Ang Luha Ng Pagbubuklad Ng Bulaklak Ng Bayabas (Revised Version) Reupload

Ang Luha ng Pagbubuklad ng Bulaklak ng Bayabas (Revised Version)

Dahil sa kahirapan nagpasya ang aking mga magulang na doon na ako pansamantalang manirahan sa aking tiyahin, bunsong kapatid ng aking ama sa kabilang baryo. Malapit lang kasi ang kanilang bahay sa High School na pag eeronralan ko sa susunod na pasukan. Matagal na akong graduate sa Grade Six at patigil tigil ng High School dahil kapos ng pera kaya inabot ako sa edad dapat ay nasa koleheyo na ako ng patapos na sa High School. Upang makatipid sa pamasahe, at allowance at mga requirements na lang sa school ang gagastusin ng mga magulang ko, nakiki-usap sila sa Tiyo at Tiyahin ko na doon ako sa kanila. Tutulong ako sa mga gawain bahay upang maka ganti naman ako sa pagpatitira nila akin sa kanilang bahay. Pumayag ang Tiyo at Tiya dahil kailangan naman nila ng taong-bahay. Si Tiyo ay buong araw magtratrabaho sa bukid at ang tiya naman ay may pwesto sa palengke. Kadalasan, madaling araw ito umalis sa bahay at gabi na umuwi. Ganun din si Tiyo. May dalawang anak sila na nagbibinata na rin, puro sila mga lalaki ang kung walang klase sila ay isasama ng Tiya sa Palengke. Kalagitnaan ng summer vacation ako tumira sa mga Tiyo at Tiya upang habang wala pang pasukan, makatulong na ako sa kanila. Masaya ako sa bago kung tirahan. Siguro dahil bago sa akin. Wala kaming kapitbahay. Ang pinakamalapit ay ang tindahan na nasa dulo ng kalsada. Ang bahay nila ay medyo papasok muna sa Highway. Ang kalsadang ito kung saan naadoon ang bahay nina Tiyo at Tiya ay patungong bukid kaya medyo wala pang masyadong tao na nanirahan dito. Wala man kaming nakakahabilong ibang tao, pero nagkakasundo kaming magkakapinsan at madalas kaming naglaro ng kahit anu nalang maiisip naming o kaya’y nagkwentuhan kaya hindi ako nakaramdam ng pagkakainip. Maaga kaming magising sa bahay. Magluluto ako ng agahan. Si Tiya ay abala sa kanyang mga dalahin sa Palengke. Si Tiyo naman ay maghanda para sa bukid. Pagkatapos kong ihain ang almusal, ay gisingin ang dalawang batang lalaki upang sasama sa Tiya sa palengke. Kadalasan ang almusal ay kape sa mga matatanda at tsokolate para sa amin at may kasamang tinapay. Maghanda din ako ng baon sa kanila para sa kanilang agahan. Si Tiya at and dalawang lalaki ay sa palengke na kakain at si Tiyo naman ay magdadala na rin ng kanyang agahan sa bukirin. Pagkalakad nilang lahat, ako lang ang matitira sa bahay. Pagkatapos kung iligpit ang aming kinakainan ay mag linis ako ng bahay hanggang sa labas. Pagkatapos, ay kakain ako ng almusal at maglalaba ng mga damit. Konti lang ang malalabhan ko. Kadalasan ay ang pinagbihisan ng nakaraang araw. Minsan habang akong naghahanda sa paglalaba at pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga damit, napansin kong medyo mamasa-masa ang jersy shorts na pinag-hubaran ni Makoy, ang nakakatanda sa dalawa kong pinsan. Nagulat ako. Akala ko naiihi si Makoy sa kanyang pagtulog. Agad, agad tiningnan ko ang kama baka nabasa. Tuyo naman ito. Wala naman akong na aamoy na mapanghi. Tiningnan ko muli ang shorts ng maigi at napansin ko na medyo mala sipon ang naka basa nito. Hindi ko na pinapansin. Tuloy ko nalang ako sa aking paglalaba upang makapag handa naman ako sa kanilang tanghalian. Uuwi ang dalawang lalaki sa bahay sa pananghalian. Ang tiya ay sa palengke na bibili ng pagkain niya doon. Una akong kakain sa kanila upang mahahatdan ko ng pagkain si Tiyo sa bukirin. Gusto niya ang mainit-init pang sabaw kaya kadalasan ay luluto ako ng Lay-oy. Madali lang ito. Pinaghalo halo ko lang ang iba’t ibang gulay pinagkuluan ng tubig at kung may isda ay isasama ko ito sa pagluto at yun ang kadalasan naming ulam sa tanghalian. Pagkadating ng dalawang lalaki mula sa palengke ay handa na ang kanilang pagkain at lalakad naman ako ng mga 20 minutos upang marating ko ang bukirin kung saan nandoon ang Tiyo. Hihintayin kung matapos kumain ang Tiyo upang mailigpit at madala ko pauwi ang kanyang pinagkainan. Kadalasan, mag-isa lang si Tiyo mag trabaho sa bukid. Kukuha lang sila ng arawang sahuran kung marami silang gawain. Pagkatapos kung iligpit ang mga gamit ay lalakad na ako pauwi sa bahay. Si Tiyo kadalasan ay nasa loob ng kubo niya at namahinga habang nakikinig sa mga drama sa radyo. Lagpas alas dos ng hapon na ako makarating sa bahay. Di ako nagmamadali sa pag-uwi at maraming puno ng bayabas akong madada-anan. Hitik ito sa bunga at masarap. Madalas akong mamimitas. Dadalhan ko na rin ang aking mga pinsan ng mga hinog na bayabas. Kadalasan, pagdating ko sa bahay, tulog ang dalawa. Siguro dahil sa pagkahapo sa trabaho sa palengke at sa maagang gising nila. Pagka gising nila maglalaro kami ng kahit anu at pagsapit ng alas 5 magsimula na akong magsaing para sa hapunan. Kadalasan kanin lang ang lulutuin ko dahil magdadala ng ulam si Tiya galing palengke. Isang araw, habang naglalakad ako pauwi galing naghatid ng tanghalian kay Tiyo may napansin akong medyo may kataasan na puno ng bayabas na maraming bunga. Malalaki at hinog ang mga bunga nito. Naisipan kung baka maari kung akyatin ito. Medyo naka distansiya sa daan kaya di ko kaagad napansin. Sinuot ko ang malagong talahiban at ng nandoon na ako sa puno at inakyat ko na ito agad agad. Maraming mga sanga akong matatapakan kaya madali lang sa akin ang pag akyat nito. Napansin ko na nasa gilid ako ng mababang pampang at kitang kita sa baba. Kahit na ito ay talahiban kitang kita ko dahil nasa taas ako ng puno ng bayabas. Abala ako sa pangunguha nga bayabas…