Chapter 23
Pagbaba pa lamang ni Arcelle sa kanyang sasakyan ay kakaibang tingin ang kaagad na ibinigay sa kanya ng guard sa kanilang resto-bar. Lihim namang nangiti si Arcelle, mahihirapan si Dan na tumanggi sa kanya ngayon.
“Good Morning po Mam.” ang nakangiting bati sa kanya ng guard.
Tumango lamang siya dito. Kahit ang mga staff na lalaki na nasa loob ng bar ay labis na humanga sa bagong ayos ng kanilang magandang manager. Dati ng maganda ito sa kanilang paningin ngunit mas lalong gumanda ngayon dahil sa light make-up na ginawa ni Arcelle na mas lalong nagpabata sa kanyang magandang mukha. Lagi din siyang naka-office attire kapag napasok sa trabaho, ngunit ngayon ay isang fitted na bestida na hakab sa kanyang mahubog na katawan ang suot niya. Lahat ng bumati sa kanya ay marahang tango lamang ang isinagot ni Arcelle. Ang kanyang matamis at mainit na ngiti ay ilalaan lamang niya kay Dan, pagpasok mamayang hapon ng binatang labis na nagpapainit sa kanyang sabik na katawan.
“Tang-ina Pre, akala ko the best na si Mika pagdating sa katawan, palaban din pala si Mam.” ang mahinang bulong ng isa.
“Ramdam kita Pre, mukhang dadanak na naman ang maraming tamod sa banyo mamaya dahil kay Mam.” ang sunod naman ng isa.
“Swerte naman ng asawa ni Mam, maganda na ay champion pa ang katawan ni Mam, pangkama talaga.” ang huling sabi ng isa pa.
Sabay-sabay na napabuntung-hininga na lamang ang mga ito, hanggang pantasya na lang sa kanila sina Arcelle at Mika.
*****
Pagkatapos ng huling subject sa umaga ay mabilis na kumain ng light snacks si Dan, at saka nauna ng lumakad siya patungo sa rooftop. Pagdating niya dito ay kaagad siyang sumandal sa pader sa ilalim ng shade. Hawak ang kanyang bag na nasa balikat ay nag-iisip pa din ng mga pag-uusapan nila ni Christine. Kung sasabihin ni Christine na tapos na ang kanilang relationship dahil kay Brandon ay nakahanda na din naman siyang tanggapin, mabigat din iyon sa kanya, ngunit kailangang isa lang ang piliin niya. Huminga siya ng malalim.
Makalipas ang halos mga limang minuto niyang pagkakasandal sa pader habang nakatingin sa labas ng pamantasan ay bumukas ang pinto at lumabas si Christine mula dito.
Paglabas pa lang ni Christine sa pinto ng rooftop ay alam niyang nasa shade si Dan. Hinayan niyang kusang sumara ang pinto at lumakad palapit sa naghihintay na si Dan habang naramdaman niya ang mahinang paglalaro ng hangin sa kanyang alon-alon na buhok. Ngayon ay nakaharap na siya kay Dan na nakasandal naman sa pader. Kapwa sila nakatingin lang sa mata ng isa’t-isa.
“Galit ka ba sa akin Dan? Dahil sa ngyari sa bar?” si Christine sa malumanay na salita.
Habang nakatingin sa magandang mukha ni Christine ay may ilang buhok ang dalaga na gumawi harapan nito. Nilikom iyon ni Dan at saka inalis sa harapan ng dalaga papunta sa likod ng tenga ni Christine.
Nakaramdam naman ng kakaibang kiliti at init si Christine ng muling lumapat sa kanyang balat ang daliri ni Dan. Iba talaga kapag iniibig mo ang isang tao. Ang lahat ng mga ginagawa nito kahit munting bagay lang na maituturing ay malaking kasiyahan na sa kanyang puso.
Umiling naman si Dan. Nasaktan siya, iyon ang totoo, pero ang magalit kay Christine ay wala siyang karapatan. Dahil wala siya sa lugar para magdamdam sa dalaga.
Matiim lang na tumitig si Christine kay Dan, hinahanap ang katotohanan sa mga mata nito.
“Ilang araw ko ng napapansin na you’re upset about something, then ngyari yung situation sa bar. Ngayon kung sasabihin mo sa akin you feel nothing about what happened back there ay hindi ko maniniwala. “ ang madiin na sabi ni Christine.
Sa isip ni Dan ay totoo namang hindi siya galit kay Christine, nasaktan, oo, dahil hindi niya yun maiaalis sa kanya. Bakit siya magagalit sa dalaga gayung nasa puso niya si Angela? Kung maaari nga lang na maramdaman na niya sana ngayon ang bigat ng paglayo ng dalaga tulad ng kay Diane upang makalaya na din siya dito ay mas hahangarin pa niya. Nang sa gayun ay matapos ng maaga ang alalahanin niya sa secret relationship nila ni Christine.
“Christine, magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Alam ko kung bakit secret ang gusto mong relationship natin. Dahil malaki ang magiging kapalit at maaaring mawala sayo kung malalaman ng lahat na isang tulad ko lang ang boyfriend mo. Sa sitwasyon nating dalawa, kahit ilang ulit na mangyari yung sa bar at may kasama kang iba ay wala akong karapatan na magalit. Kung sasabihin mo din sa akin ngayon na kailangan na nating tumigil ay tatanggapin ko pa rin.” ang matapat na paliwanag ni Dan.
“So, meaning, you’re ready to let me go once na nag-decide na akong mag stop na tayo at pumili ng isang tulad ni Brandon.” si Christine na ngayon ay malamig na ang tinig.
Alam ni Dan na maaaring si Christine ang magalit dahil sa mga sinabi niya, ngunit kailangan niyang gawin iyon. At umasa na manatili si Christine sa mundo nito at tuluyan na silang maghiwalay. Ang lahat ng masaya at mainit nilang nakalipas na dalawa ay itatago na lamang ni Dan at babaunin sa kanyang alaala.
Lumapit si Christine ng malapit kay Dan, halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. At sa galit na tingin ay muling nagsalita.
“Don’t expect na something like that will happen Dan. If you think na papayagag akong maghiwalay tayo. Better stop thinking about it now. Kahit na anong mangyari Dan, I will never let you go.” si Christine na hindi maitago ang galit dahil sa sinabi ng binatang labis na iniibig.
Hindi sumagot si Dan, nanatili siyang tamimik na nakatingin lang sa magandang mukha ni Christine na may galit na ekspresyon.
Dahil sa parang walang maririnig na tugon mula kay Dan ay mabilis na niyakap ni Christine ang binata at saka nagpakawala ng mga luha sa dibdib nito.
“Dan, just wait, ok. Darating din ang panahon na makakaya ko na. For now, have patience and just wait for me. Soon, I’ll be ready to face the world together with you.” si Christine na nagsusumamo ng pakiusap kay Dan.
Wala namang nagawa si Dan kung hindi hagurin ang mahaba at alon-alon na buhok ni Cristine. Hindi niya kayang saktan pa ngayon si Christine, kung maaari ay ang hangad ni Dan na si Christine ang kusang lumayo sa kanya. Ngunit sa nakikita niya ngayon sa dalaga ay parang wala pa siyang pag-asa na mangyayari iyon.
“Tahan na Christine. Wag ka ng umiyak. Diba sinabi ko naman sayo na hindi ako galit.” ang pilit na pagpapakalma ni Dan habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Christine.
“I know na hindi ka galit, pero alam ko ding nasaktan kita. I’m so sorry Dan. I’m sorry. “ si Christine habang nakayakap pa din at humikbi sa dibdib ni Dan.
Niyakap na din ni Dan si Christine, kinulong sa kanyang bisig ang malambot nitong katawan. Matagal din silang magkayakap, katahimikan lang at ang pagdama sa bawat pag-ihip ng hangin ang namayani sa kanilang dalawa.
Kusa ng inilayo ni Christine ang kanyang katawan kay Dan ng matapos niyang kalmahin ang sarili. Kinuha ang panyo sa bulsa at upang palisin ang luha sa sariling mata. Ngunit kinuha sa kanya ni Dan ang panyo niyang hawak at ang binata ang nagtuyo ng mga luha niya sa mukha.
“Sorry din Christine kung nasaktan ka sa mga sinabi ko.” si Dan habang nakatingin sa mga mata ni Christine habang pinupunasan ang luha ng dalaga.
Umiling naman si Christine.
“What you said is the truth. I feel hurt and angry dahil alam kong tama ka. But still, I will never let you go. Never Dan, ito ang tandaan mo.” si Christine na nakatingin din sa mata ni Dan.
Malalim na huminga si Dan, hindi pa ngayon ang panahon.
Ibinalik niya ang panyo ng dalaga ngunit hindi iyon kinuha ni Christine. Sa halip ay tumalikod ang dalaga sa kanya, alam na niya iyon, nagiging habit na ito paminsan-minsan ni Christine kapag nasa rooftop sila. Nilikom niya ang lahat ng alon-alon na buhok ng dalaga at saka iyon itinali gamit ang panyo nito. Pagkatapos ay pumihit si Christine paharap sa kanya at kahit bakas sa mukha nito ang katatapos lamang na pag-iyak ay nagpilit pa ding ngumiti.
“How do I look?” si Christine na parang asal-batang nakatingin kay Dan.
“Bagay sayo.” sagot ni Dan na may kasamang tipid na ngiti.
At bahagyang nawala ang tensyon sa kanilang dalawa. Sumandal silang dalawa sa pader, kinuha naman ni Christine ang kamay ni Dan.
“Dan…” si Christine na lumingon sa binata.
Nilingon din naman ni Dan si Christine.
“I miss you Dan. Do you miss me too?” nasa mukha ni Christine ang pag-ibig at pananabik.
Habang nakatingin si Dan sa magandang mukha ni Christine ay lalo siyang nakakaramdam ng bigat sa loob kapag ganito palagi ang dalaga.
Hinawakan niya ang pisngi ni Christine at hinimas iyon habang nakatingin sa mata ng dalaga.
“I miss you too Christine.”
Ngumiti naman sa Christine at saka muling nagtanong.
“I love you Dan. Do you love me too?” ngayon ay nasa sulok ng mata ni Christine ang luha na kanila lamang ay nawala na.
Nakatingin pa din sila sa mata ng bawat isa. Napakabigat ng pakiramdam ni Dan ng mga sandaling iyon. Ang salitang nais marinig ni Christine ay madali naman para sa kanya ang sabihin. Ngunit ang katapatan ng salitang iyon ay hindi kasama ng sumagot siya.
“I love you too Christine.”
At sa minsan pang pagkakataon ay muling naghinang ang kanilang mga labi at nagyakap sila ng mahigpit sa isa’t’-isa.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay masaya na ang pakiramdam ni Christine, mahal pa din siya ni Dan at sabik na din sila sa isa’t-isa.
“Dan, one these days, labas ulit tayo. Let’s make love na ulit, miss na kita ng sobra.” si Christine sa mapanuksong tinig habang mapungay ang matang nakatingin kay Dan.
Tumango naman si Dan.
“Sige, Christine, ikaw mag set ng date, pero may pasok ako tuwing gabi. Sunday lang ang off ko.” kahit si Angela ang tunay na iniibig ni Dan ay talagang mahirap sa kanya ang tumanggi sa mainit na paanyaya ni Christine, lalo na at nakayakap sa kanya ngayon ang malambot nitong katawan at dama niya pagdikit ng malusog nitong dibdib.
Saglit na nag-isip si Christine, may family gatherings na naman sila sa Saturday, at ayaw ng parents niya na lumalabas siya kapag Sunday. Idagdag pang may usapan sila ni Angela na mag-meet ngayong linggo upang maipakilala niya si Brandon kay Angela.
“How about tomorrow Dan? Maaga naman ang last subject natin bukas. Ayaw na din ng parents ko na late akong nauwi, pero since maaga tayong makakalabas bukas. We can spend at least three hours na magkasama tayo.” si Christine na masayang nakatingin kay Dan, umaasa ng pagpapayag ng binata dahil talagang sabik na siyang makapiling muli ito.
“Sige Christine, bukas na lang.” ang nakangiting pagsang-ayon naman ni Dan.
Muli silang naghalikan ng buong pananabik, at pagkatapos ay nagpasya ng bumaba na magkahawak kamay. Binaybay nila ang hagdan pababa ng maalala ni Dan ang sulat ni Carlo. Saglit niyang kinalas ang kamay kay Christine at kinuha mula sa loob ng kanyang bag ang sulat ni Carlo.
“Christine…” sabay abot ni Dan sa dalaga ng sulat.
Kinuha naman iyon ni Christine at napasimangot ng makita kung kanino galing. Tumingin si Christine kay Dan.
“Dan, sa susun-“
Hindi na natapos ni Christine ang sasabihin dahil hinalikan siya ni Dan sa labi ng buong tamis kaya napilitan siyang iyakap ang dalawang kamay sa likod ng binata. Nang maatapos ay malambing siyang nagsalita.
“Dan naman, next time, let me finish kung ano yung sasabihin ko bago mo ako i-kiss, napaka-naughty mo talaga.” ang nakangiting sabi ni Christine.
“Sabi kasi ni Carlo lagyan ko ng sweeteners yung sulat. Kaya yun, nilagyan ko.” ang masayang sabi naman ni Dan.
Muli silang naghawak kamay at muling binaybay ang daan pababa. At ng matapat si Christine sa isang basurahan ay inilagay doon ang sulat ni Carlo. Bago tuluyang lumabas sa may pinto ay muli silang nagyakap at saka mabilis na pinaghinang ang kanilang mga labi.
“Dan, ready yourself tomorrow.” si Christine na talagang labis na nananabik
Tumango naman si Dan. Bumulong si Christine at sa napakainit na boses ay nagsalita.
“Finally, I’m gonna taste your cum tomorrow. Lagi na lang sa pussy ko eh. I want to swallow it this time.” saka lumayo si Christine at binuksan ang pinto.
Minsan pa itong lumingon sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti habang mainit ang kanyang pakiramdam na sumunod dito. Dahil sa kanilang ilang beses na magkasamang dinadama ang init ng katawan ng isa’t-isa ay hindi pa niya iyon naipagawa sa dalaga.
*****
Nag-aayos na si Angela ng mga gamit habang nakatingin kay Dan. Kanina pang tanghali nais niya itong makausap ngunit wala naman ito. Kaya ngayon ay hindi niya inaalis ang mata sa binata. Saglit niyang tiningnan ang barkada nina Christine na nauna ng lumabas. Saka siya lumapit kay Dan.
“Dan, may time ka ba? Can we talk, sa library. Please.” si Angela na halata sa boses ang labis pagnanais na makausap ang kasintahan.
Mabilis na inayos ni Dan ang mga gamit, tumingin sa kanyang orasan, may halos dalawang oras oras pa siya bago pumasok sa trabaho. Mga twenty minutes lamang ang layo ng resto-bar, depende sa traffic.
“Tara Angela.” ang nakangiting sabi ni Dan.
Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga at magkatabi silang naglakad sa hallway. Katulad ng dati ay hindi sila magkahawak ng kamay ngunit magkadikit ang kanilang mga daliri, na nalalayo lamang kapag mayroon silang makakasalubong. Sa pinakadulo sila naupong dalawa ni Dan. Masayang nakatingin lang si Angela kay Dan na abala sa ginagawa nitong pagsusulat. Napansin naman iyon ni Dan, nag-angat siya ng mukha at tumingin kay Angela.
“Dan, it’s been days na parang ang sad mo. But now, you look ok na, so I’m very happy. But a bit sad na rin.” ang nakangiting si Angela.
“Bakit malungkot ka pa din? Ok na naman ako.” si Dan na nakangiti ngunit na-curious talaga sa sinabi ni Angela.
Nawala naman ang ngiti ni Angela, dahil naalala niya si Alyssa na siyang dahilan ng “bit” na sinabi niya.
“Dan, do you know someone named Alyssa?” si Angela na bagaman alam nyang kanya si Dan ay hindi niya maialis na hindi kabahan, maganda si Alyssa at lalake pa din si Dan. At sa iisang lugar sila nakatira.
Iisang Alyssa lamang ang nasa isip ni Dan. Tumango siya kay Angela.
“Anak ng may-ari ng tinitirhan kong kwarto.”
Nagtataka naman si Dan kung paano nalaman ni Angela ang tungkol kay Alyssa.
“Angela, kilala mo ba si Alyssa?”
Napasimangot naman ang maamong mukha ni Angela ng marinig sa labi ng binata ang pangalan ng dalaga.
“I met her a week ago, she seems fine and I like her. Pero sa tingin ko… She likes you too.” ngayon ay nakatingin na si Angela sa mga mata ni Dan. Nangungusap ang kanyang mata, nag-aalala.
Natigilan naman si Dan, napapansin din naman niya iyon kay Alyssa.
“Then sa iisang place pa kayo nakatira. Of course I’m a worried, she’s pretty and charming pa.” si Angela na talagang nagseselos na habang nag-aalala.
Masaya si Dan sa nakikitang parang pagseselos ni Angela, nais niya sanang tumawa ng bahagya dahil sa nakikitang ekspresyon ng maamong mukha ng dalaga. Ngunit pinipigilan niya ang sarili, dahil alam niyang sa sandaling gawin nya iyon ay malaki ang posibilidad na magliliparan papunta sa kanya ang mga nakabukas na libro sa kanyang harapan.
Kinalma niya at pinigilan ang sarili.
“Sa madaling sabi, nagseselos ang girlfriend ko.” si Dan na itinago sa tipid na ngiti ang saya na nararamdaman.
“I have the rights to be worried Dan. We need to solve this now before her affection to you becomes deeper.” si Angela na talagang hindi maitago ang pag-aalala lalo na at kaibigan na niya si Alyssa.
“Ok Angela, madali lang naman ang solusyon. Ipaalam lang natin sa kanya, ganun ka-simple.”
Nakahinga naman ng maluwag si Angela, masaya ang kanyang pakiramdam. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may makakaalam na din ng relationship nila ni Dan at matatapos na din ang pag-aalala niya sa kaibigang si Alyssa.
“Paano natin ipapaalam sa kanya? Gusto mo bang ako ang magsabi o ikaw ang kumausap sa kanya?” ang tanong ni Dan, upang hayaan ang kasintahan ang magpasya.
“I will tell her Dan, let me do it. I have to tell her myself. It needs to be me Dan.”
“Sige, ikaw na lang ang magsabi, mas madali sayo kasi magkaibigan na kayo at pareho kayong babae.”
“Dan, there is still one more thing.”
“Ano pa?” si Dan na natutuwa sa nakikitang saya sa mukha ng dalaga.
Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Angela.
“Dan, I want to see your place. Isama mo ako sa tinitirhan mo. How about tomorrow? Maaga naman ang last subject natin?” ang buong pananabik na tanong ni Angela.
Kinabahan naman si Dan, kita niya sa maamong mukha ni Angela ang nais nitong gawin nilang dalawa sa loob ng kwarto. Nasasabik na din naman siya sa dalaga ngunit may usapan na sila ni Christine bukas. Nag-aalala din siya sa maaaring pagkikita ni Mika at Angela. Madalas namang three to eleven si Mika, ngunit may mga pagkakataon na nagbabago ang schedule nito.
“Angela, maaga ako bukas sa trabaho?” ang pagdadahilan na lang ni Dan, ayaw niyang masira ang usapan nila ni Christine na nasabi na niya sa dalaga.
Nalungkot naman si Angela, na akala mo ay parang bata na iiyak. Tumingin muna si Dan sa paligid, ng mapansin na halos kaunti lang naman ang nasa loob ng library ay hinawakan niya ang kamay ni Angela at marahan niyang hinila ito sa isang tagong lugar.
Itinaas niya ang malungkot na mukha ni Angela. Tiningnan sa mata ang dalaga. At saka niya ito hinalikan ng mainit at matagal. Hindi din naman kinaya ni Angela ang sariling damdamin at kusang yumakap sa binatang labis na iniibig. Nakayakap na din si Dan ngayon kay Angela habang patuloy na magkahinang ang kanilang mga labi. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay muling bumalik ang lungkot sa mukha ng dalaga.
“Dan, I miss you so much na talaga.” si Angela na hindi na kayang itago ang kanyang labis na pananabik sa kanyang kasintahan.
Saglit na nag-isip si Dan.
“Sa Thursday na lang Angela, maaga din naman tayo nun. Ilang araw lang naman.” sa isip ni Dan ay sana ay pang hapon si Mika upang hindi magkita ang dalawa. Dahil tanda ni Mika ang larawan ni Christine, tiyak na magtataka ito kapag nakita si Angela. Kailangan din pala niyang alsin na ang larawan ni Christine sa kanyang wallet para makaiwas sa mga posibleng maging suliranin niya kay Angela.
Mabilis namang ngumiti si Angela, ilang araw lang naman ang kanyang ipaghihintay.
“Promise?” ang nakangiting si Angela na nangingislap ang mata dahil sa saya sa kanyang puso.
“Promise! Pero…” si Dan na sadyang ibinitin ang sasabihin.
Naghintay naman si Angela sa sasabihin ni Dan.
“….walang aircon sa kwarto ko Angela, electric fan lang, baka hindi ka maging komportable.”
Malambing namang napa-giggle si Angela.
“May shower room ba Dan sa loob ng kwarto mo?” ang masayang tanong ng dalaga.
Tumango naman si Dan at nangiting muli si Angela.
“We make love first, then we take a shower, then we make love again, then we take a shower again.” ang masayang nasabi na lang ni Angela, halata pa din sa dalaga ang labis na pananabik, magkakasarilinan na ulit sila ni Dan.
“Angela, nagiging mas mainit ka na ngayon.”
Lumabi naman parang bata si Angela saka muling nagsalita.
“Who’s fault kaya kung bakit ako nagkaganito?”
Nanatili lang silang nakatingin sa isat’-isa. Puno ng pag-ibig ang kanilang mga mata.
“I love you Dan.” si Angela.
“I love you Angela.” si Dan.
At sa hindi na nila mabilang na pagkakataon ay muli na namang mainit na naghinang ang kanilang mga labi habang nanatili sikang magkayakap.
Pagkatapos ng mahaba ding sandali ay naalala ni Dan ang sulat ni Dave. Marahan siyang kumalas sa yakap ni Angela.
“Angela, dito ka lang, saglit lang ako.” saglit na paalam ni Dan.
Nang makabalik na siya ay dala na ang sulat ni Dave at iniabot iyon kay Angela. Biglang nasuya naman si Angela ng makita kung kanino galing ang sulat.
“Dan ha, next-“
Hindi na naituloy ni Angela ang sasabihin dahil sa matamis na halik na ibinigay sa kanya ni Dan at yumakap na lang siya sa binata.
“Lagyan ko daw ng sweeteners yung sulat sabi ni Dave kaya yun, yung halik ko ang pangpatamis.”
“Ikaw talaga Dan, wag ka ng tatanggap ng ganito mula sa kanya ha. I will get angry na talaga next time.”
At muli silang mainit na naghalikan habang magkayakap. Bumalik na din sila sa kanilang lamesa ngunit itinapon muna ni Angela ang sulat ni Dave sa basurahan bago ito naupo.
“Dan, ikaw ang gusto kong magbigay sa akin ng love letter na galing sayo. Write one for me ha.” ang nakangiting sabi ni Angela.
Tumango naman si Dan at nagpatuloy na sila sa kanilang ginagawa.
Nang matapos sila sa library ay magkatabi na ulit silang naglalakad sa hallway papunta sa parking lot.
Katatapos lang ni Alyssa sa kanyang special activity sa lab ng mapansin niyang naglalakad si Angela na may kasama. Masaya siyang sumunod sa kaibigan. Ngunit natigilan ng mapansin na si Dan ang kasama nito. Tahimik siyang sumunod lang sa dalawang naglalakad na magkatabi. At mayamaya ay nakaramdam siya ng matinding pagkabigo dahil sa napansin. Hindi nga magkahawak ng kamay ang dalawa, ngunit naglalaro namang magkadikit ang kanilang mga hinliliit na daliri. Dito na natigil sa paglalakad si Alyssa at malungkot na nakatingin na lamang sa papalayong dalawa. Ngunit saglit na natigilan si Alyssa, bakit parang hindi si Angela ang larawan ng dalagitang nakita niya sa wallet ni Dan kahapon.
*****
Pagpasok ni Dan sa loob ng bar ay kaagad hinanap ng kanyang paningin si Mika. Isang matamis na ngiti ang isinalubong sa kanya ng dalaga na labis na namang ikinasuya ng ibang staff na lalake na nakapansin. Nilapitan ni Dan si Mika at saka nagbaba ng ilang menthol candy sa harap ng dalaga.
“Kailangan mo yan Mika, lalong mangigigil sila sa inis. Ang tamis kasi agad ng ngiti mo sa akin ng makita mo ako.” ang biro ni Dan.
Mula sa counter ay inilapit ng bahagya ni Mika ang mukha kay Dan. At saka nagsalita sa mahinang boses.
“Hayaan mo na sila Dan. Hanggang pagnanasa na lang kasi sila. Samantalang ikaw, nakuha mo na ako at magagawa mo pa lahat ng gusto mo sa akin.” ang mainit na sabi ni Mika na halos pabulong kay Dan.
Mula naman sa malayo ay nag-aalburuto na naman ang mga kontrabida sa buhay ni Dan na kung saan-saan talaga naglipana.
“Laglag panty talaga si Mika kay Dan.” ang sabi ng isa.
“Nakaka-badtrip nga eh. Dapat gawan natin ng problema si Dan para masira siya kay Mam ng maalis na siya dito.” ang sabi ng isa pa.
“Tama yun, baka maunahan pa tayo kay Mika. Mahirap na. Parang palapit ng palapit yung dalawa.” ang sabi naman ng huli.
Nagpatuloy pa sila sa kanilang mga bulungan at natahimik ng lumampas sa kanila si Dan na nagtungo sa may locker roon. Naabutan na naman ni Dan si Alex sa may locker room. Gaya ng dati, nagpapahinga ito habang may hawak na softdrink sa kamay at ngunit may biskwit na ngayon sa tabi, nag-upgrade ng kaunti ang meryenda ng kaibigan niya.
“Musta?” ang bati sa kanya ni Alex.
“Mabuti pa din Pre, maliban dun sa mga kasama nating parang ginawan ko ng masama.” si Dan habang nagpapalit ng damit.
“Sabi ko naman sayo Dan, wag mo na lang pansinin. Sa totoo lang, may gusto din ako kay Mika. Lalake lang ako, kita mo naman si Mika kung gaano katindi. Pero kung ikaw ang magiging syota ni Mika, walang problema sa akin. Maganda si Mika, may itsura ka naman. Mabait si Mika, mabait ka din. Wala akong problema, sila lang mayroon. Hindi matanggap na hanggang pagnanasa na lang sila kay Mika.”
Natahimik naman si Dan, nakikinig lang sa sinasabi ni Alex.
“Pero Dan, ang sa akin lang, bilang isa sa mga may gusto din kay Mika at itinuring ko kayong dalawang kaibigan. Ay kung sakaling magiging kayo ay huwag mong paiiyakin at paglalaruan lang si Mika. Dahil kapag nalaman kong sinaktan mo ang damdamin ni Mika. Ay tinitiyak ko sayo Dan, dalawa o higit pang pasa ang aabutin ng mukha mo sa akin.” nakatawa at nagbibiro si Alex ng sinabi iyon ngunit ramdam niya ang sinseridad ng kausap. Labis nitong lihim na minahal si Mika ngunit tapat nitong tinanggap na wala siyang pag-asa, at sa kanyang huling pagsuko sa katotohanan ay isang banta sa ngalan ng sawing pag-ibig ang kanyang ibinigay kay Dan.
Pagkatapos kong magbihis ay tumayo na din si Alex. Tinapik ako ng parang may naalala.
“Ah, Dan, sabi na pala ni Mam Arcelle. Punta ka daw agad sa office niya pagdating mo.” isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Alex at lumabas na din ito sa may locker room.
Naglakad naman si Dan paitaas, binaybay ang munting hagdan patungo sa opisina ni Arcelle. Wala naman siyang nadaramang kakaiba dahil ilang araw na ding civil at malamig ang pakikitungo sa kanya ng kanilang manager, mabuti na iyon dahil alam niyang may-asawa ito dahil sa suot nitong magandang wedding ring. Nang makarating sa office ay wala ng taong naroon, si Arcelle na lang ang makikita na nasa loob ng opisina nito. Lumapit si Dan sa pinto na may salamin, tiningnan mula sa labas ang maganda nilang manager at saka marahan na kumatok.
(“tok” “tok” “tok”)
Nagtaas naman ng tingin si Arcelle. Sinenyasan niyang pumasok si Dan.
Nang nasa loob na si Dan ay nakita niyang parang mas lalong gumanda at bumata ang mukha ni Arcelle. At ng tumayo ito ay lalong naging mas mahubog ang katawan nito dahil sa suot nitong fitted na bestida.
Lihim namang nangiti si Arcelle sa nakikitang reaksyon sa kanya ni Dan.
“Lagot ka sa akin ngayon Dan. Wala ka ng kawala.” ang malanding nasa isip ni Arcelle.
Lumapit si Arcelle kay Dan at saka tumingin sa mga mata ng binata. Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay niya kay Dan. Isang ngiti na nagpainit sa pakiramdam ni Dan ngunit labis ding nagbigay sa kanya ng kaba. Nate-tense siya sa magkakahalong emosyon na napansin naman ni Arcelle.
“Kinakabahan ka ba Dan?” si Arcelle habang nang-aakit ang tingin na ibinigay sa binata.
Hindi sumagot si Dan. Lumapit naman si Arcelle sa pinto at ini-lock iyon. Tumingin sa labas at saka isinara ang blinds ng parteng salamin sa may pinto. Muling tumapat kay Dan at inilagay ang kanyang mga kamay sa pasalikop sa batok ng binata habang nakatingin sa mga mata nito.
“Halikan mo ako Dan…. “
Hindi naman makakilos si Dan. Mainit ang kanyang pakiramdam ngunit kinakabahan siya.
“Dan, hindi ko na ulit sasabihin ang utos ko sayo. Alam mo ang kapalit. Mag-isip kang mabuti. “
Dahil sa sinabi ni Arcelle ay dahan-dahang bumaba ang kanyang labi sa nakaawang na labi ni Arcelle. Maaari naman siyang tumanggi ngunit hindi niya nagawa dahil sa dalawang dahilan. Mahalaga ang kanyang bagong trabaho sa kanya, at matinding tukso si Arcelle na hindi na kayang tanggihan.
Mainit na naghinang ang kanilang mga labi bago niya naramdaman ang nais ni Arcelle na paglalaro ng kanilang dila. Nalasahan niya sa unang pagkakataon ang mainit at madulas na laway ng kanilang manager na nagustuhan din naman niya. Nang maghiwalay ay kapwa sila nakatingin ng malagkit sa mata ng bawat isa habang nakahawak na ngayon sa baywang ni Arcelle ang magkabilang kamay ni Dan. Ramdam nila ang kapwa pananabik sa nais na gawin ng kanilang mga mainit na katawan.
Kumalas si Arcelle sa kanya, kinuha ang dalawang cardboard folder at inaabot sa kanya ang isa. Binuksan nito ang pinto at saka lumingon.
“Sa store room tayo Dan, hindi pa tayo tapos.” nasa mata ni Arcelle ang pananabik at nasa labi naman nito ang ngiti na may kakaibang kahulugan.
Nagsimula na silang lumakad na magkasunod papunta sa store room. Sa isip ni Dan ay hindi niya napigilan ang emosyon dahil sa sobrang init ng kanyang pakiramdam.
“Tang-ina, mukhang mapapalaban ako kay Mam Arcelle sa loob.” ang mainit at buong pananabik na nasabi na lang ni Dan sa kanyang sarili.
(Ipagpapatuloy…)
Writer’s Note:
“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.
Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”