Ang Maging Misis Niya (5)

“Bakit umabot na sa ganoong presyo?” tanong ko habang ngumunguya ng pagkaing inihain.

Siyempre di na lang puting tela ang suot ko, ‘no. Ngunit naka-tube na lang ako at maiiksing shorts. Ganunpaman, ang ganda ko pa ring pokpok!

Inaya ako ni Joni Furukawa ng date nung gabing iyon. Mga alas-tres na ng madaling araw dito. Hindi ko akalaing may bukas na restaurant sa oras na ito.

Pero parang nirentahan lang ako nitong lalaking ito. Dahil wala man lang katao-tao rito. Pati ang tauhan ay wala akong mahagilap. Ang waiter na nagserve kanina wala na. Walang ingay na maririnig dito at tanging ang pag-ingay ng stainless utensils sa plato ang maririnig.

Babalik pa rin naman ako sa bar. Hindi nya ako nabili ng buo, tanging aliw lang ang nabili niya o sa bulgar na salita: pepe ko lang ang nabili niya

Napag-alaman kong half brother sila ni Mike. Si Joni ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid, ngunit tanging si Mike at ang pinakabunsong kapatid nila ang legal na anak.

Pinay ang nanay at Hapon naman ang tatay niya. Lumaki siya sa Pilipinas bago pa man lumipat dito sa Japan para patakbuhin ang negosyo nila.

Hindi man siya legal na anak, tunay na anak naman siya at may karapatan ito sa kumpanya. Ang tradisyon ay ang pinakapanganay (kahit kaninumang nanay) na anak ang mamamahala sa kumpanya nila.

“I just wanna taste a virgin, Mizuki.” sagot nito

Napayuko naman ako sa hiya dahil hindi naman na talaga ako birhen. Ang malala pa ay ang kapatid niya ang wumasak sa aking kaselanan.

Wala akong magagawa kun’di sabihin ang katotohanan. Okay lang kahit bawiin niya yung bayad niyang one billion pounds.

“Tungkol doon—”

“Hindi ka na virgin, alam ko” putol nito sa sasabihin ko at tila nabasa nito ang iniisip ko.

“So bakit mo nga ako nirentahan sa ganung kalaking halaga?” tanong ko muli. Nakakaloka! Alam naman na pala niyang walang kwenta ang nirentahan niya.

“I find you interesting, Mizuki.” simpleng sabi nito.

“Paanong interesting? Pokpok nga ako, remember?” sabi kong pranka.

“Let say that you have something that can magically give a man an intense electricity.” parang makata ito noong sinambit niya ang nga salitang iyon.

“Libog lang yan, sir—este Joni.” sagot ko. Sabi rin nito ay mag-first name basis na lang daw kami. Pwera lang ay hindi niya alam ang tunay kong pangalan.

Napatawa naman ito. Shet! Nakakakilig ang mga tawa nito. Pero may karapatan ba ako? Pokpok na ako. Hindi man nagamit ng husto, nagpagamit pa rin ako.

“See? You made me laugh!” at napahalakhak na naman siya sa bulgar na sinabi ko.

Nakakatawa ba iyon? O ako mismo ang nakakatawa? Katawa-tawa ba ako sa tingin niya?

“Anong joke do’n?” sambit ko at napatigil ito sa kakahalakhak.

“Wala,” sumeryoso ang mukha nito. “Pero masyado kang diretso sa punto. Pwede naman na, na love at first sight ako.” biro niya. Iyong birong iyon ay parang kinabahan ako. Kinabahan ako na baka totoo. Pero baka libog lang talaga siya sa akin.

“Hwag kang ganyan, Joni. Baka mainlove ako sa’yong, putragis ka.” ngumisi ako.

“Edi maganda! Mas madali tayong maikakasal.” ngumisi rin ito. Sa ngisi niya tila nagbibiro lang.

“Edi now na! In love na ako sa’yo!” sinabayan ko na lang ang agos ng biro nito.

“Totoo?” nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito. Tila hindi ito makapaniwala.

“Sabi mo diba? Para mapadali ang kasal.” ayan joke pa! Hindi mo tuloy mapanindigan.

“Then mamaya rin—Ora-orada! Kasal na natin mamaya. Papaschedule na muna ako para sa civil wedding. Madali na lang iyon” lumawak ang ngisi nito at ako naman ay gulat na gulat. Mukhang tutuparin niya talaga. Pero bakit?

“Hoy! Seryoso? Gago!” kung totoo man edi maganda. Magiging instant bilyonarya pa ako.

“Bakit…