Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 12 by: Van_TheMaster

Chapter 12

Maliwanag na sa kwarto ng magmulat ng mata si Dan. At ang magandang mukha ng nakangiting si Diane ang nakabungad sa kanyang harapan. Nakasuot na ito ng simpleng damit at nakaupong nakatingin sa kanya sa gilid ng kama.

“Good morning Kuya Dan.” ang masiglang bati ni Diane.

Muli niyang ipinikit ang kanyang mata at saglit na inalala ang ngyari sa nakalipas na buong magdamag. Muli niyang iminulat ang mata at tumingin sa orasan sa dingding ng kwarto ni Diane, seven o’clock na pala ng umaga. Ibinangon ni Dan ang hubad na katawan at pinilit na ginising ang sarili. Kailangan na niyang makalabas sa kwarto ng dalaga.

“Nasaan ang Mama mo?” ang tanong ni Dan kay Diane sa mababang boses.

“Kanina pa umalis Kuya. Bangon ka na at kumain na tayo.” ang nakangiting paanyaya naman ng dalaga.

Nawala ang pagmamadali kay Dan ng nalaman na wala doon ang Mama ni Diane.

Inalis ni Dan ang kumot na nakabalot sa kanyang ibabang katawan at tumayo na. Napansin niya ang kanyang galit na alaga, lumingon siya kay Diane at nakita ang dalaga na dito nakatingin.

“Diane…?”

Lumipat sa kanya ang mata ni Diane, gaya ng dati ay may halong pananabik.

“Gusto mo ba?” ang tanong ni Dan sa dalaga.

Mabilis namang tumango si Diane. Dahil dito ay nilapitan nya ang dalaga, itinayo at hinalikan, at mabilis na hinubad ang mga suot nitong damit. Muli silang nahiga sa kama at minsan pang pinalaya ang init sa kanilang mga katawan.
Nang matapos ay sabay na silang nagpunta sa banyo at naglinis ng kanilang mga sarili. Ngunit nagtagal pa sila sa banyo dahil hindi din naman sila kapwa nakatiis dahil sa nakikita nilang kahubaran ng isat-isa. Kaya bago lumabas ng banyo ay minsan pang napunlaan ng tamod ang sinapupunan ni Diane.

Bumalik sila sa loob ng kwarto ng dalaga at dito na nagbihis ng tuluyan. Sabay na lumabas at magkasamang kumain ng almusal sa kusina.

Pasado alas otso na ng umaga ng gumayak na pauwi si Dan sa kanilang kwarto ni Edwin.

“Kuya Dan, salamat ha.” ang malambing na sabi ni Diane.

“Para saan?” ang nagtatakang tanong ni Dan sa dalaga.

“Pinaligaya mo ako eh, nung nakaraang gabi hanggang ngayong umaga.” ang sabi ng dalaga na may kasamang matamis na ngiti.

Nilapitan niya si Diane at hinaplos ito sa buhok.

“Mag-aral kang mabuti at hindi yung ako na lang palagi ang nasa isip mo.” sinabi ito ni Dan ng may diin ngunit may kasamang tipid na ngiti.

“Oo Kuya, nag-aaral naman akong mabuti ah.” ang sagot naman ng nakangiti ding si Diane.

Minsan pa niyang hinalikan sa labi ang dalaga at tuluyan na siyang lumabas ng pinto at umuwi na. Alam niya sa sariling malaki ang naging parte niya kung bakit umabot sila sa ganito ni Diane. Hindi niya dapat pakitaan ng hindi maganda ang dalaga dahil bagaman may pagtutol sa kanyang puso ay ginusto din naman niya ang bawat namagitan sa kanila.

Naiwan namang parang nasa ulap ang pakiramdam ni Diane. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. Mahal na talaga siya ng kanyang Kuya Dan, ito ang nasa isip ng dalaga.

Bukas na ang pinto sa kanilang kwarto ng makarating si Dan dito. Nakita niyang ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang kaibigan.

“Mukhang tinanghali ka ng luto ah?” ang pagbating tanoong ni Dan sa kaibigan.

“Ako pa tinanghali ngayon ha? Eh ikaw itong dapat ay kagabi pa nakauwi. Ang tanong, ay kung saan ka nanggaling?” ang nakatawang sagot naman ni Edwin sa kanyang pagbati.

“Dyan lang.” ang maiksing sagot ni Dan, ayaw ng pahabain ang usapan.

Nakakaunawa namang hindi na nagtanong si Edwin sa kaibigan. Wala naman itong dapat na ipaliwanag sa kanya.

Ang buong araw ni Dan ay ginugol niya sa mga naiwang gawain na hindi niya nagawa kahapon. Nagpahinga ng maaga at ihinanda ang sarili para sa panibagong umaga.

*****

Malapit na sa may gate ng pamantasan si Dan ng makita niya si Christine na naglalakad din papasok. Naunang nakapasok ang dalaga at kasunod naman siya, ngunit hindi niya ito tinawag dahil nakagapos ang kanilang lihim na relasyon sa isang kasunduan. Nakita niyang kasama na ni Christine ang mga kaibigan nitong si Cherry at Rose.

Nang naglalakad na ang mga ito papunta sa isang building ay sinalubong sila ng grupo nina Carlo. Napansin niyang naiwan na magkausap si Christine at Carlo habang nauna ng lumakad ang mga kasama ng mga ito.

Napansin kong parang galit ang ekspresyon ni Christine at parang nagmamakaawa naman si Carlo sa dalaga. Hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan at ayaw ko din namang makiaalam kahit gusto ko silang puntahan.

Saglit ko pa silang nilingon at nakita kong sabay na silang naglalakad papasok sa building kung saan gumawi ang mga kasama nila. Nagtuloy na din ako sa aking lakad at pinabayaan na lang sila.

Kung lumingon lang sana si Dan ng isang beses pa ay nakita sana niyang nakatingin sa kanya si Christine ng nag-iisa na.

Habang nag-uusap sila ni Carlo ay napansin ni Christine sa malayo si Dan, at alam ng dalaga na napansin sila nito. Hindi niya ipinahalata sa kausap ngunit ang kanyang atensyon ay nasa malayong binata.

“Tin, sorry na talaga dun sa ngyari. Nabigla lang ako, I know it’s sound so stupid pero talagang totally upset ako dahil sayo. Please naman Tin, forgive me na.” ang pagsusumamo ni Carlo sa kanya.

“I’ll think about it Carlo. For now, we keep our relationship civil. Naiintindihan mo?” ang madiin na sagot ni Christine sa paumanhin ng binata.

“Yes, I’ll accept it, as long na maaari na ulit kaming maki-jammin sa inyo.” si Carlo na nakangiti na ngayon ngunit hindi pa din nagbabago ang seryosong mukha ng dalaga.

“Let’s go na Carlo, baka kanina pa nila tayo hinihintay.” ang sabi na lang ni Christine dahil sa pagkabagot na kausap ang kaharap. Naglalakad na silang dalawa ng hinanap ng kanyang mata si Dan na nakita naman niyang naglalakad na din palayo.

Saglit siyang tumigil at sinenyasan si Carlo na mauna na upang pagmasdan lang ang paglayo ng binata. Nais sana niyang tawagin ang pangalan nito, ngunit dahil sa kasunduan na siya ang may gawa ay pinigilan niya ang sarili.

*****

Habang naghihintay ng bell para sa first subject ay nasa labas ng classroom si Angela. Sa bawat dumadating na kaklase na kanyang kakilala at kaibigan ay binibigyan niya ng isang invitation para sa nalalapit niyang kaarawan, ngunit hindi si Dan.
Tahimik na lumampas lang si Dan kay Angela, ngunit may ngiti naman sa labi ng dalaga. Ang ibang nakapansin ay labis naman ang pagtataka dahil alam nilang malapit na magkaibigan ang dalawa.

“Bakit parang hindi binigyan si Dan?” ang sabi ng isa.

“Baka walang pambili ng damit na formal dress.” ang nakakalokong sabi naman ng isa.

Napatingin naman ng matalim si Christine sa lalaking nagsalita, at saka ibinaling ang paningin kay Dan na parang pinalampas lang sa hangin ang narinig.

Sa loob ng classroom ay patuloy pa din ang masayang pag-uusap ng mga nakatanggap ng invitation mula sa dalaga. Dahil kilala ang pamilya ni Angela at halos alam sa buong klase o school kung gaano karangya ang buhay ng dalaga.

“Wow Pare, ang swerte mo ha, na-invite ka.” ang sabi kay Carlo na isa nilang kaklase.

“Well, close friends kami ni Angela, it is expected.” ang pagmamayabang na sabi nito.

Sa may bandang likuran ay nilalaro naman ni Christine ang hawak na invitation habang nakatingin sa likuran ng tahimik na nagbabasang si Dan, na hindi alintana ang ingay na nasa paligid dahil sa nalalapit na kaarawan ni Angela.

*****

Kasalukuyang naglalakad si Angela papunta sa faculty na may dalang maraming reports na naka binder. Siya kasi ang naatasan ng kanilang professor na maglikom ng mga iyon. Tahimik niyang binabagtas ang hallway patungo sa faculty ng may tumabi sa kanya at kinuha ang lampas sa kalahati ng kanyang mga dalang reports.

Napangiti ng matamis si Angela ng makita ang kaklaseng si Dan sa tabi niya. Ang ilang araw niyang kalungkutan ay biglang napawi ng muling mapagmasdan ang maamong mukha ni Dan.

“Sa faculty?” ang nakangiting tanong ni Dan habang naglalakad sila.

Tumango lang si Angela na hindi nawawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Heto ngayon at katabi niya ang binatang laging laman ng kanyang isipan.

“Dan, malapit na yung birthday ko. Promise mo ha. Pupunta ka.” ang malambing na paalala sa kanya ni Angela.

Sa isip ni Angela ay hahayaan na lang niya na si Lance ang maging escort niya, dahil hindi naman siya mapipigilan ng binata at ng kanyang magulang na mahalin si Dan. Pupunta si Dan sa birthday party niya at saka niya aamin ang pag-ibig sa binata.

“Anong gusto mong regalo? Basta yung kaya lang budget ko ha.” ang nagbibirong sagot naman ni Dan.

“Hm? Kahit ano Dan, basta it comes from your heart ay buong puso kong tatanggapin.” ang may himig pagbibiro ding sagot naman ng dalaga.

Saglit na namayani sa kanila ang katahimikan. Bago muling nagsalita si Angela.

“Dan, can you come with me? Samahan mo naman ako sa mall, may kailangan lang akong bilhin.” ang nakangiting paanyaya ni Angela sa binata.

“Kailan?” si Dan na bahagyang napaisip.

“Ngayong hapon na. Maaga naman last subject natin.” ang nakangiting tuloy ni Angela.

“Ok, pwede naman ako, seven pa ang shift ko.” ang nakangiting pag-sangayon ni Dan sa dalaga.

“Saan tayo magkikita?” si Dan.

“Sa gate na lang ng school. Lakarin na lang natin, it’s not that far naman eh.” ang sagot na lang ni Angela, maaari naman silang magpahatid ni Dan sa sundo ni Angela, ngunit mas gusto niyang makasama ng matagal ang binata kahit sa paglalakad lang sa daan.

“Miss Angela Casallejo, wala ng injanan mamaya ha. Hindi tayo nakapunta noong huli kaya dapat matuloy na tayo ngayon.” ang bahagyang natatawang sabi na lang ni Dan.

“Talagang matutuloy na tayo ngayon. I will wait for forever sa harap ng gate hanggat hindi ka dumadating.” ang nagbibirong sagot din ni Angela na may kasamang matamis na ngiti pagkatapos.

Dahil sa pagpayag ng binata ay labis ang saya sa puso ni Angela. Ngayong araw ay matutuloy na din ang “first date” nilang dalawa. Wala naman talagang nais na bilhin si Angela, gusto lang niyang makasama ang iniibig na kaklaseng si Dan.

Habang patuloy na binaybay ang daan sa hallway nina Dan at Angela ay nakatingin lang mula sa malayo si Christine na kanina pa pala hinahanap ang binata. Sa puso ng dalaga ay naroon ang kirot at ang isang namamahay na kaba sa kanyang dibdib. Muli niyang naisip ang kasunduan nila ni Dan, lumabas ang pagkasuya sa magandang mukha ni Christine at nagsimulang lumakad palayo. Pinag-iisipan ngayon ni Christine kung tama ba ang kanyang naging desisyon na maging open ang relationship nila ni Dan. “Shit Dan, you’re making me lose my mind everytime!” ang gigil na sabi na lang ni Christine sa sarili. Dahil sa nakikita niya ngayon ay talagang hindi siya papayag na magpunta si Dan sa birthday party ni Angela.

*****

Nasa canteen ang barkada ni Christine at kasalukuyan silang kumakain habang pinag-uusapan ang nalalapit na kaarawan ni Angela.

“Christine, did you get one? Of course you do.” ang tanong ni Rose.

Tumango lang si Christine. Dahil kanina pa ipinamigay ni Angela ang mga invitations para sa kaarawan nito. Hindi lahat ay nabigyan, mga close friends at kakilala lang.

“Napansin kong parang walang inabot kay Dan. LQ ba yung dalawa?” ang pabirong sabi naman ni Cherry.

Si Christine lang ang nakakalam na maagang natanggap ng binata ang invitation nito mula kay Angela, isang linggong maaga kumpara sa kanila.

“Can we please stop talk about them na parang sila.” si Christine na hindi maitago ang pagkainis. Lihim man sa lahat ay siya ang official girlfriend ni Dan, ayaw niyang naili-link ang pangalan ng binata sa ibang babae, particular kay Angela.

Natigilan naman si Christine, masyado siyang nadala ng kanyang emosyon.

“I’m sorry.” si Christine ng humingi ng paumanhin sa mga kaibigan na nagtataka.

Nagpatuloy pa silang kumain ng binago ni Cherry ang kanilan usapan.

“How about we go to mall this afternoon, maaga naman matatapos ang last subject. Let’s look for something para kay Angela. We got an invitation, the least we can do is to buy something for her kahit di naman niya kailangan.” ang paanyaya ni Cherry.

“Christine, what do you think kung yakagin natin sina Carlo, since naka-recieved din sila ng invitation.” si Rose na inaalam muna ang nararamdaman ng kaibigan.

“Well, sige, nag-usap na naman kami and we decided to be civil to each other.” ang pagsang-ayon na lang ni Christine sa mga kaibigan.

Wala din namang silang ibang lakad at dapat lang na may dala silang regalo para kay Angela, kahit papano naman ay kaibigan pa din nila ang dalaga.

******

Matagal na ding naghihintay sa may gate si Dan ng makita niyang palapit na si Angela sa kinaroonan niya. Mabilis niyang inayos ang nakasakbit na bag sa kanyang balikat at ngumiti sa palapit na dalaga.

“I’m sorry Dan, dumaan pa ako sa lab para magpasa ng report. Kanina ka pa ba?” ang paumanhin ni Angela sa binata na may kasamang pag-aalala.

“No, kadarating ko lang din. Galing din ako sa equipment room kanina.” ang pagsisinungaling na lang ni Dan upang hindi makaramdam ng lungkot ang dalaga na halata sa maamo nitong mukha.

Nakahinga naman ng maluwag si Angela sa isiping hindi pa matagal na naghihintay sa kanya si Dan.

“Shall we?” ang nakangiti ng yakag ng dalaga.

Mabuti na lamang at makulimlim ng hapong iyon at itinatago ng mga ulap ang sinag ng araw. Habang naglalakad ay masayang nag-uusap ang dalawa. Na para bang sabik na sabik sa bawat sasabihin ng isa’t-isa.

Pagkapasok nila sa loob ng mall ay nagyakag si Angela na sa isang bookstore muna sila magpunta. Alam ni Angela na mahilig sa mga books si Dan, nais muna niyang bigyan ng kasiyahan ang binata bago sila magpatuloy.

Tahimik na nagbabasa din si Angela ng magpasya siyang hanapin na si Dan. Nakailang shelves din siya ng libro bago niya nakita ang binata na nakaupo sa sahig habang matiim na nagbabasa. Marahan siyang lumapit sa binata ngunit dahil sa ang atensyon nito ay nasa librong binabasa ay hindi na nito pansin ang paglapit niya at pag-upo sa tabi nito.

Buong pag-ibig naman na tiningnan ni Angela si Dan, natutuwa siyang makita ang binata sa ginagawa nitong pagbabasa. Na para bang ang mundo ay walang halaga kay Dan kapag may hawak na itong libro. Dahil sa hindi na kinaya ni Angela ang nararamdaman ay buong tapang niyang ihinilig ang kanyang ulo sa balikat ni Dan. Labis ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa kanyang ginawa. At ngayon ay naghihintay sa gagawin ng binata.

Habang nag-iikot sa loob ng bookstore ay napansin ni Dan ang isang librong katulad ng ibinigay sa kanya ng namayapa niyang ina. Dahil sa pagkaalala sa mahal niyang ina ay kinuha niya ang libro, naupo sa sahig at nagsimulang magbasa habang inaalala ang mga sandaling kapiling niya ang ina. Ngunit gayun na lamang ang kaba sa kanyang dibdib ng maramdaman niya ang isang mabangong samyo, na galing sa buhok ng katabing dalaga na ngayon ay nakahilig sa kanya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung sino ang kanyang katabi. Dahil ang samyong ito ay lagi na din niyang kasama. Sa bawat paglalakad sa daan ng paaralan , sa bawat pagpunta niya silid-aklatan ay laging naroon ang mabangong samyo ni Angela.

Matagal din silang nasa gayung ayos ni Angela ng magpasya si Dan na lingunin ang dalaga. At gayun na lamang ang pagkabigla ni Dan ng makita niyang nakatingin pala sa kanya ang maamong mukha ni Angela. Saglit na nangusap ang kanilang mga mata na parang may hinahanap sa isa’t-isa. Lumakas ang pagtibok sa puso ni Dan dahil sa napakalapit na mukha ng magandang dalaga sa kanya. Ngunit ang ipinagtataka ni Dan ay kung bakit hindi nagbababa ng tingin si Angela na para bang may hinihintay mula sa kanya.

At kusa ng humawak ang aking isang kamay sa malambot na pisngi ni Angela at namalayan ko na lang na pababa na ang aking labi sa mapulang labi ni Angela. At bago maglapat ang aming mga labi ay nakita ko ang marahang pagpikit ng kanyang mga mata na para bang matagal ng sabik sa aking gagawing kapangahasan sa kanya. At sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang malambot at mainit na labi ni Angela. Ilang sandali ding naghinang ang aming mga labi, puno ng init at pag-ibig ang aking naramdaman mula sa kanya. At saglit lang naghiwalay ang aming mga labi upang tingnan ang nangungusap naming mga mata. Nang minsan pa akong nangahas na muling ilapat ang aking labi sa kanya ay muli na naman siyang napapikit ng kanyang mga mata. At muling naghinang ang aming mga mainit na labi, mas matagal, mas maalab kaysa ng una. Hahawakan ko pa sana ang kanyang kamay ngunit naantala ang aking gagawin ng may mga naglakad malapit sa amin. Para kaming kapwa binuhusan ng malamig na tubig ng bumalik kami sa katinuan. Mabilis na naghiwalay at halos sabay na napatayo.

“I’m sorry Angela, hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun sayo.” ang sabi ni Dan sa namumula pang dalaga.

“N-no, it’s ok Dan, Im f-fine. N-nadala lang din ako.” si Angela na halos nawala ang composure sa sarili dahil sa ngyari.

“Ok ka lang ba talaga Angela?” ang tanong ni Dan na may tapat na pag-alala.

“Ok lang ako Dan, please don’t blame yourself. M-may kasalanan din naman ako dahil nadala ako.” si Angela ng makabawi na sa sitwasyon.

“Thank you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magalit ka sa akin.” ang buong katapatan na sabi ni Dan.

Hinawakan ni Angela sa kamay si Dan na saglit namang ikinagulat ng binata.

“Dan, diba sabi ko na I’m fine. Wag na nating isipin yun, ok. Lika na, lipat na tayo ng ibang place.” ang nakangiting sabi sa kanya ni Angela na nanatiling mainit ang kamay at bahagya pa ding namumula ang mukha, at pagkatapos ay bumitaw na din sa kanyang kamay.

Nakalabas na sila ni Angela sa may bookstore ay laman pa din ng kanyang isipan ang maamong mukha ng dalaga at ang malambot at mapula nitong labi. Para bang hanggang ngayon ay ramdam pa din niya ang tamis ng una nilang halik ng dalaga. Nasa ganito siyang pag-iisip ng mapadako ang kanyang paningin sa isang tindahan ng mumurahing fashion accessories. Saglit niyang tiningnan ang nasa unahang dalaga at mabilis siyang pumasok sa loob ng shop.

Habang naglalakad ay hindi pa din mawala sa ulap ang pakiramdam ni Angela. First kiss nila yun ni Dan, napaka-sweet pala ng first kiss, ito ang laman ng isip ni Angela. Mas pinili niya ang maunang maglakad dahil ayaw niyang makita ni Dan ang nag-uumapaw niyang saya. Natigil ang dalaga sa saglit niyang pangangarap ng mapansin niyang parang hindi na niya naririnig ang pagsunod sa kanya ni Dan. Nakailang gala din siya ng paningin bago niya napansin si Dan na muling palapit sa kinarorooan niya.

Bagaman ramdam pa din ni Angela ang pag-iinit ng kanyang mukha ay isang ngiti na may kasamang pag-aalala ang ibinigay niya sa binata.

“San ka galing? Dan ha, I hate it when you just suddenly left without saying anything.” si Angela na may himig ng pag-aalala.

“Pasenya na Angela, may tiningnan lang ako saglit.” ang nakangiting sagot na lang ni Dan sa pag-aalala ng dalaga.

“Ok, just don’t do it again ha.” ang nakangiti na ding sabi ng dalaga.

“Promise. Hindi ko na uulitin.” si Dan na muli pang nagtaas ng kanang kamay.

“Ginawa mo na din yan dati, hindi ka din naman pala nagpunta ng maaga.” ang muling pagtatampo na naman ni Angela.

“Angela, hindi ako kailanman sumira ng pangako sayo.” ang buong damdaming pahayag ni Dan na ikinatahimik naman ng dalaga.

Muling nangusap ang kanilang mata. Nakatitig lamang sa mukha nilang puno ng kakaibang damdadamin para sa isa’t-isa.

Naalis ang paningin nila sa isa’t-isa ng may tumawag sa pangalan ni Angela.

“Angela.” si Rose, isa kaibigan ni Christine.

Natigilan din naman si Dan, dahil kasama niya ngayon at katabi si Angela. At sa harap niya ay si Christine na katabi si Carlo at sa unahan naman nila ay sina Cherry at Rose. Nagtama ang kanilang mata, na para bang pilit na binabasa ang tunay na saloobin nilang dalawa dahil sa kanilang sitwasyon na tunay na kakaiba. Dahil sa sandaling tulad nito ay sila dapat ni Christine ang magkatabi at magkasama.

“What a surprise?” si Rose ulit na nakatingin kay Angela.

“Afternoon date, Angela? Akala namin ay may problema kayo ni Dan.” si Cherry na parang hinuhuli ang dalaga.

Nag-init naman ang mukha ni Angela, hindi alam ang sasabihin, dahil para sa dalaga ay ito ang first date nila ni Dan.

Nang mapansin naman ni Dan si Angela ay maagap siyang sumagot para sa dalaga.

“Nag stroll lang kami, pero kung iniisip nyong ito ay date, nasa sa inyo na yun.” depensa ni Dan sa mga kaharap, hindi alintana ang pagkasimangot ni Christine.

“Ok, ok. We are not interrogating anyone here.” ang natatawang sabi na lang ni Cherry para maalis na ang nagawa niyang tensyon.

“Angela, Dan, how about some refreshments, sama na kayo sa amin. We know a good place na at hindi crowded.” ang paanyaya ni Rose.

Nagkatinginan naman si Dan at Angela, sa isip ay ayaw sana nila ngunit nakakahiya namang tumanggi upang lalo lang mapaghinalaan ng mga kasama.

Sumama na din sila.

“Ok, lead the way.” si Angela na tumingin muna kay Dan.

Tumango naman ng marahan si Dan sa dalaga.

“Tara, mauna kayo at sunod lang kami.” si Dan na nagpaunlak na din.

Sa isang refreshement bar sila sumunod na nagtuloy. Pagpasok nila ay nakaupo nang naghihintay ang dalawang kaibigan ni Carlo, si James at si Dave.

“Guys, I invite them to join us earlier. Para maging mas lively yung get together natin diba.” si Carlo na nagpapaliwanag sa mga kasama.

Hindi naman maialis ni Dave ang mata kay Angela na parang gigil na gigil na makausap ang dalaga. Nagsiupo na silang lahat ngunit naiwang nakatayo si Christine.

Saglit na nilingon ni Dave si Dan.

“Pre, musta na?” si Dave na nakaharap kay Dan.

“Ok lang Pre, katulad pa din ng dati.” ang sagot ni Dan kay Dave na may kasamang tipid na ngiti.

“You know him Dan?” si Angela na nakatingin kay Dan.

Hindi na sinagot ni Dan ang tanong ni Angela at hinila ang isang upuan at pinaupo ang dalaga. Si Christine naman ay hindi maialis ang inis sa mga nakikita. Siya ang girlfrend ni Dan at hindi si Angela.

“Dan, samahan mo ako sa counter, let’s order something para sa lahat.” si Christine na seryosong nakatingin kay Dan.

Tumayo naman ng mabilis si Carlo.

“Dan, ako na lang ang sasama kay Christine.” si Carlo na nakangiting tumingin kay Dan.

“Carlo, si Dan ang kausap ko.” ang madiin at malamig na sabi ni Christine kay Carlo. Walang pakialam sa ginagawang tensyon. Mainit ang ulo niya at talagang badtrip siya ngayon.

“Dan?” muling ulit ni Christine.

Tumayo naman si Dan at lumapit kay Christine at ang pagtataka ay nasa mukha ng mga naiwan sa lamesa, lalong-lalo na kay Angela at Carlo. Naglalakad na papunta sa counter ang dalawa at tumayo naman si Dave upang lumapit at makipagkilala ng personal kay Angela.

“Hi Angela, Im Dave, I finally meet you at last.” si Dave habang nakalahad ang palad kay Angela.

Nagdadalawang isip siya kung aabutin ba ang kamay nito pero ayaw naman niyang mapahiya ang lalaki. Napilitan na rin s’yang gagapin iyon. Nagulat naman siya ng bahagyang pisilin iyon ng binata.

“Angela.” ang matipid na sagot ng dalaga at saka mabilis binawi ang kamay mula sa binata.

“I’m sorry. I hope you don’t mind sa ginawa ko.” ang preskong sabi ni Dave habang nakangiti kay Angela.

Tipid na ngumiti lang si Angela, ayaw na niyang kausapin ang preskong binata. Ngunit ang ikinainis ni Angela ay pag-upo nito sa upuan ni Dan sa tabi niya. Sasabihan sana niya ang binata na wag umupo dun ngunit nabaling ang atensyon niya kay Rose na nagsalita na nakaharap sa kanya.

“Angela, Dave is waiting for so long na makilala ka. He’s the captain ng varsity team.”

Tumingin naman si Angela kay Dave na nakangiti sa kanya, hindi inintindi ang mga sinabi ni Rose.

“How do you know him?” si Angela na seryosong nakatingin kay Dave, dahil nagtataka siya kung paano na nagkakilala si Dan at ang isang tulad ni Dave na presko ang dating sa kanya.

“Who? Yung katabi mo kanina?” si Dave na parang medyo nainis.

“Yes, si Dan.” ang paglilinaw ni Angela.

Hindi naman nakatiis si Rose na nakatingin kay Dave at Angela, at sinabi lahat ni Rose ang ngyari nung last time na nakita nila si Dan na naghihintay sa tapat sa harapan ng mall hanggang sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Dave. Nangilid naman ang luha sa mata ni Angela kasabay ng muling pag-apaw ng kaligayahan sa kanyang puso, dahil alam na niya ngayon ang katotohanan na itinago sa kanya ni Dan. Na naghintay pala sa kanya si Dan at hindi ito sumira sa pangakong binitawan nito sa kanya. Mabilis niyang pinalis ng panyo ang munting butil ng luha sa kanyang mga mata. Ngunit ang kanyang kasiyahan ay napalitan ng pagkasuya dahil katabi at kaharap niya ngayon ang dahilan ng putok sa labi ng iniibig na binata.

“Excuse me.” ang malamig na sabi ni Angela at lumipat ng ibang upuan malayo kay Dave.

Nasa malapit sa may counter sina si Dan at Christine. Hindi pa din sila nag-uusap habang hinihintay ang kanilang mga orders. Hindi nakatiis si Christine at kinausap na din si Dan.

“Dan, are you on a date with Angela?” si Christine sa malamig na boses.

“Hindi. Talagang naglakad lang kami.” si Dan na pilit na pinagtatakpan ang ngyari sa kanila ni Angela. Ayaw man niyang aminin, ngunit iba ang “feelings” na ibinigay sa kanya ng matamis na halik ni Angela.

“Dan, magulo ang isip ko now. Parang ayaw ko na ng setup natin. Give me more time to think about it, at saka ko sasabihin sayo kung nagbago na ang isip ko. But a fair warning Dan, since nasabi ko na sayo na maaaring ayaw ko na sa setup natin, don’t cheat on me. Give me promise.” si Christine na matiim na nakatingin kay Dan, hinihintay ang assurance ng binata.

Saglit na natigilan si Dan, dapat ay mabilis siyang makakasagot kay Christine dahil mahal niya ng dalaga. Anong ngyari sa kanya ngayon ng dahil sa matamis na halik ni Angela ay parang may nagbago sa kanya.

“I promise Christine.” si Dan na pinilit ang sarili na mangako sa dalaga.

Ngumiti na din sa kanya ang dalaga, dumating na ang kanilang mga orders, kinuha ang mga iyon at bumalik na sa mga kasama.

Ngayon ay magkatatabi sa lamesa sina Angela, Dan ay Christine, nasa gitna nila si Dan. Hindi naman makapag-react ang iba nilang mga kasama at tahimik lang na kumakain. Nang matapos sila ay naghihiwa-hiwalay na ulit sila. Ngunit bago tuluyang makabalik si Dan sa tabi ni Angela ay pasimpleng lumapit at bumulong sa kanya si Christine.

“Dan, remember your promise.” si Christine at saka mabilis na lumakad palayo kasama ang mga kaibigan nito.

Nilapitan ni Dan si Angela na matamang nakatingin lamang sa kanya at napansin niya na parang umiyak ito ng bahagya.

“Angela, may problema ba?” ang nag-aalalang tanong ni Dan sa dalaga.

Ngumiti lang sa binata si Angela bago ito sumagot.

“I’m ok Dan. I’m ok and I’m really happy.” ang nakangiting sabi na lang ni Angela, ayaw sabihin kay Dan na alam na niyang naghintay ito sa kanya sa una nilang dapat na date. Hindi na din niya siya nagtanong ng tungkol kay Christine, wala namang siyang dahilan.

“Gusto mo na bang umuwi?” si Dan na patuloy pa din sa pag-aalala.

“Y-yes Dan, I think I’m tired. Hatid mo na ako sa may labas ng mall, andun yung sundo ko.” ang yakag na ni Angela. Dahil bago pa man sila naglakad ni Dan papunta sa mall ay kinausap na niya si Mang Lando na sumunod na lang sa kanila sa mall at ilihim sa mga magulang ang pakikipagkita sa kaklase. Nagpaunlak naman sa kanya ang mabait na matanda na labis niyang ipinagpasalamat.

Malapit na sila sa sasakyan nina Angela ng huminto sa paglalakad si Dan, kaya napahinto din si Angela.

“Angela” si Dan.
“Dan” si Angela.

Inabot ni Dan ang kaliwang kamay ni Angela at bahagyang itinaas iyon. Kinuha mula sa kanyang bulsa ang biniling simpleng bracelet na yari sa tela at plastic na magkasama, matingkad na rosas ang kulay niyon na bagay sa maputing balat ni Angela. Maingat niyang itinali iyon sa kamay ng dalaga katabi ng suot nitong relo. Ngumiti siya kay Angela na ngumiti din naman sa kanya.

“Thank you Dan.” si Angela na hindi maitago ang labis na saya sa kanyang mukha.

“Lakad na Angela, alis na din ako. May shift pa ako mamaya.” nakangiting paalam ni Dan sa dalaga.

“Later Dan, take care.” si Angela na nagpaalam na din sa binata na nakangiti.

“Ingat din.” ang huling paalam na ni Dan.

Lumapit na si Angela at binuksan ang pinto ng sasakyan. Nilingon ang binata na nanatiling nakatayo. Nagbigay ng isang matamis na ngiti at saka tuluyan ng pumasok sa loob at umandar na palayo ang sinasakyan nito. Saglit pang hinabol ng tanaw ni Dan ang papalayong sasakyan ng dalaga at nagsimula na ding lumakad palayo.

Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik na humikbi naman si Angela habang hawak ang kamay kung saan naroon ang bracelet na bigay sa kanya ni Dan. Muli niyang binasa ang munting nakasulat sa bracelet at labis na namang nagdiwang ang kanyang puso.

“thanks for being there”

Ang nakaukit na mga salita.

(Ipagpapatuloy…)

The cover photo is the character of Angela.

Writer’s Note: It’s going to be kind of slow, since it’s my first time writing a love story. My inspiration sa series na ito ay ang “kwaderno ni Diana”. I’m not sure kung marami ang magkakagusto since hindi ito palaging “all the way” or may “something hot” na mangyayari, at maaaring hindi din everyday ang update. Just testing the water. I’ll go on depende sa interes.