May usapan ang barkada nina Christine na mag group study sa bahay ni Cherry. Ngunit hindi din naman sila natuloy, dahil naging mini party ang nangyari ng dumating ang grupo ni Carlo na niyakag din pala ni Cherry.
Ngumiti sa kanya si Carlo na hindi naman niya pinansin. Nanatili lang siyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng light drinks.
“Tin, wala ka yata sa mood ngayon?” si Carlo na casual tumabi sa kanya.
Hindi niya ito nilingon o sinagot man lang.
“Sorry na naman oh. Please forget about what happened last time. Hindi na yun mauulit.” ang pakiusap ng binata.
Napilitan na siyang sumagot dito pero hindi pa din ito nilingon.
“Glad to hear that.” ang kaswal niyang tugon.
“Hey, something wrong Tin?” ang tanong ni Carlo ng mapansin na parang wala sa kanya ang buong atensyon ng kaklase.
“Im fine Carlo.”
Nais sanang umakbay sa dalaga ni Carlo habang magkatabi sila. Ngunit isang seryosong tingin ang ibinigay sa kanya ni Christine kaya hindi na niya itinuloy.
“Tin, I think we’re on a stage na pwede ka ng magsabi sa akin ng mga personal na problema mo.”
“May problema lang kasi ako sa bahay. It’s not a big deal naman, so don’t worry about it.” dahilan na lang niya pero ang nasa isipan naman ay ang kaklaseng si Dan.
Inilapit ni Carlo ng bahagya ang mukha kay Christine.
“You know, we can ditch everyone here and go to a place where we can talk about your problem and have some serious fun.” ang mahinang sabi ni Carlo.
Tiningnan niya si Carlo, kahit may “something” na namagitan na sa kanila ay parang nanamlay ang kanyang nararamdaman dito. Noon ay madali siyang sumagot sa mga lalake kahit nung nasa highschool pa lang siya. Lalo na sa mga tulad ni Carlo, dahil parang laro lang sa kanya ang bawat relasyon na napapasukan.
“What do you think?” at saka ipinakita ni Carlo ang susi ng kanyang sasakyan .
Natigil siya sa pag-iisip at dumako ang paningin nila sa bagong dating na si Dave.
“Some other time na lang Carl..” ang mahinang sagot din ni Christine sa paanyaya ni Carlo.
Gumala ang mga mata ni Dave at pagkatapos ay nagtanong.
“Wala ba si Angela? Hindi ninyo pa din napilit na mag-meet kami.” si Dave sa disappointed na boses.
“Sorry Dave, busy yata eh. Next time na lang daw sasama. “ ang sabi na lang ni Carlo sa bestfriend niya.
“Nagmamadali pa naman akong pumunta dito. Whew, what a waste. Wala pa ba talagang boyfriend si Angela?” paniniyak ni Dave sa mga kasama.
Tumayo si Carlo at nilapitan si Dave at saka inakbayan.
“Come on Dave, parang wala kang tiwala sa sarili mo. Sa looks and build mo pa lang, plus being a varsity player. Kung hindi ka lang pihikan, you can get any girl you want…, just not my Christine, okay? She’s mine.” ang may halong birong sabi ni Carlo.
“Well, hindi naman sa pihikan ako, it’s just that, if I’m going to be in a relationship. I want it to be something special.”
“See, kaya match made in heaven talaga kayo ni Angela, she is the type serious din naman sa tingin ko. Just wait for the right moment, and trust me, before this sem is over, may special relationship na kayong dalawa.” ang paniniyak ni Carlo sa kaibigan.
“I hope you’re right Carlo.” ang nakangiting tugon naman ni Dave.
“Grab something for yourself, balikan ko lang si Christine.”
Muling naupo si Carlo sa tabi ni Christine.
“Pwede namang i-approached ni Dave si Angela sa school.” si Christine.
“Not everyone knows this but…, Dave is not the kind to do that thing. You know, he’s not like me.” at saka siya ngumiti sa katabing dalaga. “You may find it hard to believe but Dave never had a girlfriend before. So, it’s kind of difficult for him to do that. Medyo dyahi yung tropa kong yun pagdating sa babae. That’s why…, we’re going to help him. Dave is my friend, Angela is close to you too. See the picture?”
Tumango naman si Christine, dahil sa isang parte ng kanyang isipan ay mas mabuti iyon. Dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi niya gusto ang pagiging close nina Angela at Dan.
“Tin?”
Tiningnan naman ni Christine si Carlo.
“There are some dark places sa likod ng bahay nina Cherry… Wanna have some fun? I promise, not the serious fun.., something like you know…, what we did in my car.”
Tumayo naman si Christine at saka nagsimulang humakbang palayo. Malapit na siya sa may pinto pagawing likuran ng nilingon niya si Carlo at tiningnan ito ng makahulugan bago siya tuluyan ng lumabas.
Si Carlo naman ang tumayo at naglakad sa direksyong pinuntahan ni Christine.
“At saan ka naman papunta?” ang tanong ni Rose kahit alam na niya ang sagot sa tanong niya.
“In a dark place, to do some dark deeds..” at saka siya malapad na ngumiti.
“Be honest nga sa amin Carlo, what’s the real score ba sa inyo ni Christine?” si Cherry.
“Naka-score na ako…, at malapit na akong maka-homerun.”
“Gago!” ang natatawang sabi na lang ni Rose.
*****
Naglalakad si Dan sa may hallway ng sumabay sa kanya si Angela.
“Musta na? I hope na you still remember my name.” bati sa kanya ng kaklase.
Ngumiti si Dan sa kaklase at saka sinagot ang tanong nito.
“Angela.”
Masaya namang ngumiti ang dalaga.
“Thank you for remembering it this time.” at sinabayan ito ng malambing na pag-giggle.
“Paano ko naman makakalimutan eh…” ang pabirong sagot naman ni Dan na hindi na itinuloy ang sasabihin.
“Anong kasunod?” si Angela sa malambing pa din na boses.
Ngumiti na lang siya at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Hindi na din naman siya Pinilit ni Angela. Nais sana niyang sabihin na mahirap makalimutanang isang tulad ni Angela dahil maganda din ito at may maamong mukha na binagayan ng mahaba at tuwid nitong itim na buhok. Normal lang din itong mag-ayos at di makolorete sa katawan. Idagdag pang simpleng lang din itong manamit ngunit mapapansin pa din ang maganda nitong katawan.
“Papunta ka ba ng library?” tanong ni Angela.
“Gusto ko na kasing simulang mag reserach tungkol dun sa bago nating project.”
“May ka-partner ka na ba? Di ba dalawang student ang kailangan mag present.” sunod na tanong nito.
“Mas gusto ko sana kung mag-isa lang akong gagawa. Nasanay kasi ako ng walang inaasahan pag dating sa mga ganitong bagay. Pero dalawa daw ang kailangan na mag present ngayon.”
Saglit na natigilan si Angela, gusto niya kasing sabihin kay Dan na sila na lang ang mag-partner. Pero nauunahan naman siya ng hiya sa kaklase.
Magkatabi silang naupo at sinimulang mag research para sa kanilang project. Habang nagsusulat si Angela nang mga notes ay napatingin si Dan sa mga librong hiniram nito. Napansin niya na iisa ang paksang kinuha nila para sa project.
Makalipas pa ang isang oras mahigit ay nagpaalam na si Dan kay Angela dahil kailangan pa niyang pumasok sa trabaho ng maaga.
“Angela, mauna na ako sa’yo. Malapit nang mag start yung shift ko.”
“Wait lang, sabay na din ako sayo.” at saka nagmamadaling inayos ni Angela ang mga gamit.
Sabay na silang naglakad patungo sa parking lot kung saan naghihintay si Mang Lando, ang sundo ni Angela.
Nang malapit na sila sa sasakyan ay tumigil siya saglit at inaabot kay Angela ang ilang notes na nakatiklop.
“Notes mo ‘yan na naiwan sa table, nagmamadali ka kanina kaya siguro hindi mo napansin.” ang nakangiting sabi ni Dan.
Bahagyang nag-isip si Angela, wala siyang natatandaang nakalimutang mga notes sa table na ginamit nila sa library. Nagpasalamat na rin siya dito.
“Thanks ha. Now were even na.” ang nakangiting sagot ni Angela.
“Pa’no, una na ako. Salamat sa company.” paalam ni Dan.
“Salamat din Dan at ingat ka ha.” sinabayan pa ni Angela ng bahagyang pagtaas ng kamay na ilang ulit ding nag wave sa binata.
Nakalayo na si Dan ng buksan ni Angela ang hawak na mga notes. Napuno ng hangin ang kanyang dibdib dahil sa labis na kasiyahan. Mabilis s’yang tumingin sa direksyon ng binata. Si Dan mismo ang nagsulat ng mga notes na ‘yon para sa kanya, nakadetalye sa papel ang ibang importanteng pointers sa kanyang research na hindi kasama sa isinulat niya. Pero ang dahilan ng kanyang nag-uumapaw na saya ay ang nakasulat sa ibabang parte ng huling papel na hawak niya.
“Kung wala ka pang kapartner, pwede bang tayo na lang?”
*****
Dalawang araw na silang magkasama ni Angela sa library para sa kanilang project. Napapansin ni Dan na hindi na rin sumama si Angela sa barkada nina Christine.
“Di ka na yata sumasama kina Christine?” tanong ni Dan sa kaklase habang magkasabay silang naglalakad sa hallway ng matapos sila sa library.
“Masyado kasi silang mahilig lumabas. Nagiging madalas na yung gimik at happenings nila. At di rin naman gusto nang parents ko na ginagabi ako ng dating sa bahay.” ang sabi na lang ni Angela. Dahil sa totoo lang ay siya na ang may kusang ayaw sumama kina Christine. Mas gusto niyang kasama si Dan kahit na saglit lang. Masaya na siya kapag nakakasama at nakakausap ang kaklase.
“Naiintindihan ko naman, solong anak ka kasi kaya talagang protective sila sayo.” sang-ayon ni Dan sa sinabi nya. Ilang personal na bagay na din kasi ang nalaman nila sa isa’t-isa.
“Kailangan na pala nating bumili ng mga materials para sa visual aids ng presentation natin. How about we go tomorrow?” pang-iiba ni Angela sa usapan.
Nag-isip muna si Dan. May pasok siya sa gabi at kailangan nyang magpahinga sa umaga. Pagkuwan ay tumingin siya kay Angela na naghihintay sa pag sang-ayon niya. Bahagya siyang nangiti sa ekspresyon nito, para kasi itong batang iiyak kapag hindi pinagbigyan.
“Sige, mag meet tayo sa may front entrance ng mall mga around four o’clock ng hapon. Para may tatlong oras tayo para maghanap ng mga gagamitin natin. Para tuloy na din ako sa shift ko pagkatapos.”
“Its settled then. Walang injanan Dan ha! Bawal din ang ma-late.” ang masayang sabi ni Angela.
“Miss Angela Castellano, umasa po kayong darating ako dahil ‘di po ako marunong sumira sa pangako at nakahanda akong maghintay sa’yo ng dalawang oras.” at sinabayan niya pa ng pagtaas ng kanang kamay dahilan para matawa ng bahagya ang kaharap.
“Di ba tatlong oras ang usapan, bakit may natira pang isang oras.” ang natatawa pa ring tanong ni Angela.
“Para may isang oras pa ako para maghanap ng mga kailangan natin kung sakaling makalimutan mo ako bukas.” ang nagbibirong katwiran ng binata.
“Wag kang mag-alala Dan, promise na hindi kita paghihintayin.”
Naghiwalay silang dalawa ng parang nasa ulap ang pakiramdam ni Angela. Ito ang magiging unang “date” nila ni Dan at tiniyak niya sa sarili na hindi ito paghihintayin at darating siya talaga.
*****
Kinabukasan. Nasa hardin at nagbabasa ng dyaryo si Anton, ang daddy ni Angela. Lumapit dito si Alice at inilapag sa table ang dalang kape para sa asawa.
“Anton, inumin mo na muna itong kape mo. Baka lumamig pa yan.” pagkasabi ay umupo ito sa katabing silya ng asawa.
“Hon, wala ka bang napapansin kay Angela?” tanong ni Anton pagkatapos humigop ng kape.
“Napapansin mo din pala. Lagi na s’yang masigla ngayon.”
“Natutuwa nga ako eh, kaya lang ‘di kaya may iba pang dahilan. She’s almost eighteen and not a child anymore.”
Natahimik si Alice, ayaw nyang sabihin sa kabiyak na iyon din pakiramdam niya. Na may iba pang dahilan kung bakit ganun na lang ang pagiging masigla at masayahin ni Angela. Bahagyang natigil sa pag-uusap ang dalawa ng mapansin ang papalapit na anak.
“Good morning!” ang masiglang bati ni Angela sa mga magulang sabay halik sa pisngi ng mga ito. Umupo sya sa may bakanteng silya at nakangiting tumingin sa ama.
“Angela, kilala ka na namin ng mommy mo. If you want something, don’t hesitate to tell us. Basta ‘wag mo lang sasabihin sa amin na may manliligaw kang papasyal dito ngayon.” ang pabirong sabi ni Anton sa anak.
“Si Daddy naman, baby pa po kaya ako.”
“Then anong kailangan ng baby namin?”
“Dad, may panibagong project po kasi kami, kailangan kong bumili ng mga gagamitin para po sa visual aids. Papahatid po sana ako kay Mang Lando mamayang four o’clock sa may mall.”
Tumingin sa kanya ang ama na para bang binabasa ang nasa isipan niya. Di niya nagawang matagalan ang tingin na iyon ng ama. Batid nya kasing hindi papayag ang mga ito kapag nalamang kaklaseng lalaki ang kakatagpuin niya mamaya.
“Angela, are you going there alone? Or may kasama ka? I want a truthful answer Iha.” ang magkakasunod na mga tanong ni Alice.
Kinakabahan man ay nagsabi na din ng totoo si Angela dahil hindi siya sanay na nagsisinungaling sa mga magulang niya.
“Yes Mom, partner ko po sa project. Pero don’t worry po, I assured you naman po na he’s a very nice guy.”
“So lalaki pala ang kasama mo?” ang seryosong sabi ni Anton na itinigal ang pagbabasa.
Natigilan naman siya at bahagyang tumango. Hindi na siya pwedeng magkaila pa.
“Hindi kami ipinanganak kahapon Iha. At alam mo na rin siguro ang sagot namin ng mommy mo.”
“B-But Dad, maghihintay po sya sa akin mamaya at isa pa, ako po ang nag-set ng lakad namin. It’s purely school related matter naman po talaga.” ang pagsusumamo ni Angela sa ama.
“Angela, please don’t be so stubborn, alam mo naman na ayaw namin ng mommy mo na lumalabas ka na may kasamang ibang lalaki. Not unless it’s Lance, papayag kami or if mga classmates mong babae ay wala ding problema.” ang malumanay na pahayag ng kanyang ama.
“Pero Dad, saglit lang naman po kami eh. Wala po ba kayong tiwala sa akin?” ang parang maiiyak ng sabi ng dalaga. Para kasing nauubusan na siya ng pag-asang papayagan siya ng ama. Bahagya siyang tumingin sa kanyang ina na para bang humihingi ng tulong dito.
“Angela, ‘di ka namin hinihigpitan. Concern lang kami sa’yo.” ang naiiling na lang na wika ng kanyang mommy.
“Bakit ‘di ka na lang gumawa ng list at ibigay mo kay Mang Lando? At si Mang Lando na lang ang magbibigay sa kaklase mo kasama ng share mo sa budget.” suhestyon na lang ng kanyang daddy.
Di na napigilan ni Angela ang namumuong luha sa sulok ng kanyang mga mata. Pinalis niya ang mga butil na iyon sa kanyang mga mata na nagbabadya na sanang magmalibis sa kanyang pisngi.
“Its okay po. Don’t bother Dad. Hindi na lang po ako aalis.” ang sabi ni Angela sa mababang boses. Pagkasabi niyon ay tumayo na sya at mabilis na pumasok sa bahay.
Naiwan na lang na napapailing si Anton at malungkot namang nakatingin si Alice, alam nila ang nararamdaman ng nag-iisang anak. At alam na nila din ngayon ang dahilan ng pagiging masigla ni Angela, ang kaklaseng kakatagpuin nito mamaya. Ayaw nilang makaramdam ng lumbay ang nag-iisang anak, ngunit kung hindi lang din naman ang binatang nais nila para sa anak ang kakatagpuin ni Angela ay mas nanaisin pa nilang manatili na lang ito sa kanilang tahanan.
*****
Bago inilapat ni Dan ang pagod na katawan sa katre ay sinigurado niya munang wala siyang nakalimutang gawin. Tapos na syang maglinis ng kwarto , maglaba ng damit at gumawa ng mga assignments. Wala naman siyang schedule na trabaho ngayong araw, subalit kailangan niyang mag-overtime para ipang-dagdag sa budget sa pag-aaral. Magkikita din sila ngayon ni Angela, maaga siyang aalis mamaya kaya nagpasya na siyang magpahinga na.
Sa kanyang isipan ay tuksong naglalaro naman ang magandang imahe ni Christine. Ang kaklaseng lihim na sinisinta, kung kailan niya masasabi at maipaparamdam dito ang espesyal na nadarama ay panahon na lang ang makapagpapasya. Ngunit sa mga sandaling tulad nito, kahit sa isipan man lang niya ay magkasama silang dalawa.
Bahagya na siyang napapapikit ng may kumatok sa pinto ng kwarto. Bumangon siya at tinungo ang pinto. Bumungad sa kanya si Diane, ang magandang dalagitang anak ng kanilang kasera. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa ayos ng dalagita. Naka spaghetti strap lang kasi ito at naka short ng maiksi, hindi naman kasi ito ganito manamit kapag nasa labas o may ibang tao, pero bakit parang sa kanya lang.
Nakangiti ito sa kanya na parang nahihiya at nasa likod ang dalawang kamay.
“Diane, may kailangan ka ba?” bating tanong ni Dan.
“Kuya Dan.. Ano.. Ipinapasabi ni Mama kanina bago siya umalis, yung upa nyo dito sa kwarto ni Kuya Edwin. Kailangan na daw kasi ngayong katapusan.” ang sagot naman ng dalagita sa mahina at nahihiyang boses.
Huli kasi sila ni Edwin ng pagbabayad nung nakaraang buwan dahil sa dami ng kanilang pinagkagastusan.
“Salamat Diane, sabihin mo sa Mama mo na wag mag-alala. At tiyak na maiiabot namin yung bayad ng maaga ngayong katapusan.”
Ngunit hindi pa din umaalis ang dalagita sa harap ng pinto na para bang may nais na gawin pero nag-aalangan.
“May kailangan ka pa ba?” tanong ni Dan.
Huminga ng malalim si Diane at saka inilabas mula sa likod ang isang tupperware.
“Kuya Dan, wag mong sasabihin kay Mama. Para sa inyo ni Kuya Edwin” at saka pilit na iniabot sa kanya ang isang tupperware na kahit hindi sabihin ay alam niyang pagkain ang laman.
“Salamat Diane. Anong okasyon?” ang nakangiting tanong ng binata.
“Birthday ko ngayon, kaya nagluto si mama.”
“Happy Birthday.” ang masayang bati ni Dan kay Diane.
Tumingin si Diane sa kanya ng ilang saglit at pagkatapos ay inilapit ang pisngi sa binata.
“Diane?” si Dan na may pagtataka bagaman nahihiwatigan ang nais niyang gawin sa pisngi nito.
Namula naman ng bahagya ang dalagita bago nagsalita.
“K-Kapalit Kuya ng tupperware.”
Nang parang hindi magbabago ang isip nito at kahit parang nag-aalangan siya sa sarili ay ginawaran pa din ni Dan ng bahagyang halik sa pisngi si Diane.
Ngumiti naman ito sa kanya pagkatapos.
“Salamat Kuya Dan. Yun na yung pa-birthday mo sa akin.” ang masayang sabi ni Diane.
Ngumiti ng matamis kay Dan si Diane at saka ito lumakad na pabalik sa bahay. Naiwan naman si Dan na nakatingin lang sa papalayong dalagita habang hawak ang medyo mainit pang tupperware ng pagkain. May kabang namamahay sa dibdib ni Dan, kabang may halong init na hindi niya kayang itanggi sa sarili. Dahil isang tukso ang tulad ni Diane na alam niyang mahirap na labanan.
(Ipagpapatuloy…)
Author’s Note : Do give “Likes”, “Hearts” and “Comments”, if you appreciate my story.
Donation Request: Please do consider giving small donation to support my writings so that I can write more . SmartLoad or GCash lang po. MagPM lang po sana ang nagnanais na tumulong. Salamat po ng marami.
Copyright @ 2020 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED.