Copyright © 2020 by Heavyarms1986
All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer:
Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap.
Makalipas ang anim na araw nang likhain ang sanlibutan, kasamang nilikha ang unang mag-asawa na sina Adan at Lilith. Sila ay kapwa nilikha na mula sa alabok at hiningahan ng hangin ng buhay. Si Eva ay wala pa sa eksena pagkat siya ay nalikha mula sa tadyang ni Adan makalipas pa ang hindi malamang agwat ng sandali. Ngunit mababasa natin na sabay na nalikha sina Adan at Lilith. Hindi natin mababasa sa Biblia ang pangalang Lilith kundi sa ilan pang matatandang manuskrito. Si Lilith ay isang babaeng balingkinitan ang katawan, may mahaba at maalon-along buhok, may nakasisilaw na ganda na walang kapara, at may mayamang dibdib na tiyak pagpapantasyahan ng mga anghel at ibang lalake dangan nga lamang at sila pa lang ng kabiyak ang mga naunang tao sa halamanan na iyon.
Makalipas ang Araw ng Pamamahinga, abala si Adan sa paglilibot sa hardin ng Eden. Bawat madaanan niyang halaman, damo o puno ay binibigyan niya ng pangalan. Si Lilith naman ang naghahanda ng kanilang agahan mula sa mga bungang-kahoy na matatagpuan doon. Hindi naman siya nag-aalala pagkat nagpaalam naman ang kabiyak sa kanya at alam niyang ligtas sila sa lugar na pinagdalhan sa kanila ng Maylikha. Napadako naman si Adan sa pampang ng isang malaking ilog. Napansin niya na ang ilog ay nahahati sa apat na ilog: Pison, Gihon, Hiddecel, at Eufrates. Matapos siyang maglakad-lakad, siya ay umuwi na sa kuwebang tahanan nilang mag-asawa upang mag-agahan. Sa kanilang pananghalian, pawang mga bungang-kahoy din ang kanilang kinain. Hindi naman sila nagrereklamo pagkat alam nilang sapat na ang biyayang iyon sa kanila. Matapos naman ang hapunan nila, si Adan ay nagparikit ng apoy upang maibsan ang lamig ng gabi na dumadami sa mga hubad nilang katawan. Oras na ng pagtulog at napansin ng lalaki ang kariktan ng asawang nababanaagan niya sa liwanag ng apoy.
Lumapit si Adan sa asawa at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Hinawakan naman ni Lilith ang kamay ng asawa. Unti-unti, lumapit ang mukha ni Adan sa minamahal na asawa at hinagkan ang labi ng misis niya. Gumanti naman ng halik ang babae sa kanyang mister. Ang halik ay masuyo, puno ng pagmamahal hanggang sa lumalim ito. Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi upang mag-usap. “Mahal kita Lilith”, saad ni Adan. “Mahal din kita, Adan”, gant…