Copyright © 2020 by Heavyarms1986
All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer:
Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap.
Kinaumagahan, napagkasunduan ng mag-asawa na maghiwalay na lamang. Noon di’y umalis ng halamanan ng Eden si Lilith. Sa kanyang pag-alis, naramdaman niya ang isang presensiya na sumusunod sa kanya bago pa man siya umalis ng halamanan. “Sino ka? Bakit mo ako sinusundan? Alam kong hindi ikaw ang Maylikha. Magpakita ka sa akin! “, sabi ni Lilith. Sa harapan niya’y unti-unting lumitaw ang isang kaanyuan ng isang nilalang na may pakpak. Walang damit pang-itaas ngunit may makisig na pangangatawan. At sa tantiya ni Lilith ay nasa husto na itong gulang tulad nila ng kanyang dating asawa. Mayroon itong bagay na hugis bilog na nasa ibabaw ng ulo nito. Makikitang may hawak itong tungkod na gawa sa isang matibay na metal sa kaliwa nitong kamay at espada na nakasabit sa baywang nito. “Isa kang… “, hindi na natuloy ng babae ang kanyang sasabihin pagkat agad na ginagap ng nilalang na ito ang kanyang kamay sabay sabi ng kanyang pangalan. “Samael ang aking pangalan”, sabi nito. Agad nitong hinalikan ang kamay ni Lilith na hawak niya. “Bakit nakikihalubilo ang isang nilalang na gaya niya sa akin?”, sabi ni Lilith sa kanyang isip. “Gusto kasi kita. At ngayong wala ka nang kaugnayan sa asawa mo, malaya ko nang magagawa ito”, sabi ni Samael na tila ba nababasa ang isip ng babae. Ang ginawa niya’y sinakop ng labi niya ang labi ni Lilith at hinagkan ito. Ilang sandali pa’y bumuka ang mga pakpak ng anghel at inilipad sila ni Lilith patungo sa isang kuweba di-kalayuan sa lugar na iyon.
Samantala sa kalangitan, makikita doon ang isang maningning na anghel na namumuno sa mga awitan doon sa langit. Kung ilarawan siya’y nakasisilaw sa bawat anghel na makakita sa kanya. Sinasabi ng mga kapwa niya anghel na isa siyang magandang lalaki. Siya’y tulad ng pinakamaliwanag na tala sa umaga. May madilaw at maalun-along buhok. Iniwan niya ang bulwagan at tinungo niya ang isa pang bulwagan. Doon, binunot niya ang kanyang kris (isang espada na ang isang kapat na bahagi ng talim sa dulo ay kahugis ng alon ng dagat). Mga ilang araw na rin siyang nagsasanay bagama’t hindi siya nilikha para maging mandirigma. “Nais kong maging higit pa sa pamumuno lamang ng mga anghel na nag-aawitan. Gusto kong mapasaakin ang trono ng Maylikha. Gusto kong sa akin naninikluhod di lamang ang mga anghel, kundi maging ang mga nilalang sa ibabaw ng planetang Lupa”, sabi ng anghel sa sarili. Ang hindi niya alam, may isa pang anghel sa malapit na nababasa ang kanyang iniisip. Agad itong lumayo at nagtago pagkakita sa isa pang anghel na papalapit sa bulwagan na iyon. Tok! Tok! Tok!….