Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 21 – Another Messy Start by Van_TheMaster

Chapter 21

Maagang nagising kinabukasan si Dan, ito ang bagong simula ng kanyang buhay na nais ni Diane para sa kanya, ang maging masaya siya kahit hindi niya kasama ang dalaga.

Kailangan din niyang pumunta kina Mika ngayong umaga at nakakahiya naman sa dalaga kung paghihintayin niya ito sa abangan ng matagal. Kaagad siyaNG nagtungo sa banyo at naligo, nagluto ng isang instant noodles na may itlog, kumain at saka inayos ang sarili. Habang nagbibihis ay naalala niya si Christine at ang ngyari sa kanila kagabi.

Si Christine mismo ang nagsabi na secret ang relationship nila pero hindi na ito open sa iba. Kaya gayun na lamang ang kanyang pagkabigla at pagtataka ng makita si Christine na ka-date ni Brandon. Nalungkot pa din siya at nasaktan dahil doon bagaman wala siyang karapatan. Dahil itinago din naman niya kay Christine ang tungkol sa kanila ni Angela. Ang isipin na may karapatan siyang magdamdam sa dalaga ay isang kapangahasan sa kanya, wala siya sa katayuan para pigilan at pagbawalan si Christine. Alam niyang mahal siya ni Christine, ngunit ang pagmamahal ng dalaga sa kanya ay nasa ilalim ng mundong ginagalawan nito na maraming tulad ni Brandon ang naroroon. Mapalad na siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ni Christine, lalo na sa isang tulad niya na wala namang maipagmamalaki sa buhay.

*****

Dalawa lang sila ng ate niyang si Ella na nakatira sa kanilang tamang laki lang na kwarto. Sa isang factory naman nagta-trabaho ang kanyang nakatatandang kapatid. Shifting din ang schedule ng kapatid, minsan ay pang-umaga, panghapon o panggabi. Matanda lang sa kanya ng dalawang taon si Ella, twenty na ito at siya naman ay halos limang buwan na ang nakalipas ng sumapit siya sa edad nya ngayong eighteen.

Maaga pa lang ay nakaluto na si Mika ng agahan, sadyang dinamihan niya ito para na din kay Dan na papunta ngayon sa lugar na tinitirhan nila.

“Parang sobra sa atin yang niluto mo.” si Ella pagkapasok sa loob ng kwarto, kadarating lang mula sa trabaho ng nakaraang gabi.

Hindi naliban si Ella sa kahit na anong araw na may trabaho, dahil sa paghahangad ng dalaga na sumahod ng may dagdag upang ipadala sa kanilang mga magulang na nasa probinsya. Dalawa lang sila ni Mika na magkapatid, at kapwa sila nakikipagsapalaran sa Maynila upang matulungan ang mga magulang na matubos agad ng maaga ang lupang naisanla nila ng nagkasakit ang kanilang ama. Mabuti naman ngayon ang kalagayan ng kanyang ama ngunit nagkautang naman sila ng malaki dahil sa operasyon at gamutan.

“May darating akong ka-trabaho Ate, nakakahiya naman kung wala akong nailuto. Ako pa man din ang nagpapunta sa kanya dito.” si Mika habang naghahain ng pagkain para lamang sa kanyang kapatid. Mamaya na siya kakain kasabay ni Dan. Dahil sa isiping iyon ay masaya siyang napangiti siya.

Napansin naman ni Ella ang kakaibang ngiti sa labi ni Mika.

“Mika, mag-ingat ka na ha. Alam ko yang mga ngiti mo na yan.” si Ella na nagpapaalala sa kapatid dahil sa mapait nitong karanasan sa kabila ng pagiging mas bata nito sa kanya.

Napasimangot naman si Mika sa harap ng naghihikab na kapatid ng maalala ang kanyang unang pakikipag-relasyon.

“Ate naman, kailangan pa bang ipaalala sa akin yung nakalipas ko, saka kaibigan ko yung pupunta. Hindi naman manliligaw, titingnan lang yung kwarto sa kabila.” si Mika na parang nalungkot at nagmamaktol, minsan na nga lang siya naging masaya ulit. Killjoy pa ang ate niya, ang inis na nasa isip ni Mika.

Lalo namang nakaramdam ng kaba si Ella. Lalaki ang lilipat sa kabila kung sakali, at sa kinikilos ni Mika ay parang may pagtingin ang kapatid sa bisita nitong darating ngayong umaga. Limang buwan naman ang nakalipas ng nakilala ni Mika ang dati nitong nobyo, na pagkalipas ng dalawang buwan lang ay iniwan na din si Mika at ipinapagpalit sa maykayang babae na may-edad na. Alam niya ang mga ngyari sa kapatid dahil ipinagtapat sa kanya ni Mika ang lahat. Mahal niya ang nag-iisang kapatid at ayaw niyang makita ang sunod-sunod na pagkabigo ng kapatid sa pag-ibig.

“Mika, nag-iisa mo akong kapatid. Natural lang sa akin ang mag-alala lalo na kapag naalala ko yung ngyari sayo.” si Ella na hindi maitago ang lungkot.

Natigilan naman si Mika. Masyado siyang nagiging masaya dahil sa pagpunta ni Dan. Alam niyang mabait at maalalahanin ito at malayo ang ugali sa dati niyang nobyo. Ngunit hindi niya alam kung may pagtingin din ba sa kanya ang binata o kung may kasintahan na ba ito.

Tahimik na ipinagpatuloy ni Mika ang paghahain para sa kapatid habang pilit na inaalis sa kanyang isipan ang mga nakalipas na pangyayari sa kanyang buhay simula ng dumating siya sa Maynila maging ang alalahanin kay Dan.

“Kumain ka na Ate at ng makapagpahinga ka na din, sumubo ka muna kahit kaunti bago matulog.” paalala ni Mika ng mapansin ang puyat sa mata ng kapatid.

Nilapitan naman ni Ella ang bunso niyang kapatid at malambing na niyakap ito at parang batang hinalikan sa ulo.

“Huwag ka ng magtampo sa pag-aalala ni Ate, lam mo namang love kita eh.” ang masayang sabi ni Ella.

Natawa naman ng kaunti si Mika at kumalas sa kanyang Ate.

“Naku Ate, kumain na nga at wag mo akong gawing bata.” ang nakangiting sabi na lang ni Mika.

Natapos ng kumain ang kanyang kapatid ay natulog na din ito, panggabi pa ulit ito mamaya. May kaunting panahon pa siya bago dumating si Dan. Tinakpan niya ng maayos ang natirang pagkain at saka tahimik na naglinis ng kanilang kwarto, at saka siya mabilis na naligo pagkatapos. Habang ginagawa ito ni Mika ay nakaramdam siya ng kaunting pagkapahiya. Dahil naisip niyang parang isang nobyo ang darating gayung magkaibigan lang naman sila ni Dan.

*****

Malungkot na gumising si Christine ng umagang iyong. Halata sa mga namumulang mata ng dalaga ang ginawa nitong matagal na pag-iyak. Nagpahatid na lang siya ng agahan sa kanyang kwarto upang hindi na mag-usisa pa ang kanyang mga magulang sa first date nila ni Brandon maging sa mugto niyang mga mata.

Pumasok siya ng banyo at nilinis ang sarili. Saka siya humarap sa kanyang tokador pagkatapos. Habang nasa harap ng salamin ay iniisip niya kung paano ipapaliwang kay Dan ang ngyari. Alam nyang may mga tanong ito, dahil siya ang nagsabi na hindi na open ang kanilang secret na relationship pero nakipag-date pa din siya. Ipapaliwang na lang niya na courtesy date lang ang ngyari sa kanila ni Brandon. Wala naman talagang meaning yun sa kanya, napilitan lang siya dahil sa pressure sa kanya ng mga magulang at sa kakulitan ni Brandon.

Kakausapin niya si Dan bukas kapag nagkita sila sa school. Hindi niya papayagan na maging dahilan ito ng paunti-unting paglayo sa kanya ng binata lalo na at napapansin niyang ilang araw na din itong malungkot.

“No Dan, you’re not going anywhere, you’re still mine.” ang madiin na sabi na lang ni Christine sa kanyang isipan. Dahil ang isiping hindi na kanya ang binata ay hindi niya kayang tanggapin.

*****

Kasalukuyang nag-aalmusal sina Angela sa labas ng kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang. Habang kumakain ay si Dan ang laman pa din ng isipan ni Angela. Kailangang matapos na kung ano man ang ngyayari ngayon sa binata. Hindi niya kayang nakikitang walang sigla si Dan lalo na kapag kasama siya. Ramdam niyang pilit ang mga ngiti nito at paglalambing sa kanya nitong nakalipas na mga araw. Natigil siya sa pag-iisip ng magtanong sa kanya ang daddy niyang si Anton.

“Iha, how’s your studies?” si Anton ng bumaling sa dyaryo ang paningin pagkatapos kumain.

“Everything is fine Dad.” ang kiming sagot na lang ni Angela.

Itinigil ng kanyang ama ang pagbabasa at tumingin sa kanya.

“How is thing between you and Lance? I’m not dense Angela, alam kong may something na ngyari sa inyong dalawa since it’s been weeks na hindi na siya napasyal sa bahay.” si Anton na seryosong nakatingin sa nag-iisang anak.

Hindi naman kaagad nakapagsalita si Angela. Hindi siya sanay na nagsisinungaling sa mga magulang.

“Anton, Angela is not a kid anymore. She is young woman now, I think it’s time na matuto siyang magpasya sa kanyang sarili.” si Alice na ang sumansala kay Anton ng mapansin niyang nahihirapan ang anak na sumagot.

Ibinaba ni Anton ang dyaryo sa lamesa.

“I understand that, pero it doesn’t mean na she can do whatever she wants. And Lance is a capable and caring young man. He’s already a good match para kay Angela. I’m not implying anything here, ang gusto ko lang ay ma-secure natin ang mabuting future ni Angela.” si Anton na nakatingin kay Alice.

Nakikinig lang naman si Angela, hindi niya gusto ang mga naririnig sa kanyang mahal na ama. Na para bang ihinahanda na ng ama ang kanyang kalooban na maagang tanggapin ang katotohanan na si Lance ang gusto ng ama na maging marriage partner niya. “I’d rather die than to be with someone that I don’t love” ang malungkot na sabi na lang ni Angela sa kanyang isipan. Dahil hindi niya kayang tanggapin ang bawat araw at gabi na hindi si Dan ang kanyang kapiling pagdating ng araw. Mas nanaisin pa niyang maglaho na lang sa mundo kaysa sa mabigo sa kanyang pag-ibig. Ganito niya kamahal si Dan, hindi magkalayo ang pag-ibig at kamatayan pagdating sa binata na kayang niyang harapin at gawin. Si Dan ang buhay niya, ang tanging nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan sa bawat sandaling nag-uusap sila at naglalambingan, lalo na sa mga mainit na sandaling kanilang pinagsasaluhan. Kung hindi lang din si Dan mapupunta sa kanya o siya ay pipiliting maging pag-aari ng iba, ay babaunin na lang niya sa kanyang tahimik na paglisan sa mundo ang kanyang buong pusong pag-ibig sa binata, at umasang kung may susunod pa siyang buhay ay hayaan silang maging maligaya ni Dan sa piling ng isa’t-isa.

*****

May sampung minuto na ding nakatayo si Mika sa may babaan ng dumating ang sinasakyan ni Dan. Nakangiting sinalubong niya ang binata na nakangiti din naman sa kanya.

“Akala ko hindi ko na darating. Lampas seven na kaya.” si Mika na nasa tinig ang pag-aalala.

Tiningnan ni Dan ang relos na nasa kanyang bisig. Huli lang siya ng ilang minuto, napangiti na lang siya.

“Huwag ka ng magtampo Mika. Ako na lang manlibre sayo ng agahan natin. Saan dito may malapit na may kainan?” si Dan, na bagaman kumain na din kanina at kapos sa budget ay nais pa ding magdulot ng kaunti sa dalaga na magsasama sa kaniya sa maaaring bago niyang tirahan.

Gusto sanang paunlakan ni Mika ang binata, lalo na at parang “date” ang nasa kanyang isipan dahil sa magkasama silang kakain sa labas ni Dan habang nasa iisang lamesa. Ngunit nag-aalangan din naman siya, bukod sa nakapagluto na siya ng agahan sa kwarto ay alam din naman niyang kapos din palagi si Dan sa dahil sa pag-aaral at pagtatrabaho ng sabay.

“Nagluto na ako sa bahay. Doon na lang tayo. Lika na.” ang yakag na ni Mika sa kanya.

Napilitan na ding sumang-ayon si Dan. Maaga niyang makikita ang lugar at makakatipid din siya.

“Tara na Mika sa inyo habang hindi pa mainit.”

At nagsimula na silang maglakad na magkatabi. Habang magkatabi silang naglalakad ni Dan ay umaasa naman si Mika sa kanyang puso na sana ay ito na ang simula ng pagkakaroon niya ng bagong relasyon sa isang lalaking malaki ang kaibhan sa dati niyang nobyo.

Hindi naman sila nagtagal sa kanilang paglalakad. Mga ilang minuto lang ang layo ng tinitirhan ni Mika mula sa abangan ng sasakyan.

“Dito na tayo Dan, dun kami sa likod. Yung pamilya ng may-ari ang nakatira sa harap.” paliwanag ni Mika.

“May kasama ka ba sa kwarto?”

“Kaming dalawa ng Ate ko, nasa kwarto siya ngayon at natutulog. Huwag na lang tayong maingay.” paalala ni Mika.

Tumango naman si Dan. Nakakahiya namang magising pa nila ito, alam din naman niya ang hirap ng pagtatrabaho sa gabi. Saglit pang tiningnan ni Dan ang harap ng bahay na may tamang laki lang, na para bang nakakaangat lang ng kaunti ang may-ari nito.

“Dan, sa likod muna tayo.” ang parang nahihiyang yakag ni Mika.

Nagtuloy na sila sa loob ng kwarto ng magkapatid at nakita niyang nakahiga ng natutulog ang ate ni Mika. Mabuti na lamang at nakakumot ito ibaba kung hindi ay labis na pagkailang ang mararamdaman niya. Maingat at marahan ang kanilang pagkilos at nag-uusap sila sa mahihinang boses.

“Upo ka muna Dan, handa ko lang to.” si Mika habang nag-aasikaso ng kanilang pagkain.

Naalala na naman ni Dan si Diane, habang tumatagal ay nakakaramdam siya ng pagkakatulad ni Mika kay Diane.

“Salamat Mika, hindi ka nasa sana nag-abala.” si Dan matapos mag-ayos ni Mika.

“Naku Dan, kumain na lang tayo.” ang nakangiti namang sabi ni Mika.

“Matagal na kayo dito Mika?”

“Mag-aanim na buwan pa lang kami ni Ate dito sa Maynila.”

“Ikaw?”

“Matagal na din Mika, mga dalawang taon na siguro mahigit.”

Patuloy pa silang kumain. Nais sanang itanong ni Mika kay Dan kung may kasintahan na ang binata. Dangan nga lamang ay nauunahan naman siya ng hiya.

Pagkatapos nilang kumain ay si Dan na ang nagkusang magligpit sana ngunit pinigilan siya ni Mika.

“Ako na Dan, maupo ka lang muna dyan.” ang nakangiting sabi ni Mika.

Wala na din namang nagawa si Dan, nahihiya man ay pinabayaan na lang niya ang dalaga. Pagkatapos magligpit ni Mika ay sinamahan na niya si Dan sa harap ng bahay upang ipakilala sa may-ari ng maliit na paupahan.

Pumasok sila sa maliit na gate at lumapit sa nakabukas na pinto. Nang wala silang makitang tao sa salas ay saglit na tumawag si Mika.

“Tao po, tao po.”

Lumabas naman ang isang dalaga mula sa kawarto nito.

“Mika, bakit? May kailangan ka ba?”

“Wala ba si Mama mo? Andito na kasi yung sinabi ko sa Mama mo na gustong tingnan yung bakanteng kwarto sa likod. Nakasara naman.” paliwanag ni Mika sa kaharap.

Tuluyan ng lumapit sa pinto ang dalaga na nasa loob at labis na nabigla ng nakita si Dan. Kinalma ang sarili at saka tumingin kay Mika.

“Saglit lang Mika. Hanapin ko lang yung susi. Umalis kasi sina Mama at Papa, kasama si Maricar kaya ako lang ang naiwan.” saka mabilis na lumakad si Alyssa pabalik sa kanyang kwarto. Wala naman sa loob kwarto ng dalaga ang susi ng kailangan ni Mika. Nais lang niyang mabilis na ayusin ang sarili sa harap ng salamin. “Alyssa, para kang teenager na nakakita ng crush”, ang himutok ng dalaga sa sarili. Kung bakit hindi niya mapigil ang sarili na makaramdam ng ganito kay Dan. Lalo na ng makita niya si Mika na katabi ng binata. Ngayon lang niya nakitang kasama ito ni Mika, instinct niya bilang babae ang nagsabi na wala pang relasyon ang dalawa. Aminado siyang maganda si Mika, pero maganda din naman siya. Medyo mayaman ang kanyang dibdib subalit mas malaki lang ang dibdib ni Mika, ngunit mas mataas naman siya kaysa sa dalaga na tantya niya ay nasa limang talampakan at apat pulgada lamang. Lalo siyang nainis sa sarili. “Ano bang ngyayari sayo Alyssa? Hindi ka naman dating ganito.” Napabuntung-hininga na lamang ang dalaga.

Si Dan naman ay hindi napigil ang sarili na mangiti. Mabuti na lamang at nasa likod siya ni Mika. Kung hindi ay napansin sana ng dalaga ang kanyang masayang reaksyon na parang matatawa ng makita ang dalagang labis na nabigla ng makita siya.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na si Alyssa sa kanyang kwarto at gumawi sa kusina para kunin ang susi para sa nakasarang kwarto. Ngunit sa halip na ibigay yun sa dalawa ay sinamahan niya ang mga ito.

Nakaramdam naman ng inis si Mika na para bang sinadyang mag-ayos ni Alyssa at sumama sa kanila dahil sa katabi niyang si Dan. Hindi pa man din sila nakakapagsimula ng binata ay parang may karibal na agad siya.

“Tara sa likod.” si Alyssa na naunang lumakad sa kanila na hindi makuhang tumingin ng matagal kay Dan. Nakaramdam naman ng inis si Alyssa. Dahil parang magkalapit na agad ang dalawa, hindi pa man sila nakakapagsimula ay may kaagaw na agad siya. Sa isip niya ay sana ay magustuhan ni Dan ang kwarto at ang lugar, para madalas silang magkasabay na papasok at uuwi sa iisang lugar.

Binuksan ni Alyssa ang pinto at pumasok silang tatlo sa loob. Saglit lang na tiningnan ni Dan ang loob ng munting kwarto. Maliit lang talaga ang banyo at lababo na naroon ngunit sapat na iyon sa kanya dahil nag-iisa naman siya.

“Sige, kunin ko na to….” si Dan na nakatingin sa anak ng may-ari.

“Alyssa.” saka inilahad ni Alyssa ang palad kay Dan.

Napasimangot naman si Mika, dahil ni minsan ay hindi pa sila nagkahawak ng kamay ni Dan. Naunahan pa siya ni Alyssa na gawin ito.

Napilitan naman si Dan na tanggapin ang palad ni Alyssa at saka marahan iyong binitawan.

“Dan.”

Lihim na nagdiwang ang puso ni Alyssa. Magkakilala na din sila ni Dan. Sana lang ay hindi tanda ng binatang kaharap na siya ang dalagang tinulungan nito minsan.

“Kailan ka lilipat?”

“Ngayon na ding araw, baka mamayang hapon ay narito na ulit ako.”

Napangiti naman si Alyssa. Labis siyang masaya, walang pakialam sa napapansin niyang pagkasuya ni Mika. “Hindi naman kayo, so wala akong ginagawang masama sayo” ang nasa isip ni Alyssa.

“Ok, so, one month advance at one month deposit, one thousand two hundred times two, bale two thousand four hundred lahat Dan.”

Kinuha ni Dan ang kanyang wallet at binuksan iyon sa harapan ng dalawa. At kapwa natigilan ang dalawang dalaga ng makita ang isang larawan ng magandang dalagita sa bungad ng wallet ng binata, ang larawan ni Christine ng ito ay dalagita pa lamang. Napansin naman iyon ni Dan at saka mabilis na isinara ang kanyang wallet pagkakuha ng pera. Naisip niyang dapat pala siyang mag-ingat lalo na kapag kasama niya si Angela.

“Wala bang special discount para sa working student? Schoolmate naman tayo.” si Dan, na nakangiti sa harap ni Alyssa.

Nakaramdam ng hiya si Alyssa, hindi niya alam kung alin ang tanda ni Dan, yung tungkol sa libro, yung tungkol sa sampal o pareho. Kahit alam niyang magagalit ang magulang ay napilitan si Alyssa na pagbigyan ang binata.

“S-sige, two thousand na lang lahat.” ang sabi na lang ng namumulang si Alyssa.

Dahil sa nakikita ay lalong nakaramdam naman ng kaba si Mika. Ngayon ay talagang banta sa kanya si Alyssa, na tunay namang maganda talaga at mas mataas sa kanya, ngunit mas mayaman nga lang ang kanyang dibdib.

Natuwa naman si Dan sa sinabi ni Alyssa, pero two thousand four hundred pa din ang kanyang ibinigay.

Nagtataka naman si Alyssa habang kinuha ang pera sa kamay ng binata kapalit ng susing hawak niya.

“Sabihin mo muna sa mga magulang mo Alyssa. Kapag pumayag sila, saka mo na lang ibalik sa akin yung discount ko.” si Dan na tipid na ngumiti sa dalaga.

“Ok Dan.” si Alyssa na hindi inaalis ang mata sa binata.

Lumingon naman si Dan kay Mika.

“Mika, salamat ha. Alis muna ako. Balik ako mamayang hapon para lumipat.”

Ngumiti naman si Mika kay Dan.

“Iwan mong bukas yung pinto, para malinis ko saglit yung loob.” si Mika.

Napasimangot naman si Alyssa dahil sa ginagawa ni Mika. Lihim namang natuwa si Mika sa reaksyon ni Alyssa.

“Ako na lang mamaya Mika, magpahinga ka na lang.”

Ngunit umiling si Mika.

“Lakad ka na Dan, ng maaga kang makabalik.”

Napilitan na ding sumang-ayon si Dan.

“Salamat Mika.” si Dan na nakatingin kay Mika.

“Salamat Alyssa.” ngayon ay kay Alyssa naman nakatingin ang binata.

Kakaibang damdamin ang lalong umusbong sa puso ni Alyssa ng bigkasin ni Dan ang kanyang pangalan sa kauna-unahang pagkakataon habang nakatingin sa kanyang mga mata. Matagal na niyang nais na mangyari ang sandaling ito, munting pangarap na nagbibigay ng saya sa kanyang puso.

“Dito ka na lang Mika, huwag mo na akong ihatid sa labas.” ang nakangiting paalam naman ni Dan kay Mika.

Tumango naman si Mika habang nakatingin lang sa paglabas ni Dan at Alyssa ng kwarto. Nais din niyang malaman sana kung sino ang magandang dalagita na nasa larawan na parang nakita na niya, hindi nga lamang niya matandaan kung saan. Marami naman siyang pagkakataon na makilala ng husto at makalapit si Dan, ito ang nasa isip ng nakangiting si Mika. Pumunta siya sa kanilang kwarto at kumuha ng walis, tubig at basahan. Saka sinimulang mabilis na linisin ang kwarto ni Dan. Sa kwartong nais niyang sana ay dumating ang sandali na katabi niyang matutulog ang binata. Namula ang kanyang pisngi at nag-init ang kanyang pakiramdam dahil sa isiping iyon. “Mika ha, ikaw ang nagsabi na hindi ka lantarang magpapakita ng motibo”, ngunit hindi na niya magagawa ang salitang nabitawan sa sarili lalo na at may kaba siyang nararamdaman kay Alyssa. Kailangang maunahan niya si Alyssa para hindi siya ang magsisi sa huli.

Kasabay ni Alyssa sa paglalakad si Dan papunta sa harap ng kanilang bahay. Nais na sana niyang itanong sa binata kung sino ang dalagitang nasa wallet nito ngunit lalabas namang masyadong siyang mapanghimasok. Hindi naman sila magkaibigan, schoolmate lang sila. Saglit silang tumigil sa makitid na daan sa gilid ng bahay nina Alyssa.

“Alyssa, una na ako, balik na lang ako mamaya.”

“Sige Dan. Ingat.”

“Yung discount ko ha.” si Dan na nakangiti na kay Alyssa at may himig ng pagbibiro.

“Akong bahala Dan, may kasalanan naman ako sayo eh .” si Alyssa, na biglang namula dahil sa nasabi, hindi niya napigilan ang sarili dahil ang pangyayaring iyon ang madalas na nasa kanyang isipan kapag nakikita si Dan.

Tiningnan ni Dan sa mata si Alyssa.

“Alyssa, kalimutan mo na yung ngyari sa may abangan ng sasakyan. Hindi mo na yun dapat alalahanin, kahit kanino naman, ay ganun pa din ang gagawin ko.”

Tumingin din naman si Alyssa sa mata ni Dan. Wala na siyang dapat pang itago, alam naman ni Dan. Naramdaman na lang ni Alyssa ang paglapat ng kanyang labi sa pisngi ni Dan na kanyang nasaktan.

“Yan yung kapalit ng ginawa ko sayo.” si Alyssa habang nakatingin pa din kay Dan.

Tipid na ngumiti lang si Dan kay Alyssa. Ayaw niyang bigyan ng kulay ang ginawa ng dalaga kahit ramdam pa niya ang init ng paglapat ng malambot na labi ni Alyssa sa kanyang balat.

“Alis na ako Alyssa.”

Tumango lang si Alyssa. Naglalakad na palayo sa kanya si Dan ay mainit pa din ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon, ngunit habang nakatingin sa kanya ang maamong mukha ng binata at sinabing wala na siyang dapat pang alalahanin pa ay nagkusa na ang kanyang katawan.

Dahil ang kayang itanggi at tutulan ng kanyang isipan ay pilit na pinalaya ng kanyang puso at katawan.

Sa kanila na nakatira ngayon si Dan at marami ang pagkakataon na sabay silang papasok at uuwi. Kapag niligawan siya ng binata ay sasagutin niya ito agad at hindi na pahihirapan pa, ito ang pangakong binitawan niya sa sarili. Upang ang kanyang larawan ang pumalit sa larawan ng magandang dalagita na nasa wallet nito.

*****

Ginising si Arcelle ng isang mainit na halik sa kanyang pisngi. Nagmulat siya ng mata at nasa loob na pala ng kwarto ang kadarating lang niyang asawa na si Arman.

“Haba ng tulog ng mo ah. Nine na pasado.” si Arman na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama at nagsisimulang maghubad ng damit.

“Madami kasi akong inayos na papers kagabi.” si Arcelle na bahagyang nag-inat at lumapit sa asawa, dahil nag-uuwi siya ng mga trabaho sa kanilang bahay. Madalas namang wala si Arman kaya sa halip na mangulila sa asawa ay sa trabaho pa din niya ibinubuhos ang atensyon kahit nasa apartment siya na kanilang tinitirhan.

Iniyakap ni Arcelle ang kanyang mainit na katawan na nakasuot lang ng mahabang kamison, wala siyang suot na bra kung hindi panty lamang.

“Miss na kita Hon.” si Arcelle na hindi maitago ang pananabik. Lalo na at tatlong linggo din silang hindi nagkita ng asawa. Idagdag pang palaging mainit ang kanyang pakiramdam kapag nakikita niya si Dan. Kailangan niya ang asawa ngayon dahil tiyak na hindi ito magtatagal sa bahay. Simula ng ma-promote si Arman at nadagdagan ang sahod ay mas lalo itong naging masipag sa trabaho. Dahilan kaya nakalipat sila sa mas magandang apartment ngayon at nakakuha din ng magandang hulugang sasakyan. Ngunit may kapalit ang mabuting ngyayari sa asawa sa trabaho nito, yun ay ang madalang nilang pagtatabi dahil palaging pagod si Arman at halos matagal na hindi sila magkasama.

Hinalikan siya ni Arman sa labi at saka hinagod ang kanyang buhok.

“Pahinga muna ako Hon. Mamaya na lang paggising ko.” si Arman saka muling hinalikan si Arcelle sa pisngi.

Humiga na si Arman sa malambot nilang kama at mabilis itong mahimbing na nakatulog.

Huminga ng malalim si Arcelle. Alam nya sa sariling sabik na sabik na siya at si Dan ngayon ang laman ng kanyang isipan. Saglit niyang nilingon ang natutulog na si Arman. Sabik na sabik na talaga siya at napakainit na ng kanyang pakiramdam.

“Dan.” ang mainit na nasabi na lang ni Arcelle ng may kasamang pananabik, habang nakatingin sa natutulog niyang asawa.

*****

Pagkakuha lahat ng kanyang mga gamit na maaaring dalhin ay nagtungo na si Dan sa pinakabahay at nagpaalam sa mga taong naroon. Hindi na niya isinara ang gate pagpasok niya kanina upang hindi na niya maririnig ang maingay nitong tunog sa kanyang pag-alis.

Minsan pa niyang tiningnan ang bahay ni Diane na puno ng alala ng dalaga. At umusal na sana ay dumating ang isang araw na muli silang magkikitang dalawa upang malaman at kamustahin ang masayang buhay ng bawat isa.

*****

Kalalabas pa lang ni Alyssa ng kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis ng mabungaran niya si Raymond na nakaupo sa kanilang salas. Nakaramdam siya ng pagkasuya, dahil hindi siya nagpa-fresh ngayong hapon para dito, kung hindi para kay Dan na malamang ay pabalik na ngayon.

Binuksan ni Raymond ang isang box ng pizza at inalok ang dalaga.

“Meryenda ka muna Alyssa.” ang nakangiting paanyaya ni Raymond sa dalaga.

Luminga naman si Alyssa sa kwarto ng kapatid at tinawag ito.

“Maricar, labas ka jan may dalang pizza si Kuya Raymond mo.”

Mabilis na lumabas naman si Maricar na tuwang-tuwa ng makita ang nakahain sa center table sa salas.

“Wow! Kuya Raymond, the best ka talaga!” si Maricar na agad na kumuha ng dalawang piraso.

Akma sanang lalayo ang kapatid ngunit pinaupo niya ito sa salas. Ayaw niyang makita siya ni Dan na silang dalawa lang ni Raymond ang nasa salas.
Nakaramdam naman ng lungkot si Raymond, talagang malayong lakbayin pa din sa kanya si Alyssa. Naupo naman si Alyssa sa tabi ng kapatid.

“Ikaw?” si Raymond na nakatingin sa dalaga.

“Mamaya na ako Raymond, hindi pa ako nagugutom.”

Mula sa nakabukas na pinto ng salas ay nakita ni Alyssa ang pagdating ni Dan. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kanilang maliit na gate. BInuksan iyon at lumapit sa binata.

“Hindi ka na sana lumabas Alyssa, may bisita ka yata.” si Dan nang mapansin na may nakaupong binata sa salas na ngayon ay nakatingin sa kanila.

Hindi naman pinansin ni Alyssa ang sinabi ni Dan. Inilabas ang four hundred sa bulsa at saka masayang iniabot iyon sa binata.

“Special discount mo. Pumayag naman Mama ko kasi sinabi kong kakilala kita at working student ka.” hindi na lang inamin na hindi naman niya sinabi sa kanyang ina ang tungkol doon. Sa sarili niyang allowance nais niyang kunin ang discount para kay Dan. Siya na lang kukuha ng bayad ng binata dahil sa sinabi niyang kaibigan naman niya ito.

Nakatingin lang si Dan kay Alyssa, inaarok ang sinabi ng dalaga. Ngumiti na lang siya ngunit hindi na kinuha ang pera. Dahil may halo namang pagbibiro ang paghingi niya ng discount sa dalaga.

“Hayaan muna Alyssa. Punta muna ako sa kwarto, marami pa akong aayusin.” paalam na ni Dan.

Nais pa sanang tumututol ni Alyssa ngunit hindi na niya ginawa.

“Sige Dan.”

Lumakad na si Dan sa makitid na daan papunta sa likod. Bumalik naman si Alyssa sa loob ng kanilang bahay na bahagyang nalungkot. Nais sana niyang magkaroon agad ng connection kay Dan kahit sa pagbibigay lang ng lihim na discount sa binata mula sa kanyang puso.

“Alyssa, sino yun?” si Raymond na hindi maitago ang selos na nadarama.

“Bagong boarder namin sa likod. Sa school din natin napasok.” ang matamlay na sagot na lang ng dalaga.

Hindi na din naman nagtanong pa ng marami si Raymond na ngayon ay nangangamba na baka may bago na naman siyang kalaban sa puso ng dalaga.

*****

Masayang sinalubong ni Mika si Dan at tinulungang mag-ayos ng mga gamit sa kwarto ng binata. Mayamaya pa ay lumabas naman ang kanyang kapatid mula sa banyo pagkatapos maligo ng maaga. Palihim na tiningnan ang dalawang nasa loob na masayang nagbibiruan habang nag-aayos. Nakita niya si Dan kahit hindi ito nakatingin sa kanya. Maamo ang mukha ng binata, yung klaseng madaling makapalagayan ng loob. Umaasa na lamang si Ella na sana ay hindi na muli pang umiyak ang bunso niyang kapatid dahil sa maling pag-ibig. Dahil ang sunod-sunod na pagkabigo ay sadyang mahirap tanggapin at napakasakit na dalahin sa kalooban.

Muli na siyang bumalik sa loob ng kanilang kwarto upang pabayaan ang kapatid sa masayang ginagawa nito kasama ang binatang alam niyang iniibig na ngayon ni Mika.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”