Ang Maging Misis Niya (C1)

****
Hinahanap-hanap Ni Misis Prequel.

“Ang Maging Misis Niya”

Isang kuwentong akda ni Nomie

****

Una

ISANG MALAMIG na simoy ng hangin ang aking nadarama. Isang gabi muli ng aking pagtatrabaho para lamang may makain. Hirap na hirap din ako dahil basic lang ang alam kong mga salita sa bansang ito.

Ako si Alison, 25 years old. Naloko ako ng isang recruiter sa Pilipinas. Ang sabi niya ay isang magandang oportunidad ang naghihintay sa Japan. Naghahanap daw sila ng mga ng mga babaeng teacher ng English. Well hindi naman iyon ang tinapos ko, pero bihasa naman ako sa paggamit ng Ingles kaya siguro ay sapat na ito.

Pagkarating namin sa isang building sa Tokyo, Japan, na akala naming magiging dorm namin ay isa pa lang bar. Hindi lang basta bar, bar ng mga mayayaman. Mga negosyante at mayayamang personalidad ang mga naririto.

Alam na agad namin na may mali. Alam na namin na naloko kaming lahat.

Putangina! Mahirap na nga mas lalo pang hihirap. Hindi pa naman ako bihasa sa wika rito.

Walo kaming narecruit niya. Lahat yon Pilipina. Nakakadismaya lang dahil kapwa mo pa ang ipagkakanulo ka.

Kami naman mga tanga dahil salat sa pera. Hindi na namin naisip na scam. Hindi lang iyon, binugaw pa kami.

Ang pinakamaganda lang ay hindi kami nagugutom at nakakapagdala rin daw kami ng pera sa amin. Akala naman ng mga taong naiwan namin sa Pilipinas ay marangal itong trabaho namin.

Well, pokpok lang naman kami rito. Mga high class pokpok. Matataas ang mga presyo naming lahat. Kaya pala kaming walo ay medyo nagulat na sobrang gaganda naming lahat. Walang mapagiiwanan sa ganda at sexy. Ang akala naming requirement ang pagiging maganda sa pagiging English teacher sa Japan ay para pala maging high class pokpok lang.

Pokpok na kung pokpok sa tingin nila sa akin. Pero virgin pa rin ako hanggang ngayon. Ako na lang ang natitirang virgin dahil mataas ang presyo ko at maarte ako sa lalaking itatable o sasamahan.

Pinataas ko lang talaga confidence ko dahil sa trabahong ito, hindi gaya sa Pinas na may pagka-mahinhin ako. Iba dapat ang pananaw mo na sa buhay dahil sa pinasok mo kung gusto mong mabuhay.

Ako raw ang pinakamagandang escort sabi ng boss naming si Ms. Yahagi, ang head ng mga high class escorts, kaya okay lang na magmaarte ako sa kanila. Umaabot lang naman ako ng 500,000 yen o 200,000 plus pesos. Table pa lang ako sa ganyang presyo. Pero lugi naman ako dahil ninety percent sa management at sa akin na yung natira. Okay lang, nakakapagtira ako para sa aking sarili dahil anlaki na rin nang 20,000 per customer. Eh araw-araw akong merong customer.

Binigyan niya akong alyas na Mizuki. Mas hot daw kasi kaysa Alison o sa Japanese name kong Arison

Hipo lang sa legs at likuran ang nakakamit naman ng mga nakatable ko. Well, three weeks pa lang ako sa trabahong ito. Dahil high class bar din ito, marami sa mga nakatable ko ay marunong mag-English kaya hindi ako nahihirapang makipagcommunicate sa kanila.

Pero ayaw kong tumagal doon. Kailangan ko rin maging citizen dito sa Japan para maging maganda na ang buhay ko at ng pamilya ko. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas ba naman.

Sabi sa akin, para maging isang citizen ay makapangasawa rin ng citizen. Siyempre meron na akong natitipuhan. Madalas ito sa bar at kung ako tatanungin ay gusto ko siyang maging asawa rin kung sakali.

Umabsent ako ngayon sa bar para makipagkita sa lalaking maaring makapag-ahon sa akin sa hirap. Kagabi nang tinanong ko siya kung puwede ko ba siyang makausap sa tahimik na lugar. He was busy last night, actually. Aalis rin daw siya kaagad sa bar dahil may work pa siya. Pero ibinigay niya sa akin kung saan puwede kaming mag-usap at ibinigay din sa akin ang calling card nito.

Doon ko pa lang ito nakilala, actually. Pumunta lang siya don para mag-inom lang ng kaunti.

Nagsuot ako ng maikling dress para naman ay maakit sa akin. Kung sakali ring hindi pala siya papayag, itataya ko na pagkabirhen ko. Magpapabuntis talaga ako rito.

“Furukawa Maiku-san desu ka?” tanong ko kung siya ba si Mr. Mike Furukawa na nasa binigay niyang calling card. Mabuti nang siguradong siya yon, malay ko ba kung isa siyang identity thief. Dito sa isang coffee shop niya ako pinapunta.

“Hai. Mizuki-san desu ka?” tanong nito kung ako ba si Mizuki.

“Hai. Eigo de komyunikshon shimashou. Watashi wa saiteigen no nihongo shika shiranai” saying that we should only communicate in English since I only know least Japanese words. Sinaulo ko talaga ito para magkaintindihan kami agad.

“Sure!” nakuha agad nito ang gusto kong mangyari

“I’m not gonna prolong our conversation, Mr. Furukawa. I am asking you to marry me” pagbubukas ko ng usapan.

Napatawa naman si Mr….