Ang Kwento sa Buko Pie Part 1

“Oh ayan edi maayos tignan.” Sabi ni nanay ng nakangiti.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng tricycle. Pupuntahan ko ngayon si teddy sa bahay nila at susurpresahin. Bago ako dumiretso doon ay dumaan muna ako sa isang bakery bibilhan ko ng eggpie si Aling Lupe ang nanay ni Teddy.

——-

“Aling Lupe! Tao po!” Tawag ko kasabay ng pagkatok sa kanilang pinto. Agad ding bumukas ito at sinalubong ako ng nakangiting si Aling Lupe.

“C-Coco? A-anong ginagawa mo rito, Hija?” Mukhang kabado si aling Lupe na siya kong ipinagtaka. Sa kabila noon ay ngumiti pa din ako.

“Dadalawin ko po si teddy, Aling Lupe. Nandyan ho ba sya?” Tanong ko sa matanda.

“A-ah… W-wa-wala eh——” naputol ang dapat sasabihin ni aling Lupe ng may sumigaw mula sa loob ng bahay.

“Ma! May juice pa ba?” Boses iyon ni teddy kaya alam kong nasa loob siya. Salungat sa sagot sa akin ni aling Lupe. Agad bumakas ang guilt sa mukha ng matanda.

Nagtatampo man ay ngumiti ako dito at pumasok sa loob ng bahay nila. Sinubukan pa ako nitong pigilan.

“Kakausapin ko lang po, aling Lupe.” Sabi ko dito. Nagtuloy-tuloy na ako sa loob at doon sa kanilang sala ay nakita ko si Teddy habang nakikipaglandian sa katabi nyang babae.

Napatayo agad si teddy ng makita nya ako. Napatingin naman sa kanya ang babae bago lumipat sa akin ang kanyang tingin.

Nagngitngit ang kalooban ko ng makita ang babaeng ipinalit nya sa akin.

“Who are you?” Tanong ng babae. Ang panget ng boses. Boses kiki.

“Ikaw ang who are you! Ikaw pala ang lumandi sa boyfriend ko!” Sikmat ko dito.

“Excuse me! I dunno what your saying! Theodore, who is this bitch?” Maarteng sabi nito. Theodore theodore pang nalalaman. Pwe!

“She’s noone babe.” Sabi naman ng walang hiya. Tinignan kong maigi tangina ang liit ng dede. Tinignan ko ang hita nya. Long legged lang naman at omigad.

“Grabe! Teddy hindi ako makapaniwalang ipagpapalit mo ako sa babaeng ruler na yan! Ang liit ng dede anong cup size mo? Cup C? Cup Cake? At grabe ha! Ang dami mong piso sa hita? Kundoktor ka ba!”

“Stop it, Coco! Kahit ano pang panglalait ang sabihin mo! Hinding hindi na kita babalikan! Mahal ko ko si Jaya.” Sigaw ni teddy. Bigla ay nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nababadya ng bumagsak.

“Eh paano ako? Paano ako teddy? Akala ko ba mahal mo ako.” Sabi ko sa mahinang tinig.

“I never said… That I love you!” Sigaw pa rin nya.

Bigla akong nabingi sa sinabi nya. Nanggigil ako binato ko ang hawak kong eggpie sa mukha ni Ruler bago ko sinugod si teddy.

“Gago kang tangina ka! Ang liit liit ng titi mo! Tangina ka! Supot kang hayop ka! Leche ka! Magsama kayo ng jowa mong ruler! Tutal kasing nipis naman ng lapis yang titi mo! Hayop ka!” Pinagsasasampal ko ulit siya. Tinadyakan maya-maya ay may naramdaman akong pumipigil sa akin. Maasim ang amoy nya.

“Tama na! Bes! Tama na!” Si Luci pala. Hingal na hingal ako. Nakita ko si aling Lupe sa gilid inaalo ang babaeng ruler. Tumingin ako kay teddy.

“Hayop ka! Magkapigsa ka sana sa beklog mo! Tubuan ng buni yang titi mong supot! Magkaalmuranas ka! Manloloko!” Nagwalkout ako. Naamoy kong sumunod sa akin si Luci.

Nang makarating kami sa labas ng bahay nila teddy ay napahagulgol ako. Inalo naman agad ako ni Luci.

“Tama na, sis. Hayaan mo na lang siguro si teddy. Sabi nga nila it’s better to give up than to recieve.” Lalo pa akong napahagulgol sa payo ni Luci.

Mga Pahina: 1 2