Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 16 by: Van_TheMaster

Chapter 16

Masiglang gumising si Angela, ngayon ay ang eighteenth birthday niya, ganap na siyang dalaga. Bumangon siya mula sa kanyang kama at inayos ang sarili. Lumabas ng kanyang kwarto at masayang hinanap ang mga magulang.

“Good morning Iha. Happy eighteenth birthday Angela!” ang masayang bati sa kanya ng kanyang mommy.

“Happy Eighteenth Iha.” ang kiming pagbati naman ng kanyang daddy.

Lumapit siya sa mga ito at hinagkan ang mga pisngi ng magulang na humalik din naman sa kanya.

“Come, seat Angela, mag-breakfast ka muna. It’s going to be a busy day but not for you Iha. Mamayang gabi pa ang moments mo.” ang masayang sabi ni Alice sa anak.

Umupo naman siya at sumalo sa mga magulang habang pinagsisilbihan ng kanilang isang katulong.

“Iha, you must take a good rest today, ok. Dahil mamayang gabi ay ang very special night para sayo.” ang nakangiting sabi naman ng kanyang daddy sa kanya.

“I know naman po. I’m going to have a full rest today. Pero tingnan ko lang po muna yung garden pagkatapos po nating mag breakfast.” si Angela na nakangiti sa mga magulang.

“Sure Iha.” ang sagot na lang ng kanyang mommy.

Pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay saglit pa silang nagkwentuhan ng mga magulang. Pagkatapos ay lumabas na siya at nagtungo sa kanilang malaking garden. May lungkot siyang nadarama dahil si Lance ang escort niya. Ngunit nasabi na naman niya ito kay Dan at nabawasan ang kanyang pag-aalala. Ang mahalaga kay Angela ay ang makita siya ni Dan sa kanyang magandang light blue na gown. Hindi niya sure kung may pagkakataon sila ni Dan na magsayaw since pupunta din sina Christine. Dahil dito ay nabawasan ang kanyang saya. Mahirap pala talaga ang ganito nilang sitwasyon, ngunit mahal niya si Dan at kailangan niyang maghintay. Ang mahalaga ay nagmamahalan silang dalawa ni Dan at magkikita sila mamayang gabi upang sagutin ng binata ang tanong sa papel niya. Sapat ng dahilan iyon kay Angela upang muling maging masaya. Nakapaghintay na siya ng ilang buwan bago naging sila ni Dan, hindi siya mapapagod na maghintay pa ulit hanggang sa tuluyan ng maging normal ang sitwasyon ng relasyon nila.

Naglakad-lakad pa siya saglit sa garden bago nabaling ang paningin sa kanyang paboritong fountain na nasa malayong parte. Nadaanan pa niya ang ilang puno at matataas na halaman na nagbibigay lilim sa likod ng kanilang bahay. Patuloy siyang naglakad at ng makarating ay inikutan ang buong fountain habang ang kanyang kamay ay nakikipaglaro sa tubig.

Mula naman sa malayo ay masaya siyang pinagmamasdan ng kanyang mga magulang. Natutuwa sa kakaibang sigla at saya ng kanilang nag-iisang anak.

*****

Pagkalampas ng tanghali , bago tuluyang humapon. Sa loob ng isang kwarto sa isang kilalang hotel sa Manila ay madirinig ang mga daing at pag-ungol ni Christine na sinabayan ng ingay ng bawat pagbayo sa kanyang pagkababae.

“Ohh… D-dan… Ahhh…”

(“plok” “plok” “plok” “plok”)

“Ahh.. Ahh..Masarap ba Christine?” ang tanong ni Dan sa nasarapang mukha ng dalaga.

“Yes Dan… It feels so fucking good… Ahhh…” si Christine na hindi maitago ang sarap na nararanasan habang nakahiga sa malambot na kama at binabayo ni Dan.

Muling niyakap ni Dan ang mainit na katawan ni Christine at pinaghinang ang kanilang mga labi, mainit, matagal at mahalay. Halos walang kasawaan sa laway nilang dalawa. Habang magkahinang ang kanilang mga labi at patuloy sa pagbayo si Dan ay sinamahan pa niyang banayad na paglamas sa malalaking suso ni Christine na lalong nagpasarap sa pakiramdam ng dalaga.

“Ahh…”

Ngayon ay lumipat na ang mainit na labi ni Dan sa mapulang nipple ni Christine. Kinulong niya iyon sa kanyang bibig at saka dinilaan ng paulit-ulit, at saka buong sarap na susupsupin.

“Dan.. Ahh… Ang sarap… Don’t stop… Ohhh… Sa kabila naman…”

Pagkatapos magsawa sa isa ay yung kabila naman ang panggigilan, walang kasawaan sa mga pinkish nipple ni Christine.

Muli niyang hinanap ang labi ni Christine. At ng mapatid ang halikan ay buong sarap na tumitig sa isa’t-isa.

“Ahh.. Christine.. Bibilisan ko na… Ahh..”

“Yes Dan… Please.. Fuck me faster na.. Ohh”

At lalo pang binilisan ni Dan ang pagbayo sa puke ni Christine. Naging mas malakas ang ingay ng kanilang salpukan at lumakas na din ang ungol ni Christine.

(“plak!””plak!””plak!””plak!”)

“Ohhh…. Ohhh….. Fuck Dan… A-ang sarap mo talagang ka-sex.. Ahh..”

Dahil sa hindi na kinaya ng katawan ni Christine ang sarap at sensasyong nararamadaman ay kumapit na siya ng mahigpit sa katawan ni Dan.

“Ahh… Dan.. I’m cumming na… Ohh.. Fuck me harder please.. Harder and faster… L-lamugin mo ako ng husto… Ohhh..” ang halos wala na sa katinuang pakiusap ni Christine dahil sa matinding sarap na umalipin na sa katawan ng dalaga.

(“PLAK!””PLAK!””PLAK!””PLAK!”)

Naging marahas at mas lalong mabibilis ang pagbayong ginawa ni Dan sa puke ni Christine at lalong nagliliyad sa sarap ang katawan ng dalaga at ang katawan nito ay parang nag-aapoy na sa matinding init. Ilang sandali pa at lalong lumalim ang pagkakayap nito sa kanya.

“I’m cumming Dan.. Ohh…”

“Ahh.. Sige lang Christine…”

“Cummiiinnnggg…..” ang mahabang ungol ni Christine ng marating ang kanyang masarap na orgasm.

(“PLAK!””PLAK!””PLAK!””PLAK!”)

Hindi din tumigil si Dan sa kanyang marahas at mabilis na pagbayo na halos magpabaliw na kay Christine dahil sa sunod-sunod na naman nitong pag-climax. Halos walang katapusan ang pagbaha ng nektar mula sa loob ng kanyang lagusan.

“Ahh.. Ahh. Malapit na ako Christine.. Saan?”

“Ohh… Fuck naman Dan, do you even have to ask me everytime?”

“Gusto kong marinig sa labi mo.. Ahh.. Ah…” ang sabi ni Dan habang nakatitig kay Christine.

“Ahh.. Cum inside me Dan. Please, let me feel your hot cum inside me. Ohh..”

At saka hinila niya ng mabilis ang labi ni Dan palapit sa kanya at mainit silang naghalikan.

Napatid ang kanilang mainit na halikan ng tuluyan ng sumabog ang mainit na tamod ni Dan sa sinapupunan ni Christine..

“Christinneee… Agghhhhh…”

Ilang mahihinang pagbayo pa at tumigil na din si Dan at marahan niyang inilapat ang pawisang katawan sa malulusog na dibdib ni Christine.

Niyakap naman ni Christine ang basang katawan ni Dan. Kapwa sila humihingal sa matinding pagod at sarap.

Ilang sandali pa at muli na naman nilang hinanap ang labi ng isat’isa.

At ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay hinugot na ni Dan ang bahagyang lumambot niyang malaking alaga mula sa namumulang pagkababae ni Christine. Humiga siya ng maayos sa tabi ni Christine na yumakap naman sa kanya.

“I love you Dan” ang sabi ni Christine habang nakayakap at nakatingin sa kanya.

“I love you too Christine” si Dan na bagaman may alinlangan na sa kanyang puso ay alam naman niyang mahalaga pa din ang dalaga sa kanya. Isang pagpapahalaga na naging dahilan upang hindi agad saktan ang puso nito. Mahal niya si Angela, ngunit naroon na din sa sa kanyang damdadamin sina Christine at Diane na siyang nauna bago si Angela. Hindi madali sa kanya ang basta na lang durugin ang puso ng dalawa lalo’t alam niya kung gaano siya kamahal din ng mga ito.

*****

Sa nalalapit na pagsapit ng gabi. Sa marangyang bahay naman ni Angela ay may ilang close family friends na din ang dumating ng maaga. Tuwing maliligo ay inaalis niya ang bracelet na bigay sa kanya ni Dan at inilalagay iyon sa kanyang special drawer, upang hindi ito palagi mabasa at manatiling maganda at hindi agad kumupas ang kulay. Pagkatapos maligo ay isinuot na niya ang set na panloob at saka isinuot ang kanyang bathrobe. Magalang niyang sinabihan ang kanyang Yaya Meding na papasukin na ang dalawang babae na tutulong sa kanya sa pag-aayos ng sarili. Nang maisuot na niya ang kanyang magadang light blue na gown ay isinunod naman niya ang kanyang hills. Napangiti siya maging ang mga kasama niya ng muli siyang humarap sa salamin. Napakaganda ni Angela sa gabing ito.

“Ang ganda mo Angela. Bagay na bagay sayo ang suot mo.” ang sabi ng kanyang naluluhang si Yaya Meding.

“Thanks Yaya.” at niyakap niya ang matanda na siyang nag-alaga sa kanya mula sa kanyang pagkabata.

Nang kumalas sa kanyang yaya ay tumingin naman siya sa dalawang nag-aayos sa kanya.

“Perfect Angela, you’re gown suit your complexion. It looks fabulous on you.” ang nakangiti namang sabi ng isang babae na nag-aayos sa kanya. Ang mga ito ay sadyang pumunta sa kanilang bahay para ayusan lang siya sa gabing ito, isa sa mga paghahanda ng kanyang mommy para sa kanyang kaarawan.

“Angela, have a sit, sa makeup naman tayo.” ang nakangiti namang sabi ng kasama nito na hinila ang upuan sa harap ng kanyang magara at magandang tokador sa loob ng kanyang kwarto.

Umupo naman siya at nagsimula na ang dalawa na ayusin naman ang kanyang buhok at lagyan siya ng makeup. Matagal din siyang inayusan ng mga ito. Nang matapos ay muli siyang humarap sa salamin at matamis na ngumiti sa kanyang napakagandang repleksyon. Sa isip ng dalaga ay naglalaro ang magiging reaksyon ni Dan kapag nakita siyang nakasuot ng magandang gown at naka makeup ng maayos. Dahil hindi naman siya sanay na naglalagay ng mga ito, lip gloss lang ay sapat na sa kanya. Natigil ang kanyang pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

(“tok” “tok” “tok”)

“Angela, are you done?” ang pagtawag ng kanyang mommy.

“Yes Mom. You can come na po.” ang masayang sagot naman ng dalaga.

Bumukas ang pinto at nagkangitian ang mag-ina.

“You look excellent Iha.” ang masayang sabi ng kanyang ina nakatingin sa kanyang magandang repleksyon habang hawak ang balikat niya. Habang nakaupo siya ay may isinuot na kuwintas sa kanya ang ina. Isang golden necklace na may magandang design at hindi naman makapal, at sa ibaba nito ay ang heart pendant na lalong nagpaganda sa kabuuan nito.

It’s our gift from you Iha.” ang nakangiting sabi ulit ng kanyang ina.

“Thanks Mom. I love you.” si Angela na bahagyang nangilid ang luha.

“I love you too Angela.” ang medyo naluluha ding sabi ng kanyang mommy sa kanya.

Mabilis namang nagsalita ang isa niyang taga-ayos.

“No tears Angela, ok. Or uulit na naman tayo.” ang nakatawang sabi ng babae.

Masayang napangiti naman si Angela at tumango sa babae. Saglit nilang muling inayos ang kanyang makeup ng muling may kumatok sa pinto.

(“tok” “tok” “tok”)

“Who’s there?” ang tanong ng mommy ni Angela.

“It’s Lance Tita.” ang sagot ng binata na nasa kabilang pinto.

Sinenyasan ni Alice si Yaya Meding na buksan ang pinto at pumasok na si Lance. Lumapit sa mag-ina at humalik sa pisngi ni Alice.

“Tita, can I have a moment alone with Angela?” ang nakangiting pakiusap ng binata kay Alice.

“Sure Lance, but don’t take long.” ang nakangiting sagot naman ng kanyang ina sa binata.

Hinawakan siya sa kamay ng kanyang ina.

“Angela, we’re going downstairs, maiwan na kayo dito ni Lance. When you’re ready, you may go down as well kasama si Lance. Maghihintay kami sa may garden.” ang masayang paalam na sa kanya ng ina.

Ngumiti naman si Angela sa ina at tumango. Sinenyasan ni Alice ang ibang nasa loob na lumabas na ding kasabay niya at naiwan sa loob ng kwarto ng dalaga si Lance na nakatayo.

“Happy eighteenth birthday Angela.” ang masayang bati ni Lance sa kanya na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

“Thank you.” ang maiksing sagot na lng ng dalaga.

“You look stunning and very beautiful Angela.” hindi maitago ni Lance ang labis na paghanga sa napakagandang dalaga na ngayon ay nasa tabi niya.

Hindi naman sumagot o nagsalita si Angela. Mula sa kamay ng binata ay ipinatong niya ang isang parihabang magandang maliit na box sa lamesa. Inalis ang takip noon at nahantad ang isang golden bracelet na may napakaganda at eleganteng design.

“It’s my gift Angela. The first time I saw this ay ikaw agad ang nasa isip ko.” ang puno ng damdaming sabi ng binata.

Kinuha ni Lance mula sa box ang bracelet, at saka nagtangkang hawakan ang kaliwang kamay ng dalaga ngunit iniiwas ito ni Angela.

“Please Lance.” si Angela na nakakaramdam ng pagkaasiwa.

Nakaramdam naman ng lungkot si Lance. Muling ibinalik ang bracelet sa box nito at saka huminga ng malalim. Nakatayo pa din si Lance sa gilid ng nakaupong dalaga ngunit ngayon ay hindi na nakaharap sa salamin kung hindi sa nakatagilid na si Angela.

“I love you Angela. I know that you and I are meant for each other.” ang buong pag-ibig na sabi ni Lance.

Hindi sumagot si Angela, dahil ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito ay pagkaasiwa dahil nasa loob ng kwarto niya si Lance at wala silang ibang kasama.

Nang walang narinig na tugon mula kay Angela ay marahang hinawakan ni Lance ang likod ng upuan ng dalaga at saka dahan-dahang ibinaba ang kanyang mukha palapit sa pisngi ng dalaga. Malayo pa lang ay ipinaling na ni Angela ang kanyang ulo palayo dahilan upang hindi na ituloy ni Lance ang nais sanang gawin. Malungkot itong lumakad palayo sa kanya at gumawi sa may pinto.

“I’ll wait for you downstairs Angela. But since you can’t accept my heart yet, please wear the bracelet that I gave you. It will give me some hope para sa kinabukasan nating dalawa at ng family natin.” ang sabi ni Lance, ang lungkot ay nasa tinig ng binata.

Tuluyan ng lumabas ng pinto si Lance at muling humarap naman sa salamin si Angela. Ibinalik ang takip ng box ng bracelet at inilagay iyon sa loob ng isang drawer sa tokador. Pagkatapos ay binuksan naman niya ang special drawer ng mga mahahalagang bagay para sa kanya. Nawala ang pagkasuya at pagkaasiwa ng dalaga ng muling mamasdan ang simpleng bracelet na bigay sa kanya ni Dan. Kinuha niya iyon at muling isinuot, tumayo at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kanyang kwarto. Hindi akma ang suot niyang bracelet sa magandang ayos niya. Ngunit matamis pa din siyang ngumiti sa harap ng salamin at idinikit ang bracelet sa kanyang labi.

Lumabas na siya ng kanyang kwarto at gumawi na pababa at saka lumapit kay Lance. Napatingin naman ng paghanga ang mga taong inaabutan niya sa baba. Si Lance bagaman may lungkot na nadarama ay nakaramdam ng pagiging proud sa sarili dahil siya ang escort ng dalaga.

Nakangiti lang si Angela at lumapit na kay Lance. Iniankla ni Lance ang kanyang braso at kumapit naman doon si Angela. Pilit niyang inilalayo ang sarili upang hindi masyadong magkadikit ang kanilang katawan. Napansin naman iyon ni Lance na bumulong sa kanya.

“Angela, relax, you’re so stiff.” si Lance sa mahinang boses na nakangiti sa dalaga.

Ngunit nawala ang ngiti ni Lance ng napansin niya hindi suot ng dalaga ang mamahaling bracelet ba ibinigay niya dito, kung hindi ay isang simpleng bracelet na yari pa sa tela at plastic.

“Angela, where’s the gift that I gave you.” ang mahinang tanong ni Lance habang palabas na sila ng bahay.

“I keep it inside my drawer.” ang simpleng sagot lang ng dalaga.

Nakaramdam na ng inis ang binata. At sa mahina ngunit madiin na boses ay muling nagsalita.

“What? Are you serious Angela? You choose that cheap looking thing over my precious gift.” hindi maalis sa boses ng binata ang pagka-inis. Dahil ang nasa isip niya ay ganun na ba siya kawalang halaga sa dalaga para tratuhin ni Angela ng ganoon ang regalo niya.

Isang mabilis na matalim naman na tingin ang ibinigay ni Angela sa binata.

“Lance, please stop. It’s my own choice what I want to wear, ok. Don’t make a scene here.” ang malamig na sabi ni Angela. Saka muling ngumiti ng alisin ang pagkatingin sa mukha ng binata.

Nagsimula ng tumunog ang musiko habang palabas na sila ng bahay at naglalakad sa carpet papunta sa may garden. Nagpalakpakan naman ang mga taong naroon, mga kaibigan, kakilala at iba pang tao na hindi niya kilala na maaaring imbitado ng magulang niya. Palihim niyang iginagala ang paningin habang nakangiti at bahagyang kumakaway sa mga bumabati sa kanya. Hinahanap niya si Dan ngunit hindi niya ito makita. Unti-unti siyang kinabahan ng makita niya sina Cherry at Rose dahil wala din si Christine.

Parang gusto niyang umiyak dahil wala si Dan at malamang na kasama ni Christine. Ngunit pilit niyang pinatatag ang sarili alang-alang sa kanyang mga magulang na labis na naghanda para maging masaya siya sa gabing ito. Kinalma niya ang sarili at ibinalik ang kanyang composure. Bago makarating sa kanilang upuan ni Lance ay nadaanan niya ang lamesa na puro gift box ang nakapatong, lahat ay balot ng magagandang wrappings. Kahit nakangiti ay nakaramdam siya ng lungkot, dahil iisang regalo ang nais niya sa gabing ito, iyon ay ang pagsagot ni Dan sa tanong na nasa papel na ibinigay niya sa binata.

Natapos ang kanilang paglalakad at ngayon ay nakaupo na silang magkatabi ni Lance. Inalis na din niya ang kamay sa braso ng binata. Nagsalita na ang emcee sa mini-stage na medyo malayo sa kanila ni Lance at nagsimula na ang munting program para sa kanyang debut party.

*****

Pagkatapos ng kanilang limang oras na pananatili sa loob ng hotel ay nagpasya na si Christine na umuwi. Sabay silang nag shower ni Dan, mainit na nag sex ulit sa loob ng banyo at saka sila lumabas at nagbihis na ang tuluyan pagkatapos. Ayaw pa sana ni Christine na lumabas sila ngunit ayaw naman niyang magalit ng husto ang kanyang mga magulang sa kanya. Seven o’clock na ng gabi at alam niyang marahil ay naroon na ang bisita ng kanyang mga magulang, kasama ang binatang naghihintay sa kanya. Pagkatapos magbihis ni Christine ay lumapit ito kay Dan. Yumakap ng mahigpit at saka hinila ang batok ng binata upang muli na namang maghinang ang kanilang mga labi.

“Thanks Dan, labis mo akong napaligaya habang magkasama tayo.” ang nakangiting sabi ni Christine habang nakatingin sa mukha ng binata.

Hinawakan ni Dan ang likod ng ulo ni Christine at hinaplos-haplos ang mahabang alon-alon nitong buhok.

“Salamat din Christine, masaya din naman ako sa bawat sandaling magkasama tayo.” si Dan na nakatingin din sa mata ng dalaga. Hindi naman siya nagsisinungaling sa kanyang sinabi. Gusto din niyang kasama si Christine, lalo na kapag nagkakasarilinan sila tulad nito. Kaya pumayag siya sa mainit na paanyaya ng dalaga ng huli silang nag-usap sa may rooftop. Alam niyang magdadamdam si Angela sa kanya ng husto dahil hindi siya makakapunta sa debut party nito ngunit ipapaliwanag na lang niya ang sitwasyon. Alam ni Angela ang tungkol sa kanila ni Christine ngunit hindi alam ni Christine ang tungkol sa kanila ni Angela. Alam niyang mas unfair kay Angela ang sitwasyon lalo na at ito talaga ang iniibig niya.

Natigil ang pag-iisip niya ng muling magsalita si Christine.

“Dan, it’s late already, nagsimula na ang party ni Angela. Wag ka ng pumunta kung hindi ay talagang magagalit ako. Please Dan, don’t test me, ok?” ramdam sa boses ni Christine ang isang banta habang nakikiusap. Kung hindi nga lang naghihintay sa kanya ang bisita niya at alam niyang mapapahiya ang kanyang mga magulang ay talagang hindi niya papayagan na lumabas na sila ngayon.

“Ok Christine, hindi ako pupunta, tingnan mo ako ulit.” at kumalas si Dan sa pagkakayakap kay Christine upang makita ulit ng dalaga ang suot niya. Isang maayos na t-shirt, maong na pantalon at malinis na rubber shoes ang buong kasuotan ng binata.

Napahagikhik naman si Christine.

“That’s good enough for me.” ang nakangiting sabi na lang nito.

Kumuha si Christine ng ilang perang papel at iniaabot iyon kay Dan. Nakita ng dalaga ang pag-aalinlangan at pagkapahiya sa mukha ng binata. Ayaw din namang niyang tapakan ang pride ni Dan. Ngunit alam din niya ang sitwasyon ng binata. Lumapit siya kay Dan at kinuha ang kamay nito at inilagay doon ang perang kinuha niya mula sa kanyang pouch.

“Dan, wag kang mag-isip ng iba dahil ginagawa ko ito sayo. I know your situation and it’s me, ok. I’m your lover at mahal kita. It’s not a payment for your service dahil pinaligaya mo ako.” ang seryosong sabi ni Christine na pigil ang sarili.

Huminga ng malalim si Dan, dahil kailangan naman niya talaga ito lalo na at malaki ang posibilidad na kailangan na niya ulit maghanap ng trabaho pagkatapos ng gabing ito. Lumiban na naman siya para makasama si Christine sa isang masarap na pagsasalo ng init ng kanilang katawan. Tinanggap na din niya ang bigay ni Christine, ibinulsa iyon at saka muling yumakap ng mahigpit sa dalaga.

“Thank you Christine. Wag kang mag-alala, alam ko ang nararamdaman mo.” ang sabi ni Dan at saka muling hinagod ang likod ng dalaga.

Muli silang naghiwalay at inayos muli ang mga sarili. Lumakad na palapit sa pinto at saka muling naghalikan ng mainit. Pagkatapos ay saka pa lang sila lumabas ng kwarto at nagtungo na sa lobby ng hotel. Pumara ng isang taxi at saglit na nagpaalamanan at sumakay na si Chrisitne sa loob at lumayo na ang sasakyan.

Naiwan si Dan na hinabol na lang ng tanaw ang sasakyan. Nagsimula na siyang lumakad habang nag-iisip kung paano hihingi ng paumanhin at paglulubagin ang nasaktang damdamin ni Angela dahil sa hindi niya pagpunta. Saglit na napagawi ang tingin niya sa isang istante ng mga stuffed toys sa may gilid ng daan. Nakaagaw sa pansin niya ang isang cute na teddy bear na may hawak na puso at may nakaburda habang nakaupo sa ibabaw ng latang lagayan nito. Dahil dito ay nalungkot siyang naalala si Angela na naghihintay sa kanya.

Tumayo na siya at nagsimulang lumakad na ulit palayo. Muling naglaro sa isipan niya ang sandaling magkasama sila ni Angela, sa loob ng isang kwarto pagkatapos ibigay ni Angela ang sarili sa kanya, at ang pangakong binitawan niya sa dalaga. Mabilis siyang pumihit pabalik at binalikan ang tindahan. Binili ang munting teddy bear at inilagay iyon sa loob ng lata at saka tinalian ng magandang laso ng nagtitinda. Pagkaabot ng bayad ay kinuha niya iyon. Nag-abang ng taxi, sumakay sa loob at mula sa wallet ay kinuha ang papel kung saan nakasulat ang address ni Angela. Sinabi iyon sa driver at sinabihan niyang magmadali.

*****

Pilit ang ngiti ng mga magulang ni Christine ng magkita-kita sila sa salas kasama ang kanilang mga bisita. Seven thirty na ng gabi at tapos na ding mag-dinner ang mga ito. Binati niya ang mga bisita na ganun din naman ang ginawa sa kanya. Hinanap ng mata niya ang prospect ng kanyang magulang na napansin naman ng kanyang ina.

“He’s upstairs Christine. He’s waiting for you in the balcony.” ang nakangiting sabi ng kanyang mommy sa kanya.

“Ok Ma, I’ll go up and meet him.”

“How about dinner Christine?” ang tanong ng kanyang ina bago siya umakyat.

“I’ll already have it Ma. Excuse me for a moment.”ang paalam na lang niya sa mga ito.

“Go ahead Iha.” ang sabi na lang ng kanyang mommy.

Naiwang masayang muling nag-usap ang dalawang pares sa salas nila na para bang wedding bells na agad ang kahahantungan ng pagkikita nila ng binatang nasa balcony ngayon. Nang malapit niya sa kanyang room ay nagpasya siyang hindi muna pumasok. Nag-diretso siya sa balcony upang harapin ang binatang kanina pa naghihintay sa kanya. May ilang dipa ang layo niya sa nakatalikod na binata na nakatingin sa madilim na labas ng kanilang bahay. Alam niyang alam nito na nasa likod lang siya dahil sadyang nilakasan niya ng bahagya ang paglalakad.

Pumihit ang lalaki paharap sa kanya. May itsura din naman ito at magandang tindig. Nagkatinginan silang dalawa ngunit walang nagtangkang ngumiti.

Lumapit sa kanya ang binata habang hindi inaalis ang mata sa kanyang mukha.

“Christine, I’m Brandon. Finally, I meet you at last.” ang sabi ng binata na ngayon pa lang nagpasilay ng tipid na ngiti at inilahad ang palad sa dalaga.

Saglit na ginagap ni Christine ang palad ng binata at mabilis ding kumalas.

“Wha do you mean when you said “at last”? Care to elaborate?” ang sagot na tanong ni Christine.

“Well, matagal ng gusto ng parents mo na makilala kita ever since na naging magbusiness partner sila ng parents ko. Pero I’m quite busy sa aking studies, and to be honest, I’m really not that interested.” ang matapat na sagot naman ng binata.

“Well, kung hindi ka interested. What change your mind at narito ka ngayon?” ang malamig na tugon naman ni Christine.

Napansin naman iyon ng binata na parang walang interes sa kanya ang dalaga. Nakaramdam siya ng matinding challenge sa sarili at excitement.

“Since your parents insist na mag-meet tayo. They show me some pictures of you and that change my mind.” sa sandaling ito ay nagsasabi ng totoo si Brandon. Dahil nakaramdam agad siya ng kakaiba sa dalaga kahit larawan pa lang nito ang mga nakikita niya. Pagkatapos noon siya na mismo ang nagpilit sa mga magulang na mag set para makilala ang dalaga.

Napaismid naman si Christine.

“So, you’re a typical playboy Brandon?” si Christine na may kasamang pang-uuyam.

Hindi naman iyon pinansin ng binata. Sa halip ay seryosong tumingin sa mga mata ni Christine.

“I’m serious about you Christine. I’m going to transfer to your school in this coming next semester. That’s how serious I am to you.” ang buong katapatan na pahayag ni Brandon. Dahil kung dati ay hindi siya naniniwala sa love at first sight ay nagbago na iyon. Dahil kung nakaramdam na siya ng kakaiba sa larawan pa lang ni Christine, ngayon ay tuluyan na siyang na love at first sight sa dalaga.

“Do what you like Brandon, pero mahihirapan ka sa akin.” si Christine na ang nasa isip ay si Dan.

“I’m up to the task Christine. Since I can see you everyday comes next semester.” ang sabi naman ni Brandon na tipid pa ding nakangiti.

“We shall see Brandon, we shall see.” si Christine na nagpasilay ng isang ngiti.

*****

Sa simula pa lang ng maupo si Angela sa kanyang upuan habang katabi si Lance ay ramdam na ni Alice na parang hindi na ito masaya bagaman nakangiti. Na para bang labis ang lungkot ng nag-iisang anak na makikita sa maamo nitong mukha kahit nakangiti. At lalong naging kapansin-pansin ito ng magsimula na ang pagsasayaw ng Eigthteenth Roses. Isang ngiti lang ang ibinibigay ni Angela sa bawat kapareha at pagkatapos ay balik na ulit sa malungkot nitong mukha. Sadyang malayo din ang katawan ng dalaga sa bawat kapareha na para bang ayaw ng anak na madikit ang katawan sa mga ito.

Tumigil na ang sinasakyang taxi ni Dan at mabilis na lumapit sa gate. Kinatok iyon ng mahina at tumayo ang isang matandang babae. Tiningnan siya nito mula sa loob dahil maliwanag naman sa may gate dahil nakabukas ang mga ilaw.

“Anong kailangan mo noy?” ang sabi ng matanda.

Wala siyang dalang invitation dahil wala naman sa plano niya ang pumunta kina Angela.

“Kaibigan po ako ni Angela.” ang kinakabahang sabi ni Dan, dahil sa ayos niya ay mahirap iyong paniwalaan.

“May dala ka bang invitation noy?” ang sunod na tanong ng matanda.

Nanlulumong napailing si Dan sa kawalan ng pag-asa.

“Wala po nay. Naiwan ko po sa bahay. Pero kaibigan po talaga ako ni Angela.” ang malungkot na sabi na lang ni Dan, kahit sa pagiging kaibigan ay mahirap ng paniwalaan sa isang tulad niya, ano pa kung sasabihin niyang siya ang kasintahan ng dalaga.

“Pasenya ka na noy. Bawal pumasok ang walang invitation.” ang sabi sa kanya ng matanda na tumalikod na at bumalik sa upuan nito.

Napahawak na lang siya sa gate na bakal ng buong lungkot. Akma na sana siyang lalakad na paalis ng marinig niya ang pagbukas ng gate. Bumungad sa kanya si Mang Lando, ang mabait na matandang driver ni Angela.

“Pasok ka, nasa garden si Mam Angela.” ang nakangiting sabi sa kanya ng matanda.

Nagliwanang ang mukha ni Dan at labis na nagpasalamat sa matanda.

“Salamat po ng marami Tay, salamat po.” ang halos maluha ng sabi ni Dan.

Tinapik siya ng matanda at itinuro ang gawi sa malaking garden.

“Lakad ka na at kanina pa sila nagsimula.” ang sunod na sabi ng matanda.

Ngumiti siya dito at mabilis na nagtungo sa garden. Nang wala na siya sa may gate ay tumayo ang matandang babae at lumapit kay Mang Lando na muling isinara ang bakal na gate.

Sa mukha ng matandang babae ay ang pagtataka.

“Lando, diba sabi ni Sir Anton ay walang papasukin na walang invitation.” ang tanong ng matandang babae kay Mang Lando.

“Kaibigan siya ni Mam Angela, yun ang mahalaga ng higit sa kapirasong papel.” ang paliwanag na lang ni Mang Lando at iniwan na ang babae. Hindi na sinabi ni Mang Lando na ang binatang huling dumating na hindi nakaayos ng maganda o formal, at wala ding dalang malaking regalo at invitation ay ang binatang labis na nagpapasaya kay Angela.

Dumating si Dan sa may malaking garden, nakaramdam siya ng pagkailang dahil ang lahat ng naroon ay nakasuot ng magandang damit at naka formal. Kaya sa halip na ilantad ang sarili ay sumandal siya sa isang puno malapit sa bakod. Mula dito ay tanaw niya ang napakagandang si Angela na parang anghel sa suot nitong asul na gown. Nakaramdam siya ng lungkot na ibat-ibang lalake ang nakakasayaw ng dalaga. Nang tumigil ang dalaga sa pagsasayaw ay muli itong naupo. Nagsalita naman ang emcee at tinawag ang susunod na mag-aabot ng rose kay Angela upang muling isayaw saglit ang dalaga. Nanatili siya sa kanyang pagkakasandal sa puno habang nakatingin ng buong pagsuyo sa dalagang iniibig.

Habang nagsasayaw naman si Angela ay gusto na niyang matapos ng maaga ang gabi. Malungkot ang kanyang pakiramdam at gusto niyang umiyak. Hindi dumating si Dan, ang kanyang lihim na kasintahan, na siyang dahilan kung bakit masaya siyang nag-ayos at labis na nagpaganda ngayong gabi. May isang sayaw pa ang natitira, ang huling rose na hawak ni Lance. Habang nakikipagsayaw ay napansin niya ang isang lalaking nasa malayo na nakasandal sa may puno na parang nakatingin sa kanya. Hindi niya ito maaninag dahil medyo malayo at madilim ang lugar nito. Nang matapos ang kanyang sayaw ay muli siyang naupo. At naghintay na ipakilala ng emcee ang huling binata na mag-aabot sa kanya ng rose, si Lance na ngayon ay katabi niya.

Nang tinawag na ang pangalan ni Lance ay yumukod sa kanya ang binata at iniaabot ang pinakamagandang rose na hawak nito. Kinuha niya iyon at naghawak sila ng kamay. Naglakad sa gitna at saka nagsimulang magsayaw sa sweet na tugtugin. Magkahawak ang kanilang kamay sa tapat ng balikat ni Angela habang ang isang kamay naman ni Lance ay nasa baywang niya, ang isa namang kamay ng dalaga ay nakapatong sa balikat ng binata. Pilit na inilalayo ni Angela ang katawan na madikit sa lahat ng kasayaw niya lalo na kay Lance. Kahit parang nagpipilit si Lance na madkit sa kanya ay talagang inilalaban niya ang sarili na mapalayo dito.

Habang pinagmamasdan ni Dan si Angela at ang huling lalaking kasayaw nito ay nakaramdam siya ng lungkot. Dahil ang lalaking kasayaw ngayon ni Angela ay ang may pinakamagandang tindig sa lahat ng mga nauna, maging sa pananamit at kilos ay naiiba ito. At sa mga titig nito sa dalaga ay alam niyang may gusto ito kay Angela. Huminga siya ng malalim, hindi niya makakausap dito si Angela. Maghihintay siyang matapos ang debut ni Angela saka siya magpapakita sa dalaga. Umalis na siya sa kanyang kinasasandalang puno at naglakad ng makasalubong niya ulit si Mang Lando.

“O san ka pupunta, hindi pa tapos ah. “ ang tanong sa kanya nito.

“Maglalakad lang po ng kaunti. Mamaya ko na po kakausapin si Angela.”

Napansin naman ni Mang Lando ang dala niyang lata na may laso. Kinuha iyon sa kanya at saka ngumiti ang matanda.

“Mang Lando…”

“Ako na bahala dito.” at saka umalis na ang nakangiting matanda. Nakita niyang inilagay ng matanda ang dala niyang magandang lata na may laso kasama ng ibang mga mamahaling regalo na nakabalot ng maganda sa ibabaw ng lamesa na may puting tela.

Ngumiti siya sa matanda na ngumiti din sa kanya. Tumango siya dito at naglakad paikot sa bahay ng dalaga. Ayaw niyang dumaan sa malaking garden para makaiwas sa mga taong makakakilala sa kanya. Habang naglalakad siya sa kabilang bahagi ng bahay ay napansin niya mula sa malayo ang isang parang kumikislap-kislap na tubig. Naglakad siya papunta doon at labis na natuwa ng makitang isang fountain pala ito ng tubig na nagliliwanag mula sa malayo dahil sa mahinang ilaw na nasa ilalim nito. Umupo siya sa sementong upuan na nakapalibot dito at saka pinangkinggan ang sweet na tugtugin na nagmumula sa garden.

Habang nagsasayaw ay muling nagawi ang paningin ni Angela sa puno kung saan niya nakita ang lalake kanina. Ngunit wala na ito doon, ngayon ay nag-iisip siya kung guni-guni lamang ba niya ang nakita. At natapos na din ang huling sayaw at nagpalakpakan na ang mga tao. Nagsalita ng emcee na maghintay lang sandali at ang bawat magkapareha naman na dumalo ang maaari ng magsayaw.

Kumalas na siya kay Lance ngunit hawak pa din nito ang kanyang kamay at inaya siyang muling umupo. Napilitan naman siyang sumunod. Ngunit ng mapansin niya ang isang lata na may laso sa ibabaw ng lamesa ng mga regalo ay mabilis niyang binawi ang kamay sa binata.

“Angela, where are you going?” ang habol ni Lance.

Naglakad siya papunta sa lamesa. Kinuha ang munting magandang lata at inalis ang nakataling laso dito. Tinanggal ang takip at inilabas ang munting teddy bear na may hawak na puso. At tuluyan ng lumuha ang kanyang mata ng makita ang nakaburda sa pulang puso na hawak nito.

“For You”

Mabilis niyang ibinalik ang teddy bear sa loob ng lata at kinuha ang laso sa lamesa. Nagpalinga-linga at pilit na hinanahap ang iniibig na binata. Lumapit naman sa kanya si Lance at nagulat ito na ng makitang may luha siya sa mga mata.

“Angela, what’s wrong? Bakit ka umiiyak?” ang nag-aalalang tanong nito.

Akma siya nitong hahawakan ngunit mabilis siyang lumayo. Nag-isip siyang mabuti, hindi si Dan ang klase na makikihalubilo sa mga bisita niya. Mabilis siyang lumakad palayo sa garden, sa isip niya ay tiyak na si Dan ang nakasandal sa puno habang malungkot siyang pinanonood na nakikipagsayaw.

Natigil siya sa paglalakad ng makita niya ang isang lalake na nakaupo malapit sa paborito niyang fountain. Hindi na niya kailangan pang kilalanin ang lalake na nasa malayo. Puso na niya ang kusang kumilala dito. Mabilis siyang naglakad habang hawak ang suot na gown at ang magandang munting lata.

Habang nakamasid naman si Dan sa fountain ay naramdaman niyang may papalapit sa kanya. Tiningnan niya ito at napangiti siya. Ngayon ay magkaharap na sila ni Angela. May bahid pa ng luha sa mga mata nito habang hawak ng dalaga ang munting latang regalo niya.

Nakatingin lang sila sa isa’t-isa. Sapat na ang munting liwanag sa nagmumula sa kumikislap-kislap na tubig sa fountain para makita nila ang pag-ibig sa kanilang mga mata.

“Dan, can you give me your heart?” inulit ni Angela ang tanong na isinulat niya sa papel, habang hindi naman niya napigilan ang luhang nagmalibis sa kanyang pisngi.

Hinawakan naman ni Dan ang magkabilang pisngi ni Angela at pinahid ang mga luha nito sa mga mata.

“Yes, at maaari mo itong ingatan magpakailanman.”
ang sagot ni Dan nakatingin sa mata ni Angela.

Narinig nila ang pagtunog ng isang sweet na awitin mula sa garden. Nakangiting inilayo ng bahagya ni AngeIa ang katawan at ibinaba ang dalang lata sa may sementong upuan. Hinawakan ang laylayan ng kanyang magandang gown at saka yumukod sa harap ni Dan.

“Will you dance with me?” ang nakangiting sabi ni Angela habang muling bumalik sa sulok ng kaniyang mata ang luha ng kaligayahan.

Tumango naman si Dan at kinuha ang kamay ng dalaga habang buong pag-ibig na nakatingin sa mga mata nito..

Pinaghinang nila ang kanilang mga labi ng matagal at saka sila nagyakap ng mahigpit habang nagsasayaw, na para bang ayaw ng mawalay pa sa isa’t-isa ng kanilang mga katawan. Nakayakap si Angela sa baywang at likod ni Dan habang nakahilig ang kanyang mukha sa dibdib ng binata. Si Dan naman ay mahigpit ding nakayakap sa malambot na katawan ng dalaga. At buong pag-ibig silang nagsayaw ng marahan habang nasa harap ng kumikislap-kislap na fountain, na kasabay din naman ng matamis na awitin na alam nilang para lamang sa kanilang dalawa.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng maagang closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”