Ang Makasalanang Pamilya
Isang linggo bago maganap ang kasal nina Princess at Anthony ay nakatanggap sila bisita na hindi nila inaasahan. Nagtaka naman sina Anthony at Princess dahil alas siete palang ng umaga ay may bisita na sila. Nang buksan ni Anthony ang pintuan nila ay nagulat siya sa nakita dahil andun ang mga kapatid niya at agad niya eto niyakap.
“Hi, Anthony! Kumusta?” Ang sabi naman ni Trisha.
Nagulat din siya ng makita si Trisha, Jacob at buong pamilya nito. Agad na naman niya pinapasok ang mga bisita nila. Isa isa pumasok sina Trisha at huling pumasok si Rodolfo.
Parang bato naman si Anthony ng makita si Rodolfo dahil na din sa aura nito. Alam na din niya na lolo niya si Rodolfo dahil sinabi na ni Jacob ang tungkol dun.
“Hindi ba ako babatiin ng apo ko?” Ang pagtatampo ni Rodolfo ng nakalimutan siya batiin.
“Ahhh!! Sorry po, lo. Hell po, Kumusta po.” Ang nahihiyang pagbati ni Anthony.
“Okay lang, apo. Halika mag usap tau. Huwag ka na mahiya sa akin dahil pamilya mo din ako. Apo din kita kaya nga nagpunta kame dito para batiin ka. Pasensya na apo ngaun lang ako nakapunta dito. Alam mo naman busy din ako.” Ang paliwanag ni Rodolfo
Dinala ni Anthony ang lolo niya sa bakuran nila dahil gusto siya kausapin ng masinsinan ng lolo niya.
“Lo, sorry po. Nahihiya ako sa ginawa ng totoo kong ama sa inyo.” Ang sabi ni Anthony.
Sinabi din lahat ni Anthony ang saloobin niya sa lolo niya at nakinig lang si Rodolfo sa apo niya.
“Naiintindihan kita, apo. Ngaun na ayos na ang lahat, wala ka na dapat ikatakot pa. Kalimutan mo na ang nangyari nung nakaraan at magsimula ng bagong buhay. Magsisimula ka na rin ng sarili mong pamilya ka kailangan mo maging matatag.” Ang paaral ni Rodolfo.
Natuwa naman si Anthony sa turan ng lolo niya. Hindi niya inaasahan na ituturing din siyang apo.
“Nagpunta ka pala ng Chicago para magtraining. Kumusta ang buhay mo dun?” Ang sabi ni Rodolfo.
“Ayos naman lo, masaya experience ko dun kase dun ko nakilala si Princess.” Ang pahayag naman ni Anthony.
“Congrats pala apo sa inyo ni Princess. Nakikita ko na mahal ka niya kaya ingatan mo siya. Huwag na huwag mo siya lolokohin.” Ang saad ni Rodolfo.
“Oo naman, lo. Mahal na mahal ko po siya kaya hindi ko siya lolokohin.” Ang saad naman ni Anthony.
“O maiba tayo, nabisita mo na ba ang papa mo sa kulungan? Sigurado akong magiging masaya yun pag makita kau.” Ang sabi ni Rodolfo.
Napansin naman ni Rodolfo ang pag aalinlangan ni Anthony kaya nagsalita ulit.
“Please visit him, iho. Nagsisisi na siya at gusto niyang magbagong buhay. Nagsisi na siya sa ginawa niya sa inyo mas lalo na kay Diana. Just give him a chance, will you? Wag kang magtanim ng sama ng loob, wag mo gayahin ang ginawa dati ni James. Just talk to him.” Ang pahayag ni Rodolfo.
Dahil sa sinabi ni Rodolfo ay naisip ni Anthony na nagbago na nga siya gaya ng sinabi dati ni Trisha nun. Kaya sinabi niya na kinabukasan ay pupunta siya sa kulungan para kausapin at kausapin ang totoo niyang ama. Nagdesisyon din siyang isama si Diana.
Pagkatapos kausapin ni Rodolfo si Anthony ay bumalik na sila at ipinakilala ni Anthony ang kanyang mapapangasawa. Natuwa naman ang pamilya ni Princess dahil magandang pamilya ang magiging manugang nila.
Dahil din sa biglaan pagdating nina Trisha ay hindi nila inaasahan na magpunta sila sa isang resort na malapit lang sa kanila para dun ganapin ang salo salo nilang buong pamilya.
—
Kinabukasan ay nagtungo nga si Anthony, kasama si Diana at nakakabatang kapatid at si Princess sa kulungan para bisitahin si James at Melinda. Tuwang tuwa naman si James ng malaman na bibisitahin siya ng anak niya. Natuwa din si Melinda dahil makikita niya ulit ang mga anak niya.
Agad niyakap ni Melinda ang mga anak nila ni James ng makita ang mga eto. Samantala si James ay tahimik lang na naupo. Alam niya na galit sa kanya ang mga anak dahil sa ginawa niya sa kanila mas lalo na si Diana. Hindi na siya umasa na yayakapin siya ng mga anak. Pero hindi niya inaasahan na yakapin siya ni Anthony kaya napaiyak siya.
Pagkatapos ng yakapan ay ipinakilala na ni Anthony si Princess sa kanyang ina at ama.
“Ma, pa, si Princess pala mapapangasawa ko. Buntis na dinn siya at ikakasal kame isang linggo mula ngaun.” Ang pahayag ni Anthony.
“Hi po tita or soon to be, mommy. Kinagagalak ko po kau makilala.” Ang sabi ni Princess.
“Kinagagalak din kita makilala anak. Ang ganda din ng mamanugangin ko. Halika upo ka, tabi tayo.” Ang sabi naman melinda.
“Kinagagalak din kita makilala, anak. Pasensya na dito mo pa ako nakilala.” Ang sabi naman ni James.
“Mga anak, upo na din kau.” Ang utos niya din sa mga anak niya.
Pagkatapos nun ay tsaka lang nila kinausap si James. Si Melinda at Princess ay nag usap din sila.
“Anthony, Diana. Sorry sa ginawa ko. Mas lalo na sa iyo diana. Hindi ko gusto ang nangyari.” Ang sabi ni James.
Nakita naman niya na hindi nagsalita si Diana at nagtago sa likuran ng kuya niya kaya mas lalong nasaktan si James. Kaya mas lalo siya nagsisi sa ginawa at napaiyak siya. Dito nagsalita si Anthony.
“Pa, bakit mo naman kasi ginawa yun. Kamuntikan na mapahamak o mamatay si Diana dahil sa ginawa mo. Kaya hindi mo siya masisisi kung takot na siya ngaun sa iyo.” Ang sabi ni Anthony.
“I know, anak. Kaya nagsisisi na ako ngaun. Simula ngaun, hindi na ako mag iisip ng masama.” Ang sabi ni James.
“Patawarin ninyo ako sa mga kasalanan, sa mga sakit at pagkakamaling nagawa ko at naidulot ko sa inyo.” Ang paghinfgi ng tawad ni James habang umiiyak.
“Wala sa akin yun pa. Pinapatawad na kita. Nakita ko naman na nagbago ka na at malaki na pinagbago mo. Pero bigyan mo ng oras si Diana. Baka sariwa pa sa kanyang isipan ang nangyari.” Ang saad ni Anthony.
“Oo, anak. Naiintindihan ko. Ah oo nga pala, may ibibigay ako sa inyo tatlo, kasama na si Princess.” Ang sabi James at may iniabot sa kanila.
“Ano to, pa.” Ang tanong ni Anthony.
“Kwintas anak. Para sa inyong tatlo. Pasensya na yan lamg kaya ko ibigay sa inyo ngaun.” Ang sabi ni James.
Napansin naman ni Melinda na nagdadalawang isip sila na tanggapin yun at nakita niya na medyo malungkoy si James.
“Tanggapin niyo na mga anak. Pinagpaguran gawin ng papa niyo yan, araw at gabi. Tsaka bigyan niyo lang siya ng chance na mapatunayan niya na nagbago na siya.” Ang sabi ni Melinda.
“Dad, ikaw gumawa nito.” Ang tanong ni Anthony.
“Pa, ang ganda naman nito. Salamat pa.” Ang sabi ni Princess at isinuot agad.
“Oo anak, yan ang ginagawa ko dito sa loob ng kulungan. Kahit sana kahit andito ako may maibigay naman ako sa inyo. May workshop kase dito kung saan pwede gawin yan at may nagturo din sa akin para gumawa niyan. Yan ang lagi ko pinagkakaabalahan dito sa loob ng kulungan.” Ang paliwanag ni James.
“Alam niyo mga anak. Yan na ang pinagkakaabalahan ng papa niyo ngaun. At bawat 15 piraso na nagagawa ng papa niyo ay mayroon siyang kitang 250 peso.” Ang sabi ni Melinda.
“Talaga, ma.” Ang hindi makapaniwala na tanong ni Anthony.
“Totoo yun, bawat pwrang naiipon ko ay itinatago ko para sa inyo. Eto tanggapin mo. Kahit maliit lang sana makatulong lang sa inyo.” Ang sabi ni James at iniabot kina Anthony ang pera.
“Ang sarap pala ng pakiramdam na kumita ng pera galing sa malinis na paraan.” Ang masayang turan ni James.
Dahil din sa pakiusap ni Melinda ay tinanggap din yun ni Diana yung kwintas na siyang kinatuwa ni James. Inabot din ni Anthony ang perang ibinigay sa kanya at sinabi niya na itatago yun para sa pagaaral ng bunso nilang kapatid.
“Oo nga pala, congrats sa inyo mga anak. Ikakasal na kayo.” Ang bati ni James sa kanila ni Princess.
“Salamat pa. Masaya din ako at nagbagong buhay ka na pa.” Ang sabi din ni Anthony.
“Salamat, pasalamat din ako sa mga tao dito. Mas lalo na yung warden dito kase binigyan niya ako ng pagkakataon magbagong buhay. Tinutulungan niya ko lagi dito. Hayaan niyo hindi masasayang ang lahat ng to.” Ang sabi ni James.
“Icongratulate nio pala mama niyo, kase malapit na siya makalabas dito. Baka makadalo pa siya sa kasal ninyo anak.” Ang pahayag ni James.
“Talaga mama. Makakalabas ka na dito.” Ang sigaw ni Diana.
“Oo anak. Ilang araw nalang.” Ang sagot ni Melinda.
“Salamat ma at makakalabas ka na din. San ka ngaun titira? Uuwe ka ba sa probinsya natin or sa laguna.” Ang saad ni Anthony.
“Hindi ako uuwe sa province natin. Nag offer sa akin si sir Rodolfo ng trabaho sa akin. Maganda din ang offer sa akin at binigyan din ako ng matitirhan dito para makasama ko si Diana at etong bunso ko.” Ang pahayag ni Melinda.
“Ayaw ko sana tanggapin ang alok nila pero makulit si sir Rodolfo kaya tinanggap ko nalang. Napakabait ng lolo niyo anak kaya kau magpakabait kau. Wag niyo siya bibigyan ng sakit ng ulo.” Ang dagdag pa ni Melinda.
“Pag tumanda siya, alagaan niyo siya.” Ang utos niya sa mga anak.
“Opo mama.” Ang sabi nilang tatlo.
Nagoo naman ang mga anak niya.
Medyo nalungkot naman si James sa nangyayari dahil siya nalang mag isa sa kulungan pag umalis si Melinda. Napatawad na din ni Melinda si James.
“Hayaan mo mahal. Bibisitahin pa rin kita lagi dito sa kulungan.” Ang saad ni Melinda.
Naging masaya din ang usapan nilang buong pamilya at nakita ni James na ngumiti ulit si Diana kaya sinabi niya sa sarili na hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya dati. Bago naman umalis sila umalis ay pinagsabihan ni James ang mga anak na magdoble ingat. Sinabi din ni James kay Anthony na bantayan ang buong pamilya niya mas lalo na si Princess.
—
Dumating na din ang araw na pinakihihintay ng lahat, ang kasal nina Anthony at Princess. Mas natuwa naman si Anthony dahil nga pinaunlakan ni Jacob ang pakiusap nito. Naging masaya din siya na nakalaya na ang mama niya at kasama niya sa tabi niya at makitang ikakasal na din siya.
Gusto man nila na si Trisha ang maging maid of honor nila pero dahil sa buntis na eto ay ang kanyang ate Tanya nalang ang niyaya nito.
Naging masaya at engrande naman ang kasalang naganap at dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Dumalo din ang mga kaibigan ni Princess na taga America at hindi niya din inaasahan na dumating sa kasal niya ang ex niya.
Natapos ang kasal nina Anthony at Princess na walang naging problema. Kahit hindi nila kasama si James ay masaya pa rin silang dalawa dahil kasama nila ang pamilya nilang dalawa. Binisita naman nina Anthony at Princess si James sa kulungan pagkatapos ng kasal.
Isang gabi, isang linggo matapos ang kasal nina Anthony at Princess ay biglang nakatanggap ng text galing kay Raven si Trisha habang pauwe na siya ng bahay galing sa trabaho. Natakot naman siya sa text kaya agad niya sinabihan si Jacob. Laging magkasama si Jacob at Trisha pauwe.
Nang tignan nila sa likuran nila ay nakita nila ang puting van na kanina pa sumusunod sa kanila na sinasabi ni Raven sa kanila.
“Hon, tawagan mo sina Mylene at Tanya kung nakauwe na ba. Kung hindi pa mag utos ka ng iba na sumundo sa kanila.” Ang sabi ni Jacob.
“Cge hon. Ayon kay Raven, mag right turn daw tayo diyan sa susunod na kanto.” Ang sabi naman Trisha.
Pagkatapos nun ay agad na tinawagan ni Trisha ang kapatid at si Mylene. Nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman na nakauwe na silang dalawa at ligtas na nakarating ng bahay. Tinawagan naman niya si Anthony at Princess at ligtas din sila.
Pagkatapos nila lumiko sa lugar na sinasabi ni Raven ay lumiko din ung puting van na nakita nila kaya natukoy nila na tama ang hinala ni Raven. Kung hindi napansin ni Raven ang van na yun ay malamang na mamaya ay matatambangan na sila. Habang binabagtas nila ang daan na yun ay tamang tama naman na andun ang isang police mobile na puno ng mga pulis.
“Kaya pala dito kame pinaliko ni Raven.” Ang nasa isip ni Jacob.
“Hon, itigil mo diyan sa may police.” Ang sabi naman ni Trisha.
Tumigil naman si Jacob sa may police at nakita nila na biglang umarangkada ang van papalayo sa lugar.
Pagkatapos niya tinawagan sina Tanya at Anthony ay ibinalita na niya ang nangyari sa lolo niya. Agad naman nagalala si Rodolfo sa nalaman niya kaya sinabihan na dumiretso na ng bahay nila at mag ingat. Sinunod naman ni Jacob ang sinabi ng dad niya at hindi na muna itinuloy na dumaan sa Mall.
Nang makauwe sila ay nakita nila na nagdoble ang security sa bahay nila. Nalaman na din ni sarah ang nangyari kaya nagdagdag pa siya ng tauhan nila para magbantay sa kanila. Ayon din kay Sarah ay kailangan bawat kilos na ni Trisha ay may kasama na siya kaya hinayaan na niya na laging nasa tabi niya si Raven at isa pang bodyguard.
Ilang sandali pa ay nakatanggap ng tawag si Trisha galing kay Anthony.
“Trish, are you alright. Nabalitaan ko mula kay lolo ang nangyari. Si Princess nagaalala sa iyo.” Ang tanong ni Anthony.
“I’m okay. Hindi naman ako napano. Pasalamat ako dahil nasabihan ako ng mas maaga kundi nakuha ako kanina.” Ang sagot ni Trisha.
“Okay, nagsend na ba si lolo ng bodyguard mo? May dumating sa bahay namin na mga bodyguard dito dala ni lolo.” Ang sabi ni Anthony.
“Meron na ako mga bodyguard dito. Marami sila. Kahit na may bodyguard ka mag ingat pa rin kau. Wag kau lumabas kung hindi naman kailangan.” Ang sabi ni Trisha.
“Oo, kau din mag ingat. Mukhang eto na ung sinasabi ni papa. Buti nalang at nasabihan tayo bago mahuli ang lahat.” Ang sabi ni Anthony.
Makalipas ang ilang sandaling pag uusap ay nagpaalam na sila sa isa’t isa.
“Ate, okay ka lang. Natatakot ako? Natatakot ako baka may mangayri masama sa atin.” Ang sabi ni Mylene.
“Tahan na, hindi ako papayag na may mangyari sa inyo. Poprotektahan ko kau.” Ang sabi ni Trisha.
“Pupunta ka ba sa hospital bukas. Alam mo naman nanganak na si mommy.” Ang tanong at pagaalala ni Tanya.
“Oo pupunta ako, kase araw din ng appointment ko bukas sa ob. Kasama naman namin ni Jacob si Raven at Will na magbabantay sa kin.” Ang sabi ni Trisha.
“Oo pero kailangan mo pa rin mag ingat, Trisha. Lagi kang mag ingat at magsama lagi ng bantay.” Ang sabi ni Tanya.
“Lahat tayo kailangan mag ingat.” Ang sabi naman ni Trisha.
Kinabukasan nga ay nagtungo na sila sa hospital at binisita si Jenny at ang bagong panganak na kapatid nila. Hindi naman muna nila sinabi kay Jenny ang nangyari kagabe para hindi siya mastress at magalala.
“Ang cute ni baby. Sa wakas may lalake na akong kapatid. Hehehe.” Ang sabi ni Trisha.
“Oo nga pla, ung nasa tiyan mo pala ay anak mo. Hahaha. Kaya ako may dalawa nang lalaking kapatid. Hehehe.” Ang sambit naman ni Tanya.
“Anung pangalan niya mommy?” Ang tanong ni Trisha.
“His name is Jacques(Zhak). Kapangalan ni Jacob.” Ang sabi ni Jenny sabay abot ng live birth ni Jacques na ginagawa palang.
“Mommy, panung kapangalan ni Jacob to. Jacques kaya.” Ang saad ni Trisha.
“Yang pangalan yan ay sa French at ang pagbigkas niyan ay Zhak.” Ang paliwanag ni Jenny.
“Ah, ganun ba mommy. Eh bakit mo ipinangalan kay honey?”…