Copyright © 2020 by Heavyarms1986
All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer:
Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap
Copyright © 2020 by Heavyarms1986
Kinaumagahan, ang babae ay naunang nagising upang kumuha ng mga bungang-kahoy na kanilang agahan ng kanyang asawa. Nasa daan na siya patungo sa lugar na dati niyang pinupuntahan nang makasalubong niya ang isang ahas. “Tao, saan ka pupunta? “, tanong ng ahas sa babae. Bagama’t nagtataka kung paano nakakapagsalita ang ahas, sinagot niya ito. “Ako’y mangunguha ng mga bungang-kahoy para sa agahan naming mag-asawa “, anang babae. “Bakit magpapakalayo-layo ka pa? Nandyan naman ang gitna ng halamanang ito na may mga punong hitik sa bunga”, sabi ng ahas. “Mangyari kasi, ipinagbabawal sa amin ng Lumikha ang magtungo doon”, anang babae. “Talaga ba? Halika at sumama ka sa akin nang mapatunayan mong totoo ang sinasabi ko”, anang ahas. Tinugpa ng ahas ang daan patungo sa gitna ng halamanan. Sumunod naman sa kanya ang babae.
Nang marating nila ang lugar, nakita nga ng babae na ang mga puno doon ay hitik sa bunga. Nakatawag ng pansin niya ang puno na nagbibigay kaalaman ukol sa mabuti at masama. Inakyat ng ahas ang nasabing puno. “Halika pumitas ka at kumain ng bunga ng punong ito. “, sabi ng ahas. “Pero… “, napapa-isip ang babae. “Tingnan mo ang hinog at mabintog na mga bunga. Alam kong gusto mong tikman ang mga ito”, sabi pa ng ahas. Natatakam ang babae nang tingnan niya ang puno at mga bunga nito. “Hindi maaari! Mamamatay kami kapag kumain kami nito”, anang babae. “Hindi totoo yan! Hindi kayo mamamatay. Kayo’y mamumulat. Kayo’y magiging parang mga diyos kaya ayaw Niyang kumain kayo nito”, sabi pa ni Samael sa anyong ahas. Nagustuhan naman ng babae ang tinuran ng ahas kaya’t siya’y pumitas at kumain ng bungang ipinagbabawal. Pagkakain, agad siyang nagtakip ng katawan gamit ang malayang braso pagkat mahalay ang tingin niya sa sarili. Ang ahas naman ay agad na umalis nang mangyari ang ayon sa balak niya. Di kalayuan sa lugar, naroon ang puno ng bunga na nagbibigay-buhay. Kumuha pa ang babae ng marami ng bungang kinain niya upang ibigay sa asawa.
At umuwi nga ang babae. Noon nama’y tapos na si Adan sa paglilinis ng kuwebang tinutuluyan nilang mag-asawa. Pagod at gutom na ito. Siya namang pagdating ng babae dala ang mga bungang-kahoy na kinuha niya kanina. Una niyang dinampot at kinain ang saging, sumunod ang kahel, at kumurot pa siya ng ubas. Inabot sa kanya ng asawa ang isang bungang-kahoy na banyaga sa kanyang paningin. “Ligtas bang kainin yan? “, tanong niya sa asawa. “Oo naman, mas masarap din yan sa kahit anong bungang-kahoy na dala ko. Sige, tikman mo”, udyok ng babae sa kanyang asawa. Napansin ni Adan na may tinatakpan sa katawan ang kanyang asawa. “May problema ba? May kung anong pinsala ka ba sa katawan? “, tanong ni Adan sa asawa. “Ah, wala ito kumain ka na lang mahal ko”, sabi pa ng babae at inalok uli kay Adan ang kakaibang bungang-kahoy. Kumain si Adan at bigla siyang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili. Nalaman niyang siya’y walang saplot. Noon di’y kumuha ng mga malalaking dahon si Adan at pinagtahi-tahi ang mga ito upang may maipanakip sa kanilang hubad na mga katawan.
Nang hapon ding iyon, naglalakad sa Hardin ng Eden ang Lumikha. Tinawag Niya sina Adan ngunit nagtatago sila pagkat ang mga huli nga’y may nagawang kasalanan, maliban sa sila’y hubad.
9 At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya’y sinabi, Saan ka naroon?
10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako’y natakot, sapagka’t ako’y hubad; at ako’y nagtago.
11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?
12 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.
13 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako’y kumain.
14 At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka’t ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa’t ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:
15 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
16 Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.
17 At kay Adan ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;
19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
20 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.
21 At iginawa ng Panginoong Dios si Adan at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.
Ang ahas na pinarusahan ay hindi ang kaanyuan ni Samael, kundi ang hayop na ahas. Matapos kasing umalis si Samael sa Hardin ng Eden, bumalik na siya sa karima-rimarim niyang anyo. Sina Adan at Eva naman ay pinaalis sa Hardin ng Eden. Sa pagbabalik ni Samael sa kanilang kuweba ni Lilith, ipinaliwanag niya sa asawa ang kanyang pangalawang balakin. Mula sa ituktok ng pinakamataas na bundok ng panahong iyon, tinanaw nila ang paglisan nina Adan at Eva mula sa Hardin ng Eden hanggang sa makahanap na ng bagong kuwebang lilipatan ang mag-asawa.
Isang araw, habang nagbubungkal ng matigas na lupa si Adan, malapit sa kanilang bagong tahanang-kuweba, hindi niya napansin ang babaeng papalapit sa kanya. Si Eva naman ay nangunguha ng mga bungang-kahoy na kanilang kakainin (wala na sila sa Hardin ng Eden kaya mga ipinahihintulot na bungang-kahoy ang tiyak na mak…