Ang Kwento sa Buko Pie Part 1

Grabe napakaganda ko talaga with my pretty pouty redlips, tantalizing beautiful eyes, and over sexy gorgeous body. Oh diba! Every part of my me is alluring. Im a god’s gift to all man kind. Yes I am that good-looking.

Kung nagtataka kayo kung sino ako? My name is Buko Pie “Coco” Picache, 19, Philippines. And I believe that only Judge can God me, thank you! (insert Ms.U hand wave here).

Actually nandito ako ngayon sa sikat na bbq-han ni aling Mameng. Magkikita kasi kami ng my beloved bf. 6 years na kami mag-bf at feeling ko magpo-propose na sya sa akin ngayon lalo pa’t may nangyari na sa amin kagabi. Kaya nga sinuot ko na ang wedding gown ni mudrakels with matching 5 inch killer heels. Full pack din ang airbrush make up ko ngayon. May dala din akong bulaklak na nakapaso pa para fresh. At hindi nga ako nagkamali maya maya lang ay nakita ko ng dumadating si Teodoro or teddy for short. Nakasuot sya ng Muscle shirt at ripped jeans.

Pagdating nya ay agad syang umupo sa upuang kaharap ko. Nagsmile ako ng bonggalicious.

“Coco, Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Im sorry, but am breaking up with you.”

Napatayo ako bigla. Wapakels sa poise kong nawala. “Ano?! Bakit? Why? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ko?”

“No!” Sagot naman nya.

“Then WHY????!!!!” Eksaherada ko namang sagot.

“Im really sorry, Coco. Its not me…. Its you.” Sabi pa nya.

“Baka its not you, Its me! Gago ka!”

“Oo nga its not me, Its you!”

“Eh gago ka pala eh! Pagkatapos mong i-rape yung kamay at bibig ko kagabi ha! Paano pag nabuntis mo ako! Nilunok ko pa naman yung ano mo! Paano pag napunta yun sa tyan ko at nameet nya ang eggcell ko! Tarantado kang hayop ka panindigan mo ako!” Nagwala na ako hindi pepwede to! Kailangan panindigan nya ako!

“Ano ka ba, Coco! Hindi ka mabubuntis dahil doon!” Sigaw nya pabalik. Napaiyak na ako. Tangina paano ang kinabukasan ko hindi na ko virgin.

“Gago ka! Gago ka! Gago ka! May iba ka na siguro! May iba ka! Sumagot kang hayop ka!” Pinagsasampal ko sya, sinabunutan at pinagpapapalo.

“Oo!” Sigaw nya pabalik habang pinipigilan ang mga kamay ko. Napahikbi ako lalo. Nandilim ang paningin ko at nadampot ko ang bulaklak sabay hampas sa kanya bago ako tumakbo ng umiiyak.

Siguro nakikidalamhati ang panahon sa nararamdaman ko at biglang bumuhos ang ulan. Basang basa ako sakto naman at nakita ako ni Luci agad nya akong nilapitan. Nangasim agad ako sa amoy nya.

“Coco! Anong nangyari bakit dito ka naliligo sa ulan? Naputulan ba kayo ng tubig?”

“Boba! Nagdadrama ako kasi iniwan ako ni teddy.” Humagulgol na ako.

“Bakit saan ba sya pumunta? Sabagay kahit ako hindi din kita isasama kahit sa palengke ang pangit ng suot mo. Saan ba ang burol? Aray!” Sinampal ko na. Ang slow eh.

“Basta hindi ko hahayaan na mapunta sya sa iba! Ikaw ano ang gagawin mo if the only man u love unfortunately left u? I am not gonna give up teddy without putting a goddamn fight!”

Mugtong mugto ang mga mata ko kakaiyak.

“Walangya ka teodoro! Matapos kong ibigay sa’yo ang lahat!” Tuloy-tuloy pa din ako sa kakangawa.

“Ahhh! Ahhh! Ahhh!”

“Iiwan mo lang ako! Matapos kong ibigay ang aking buong puso—-”

“Ahhh! Ahhh! Sheeeeet!”

“Kaluluwa—-”

“Harder! Harder! Ahhhh! Ahhh!”

“I loved all of you—–”

“Sige pa! Ahhh! Ang sarap!”

“Loved your curves and all your edges—-”

“Sagad mo! Sheeeet! Ahhhh!”

“All your perfect—-”

“Oh sheeeee— Aray!” Sinampal ko nga.

“Ponyeta ka! Nagdadrama ako diba ungol ka ng ungol dyan!” Ingos ko sa kanya.

“Eh bakit ba! Nagpapraktis nga ako eh. Ibibigay ko na ang virginity ko mamaya kay Butchoy.” Sabi naman niya. Siya nga pala si Luci V. Minda, ang aking betfriend. Ipinaglihi ata siya sa sampalok kaya lagi siyang amoy maasim. “Alam mo, bes. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin eh.” Dugtong pa nya habang ipinipikit-pikit ang mga mata.

“Baka mahilig siya sa sinigang.” Sagot ko naman.

“Ay! Oo, sis. Paano mo nahulaan?” Manghang tanong nya. Habang ako naman ay nangangasim na naman ang mukha dahil sa kanyang amoy.

——

Balak ko ulit kausapin si Teddy. Kailangan muna naming pagusapan ito. Baka kasi nalilito lang siya. Pinalipas ko muna ang ilang araw. Nagbeauty rest ako para pagnakausap ko na siya ay maakit ulit siya sa alindog ko.

At heto na nga nakashort shorts o mas kilalang puke shorts lang ako. Sisilawin ko siya sa makinis at malagatas sa puti kong hita. Nagsando lang rin ako with plunging neckline aakitin ko siya sa aking naglalakihang dibdib. Sinisiguro ko na babalik agad siya sa akin. Lumabas ako ng kwarto.

“Pordyosporsanto!” Napaantanda pa si nanay ng makita ako.

“Ano ba yang suot mo, Buko Pie! Bakit ganyan nakita mo ba ang sarili mo?” Pagalit na sabi ni nanay. Napa-irap ako. Hay nako! Ang matatanda talaga hindi na alam ang mga latest trend ngayon.

“Ano ka ba, ‘nay! Eto ang uso ngayon!”

“Nako! Tigilan mo ako, Buko Pie ha! Halo pumasok ka sa kwarto mo at magpalit! Nakakahiya sa mga kapitbahay ano nalang ang sasabihin nila!” Dugtong pa nya. Umirap nalang ako.

“Nay, naman eh!” Maktol ko.

“Tigil-tigilan mo ako, Buko Pie! Hala magpalit ka.” Wala na nga akong nagawa pumasok ako ulit sa kwarto at nagpalit nakaleggings na ako ngayon yung pepebakat. Cameltoe kumbaga.

“Nay, pwede na ba ito?” Tamad kong tanong. Tinignan nya ang bandang ibaba ko.

“Susmaryosep kang bata ka! Nagpalit ka ba nyan?” Naiinis pa ding komento ni nanay. Nainis na din ako at nagpapadyak.

“Eh ano bang problema sa soot ko, nay!”

“Magkaiba ang suot mong sandals, gaga!” Sabi ni nanay. Napatingin ako sa aking paanan. At oo nga magkaibang pares ang sandals ko.

“Ay oo nga.” Nakatawa kong sagot. Bumalik ulit ako sa kwarto ibinalik ko ang shorts na kanina’y suot ko at saka ko pinalitan ang aking sandals. Sinigurado ko munang magkaparehas ito bago lumabas sa kwarto.

“Nay, eto na! Alis na po ako.” Paalam ko. Tinignan niya ulit ako.

Pages: 1 2