kayong pumunta dun sa lugar na iyun. Pang sampong beses na kayo pumunta dun eh wala naman nangyayari.” Ang pahayag ng ama.
“eh nagbabakasakali lang naman kame dad.” Ang paliwanag ni Trina.
“Kaso wla naman nangyayari. Tama si dad, Trina. Sayang lang ang oras na pagpunta niyo sa lugar na yun. Ang mabuti pa, sumuko ka na sa paghahanap ng paraan na maalala ni Julian ang alaala niya. Isa pa, hindi naman yung lugar na yun ang pinangyarihan ng aksidente na nakadali sa kanya. At isa pa baka magsisi ka pa sa huli kung maalala niya ang nakaraan niya. Baka nga may asawa na siya eh. Mabuti pa tanggapin niyo nalang baka iniisip ng pamilya niya na patay na siya. Tatlong taon na tayu naghahanap pero wala pa ring balita.” Ang paliwanag ng nakakatandang kapatid ni Trina.
magsasalita pa sana si Trina ng pinigilan siya ni Julian at sinabing tama sila. Sinabi naman niya na okay lang kung hindi niya maalala ang nakaraan niya basta kasama niya ang kanyang mahal.
Wala nang nagawa si Trina kundi tanggapin ang mga sinabi ng daddy at kuya niya. pagkatapos ng usapan nila ay tsaka lang sila kumaen at nagpahinga.
—
Makalipas ng tatlong taon mula ng maaksidente si Anthony ay namuhay siya bilang si Julian. Bagamat malungkot siya dahil hindi niya maalala ang totoo niyang pagkatao ay masaya pa rin siya dahil sa pamilyang tumulong sa kanya.
Wala naman kaalam alam sina Princess na buhay pa rin si Anthony at nasa Manila lang siya. Ang buong akala nila ay patay na siya kaya patuloy siya sa relation niya kay Jacob.
—
Sa paglipas ng araw ay hindi na nga nagpumilit si Trina na pumunta sa lugar kung saan niya nakita si Julian. Tinanggap naman ni Julian ang kanyang pangyayari. Nasa isip ni Julian na hindi pa napapanahon na bumalik ang alaala niya.
Hindi naman siya nagmamadali na tuluyan siyang gumaling dahil sa suporta ng minamahal niyang si Trina.
Isa pa, iniisip niya na masaktan ang babae kung maalala niyang may asawa na eto. Napamahal na ng sobra sa kanya ang babae kaya ayaw niya masaktan eto.
Maganda si Trina, kung tutuusin ay kaya niyang tapatan ang isang modelo. Kung naalala niya si Trisha ay maaari niya etong ipagkumpara.
Naging masaya naman ang bawat araw ni Anthony kay Trina. Wala siyang problema sa kanilang pagsasama. Kahit nagaaway sila minsan ay nagagawan naman nila ng paraan at nagkakabati sila kinagabihan.
Dahil nga sa nakita ni Julian na mahal na mahal siya ni Trina ay naisipan na niya etong magpropose sa kanya. Kaya nag isip to ng paraan para sa gagawing proposal.
gusto niyo memorable eto para sa minamahal. Kaya inisip niya ng maayos ang gagawin. Nagpatulong na din siya sa kanyang kaibigan sa trabaho para sa gagawing proposal nito.
Dahil na din sa naisip na proposal ay minsan ay nalalate siya ng uwi sa kanilang bahay. At kadalasan ay hindi niya kasama si Trina umuwe na siyang pinagtaka ng babae. Gumawa nlang ng kwento si Julian para hindi mabisto ang ginagawa niyang proposal.
Nang matapos na ang kanyang planong proposal sa kasintahan ay umuwe na siya para magpahinga. Ngunit sa hindi niya inaasahan habang binabagtas niya ang C5 ay may nakasalubong siyang isang 10 wheeler truck na biglaan nalang nawalan ng control at lumiko sa kanyang linya.
Biglaan nataranta si Julian sa nangyari kaya nakabig niya ang kanyang sasakyan pakaliwa at nawalan din siya ng control. Sinubukan naman niya kontrolin ang sasakyan niya ngunit biglaan nalang may nagflash na isang litrato sa kanyang harapan at tuluyan na siyang nabunggo sa isang poste ng kuryente at tuluyan nawalan ng malay.
—
Pagkatapos mabangga ng sasakyan ay bigla nalang sumabog eto at dito na siya biglang nagkamalay. Nagtaka naman siya dahil naramdaman niya na wala siyang sakit na nararamdaman mula sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan. Tinignan niya mabuti ang sarili at akala nga niya nasa langit na siya. Sinubukan niya minulat mulat ang kanyang mata at nakita niya ang isang pamilyar na kwarto.
“Teka asan ako? Teka parang pamilyar to ah” Ang tanong niya sa sarili at tinignan ang paligid.
habang nagtitingin siya ay nakita niya ang picture nila ni Princess nang sila ay kinasal at dito niya naalala lahat.
“Panaginip lang pala iyon. Akala ko na totoo. Kwarto namin to ni Princess.” Ang sabi niya sa sarili niya.
Habang iniisip niya iyong panaginip niya ay hindi niya inakala na andun din sina Trisha at Jacob. At mas masakit pa ay sa panaginip niya ay may relation sina Jacob at Princess.
Inilapag na niya ang litrato nila ni Princess at lalabas na sana siya ng kwarto ng biglaan may narinig siyang iyak. Nang lingunin niya ang kanilang silid ay nakita niya si Levi na umiiyak. Dito niya naalala ang DNA test at fertility test niya.
Bumalik din sa alaala niya ang panloloko ng asawa niya sa kanya at ginawa pa niyang ipaako sa kanya ang anak ng iba. Dahil nga sa naiisip niya ay hindi niya narinig ang tawag ni Princess na tignan si Levi kaya nagulat nalang siya ng makita na nasa harapan na…