Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 18 by: Van_TheMaster

Chapter 18

Dahil sa pagod ay kanina pa nakaidlip si Dan, samantalang gising pa din si Angela na nakatagilid lang na nakahiga at nakatingin sa binata, habang ang kanyang isang kamay ay nakapatong sa dibdib nito. Mahaba ang naging pagtulog kaninang umaga ni Angela, kaya ang antok ay napaglalabanan pa niya.

Masaya siya kahit nakatingin lang sa nahihimbing na si Dan, gigisingin niya ang binata ng maaga bago bumangon ang kanilang mga katulong. Sa ganito ay makakaalis si Dan ng hindi nila nalalaman, at saka siya naman ang magpapahinga. Sa ngayon ay ang nais lamang niya ay pagmasdan ang payapang pagtulog ng binatang labis niyang minamahal.

Matagal din siyang nakatingin lang at nakayakap kay Dan, at ng mapansin niyang dumating na ang oras ay nagpasya na siyang gisingin ang binata. Ayaw pa sana niyang gawin ito ngunit alam niyang darating din ang magdamag na payapa silang matutulog na magkatabi, at sabay ding gigising sa umaga.

Marahan niyang nilaro at hinagod ang itim na buhok ni Dan habang nakatingin sa maamong mukha ng binata na ngayon ay himbing pa din sa pagtulog. Inilipat niya ang kanyang kamay sa mukha ng binata at saka banayad na tinapik-tapik ang pisngi nito, na para bang isang natutulog na sanggol ang ginigising.

Natigil ang mahimbing na pagkaidlip ni Dan ng maramdaman niya ang mga banayad na pagdampi ng malambot na kamay sa kanyang pisngi. Marahan siyang nagmulat ng mata at ang maamong mukha ni Angela na nakangiti sa kanya ang agad niyang nakita.

Sa isip ni Dan ay napakasarap pala ng ganitong pakiramdam, ang matulog na katabi ang babaeng mahal mo na siya mo ding makikita mong katabi pagkagigising mo. Ngumiti din si Dan sa dalaga at hinawakan ang malambot nitong kamay na nakadikit sa kanyang pisngi.

“Good morning Dan.” ang mahina ngunit malambing na bati sa kanya ni Angela.

“Morning.” at saka niya inilipat ang kamay sa pisngi naman ng dalaga at saka marahan din iyong hinaplos.

Hindi na kailangan pa ng salita sa pagitan nilang dalawa. Kusa ng naglapit ang kanilang mga labi at saka mainit na naghinang ng matagal. At pagkatapos ay saka muling tumitig sa kapwa nangungusap nilang mata.

“Dan, you need to wake up na bago sila magising.” ang mahinang paalala ni Angela sa binata.

Tumango naman si Dan ng marahan, ngunit sa halip na bumangon ay niyakap ng mahigpit ang kahubaran ni Angela. Hindi naman ng tumutol ang dalaga at sa halip ay hinayaan niya ang sarili na makulong sa mga bisig ng binata at gumanti din ng yakap dito.

Hinayaan nilang magyakap pa sila ng matagal, nasa dibdib ni Dan ang mukha ni Angela habang hinahaplos niya ang malambot at mahaba nitong buhok.

“Bangon na ako.” si Dan at saka inilayo ang mukha ni Angela sa kanyang dibdib.

Tumango naman si Angela at minsan pang naghinang ang kanilang ang mga labi. Si Dan na din ang kusang kumalas sa kanilang pagkakayakap. Bumangon at naupo sa gilid ng kama. Bumangon din naman si Angela habang hawak ang kumot at itinakip sa kanyang kahubaran. Saglit na nilingon ni Dan ang dalaga na kiming ngumiti lang sa kaniya.

Tumayo na siya ay nagsimulang nagbihis, at ng matapos ay muling umupo sa gilid ng kama. Lumapit naman si Angela habang hawak pa din ang kumot na nakatakip sa kanya. Mahigpit silang nagyakap ng ilang sandali pa.

“Alis na ako Angela.” si Dan sa mababang tinig habang muling hinahaplos ang buhok ng dalaga.

“Ingat ka Dan ha. I want you to be safe. It’s still too early, ayaw ko pa sana pero you have to go na.” si Angela na hindi maitago ang lungkot sa kanyang boses dahil muli na naman silang maghihiwalay ni Dan.

“Mag-iingat ako Angela, wag kang mag-alala sa akin.” ang sabi na lang ni Dan na nakangiti upang alisin ang pag-aalala ng dalaga.

Tumango ng marahan si Angela at saka itinaas ang kanyang mukha. Kusa namang bumaba ang labi ni Dan sa dalaga at muling naghinang ang kanilang mga labi.

“I love you Dan.” si Angela.

“I love you too.” si Dan.

At saka tuluyan ng tumayo si Dan at inilalayan si Angela na muling mahiga sa kama. Hinaplos niya ng ilang ulit ang buhok nito at saka banayad na hinalikan sa pisngi.

“Kita na lang tayo bukas sa school.” ang nakangiting paalam na ni Dan.

“Ok, see you tomorrow Dan. Take care ha.” ang nakangiting ding bilin ng dalaga.

Minsan pa nilang tiningnan ang mga mata ng bawat isa at saka tuluyan ng tumayo si Dan. Lumapit sa may pinto at marahang binuksan iyon. Muling ini-lock ang seradura at saka saglit na lumingon sa nakangiting dalaga. Nagbigay din siya ng isang ngiti at saka siya tuluyan ng lumabas ng kwarto at marahan na muling isinara ang pinto.

Nang nakalabas na si Dan ay naiwan si Angela na malungkot na nakangiti. Sabik na ulit siyang muling makita si Dan, ngunit kailangan pa niyang maghintay ng bukas upang muli silang magkita. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Muling naalala ang masarap na pa-birthday sa kanya ni Dan. At saka siya nakatulog na ng mahimbing.

*****

Tahimik na lumabas si Dan ng bahay nina Angela ng mag-aalas-kwatro na ng umaga. Mabuti na lamang at wala ni isa siyang katulong o tao na kailangang pagtaguan habang lumalabas ng marangyang tahanan ng dalaga. Malapit ng mag-alas-singko ng umaga ng makapasok siya sa gate ng bahay nina Diane. Maingat niyang isinara ang maingay na gate ng lumabas sa pinto si Diane. Diretsong lumapit sa kanya ang dalaga at yumakap sa kanya mula sa likuran. At habang nakayakap ito sa kanya ay naramdaman niya ang pagkabasa ng kanyang likuran.

“San ka galing Kuya Dan? Magdamag akong hindi ako nakatulog sa pag-aalala sayo?” ang sabi ng humihikbing si Diane na nakayakap pa din sa kanyang katawan.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nakayakap sa kanya.

“May pinuntahan lang akong mga kaklase, magdamagan yung ginawa namin kaya ngayon lang ako nakauwi.” ang nasabi na lang ni Dan, upang pawiin ang pag-aalala ni Diane.

“Talaga Kuya? Walang ibang babae ha?” si Diane na ramdam sa kanyang boses ang pagseselos at pagdududa.

Marahang inalis ni Dan ang pagkakayakap sa kanya ni Diane. Humarap sa dalaga at pinalis ang mga luha nito sa mata.

“Huwag ka ng umiyak, nakauwi na ako kaya wag ka ng mag-alala. Magpahinga ka na din.” ang sabi ni Dan ng mapansin ang puyat sa mata ng dalaga.

“Yun lang Kuya? Yun na yun, magdamag akong naghintay na nag-aalala sayo tapos sasabihin mo lang ako na magpahinga na ko.” ang parang batang nagmamaktol na sabi ni Diane.

Nakuha naman ni Dan ang nais ng dalaga. Habang hawak ang magkabilang pisngi nito ay banayad niya itong hinalikan sa labi. Ngunit ng paghihiwalayin na niya ang pagkakahinang ng kanilang mga labi ni Diane ay mabilis na kinabig siya ng dalaga sa batok, at saka muling pinaghinang ni Diane ng matagal ang kanilang mga labi. Napilitan namang iyakap ni Dan ang kanyang mga kamay sa likod ng dalaga.

Nang nakutento na si Diane ay saka niya pinakawalan ang batok ng kanyang Kuya Dan. Matamis na ngumiti sa binata at saka nagpaalam.

“Kulang pa yun Kuya ha, may utang ka pa sa akin.” Si Diane na nakangiti habang nanunukso sa binata.

“Magpahinga ka na nga Diane, baka kung…” hindi na niya naituloy ang sasabihin.

Lumabi naman sa kanya si Diane at saka muling inulit ang sinabi.

“Basta Kuya, may utang ka pa sa akin.” at nakangiting pumasok na si Diane sa bahay nito.

Nagtuloy na siya sa kanilang kwarto ni Edwin, sarado ang kanilang kwarto at wala ang kaibigan na ngayon ay nasa trabaho pa. Pumasok siya sa loob at saka nahiga habang iniisip ang susunod niyang gagawin. Tiyak na kailangan niyang gugulin ang mga susunod na hapon at gabi sa paghahanap ng bagong mapapasukan. Alam niyang siya din naman ay may kasalanan kung bakit siya nahaharap sa ganitong suliranin. Ngunit sadyang mahirap na kalaban ang mga mapang-akit na tukso na susubok sa katinuan at pagpapasya ng bawat lalake. Habang nakahiga ay muling naglalaro sa kanyang isipan ang mga dalagang kanyang lihim na karelasyon. Saka natigil sa kanyang isipan ang maamong mukha ni Angela at tuluyan na din siyang naka-idlip.

Mataas na ang sikat ng araw ng muling magising si Dan. Bumangon at hinanap ang kaibigan, narinig niya ang paglalaba nito sa labas.

“Pare, musta? Wala na ba akong trabaho?” si Dan na bagaman na himig ang pagbibiro ay nag-aalala naman
sa kanyang tanong sa kaibigan.

Saglit na tumigil si Edwin sa ginagawa nitong paglalaba. Malungkot na ngumiti kay Dan. Hindi na kailangang magsalita pa ni Edwin, ramdam na ni Dan ang ibig sabihin noon.

“Galit na si Manager Pare. Pinalinis na yung locker mo. Balik ka na lang daw sa office para sa clearing at last pay.” ang malungkot na sabi sa kanya ni Edwin.

Muling ibinalik ni Edwin ang atensyon sa ginagawa at nanatiling namang nag-iisip si Dan. Simula bukas ay kailangan niyang baybabayin ang bawat establisments na maaaring pasukan. Alam niyang mahihirapan siya lalo na at working student siya. Ngunit narito na ang problema, walang magagawa ang sisihin ang kanyang sarili. Kailangan niyang gumawa ng paraan at makahanap ng bagong mapapasukan bago siya magipit ng husto. Nakakahiya namang lumapit kay Christine at Angela, may pride pa din siya kahit papano bilang isang lalake. Malalim siyang napabuntung-hininga at saka muling nahiga sa kanyang kama. Magpapahinga na siya ng mahaba ngayon, dahil simula bukas ay tiyak na aabutin na siya palagi ng gabi kahahanap ng bagong mapapasukan.

*****

Maagang pumasok kinabukasan sa pamantasan si Alyssa. Nais niya munang dumaan sa library upang humiram ng kailangang libro para sa kanyang research. Kaunti lang ang librong iyon at ng huli niyang tingnan ay nasa labas lahat. Nang nasa loob na ng school ay nagtuloy ang dalaga sa library. Hinanap ang librong kailangan ngunit hindi yun nasumpungan.

“Kainis naman.” ang gigil na nasabi na lang ni Alyssa sa sarili.

Nagsimula na siyang lumakad palabas ng mahagip ng kanyang mata ang librong kailangan na nasa lamesa. Nakasarado ito at nasa tabi ng isang binata na kasalukyang nagsusulat na may ibang libro ang nakabukas. Naisip ni Alyssa na kung hindi pa ito kailangan ng binata ay baka pumayag itong hiramin muna niya. Lumapit siya sa tabi ng binata. Tumikhim ng bahagya at saka nagsalita.

“Excuse me, kung hindi mo pa naman ginagamit itong librong ito. Maaari ko bang gamitin muna? Kahit one hour lang. Promise ibabalik ko agad sayo.” ang nakangiti niyang pakiusap sa nagsusulat na binata.

Tumigil sa pagsusulat ang binata, itinulak ng bahagya palapit sa kanya ang libro kung saan nakaturo ang daliri niya. Napangiti naman si Alyssa, success ang pakiusap niya. Ngunit kaagad ding naglaho ang ngiti sa mukha ng magandang dalaga ng nagtaas ng paningin ang binata at tumingin sa kanya. Ang binatang tumulong sa kanya ilang araw na din ang nakakalipas, na kanyang sinampal ng ubod ng lakas bilang ganti. Bahagya siyang kinabahan. Paano kung ipahiya siya ng binata ngayon. Dahil kung siya nga na sumampal dito ay hindi nakalimot, ang binata pa kaya na wala namang ginawang masama kung hindi ang tumulong lang sa kanya.

Natigil siya sa pag-iisip ng itinaas ng binata ang librong kailangan niya palapit sa kanya, ngunit nakabaling na ulit ang atensyon nito sa pagsusulat. Dapat ay makaramdam siya ng tuwa dahil parang hindi na siya tanda nito. Ngunit ang bumangon sa kanyang dibdib ay pagkasuya. Dahil parang walang epekto sa binata ang kanyang karisma na hinahabol ng maraming lalake.

Kinuha niya ang libro ang mula sa kamay ng binata.

“Saglit lang naman.” ang kiming sabi na lang ng dalaga.

Hindi pa siya nakakasimulang maglakad ng ituro ng binata ang upuan sa harap nito. Na para bang nais ng nitong doon siya maupo. Lihim siyang napangiti, malakas pa din ang kanyang charm at sex appeal.

Sinunod niya ang nais ng binata at naupo nga sa harap nito. Matamis siyang ngumiti ngunit ng mapansin na abala pa din ito sa ginagawang pagsusulat ay muli na naman siyang nainis. Medyo padabog siyang naupo at nagsimula na ding mag-research. Naiinis siya sa sarili, dahil parang siya ang pa ang naghahangad ng atensyon mula sa binata na parang walang interes sa kanya.

Lumipas ang isang oras at malapit ng magsimula ang kanyang first class. Tumayo na siya at kinuha ang libro at saka nagsimulang lumakad na palayo. Natigil siya ng may tumawag sa kanya.

“Miss, yung libro…” ang sabi ng binata mula sa likod niya.

Napilitan siyang tumalikod na nahihiya, nakalimutan niyang hindi siya ang humiram ng libro. At ngayon ay nakita niya nakataas ang isang kamay ng binata habang patuloy pa din na nagsusulat. Ngayon niya nalaman ang dahilan kung bakit siya nito pinaupo sa harap nito, ayaw ng binata na malayo ang libro mula sa harap nito . Dahil dito ay namula si Alyssa, siya lang pala ang nag-expect na may interes into sa kanya. Lumapit siya binata at padabog na inilagay ang libro sa kamay nito.

Tumalikod na siya at nakakailang hakbang na ng muling magsalita ang binata sa kanyang likuran.

“Thank you.” ang tipid nitong sinabi.

Lalong nag-init ang kanyang mukha sa pagkapahiya sa binata. Na ito pa ang nagpasalamat sa kanya na dalawang beses niya na dapat na ginawa. Dahil sa wala na siyang lakas ng loob para harapin ang binata ay mabilis na siyang naglakad.

Napangiti naman si Dan habang nagsusulat. Dahil tanda naman niya ang dalaga. Ito ang sumampal sa kanya ilang araw na din ang nakakalipas. Hindi na lamang niya inusisa ang dalaga dahil ayaw din naman niyang ipaalala dito ang ngyari sa kanila. Natigil siya sa pag-iisip ng may umupo sa harap niya.

“Kanina ka pa?” ang tanong ng nakangiting si Angela sa kanya.

Inabot niya sa dalaga ang ilang notes na naisulat na niya at saka nagsimulang magbasa.

“It’s surprise me talaga everytime kapag ikaw gumagawa ng mga notes natin, napaka-detailed in short amount of time.” ang labis na pagka-impress na sabi ni Angela kay Dan.

Ngumiti naman si Dan kay Angela at saka iniaabot ang librong kanina ay hiniram ng isang dalaga.

“Thank you Dan. Napaka-attentive mo talaga sa akin. Kahit hindi ko sabihin na kailangan ko, naka reserved na agad.” ang malambing na sabi ng dalaga sa kanya.

Nagsulat sa papel si Dan at iniaabot yun kay Angela. Napangiti naman si Angela at saka malambing napagi-giggle. Muling binasa ang nakasulat sa papel…

“ganyan kita ka-love”

Kinuha ni Angela ang isang personal notebook at inilagay doon ang note na pinagsulatan ni Dan. Pagkatapos ay nagsimula na din siyang magbasa at magsulat ng kaniya. Si Dan naman ngayon ang natigilan at sumandal sa upuan. Ilang hapon at gabi na din siyang naghahanap ng mapapasukan ngunit wala pa siyang makita. At kahapon ay binigyan pa sila ng panibagong project ng kanilang isang professor dahilan para pumasok siya ng maaga sa library. Sinabi niya din kay Angela ang kanyang sitwasyon kaya sa halip na sa hapon sila magkasama sa library ay sa umaga na lang sila nagkikita. Napangiti na lang siya ng makita sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Angela habang nagsusulat. Nang mapansin naman ni Angela na nakatingin sa kanya si Dan ay siya naman ang nagsulat ng mahaba sa papel na pinagsulatan ni Dan at ibinalik iyon sa binata.

“dan ha, don’t look at me na parang you’re begging for a kiss, hahalikan talaga kita dito”

Napangiti naman si Dan pagkatapos basahin ang isinulat ni Angela na ngayon ay nakatingin na sa kanya ng buong pananabik.

Sa likod naman ng isang shelves malapit kina Dan at Angela ay nakasandal si Alyssa patalikod sa kanila.

“Dan” ang sinabi sa isip ng nakangiting si Alyssa. Ngunit muling naglaho ang ngiti sa kanyang labi ng maalala ang dalagang malambing nagbigkas ng pangalan ng binata.

“Sila kaya o magkaibigan lang.” ang naglalaro sa isipan ni Alyssa, hindi niya nakita ang dalagang kausap ni Dan, ngunit sapat na ang malambing nitong boses para makaramdam siya ng pagkabahala. Dahil sa isiping ito ay natigilan si Alyssa, “Nababahala ako, para isang lalake na hindi ko naman nobyo o kakilala, Alyssa, nasa matino ka pa ba?” ang naiiling na lang na sabi ng dalaga sa sarili at saka ito nagsimula ng lumakad palabas ng library.

Tumayo naman si Dan at nakangiti pa ding nakatingin kay Angela. Dahil sa umaga pa lang ay halos kaunti pa lang ang tao sa loob ng library. Nagpunta si Dan sa pinakatagong parte at sumunod naman sa kanya si Angela. At ng magkalapit na sila ay marahang isinandal ni Dan si Angela sa isang shelves ng mga libro. Niyakap ng banayad ang malambot na katawan ng dalaga at saka mainit nilang pinaghinang ang kanilang mga labi. Buong init at pagmamahal din namang tumugon si Angela na ngayon ay nakayakap na din kay Dan.

*****

Ilang araw na ding busy si Christine, bukod sa pag-aaral ay may ilang gatherings na kailangan niyang puntahan na kasama ang parents niya. At ang nakakinis pa, sa ilang gatherings na iyon ay laging nandoon si Brandon. Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay hindi ito presko tulad ng ibang lalaking naghahangad sa kanya. Hindi na din inuli ni Brandon ang kapangahasan nito sa kanya sa halip ay lagi itong maginoo kapag magkasama silang dalawa. Palagi din siyang inaaya ng binata na lumabas na sinusuportahan naman ng kanyang mga magulang. Alam niyang isang araw mula ngayon ay kailangan niyang pagbigyan si Brandon dahil na din sa pamimilit sa kanya ng mga magulang.

Naalala niya ang lihim na kasintahan. Ilang araw na din niyang hindi nakakausap ng matagal si Dan, mga simpleng kamustahan lang at palihim na palitan ng mga sweet nothings ang mga namamagitan sa kanila kapag nasa school.

Napapansin din niya na muling magkasama sa research si Angela at Dan. Hindi naman siya nababahala dahil alam naman ni Angela ang tungkol sa kanila. At higit sa lahat ay may tiwala siya sa binatang iniibig. Nang maalala niya si Angela ay isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

“What if I introduce Brandon to Angela? Who knows may mag spark sa dalawa? Titigilan na ako ni Brandon at the same time, Angela will no longer a threat to me when it comes to Dan.” ito ang nasabi ni Christine sa sarili.

“The question is, paano ko ito maise-setup?” ang muling tanong sa sarili ni Christine habang nag-iisip ng malalim.

“Hm? Sa labas… Brandon likes to go out with me, pero isasama ko si Angela. Angela, you can have Brandon, at pasalamatan mo na lang ako pagkatapos. “ at nakangiting sabi ni Christine sa sarili.

*****

Pagsapit ng hapon pagkatapos magpaalam ng palihim kay Angela at Christine ay mabilis na lumabas si Dan ng School. Kailangan niyang ituloy ang paghahanap ng bagong mapapasukan na ilang gabi na din niyang ginagawa. Ayaw naman niyang sabihin kay Christine ang kaniyang sitwasyon dahil nahihiya na din siya sa dalaga bagaman alam niyang tutulungan siya nito.

Habang naglalakad ay napansin niya ang isang ad sa na nakadikit sa isang poste. Ibat-ibang pwesto ang trabahong pagpipilian. Ngunit ang labis na nakatawag sa kanya ng pansin ay ang bakanteng pwesto para sa waiter at ang note sa ilalim na maaaring mag-apply ang mga working student. Napangiti siya, tiningnan ang address, hindi naman ito napakalayo sa school ngunit kailangan pa din niyang sumakay ng jeep.

Pumara siya ng sasakyan at pinuntahan ang lugar na nakasulat sa ad sa kanyang hawak ngayon sa kamay. Isang sosyal at kilalang resto-bar ang kanyang nakita sa lugar, lumapit siya sa guard at ipinakita ang papel na hawak at sinabi niyang magg-a-apply siya bilang waiter. Pinapasok naman siya nito at sinabihang dumiretso sa opisina sa may likod.

Pagpasok niya sa loob ay humanga siya sa kakaibang ganda at ayos ng loob ng may kalakihan ding bar. Na para bang sadyang ginawa para lamang sa mga taong maykaya sa buhay. Maging ang bawat taga-silbi at ang nasa kaha ay magagara din ang suot. Lumapit siya sa counter at kinausap ang babaeng nakatayo doon.

“Excuse me Miss, mag-a-apply akong waiter. San yung daan papunta sa office?” ang nakangiti niyang tanong sa babaeng nasa harap ng kaha.

Saglit siyang tiningnan nito at ngumiti din naman sa kanya. Itinuto ng kaharap ang isang pinto na may nakasulat na “Management”.

“Pasok ka sa pintong yung tapos akyat ka sa hagdan. Kapag nasa office ka na, pagtanong mo lang si Manager at sabihin mo na aplikante ka, may ilan na ding nauna sayo kaya malamang na maghintay ka saglit bago ka tawagin.” ang nakangiting sabi sa kanya ng babae.

Natuwa naman si Dan sa kaharap dahil mabuti itong nakipag-usap sa kaniya.

“Salamat ha.” ang huling sabi ni Dan sa nakangiting babae na nasa harap niya.

Tumuloy na siya sa pintong itinuro ng kahera, binaybay ang pataas na hagdan at ipinagtanong ang opisina ng Manager. Pinaupo siya saglit ng isang lalake at sinabihan na maghintay. Habang naghihintay ay iginala niya ang paningin sa loob ng opisina, magara din ang disenyo nito bagaman hindi ito kalakihan at may lima lang na nagtatrabaho sa loob nito. Mayamaya pa ay lumabas ang isang lalaking aplikante at siya naman ang pinapasok sa loob.

Mahina siyang kumatok at sinabihan siya ng babaeng nasa loob na pumasok.

Ngayon ay nasa harap na siya ng babaeng manager. Tantya niya ay nasa twenty-seven or twenty-eight ang edad nito. Maganda din ang manager at morena, nakasuot ito ng office attire at nakasalamin na hindi naman makapal. Nakatingin din ito sa kanya.

“Biodata?” ang kaswal nitong sabi.

Iniaabot naman ni Dan sa Manager ang hawak na biodata na kanina pa niya nasulatan at nalagyan ng larawan.

“Part time or Full time?” sunod nitong tanong.

“Part time po Mam, working student.”

Saglit siyang muling tiningnan ng babae at saka muling ibinaling ang paningin sa kanyang biodata. Ibinaba nito ang papel sa lamesa at itinuro ang upuan. Naupo naman siya na medyo kinakabahan. Inalis ng manager ang salamin nito na lalong nagpaganda sa babaeng kaharap.

“Four hours tuwing gabi, from seven to eleven, pwedeng mag-extend depende sayo since open ang bar till three am. Normal rate lahat ng oras mo, no overtime pay at Sunday lang ang off. Normal deductions at isang free meal lang kada shift mo. You can freely accept a tip from the customer, pinapayagan namin iyon. General rule here is, “Provide an excellent customer service at all times.” ang mahabang sabi sa kanya ng kaharap na manager.

“Ok po Mam.” ang sabi ni Dan na may kasamang tipid na ngiti, pilit na tinatandaan lahat ang mga sinabia ng kaharap. Ngayon ay nabuhayan na siya ng loob, may trabaho na ulit siya.

“Pwede ka ng magsimula ngayong gabi kung gusto mo?”

Mabilis naman siyang tumango at nakangiti pa ding sumagot.

“Yes Mam, ok lang po sa akin na mag start na po ngayong gabi.”

“Good.”

Saglit na namayani sa kanila ang katahimikan dahil nakatingin lang sa kanya ang Manager. Nagsalita ito at sinabi sa kanya ang susunod niyang gagawin.

“Dan, hanapin mo si Alex sa baba, sabihin mong bagong hired kang na waiter at siya ng bahalang magturo at magsabi sayo ng mga gagawin mo.”

“Ok po Mam. Salamat po.”

Tumango lang sa kanya ang kaharap.

“Labas na po ako Mam.” at tumayo na siya at muling ngumiti sa manager at saka tuluyan na siyang lumabas sa opisina nito.

Napasandal naman sa upuan si Arcelle at nangiti sa sarili. Sa edad niyang twenty-seven ay nakaramdam pa din siya ng paghanga sa binata. Paghanga na alam niyang hanggang dun na lang dahil mahal niya ang kanyang asawa. Naiiling na lang na muling ibinalik ni Arcelle ang sarili sa ginagawa.

Nang nasa loob na ulit ng bar si Dan ay hinanap niya agad si Alex. Mabuti naman ang pakikitungo nito sa kanya at palabiro din tulad ni Edwin kaya madali silang nagkapalagayan ng loob. Iniaabot nito sa kanya ang tatlong set ng uniform para sa waiter na naka-plastic pa at sinabihan siyang hanapin ang lalaki sa loob ng bar kapag tapos na siya. Kinuha niya iyon at nagsimulang magpalit ng damit at saka isinara ang locker na para sa kanya.

Nang bumalik siya sa loob ng bar ay ang kahera muna ang nilapitan niya upang magpasalamat. Malayo pa lang ay nakangiti na sa kanya ang babae.

“Bagay sayo.” at saka sinabayan iyon ng isang ngiti ng kaharap.

Napangiti na lang din siya sa kaharap.

“Salamat..”

Itinuro ng babae ang nameplate nito sa dibdib, “Mika”.

“Salamat Mika.” ang ulit ni Dan.

Ngumiti naman ang dalaga na parang nahiya ng bigkasin ni Dan ang pangalan nito. Natigil sila pag-uusap ng lumapit sa kanya si Alex at inakbayan siya.

“Dan, ang sabi ko ay ako ang hanapin mo agad at hindi ang maganda nating kahera.” ang nagbibirong sabi nito sa kanya.

“Nagpasalamat lang ako, sige, start na tayo. Ano ba ang mga dapat kong gawin?” ang sagot na lang niya sa kaharap.

Sa halip na sagutin siya ay lumipat ang tingin ni Alex kay Mika.

“Mika, taken na itong si Dan, tatlo ang asawa at lima ang anak.” ang nakatawang sabi ni Alex sa dalaga.

Nainis naman kunwari ang dalaga.

“Magsimula na kayong dalawa bago pa kayo mapagalitan.” ang pagtataboy na lang ni Mika sa dalawa.

Nakaramdam naman ng kaba si Alex at inaya na si Dan palayo kay Mika, ang crush ni Alex na dalaga. Habang naglalakad naman palayo sa kanya ay palihim na hinabol naman ng tanaw ni Mika ang nakatalikod na si Dan.

*****

Mga bandang nine o’clock ng gabi ng magkita sa parking lot ng isang kilalang resto-bar ang magkaibigang sina Lance at Brandon. Pagkatapos i-lock ang kani-kanilang magarang sasakyan ay magkasunod silang pumasok sa loob ng bar at umupo sa paborito nilang lugar. Sa highschool pa lang ay magkakilala at magkaibigan na silang dalawa, ngunit magkahiwalay sila ng pamantasan na pinili.

Mula naman sa kinatatayuan ni Alex ay natanaw niya ang dalawang bagong dating na customer. Tinapik niya si Dan at sinabihang sumunod sa kanya.

“Jackpot ka Pare. Mabuting mag-tip yang dalawang yan.” ang nakangiting sabi sa kanya ni Alex.

Lumapit sila dalawang nakaupo at sinenyasan siya ni Alex na siya ang makipag-usap. Nakailang customer na din naman siya ngunit dahil sa hindi pa kabisa ang bawat alak o termino ay naninibago pa din siya.

“Good evening sir. Ano pong sa inyo?” ang nakangiting tanong ni Dan sa nakaupong sina Lance at Brandon.

Saglit na tinapunan siya ng mga ito ng tingin at saka ngumiti sa kanya.

“Bago ka dito?” ang tanong ni Lance.

“Yes Sir, ngayon lang po ako nagstart.”

“Two Bacardi and sodas, please.” ang sabi na lang ni Lance.

Pagkatapos tumango ni Dan sa kaharap ay lumingon naman siya kay Brandon na itiunuro lang ang kaharap na parang ang ibig sabihin ay yun na ang order nilang dalawa. Magalang siyang yumukod sa mga ito at saka nagtungo na sa may counter.

Sinabi sa bartender ang order na isinulat at ito ang nag-prepare. Binalikan niya ang dalawa at saka marahan na inilapag ang mga dala sa lamesa ng dalawa. Siya na din ang nagbukas ng mga inumin ng mga ito. Ngumiti lang sa kanya ang dalawa at saka siya magalang na nagpaalam sa mga ito.

“Lance, musta ang life? Anong bago?” si Brandon, at saka saglit na uminom ng kaunti.

Huminga naman ng malalim si Lance.

“Everthing is fine maliban sa isa. Lovelife.” ang malungkot na sabi ni Lance na may kasamang ngiti, ang isip ay muling bumalik sa maamong mukha ni Angela..

Ramdam ni Brandon ang sinabi ng kaibigang si Lance dahil ganun din naman siya ng naalala ang magandang mukha ni Christine.

“I feel you Lance, yan din ang problema ko ngayon.” si Brandon na napasandal sa upuan.

Saglit na nagkatinginan ang dalawa at saka mapaklang nagkatawanan.

Nagpatuloy pa sila pag-uusap at pag-inom. Nang matapos ay sinenyasan si Dan na malapit lang sa counter na lumapit. Inabot niya kay Lance ang lagayan ng bill. Binuksan iyon ng binata at saglit na tiningnan. Kumuha ng pera sa kanyang wallet at inilagay iyon sa lagayan ng bill at saka ito isinara.

Tumingin naman si Brandon kay Dan at saka ngumiti.

“Part time, working student?” ang tanong ni Brandon sa kaharap.

“Yes Sir, working student po.”

Kinuha ni Brandon ang wallet at kumuha ng isang perang papel at inaabot yun kay Dan.

“Keep on pushing, matatapos mo din yan.” ang nakangiting sabi sa kanya ni Brandon.

“Thank you Sir.” ang masayang sabi ni Dan. Unang gabi pa lang ay mabuti na agad ang pakiramdam niya sa bagong trabaho.

Tumalikod na ang dalawa at naiwang nakatayo si Dan na nakangiti pa din. Lumapit sa kanya si Alex at muli siyang inakbayan.

“Pare, share your blessings.” ang biro nito sa kanya.

Tumango naman siya kay Alex.

“Paano ba ang kalakaran dito?” ang nakangiti niyang tanong.

Tumawa lang si Alex.

“Nagbibiro lang ako pare, ang sayo ay sayo. Talagang sayo ko ibinigay yung dalawang customers na yun para sipagin at ganahan ka ng husto sa trabaho natin.”

“Salamat Pre.”

Tinapik siya nito sa balikat at bumalik na sila sa counter.

*****

Malapit ng mag one o’clock ng makauwi si Dan sa bahay. Kaya nagulat pa din siya ng pagkatapos niyang maisara ang gate ay lumabas pa din si Diane na parang puyat na namang naghihintay sa kanya. Gusto niyang magalit sa dalaga ngunit hindi naman niya magawa. Dahil ang ginagawa ni Diane ay normal lang sa isang dalagang umiibig. Yumakap sa kanya si Diane ng mahigpit.

“Miss na miss na kita Kuya Dan.” ang matapat na sabi ni Diane.

Niyakap din naman niya si Diane at hinaplos ang buhok nito.

“May bago na akong napasukang trabaho. Kaya mas madalas na ganito na palagi ang uwi ko. Nag-aaral ka din Diane. Huwag kang masanay na nagpupuyat ng kahihintay sa akin.” ang malumanay na sabi na lang ni Dan habang patuloy na hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Tumango naman ang dalaga habang nakayakap sa kanya na ikinatuwa ni Dan.

“Kuya, basta hindi ka aalis sa bahay namin ha.” si Diane na nasa tinig ang pag-aalala.

“Hindi ako aalis, wag kang mag-aalala.” ang sabi na lang ni Dan upang matapos na ang gabi nilang dalawa dahil pagod at alam niyang kapwa sila inaantok na din.

Humiwalay na si Diane at tumitig lang sa binata. At gaya ng dati ay isang matamis na halik ang ibinigay niya sa dalaga. Nagpaalam na ito sa kanya at saka pumasok na ito sa loob ng bahay na naghihikab.

Saglit pang nanatili si Dan sa pagkakatayo at saka lumakad na din papunta sa kanilang kwarto. Iniisip niyang lumipat ng ibang tirahan bago matapos ang semester na ito para tuluyan na siyang makaiwas kay Diane. Mabigat din sa kanya ang gagawin at alam niyang labis na masasaktang ang dalaga sa kanyang binabalak. Malalim siyang huminga at muling tinanong ang sarili kung handa na ba siyang saktan ang puso ni Diane.

*****

Isang linggo na din ang nakalipas at narito ngayon si Lance sa school ni Angela, tanghali na at alam niyang malapit ng mag break ang dalaga. Pagkaparada ng kanyang dalang sasakyan ay pumasok na agad siya sa pamantasan. Wala siyang ID ngunit dahil sa maganda niyang suot at isang pirasong perang papel ay walang siyang naging problema sa gwardiya.

Maraming estudyante ang nagpakita ng paghanga kay Lance, sa tindig at itsura ay mapagkakamalan mong artista ang binata. Pilit niyang hinanap ang kinaroroonan ng dalaga, hindi din naman siya masyadong nahirapan dahil ang ilang information ay nakuha na niya kay Angela dahil sa pagpayag ng dalaga na magkita sa school.

Tumayo siya malapit sa pinto at naghintay na matapos ang klase ng dalaga. Nakaramdam naman ng pagka-asiwa si Angela ng makita si Lance na malapit sa pinto. Napilitan siyang lumapit sa binata. Ang iba naman niyang kaklaseng babae ay hantarang nagpakita ng paghanga kay Lance.

“Angela, mag-usap muna tayo saglit sa canteen. Wag dito.” ang sabi na lang ni Lance.

Tumango lang si Angela at nagsimula ng lumakad si Lance. Lumingon muna si Angela sa pinangalingang classroom upang hanapin ng mata si Dan. May pag-aalala sa kanyang mukha dahil nakatayo pala malapit sa kanya si Dan. Tumango sa kanya si Dan ngunit pasimpleng sumenyas ang kamay ni Angela na sundan siya ng binata. Nakahinga ng maluwag si Angela ng tumango si Dan. Sumunod naman si Angela kay Lance.

Naghintay pa si Dan ng ilang saglit bago nagsimulang lumakad sa direksyon ng dalaga. Natigil siya saglit ng may tumawag sa kanya.

“Dan…” si Christine, kasama sina Cherry at Rose.

“Canteen…?” ang tanong ng dalaga sa kanya.

Tumango lang siya.

“Dan, sabay na kami sayo.” ang nakangiting sabi naman ni Rose

“Ok, tara sa canteen, pero hindi ako ang taya.” ang nakangiting biro na lang ni Dan sa mga kaharap. Nag-aalala siya kay Angela at ngayon ay kaharap niya si Christine. Nais niyang itago sa kanyang pananalita ang sari-saring emosyon na nararamdaman.

Nagsimula na lang lumakad patungo sa canteen. Hindi naman nag-aalala si Christine dahil kasama niya sina Cherry at Rose. Safe pa din sila ni Dan lalo na at palaging casual ang kanilang batian at pag-ususap.

Hindi nakita nina Christine sina Lance at Angela kanina kaya nagulat ang mga kasama ni Dan ng makita si Angela na kasamang kumakain ang isang makisig na binata.

“Is that the man who gave Angela the first rose?” ang kinikilig na tanong ni Rose.

“Yes, sa tingin ko sila eh. Parang ang sweet nila. Imagine, para pumunta dito yung lalake at kumain kasama ni Angela. Isn’t that so sweet?” ang sabi na lang ni Cherry na nakangiti.

Hindi kilala ni Christine si Lance dahil wala siya sa birthday party ng dalaga. Palihim namang tiningnan ni Christine si Dan na parang balewala lang ang nakikita ng binata. Kumuha sila ng pagkain at pagkatapos ay pumwesto sila sa bakanteng lamesa na katapat nina Angela.

Ngayon ay magkatabi sina Dan at Christine habang nasa harap nila si Angela na nasa kabilang lamesa at nakatalikod naman sa kanila ang binatang kasama nito.

Nagtama ang paningin nina Angela at Dan, gayudin ni Christine at Angela.

Sa isip ni Christine ay parang asiwa si Angela sa kasamang binata. May chance pa din si Brandon ang nasa isip ng dalaga. The more the merrier ang nasa isip niya. Hayaan niyang mapunta na kay Angela ang binatang kasama nito at si Brandon, makaiwas lang siya sa kanyang suliranin dahil sapat na kanya si Dan.

Nakaramdam ng pagkaasiwa si Angela dahil kasama niya ngayon na nag-iisa sa table si Lance. Nakaramdam din siya ng selos ng makitang magkatabi sina Dan at Christine. Kung hindi kasama ng mga ito si Cherry at Rose ay baka ay gumawa na siya ng eksena. Dahil dito ay naramdaman ni Angela na pagdating kay Dan ay parang possesive siya. Mahal niya ang binata, at nangako itong pipiliin siya dahil siya ang mahal nito. Kailangan pa niyang magtiis. Natigil ang pag-iisip niya ng magtanong sa kanya si Lance pagkatapos kumain ng binata.

“Angela, I want to meet him?” ang seryosong tanong sa kanya ng binata.

Natigilan naman si Angela.

“Yung lalakeng kasama mo sa fountain sa gabi ng debut party mo.” ang malamig na ulit ni Lance.

Dahilan ito upang makaramdam ng panlalamig si Angela at itinigil ang pagkain. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Mula naman sa kanyang kinauupuan ay napansin ni Dan ang pagbabago ng reaksyon ni Angela. Hindi ito nakatingin sa kanya ngunit ramdam niyang hindi mabuti ang pakiramdam nito. Mabilis siyang tumayo , kinuha ang tray ng kanyang pagkain at nagpaalam sa mga kasama.

“Una na ako sa inyo. May gagawin pa ako.” ang paalam ni Dan sa mga kaharap na dalaga.

Bago pa nakasagot si Christine ay lumakad na si Dan. Lumapit si Dan sa table nina Angela at isinagi ang bag nasa balikat sa table ng mga ito at saka niya binatawan ang dalang tray sa sahig. Dahilan upang mapatayo sina Angela at Lance at natumba ang baso ng tubig sa harap ng binata. Nabasa ang pantalon nito at inis itong tumingin kay Dan.

Mula naman sa sahig ay pinulot ni Dan ang tray maging ang mga laman nito.

“Sorry.” ang sabi na lang ni Dan habang nakaluhod pa din.

“Watch where you going?” ang inis pa ding sabi ni Lance.

Tumayo na si Dan at humarap kay Lance. Saglit silang natigilan ng nakilala ang isat-isa.

“Working student?” si Lance na bahagyang na-amuse sa sitwasyon.

“Sir?” si Dan na tapat na nabigla dahil sa muling pagkikita nila ng binata

At naguguluhang nakatingin lang sa kanilang dalawa ang apat na dalaga. Ngunit nakahinga ng maluwag si Angela dahil nasa tabi niya ngayon si Dan. Alam niyang napansin siya ng binata sa kanyang pagkaasiwa at pag-aaalala kaya si Dan na ang kusang gumawa ng paraan.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”